MIRA:
TANGHALI na nang magtungo kami ni Shiela sa plaza. Nauna na nga doon sina Tatay at mga kapatid nito dahil tinanghali na kami ng gising. Nakasunod naman sa amin ang mga bodyguard ko.
"Ang taray. May pa-billboard?" tudyo nito sa akin na madaanan namin sa papasok sa plaza ang malaking billboard ko bilang si Miracle.
Naka-sideview ako sa larawan na may suot ding mask kaya hindi kita ang mukha ko. Nakasulat din dito ang karatulang 'Welcome to Ilocos, ms Miracle Madrigal!'
Hindi na kami nagtaka na mas trumiple pa ang dami ng tao dito sa plaza na ngayon na ang huling araw ng fiesta. Hirap kaming makapasok ng parking area na halos wala na kaming maparadahan.
"Do you think it's a good idea na magpakita dito si Miracle?" tanong ko dito habang pinaparada ang kotse.
"No worries, Mira. Kinausap na ni Sir Adam ang mga kapulisan dito. Nag-backup din sila ng ilang team mula sa kasundaluan at swat para sa kapakanan mo. Parating na rin dito ang ilan pang karagdagan ng bodyguard mo mula sa mansion." Saad nito na ikinatango ko.
Hindi naman kasi talaga ako lumalantad sa publiko bilang si Miracle. Kaya nga hindi ko pinapakita ang mukha ko sa publiko eh. Para mapanatili ang seguridad ko at malayang gumala na walang naghihinalang isa akong heredera.
Tanging malalapit na kaibigan at pamilya lang namin ang nakakaalam ng mukha ko. At ang mga kasama naming bodyguard at katulong sa buong compound ng pamilya Madrigal. Lahat naman sila ay nakatikom ang bibig. Kaya kahit may mga nagtatangkang bayaran sila para maglabas ng larawan ko ay hindi nila ginagawa.
Napabuga ako ng hangin na kinalma ang sarili. Inabutan naman ako nito ng bottled water na ininom ko.
"Gusto mo bang dito muna tayo? Baka mamaya mahilo ka. Ang dami pa namang tao," saad nito na ikinailing ko.
"It's okay. Kinakabahan lang ako para mamayang gabi. Baka kasi. . . alam mo na. Mabigo ako kay Mikael," pagtatapat ko na ikinabuntong hininga nito ng malalim.
"Kalma ka lang. Sa pagkakakilala ko kay Kuya Mikael? Hindi ka no'n bibiguin, Mira. Hindi ka niya ipagpapalit sa kahit na sino." Pagpapalakas ng loob nito sa akin na ikinangiti ko.
"Salamat."
"Ikaw pa ba?"
"Tara na," pag-aya ko na nagsuot na ng sunglasses at sumbrero.
Bumaba na kami ng kotse at nakipagsiksikan sa mga tao dito sa plaza. Katulad ng nakagawian namin, simpleng damit lang ang suot namin para hindi kami agaw attention sa mga tao. Nakasuot ako ng army green na cargo pants, black rubber shoes, black crop top at army green jacket. Gano'n din si Shiela pero iba lang ang kulay ng suot nito.
Magkahawak kamay kami na naglibot-libot dito sa plaza. Nagkalat ang booth sa magkabilaang gilid ng kalsada para sa mga vendor ng souvenir, laruan ng mga bata at mga nagtitinda ng meryenda. Sa gabi naman ay bukas ang peryahan at ilang rides na nandito. Plano nga naming sumakay sa mga rides mamaya, pero syempre kapag kasama na namin si Mikael.
Kinalabit ko ito na maalala si Mikael. Bumibili kasi ito ng buko juice dito sa gilid ng kalsada at naiinitan na kaming dalawa sa dami ng tao.
"Bakit?" tanong nito na iniabot sa akin ang buko juice ko.
"Puntahan natin si Mikael?" tanong ko na ikinangisi nito.
"Mis mo na?" tudyo nito na ikinaiwas ko ng tingin at nag-init ang mukha ko.
"Hindi naman sa gano'n."
"Eh bakit pa natin pupuntahan? Hindi mo naman pala mis eh. Maglibot na lang tayo," sagot nito na ikinabusangot ko.
Napahagikhik pa ito na niyakap ang isang braso ko at inakay ng nakipagsiksikan sa mga tao. Pero lihim akong napangiti na papunta naman kami sa munisipyo!
"Silipin lang natin ha? Tiyak na abala 'yon ngayon." Saad nito na ikinatango ko.
Napalapat ako ng labi na nag-iinit na kaagad ang mukha. Buong magdamag ay laman ng isipan ko ang namagitan sa amin kagabi ni Mikael. Ang hinalikan ko siya sa pisngi!
Napasipsip ako sa straw ng buko juice ko na makadama ng pagkauhaw na maalala na naman ang panghahalik ko sa kanya kagabi. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa nagawa kong iyon. Kahit nahihiya akong humarap sa kanya ay mas nangingibabaw naman ang kagustuhan sa puso ko na makita ito ngayon.
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng munisipyo kung saan ang opisina ng mayor. Naigala ko ang paningin at natigilan na may mahagip ang paningin ko na pamilyar na mukha!
"Shiela," pagtawag ko dito na nakamata sa lalakeng nasa tapat ng pinto ng opisina ni Mikael.
"Hmm?"
Nagtatanong ang mga mata nitong nilingon ako na inginuso ang tinitignan ko. Napasunod ito ng tingin sa nginuso ko at dama kong natigilan din ito sa nakita.
"Bakit nandito siya? Hindi ba't hindi naman siya naniniwalang ikaw si Miracle?" bulong nito na ikinalunok ko.
"Ewan ko. Baka naman. . . hindi ako ang sadya niya. Malinaw naman sa kanya na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal sa kanya eh," sagot ko.
"Halika, harapin natin."
"Kinakabahan ako."
"Relax, Mira. Kasama mo ako. Isa pa, si Allan lang 'yan." Bulong nito na pinag-intertwined ang mga daliri namin.
Kabado ako na lumapit sa gawi ni Allan. Wala din naman kaming pamimilian ni Shiela at si Mikael ang sadya namin dito.
Natigilan pa ito na magsalubong ang mga mata namin at bahagyang nangunot ang noo na mapatitig sa akin.
"Mira?" anito.
"What brings you here, mr Raymundo?" casual kong tanong na ikinangisi nito.
"It's none of your business, Mira." Sagot nito na napasuri pa ng tingin sa kabuoan ko, sabay iling.
"Ang sama mong makatingin ah. May problema ka ba sa kaibigan ko?" paninita ni Shiela dito na napataas ng isang kilay.
"Wala naman. Natatawa lang ako. Kasi itong kaibigan mo?" anito na tinignan ako sa mga mata. "Sabihan ba naman ako na siya raw si Miracle Madrigal. Isn't it so funny?" saad nito na nang-uuyam ang tono.
Napalunok ako na napatingin sa paligid namin. Mabuti na lang at abala ang mga tao at hindi napansin ang sinaad ni Allan na pagbanggit sa pangalan ko.
"Gano'n ba?" ani Sheila na ngumisi dito. "It's not our lost kung hindi ka naniniwala sa kanya. Pero. . . bakit nandito ka sa probinsya namin? Hindi kaya. . . sinusundan mo talaga ang kaibigan ko?"
Natawa naman ito na tila may nakakatawa sa sinabi ni Shiela.
"Ahem!" tikhim nito na inayos ang kwelyo ng polo. "It's not about her. Nagpunta ako dito dahil bali-balita na pupunta rito si ms Miracle Madrigal." Saad nito na napatingin sa akin na ngumisi. "The one and only, Miracle Madrigal. At hindi ang pekeng kini-claimed na siya si ms Miracle." Paturnada nito na nakamata sa akin.
"Well, hindi naman ikaw ang pinuntahan dito ni ms Madrigal eh. Kaya bakit ka pa nag-aksaya ng oras mo, mr Raymundo?" saad ni Shiela dito na ngumisi sa amin.
"Dahil si Miracle lang naman. . . ang mapapangasawa ko. At hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Kaya pinuntahan ko siya dito na nalaman kong pupunta siya dito ngayon." Sagot nito na ikinatawa namin ni Shiela.
"Okay. Good luck then," natatawang saad ni Shiela dito.
Sakto namang bumukas ang pinto at niluwal no'n ang lalakeng sinadya namin dito. Si Mikael.
"Kuya!" pag-agaw pansin ni Shiela dito na ikinalingon nito sa amin at nagulat na makita kami.
"Oh," singhap nito na lumapit sa amin. "Hi, girls. Kumain na ba kayo?" tanong nito na ikinangiti namin.
Bumitaw na ako kay Sheila na sinadyang yumapos sa baywang nitong natigilan at napalunok. Napapasulyap na rin sa amin ang mga tao dito sa munisipyo na nagbubulungan. Marahil dahil ngayon lang nila nakitang may dalagang nakayakap ngayon sa mayor nila.
"Samahan mo naman kaming kumain, hmm?" paglalambing ko na ikinangiti nitong napaakbay sa akin.
"Sige ba. Okay lang ba sa inyo d'yan sa labasan?" tanong nito na ikinatango namin ni Shiela.
"So. . . siya ang pinuntahan mo dito?" napalingon kami kay Allan na nagsalita ito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang hidwaan sa paningin nila ni Mikael. Na tila may malalim silang hidwaan. Sa uri pa lang ng tinging ginagawad nila sa isa't-isa ay tila naghahamunan na sila ng pàtayan.
"Yes. Do you have a problem about that?" mataray kong tanong na ikinangisi nito.
"Wala naman, Mira. Actually, bagay kayo. Parehong mga talunan. Isang pipitsuging mayor. . ." anito saka bumaling sa akin. "At isang anak ng katulong. Oh 'di ba? Bagay na bagay kayong dalawa. Mga losers." Pang-uuyam nito na ikinaningkit ng mga mata ko.
Ramdam kong nanigas si Mikael na naikuyom ang kamao pero kalmado lang ito lalo na't nakatingin sa amin ang mga tao.
"Okay. Sabi mo eh. Tama ka naman d'yan, Allan. Bagay kami ni Mikael. Bukod sa gwapo, matangkad, at makisig siyang binata? May ginintuan din siyang puso. Bagay na wala sa'yo. Kaya nga hindi ka pumasa sa akin eh. Dahil kumpara kay Mikael? Walang-wala ka sa kalingkingan niya," aniko na napailing ditong napalunok. "I will never choose a trash over the diamond," makahulugang saad ko na ngumisi at napataas ng kilay dito bago hinila na si Mikael.
Dinig pa naming napamura ito na hindi na namin pinansin pa. Lihim akong napangiti na napahiya ito at hindi nakabawi sa amin dahil iniwan na namin.
"Mira, kilala mo siya?" bulong nito habang pababa kami ng munisipyo.
Nakasunod naman sa amin si Shiela na tahimik na nakikinig. Saka ko lang napansin na sa amin na pala nakamata ang mga tao. Mabuti na lang at nakasuot pa rin ako ng sunglasses dahil ang iba ay kinukunan na kami ng pictures.
"Uhm, yeah." Tipid kong sagot. "Eh ikaw, kilala mo ba siya personally?" balik tanong ko dito na tumango.
"Oo. Siya ang. . . half brother ko."
"A-ano?"