Kabanata 15

1710 Words
MIRA: PARA akong nabunutan ng tinik sa dibdib na matapos ang patimpalak at maayos akong nakapag paalam sa lahat. Inihatid din ako ni Mikael sa van namin. Naghihintay naman dito sa loob si Shiela na suot ang katulad sa suot kong dress at mask. Kaagad akong nagbihis ng simpleng pantalon at white shirt. Black sneakers at black cap. Maging ang make-up ko ay binura ko gamit ang wet wipes ko. Naiiling naman sa akin si Shiela na siyang kasama ko dito sa van. "Kapag hindi sumipot si Kuya sa akin, tutuloy na ako sa bahay, okay?" anito na ikinatango ko. "Mag-iingat ka." "Ikaw din." Pasimpleng humarang si Adam sa may back door ng van at doon ako pumuslit na bumaba habang naglalagay ito ng ilang bagahe. Napakindat ako ditong nangingiting napailing lang na hinayaan akong lumusot sa maraming tao. Kaagad kong tinawagan si Mikael habang nakikipag siksikan ako sa mga tao dito sa plaza. Tumuloy ako sa tapat ng haunted house dito sa harapan ng peryahan para madali niya akong mapuntahan. "Mira? Nasaan kayo?" tanong nito na ikinangiti ko. "Uhm, nandito ako sa tapat ng haunted house sa may peryahan. Tuloy ba tayo?" tanong ko na napalapat ng labi. "Oo naman. Palabas na nga ako ng munisipyo eh. Hintayin niyo ako d'yan. Pababa na ako," sagot nito na ikinangiti kong. . . ako nga ang pinili at hindi si Miracle. "Sige. Hintayin kita dito." Sagot ko na ibinaba na ang linya. Marami pa ring tao dito sa plaza, bukod sa hindi pa tapos ang palabas at may mga especial guest ding live band. Hinihintay din ng marami ang fireworks display mamayang hatinggabi. Idagdag pang nakabukas na ang peryahan at mga rides kaya marami pa ring tao. "Nasaan si Shiela?" Napapitlag ako na may humawak sa braso ko. Napalunok ako na mapatingala ditong napagala ng paningin sa paligid. "Uhm, may sariling lakad eh." Sagot ko na ikinabaling nito sa akin na nagtatanong ang mga mata. "Iniwan kang mag-isa dito?" nag-aalalang tanong nito na ikinatango kong pilit ngumiti. "Tara na. Rides tayo," pag-iiba ko na hinila na ito sa kamay. Natigilan ako na hindi ito kumilos kaya napalingon ako dito na nagtatanong ang mga mata ko. Napangiti naman ito na dahan-dahang pinagsalinop ang mga daliri naming ikinababa ko ng tingin sa kamay naming magkahugpong. Bumilis ang t***k ng puso ko na hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa nito. Humakbang na ito na ikinatingala ko ditong nangingiting nakamata sa akin. "Date natin, remember?" kindat nito na ikinalapat ko ng labing nagpipigil mapairit. Bumili muna kami ng ticket sa booth. Kinikilig pa ang mga kasabayan namin na makilala ang mayor nila na may ka-holding hands. Tinutudyo pa nila ito na nakikisabay. "Dito talaga?" bulong nito na pumila kami sa rides ng horror train. Napahagikhik ako na tumangong yumakap sa braso nito. Kakamot-kamot naman ito sa batok na naiiling. "Hwag kang sisigaw ha? Kapag natakot ka mamaya sa loob, magkubli ka lang sa akin," bulong nito na ikinatango ko. Hindi ko maitago ang saya at kilig na nadarama ko sa mga oras na ito. He choose me. Mas pinili niyang ako ang samahan ngayong gabi kaysa sa isang katauhan ko. Si Miracle. Naupo kami sa pinakadulo ng train. Kabado ako at excited na subukan ang rides na 'to. Nang mapuno na kami, umandar na itong pumasok sa tunnel. Hiyawan ang mga kasama namin habang kami ni Mikael ay pa-chill-chill lang na magkatabi dito sa sulok. Magkahawak ang kamay at kinikilig na nagpapakiramdaman. Pagpasok namin ng tunnel, bahagya ng dumilim dito. Bumagal na rin ang patakbo ng train at nakakatayo ng balahibo ang sounds effect dito sa loob na talaga namang pang-haunted. Napapasigaw na sa nerbyos at takot ang mga kasama namin na may mga taong naka-costume ng zombie dito sa loob ng tunnel. May manananggal, tyanak, kapre at white lady. Naiiling naman ako na pinapanood lang ang mga itong nadaraanan namin. Hindi naman na ako takot sa mga gan'tong bagay. Sanay na kami ni Shiela. Mas malala pa nga ang ibang pinasok namin sa araw mismo ng mga patay dahil totoong haunted house ang mga pinapasok namin, o kaya nago-overnight sa mga cemetery. Napababa ako ng tingin sa kamay namin ni Mikael. Sobrang higpit na kasi ng pagkakahawak nito sa kamay ko na hindi nito napapansin. Nilingon ko ito na ikinahagikhik kong namumutla ito na halos hindi kumikilos sa kinauupuan. "Okay ka lang, mayor?" tudyo ko na makalabas na ng tunnel ang train. Malalalim ang paghinga nito na kitang pinagpapawisan na sa noo nito. Nangingiti naman akong nakamata dito na halatang kabado at natatakot. "Yeah. I am. Ako pa ba?" sagot nito na napakindat pang ikinahagikhik ko. Muling umikot ang train at pumasok na naman ng tunnel na ikinasigaw ng mga kasama namin. Kung kanina ay nadaanan lang namin ang mga zombie at mga nilalang dito sa loob ng tunnel, ngayon ay humaharang na sila na ikinawawala ng mga kasama namin sa takot sa mga ito. Natatawa naman akong pinapanood ang mga ito na nagsisiksikan sa gitna, hwag lang mahawakan. Hanggang sa huminto dito sa gitna ng tunnel ang train at nagsilapit na ang mga ito dito sa gawi namin. "Holy fvck!" Napakurap-kurap ako na napasigaw si Mikael na may dumamba sa likuran nito. At dahil nakapwesto kami sa sulok ay madali nila itong nahawakan. "s**t! Get off me!" hiyaw nito na mahigpit na napayakap sa aking itinatago ang mukha! Napahalakhak ako na nakukurot itong nakasubsob na sa kaselanan ko. Mabuti na lang at nakapantalon ako. Pero sobrang higpit ng yapos nito sa baywang ko na dama kong natatakot din katulad ng mga kasama namin dito sa loob! Tila tuwang-tuwa naman ang mga naka-costume na halos hindi na magkandamayaw sa kasisigaw ang lahat, maliban sa akin. Dahil maski ang mayor ng bayang ito ay heto at sumisigaw na rin na pinapalayas ang mga humahawak sa aming zombie! PULANG-PULA ang mukha nito na hinihingal paglabas namin ng horror train na sinakyan namin. Hindi ko mapigilang matawa na tudyuin itong halos kasingpula na ng hinog na kamatis ang mukha. Bumili kami ng juice sa gilid na kaagad nitong ininom at hingal na hingal pa rin. "Ayos ba?" tudyo ko dito na pinaningkitan akong napisil ang ilong ko. "Anong ayos? Halos mapaos na ako kakasigaw. Habang ikaw, tawang-tawa ka pa," ingos nito na ikinahalakhak kong yumapos na sa baywang nito. Umakbay naman ito sa akin na dinala na ako sa food court kung saan nakahilera ang booth ng mga nagtitinda ng snacks. Bumili kami ng barbeque, isaw, beta max at chicken neck na pumwesto sa gilid. May mga nakahilera din naman ditong bench wood na may mga mesa. Magkatabi kami na nagsimulang kumain. "Gusto mo ba sa iba?" tanong nito habang kumakain kami ng barbeque. "Nope, okay na ako dito. Ang saya nga eh." Sagot ko na ikinangiti nito. Matapos naming kumain at nakapagpahinga ay naglakad-lakad na muna kami dito sa plaza. Kahit lumalalim na ang gabi ay hindi ko maramdaman ang pagod at antok ko na kasama ko si Mikael. Hawak-hawak pa nito ang kamay ko na para lang kaming magkasintahang nagdi-date ngayon dito sa plaza. Hanggang sa dumating ang alasdose ng gabi. Hinila ako nito may kalayuan sa mismong plaza. Medyo madilim dito na wala ng ilaw pero tanaw namin sa ibaba ang mga taong nagkukumpulan. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko na napapalinga pa ito sa paligid namin. Bigla akong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib ko lalo na't kaming dalawa lang ang nandidito. Tanging ang ilaw sa poste sa ibaba namin ang nagbibigay liwanag dito sa kinaroroonan namin. "Just a minute, Mira. Mas maganda kasi dito na pwesto." Saad nito na inilawan pa ang kinatatayuan namin ng cellphone nito. Hinubad nito ang suot na jacket at inilatag sa lupa. Napalunok ako na lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko. Naupo ito doon na hinila ang kamay ko na pinaupo sa tabi nito. Umakbay pa ito sa akin na ikinasinghap kong hindi makakilos. "Okay ka lang?" pabulong tanong nito na ikinatango ko. "O-oo naman." Mahinang sagot ko. Napasulyap pa ito sa cellphone at saktong nagbibilang na ang timer para mag-alasdose ng gabi. "Three. . .two. . .one." Anas nito kasabay ng pagtunog ng fireworks display na sunod-sunod na sumabog sa ere. Napasunod ako ng tingin sa mga fireworks at halos lumuwa ang mga mata na may mabasa akong letra doon! Napatayo pa ako na napakurap-kurap dahil baka namalikmata ako pero malinaw na malinaw ang nababasa ko sa ere! "Mira, will you be my girl?" Napalingon ako kay Mikael na nandoon pa rin ang katagang iyon at tiyak na nababasa na iyon ng lahat dahil patuloy ang pagsabog ng fireworks sa ere. Ngumiti ito na kinuha ang kamay kong ikinalunok ko. Para akong maiihi sa halo-halong emosyong nadarama ko sa mga sandaling ito lalo na't matiim itong nakatitig sa akin. "Mira, alam kong kamakailan lang tayo nagkakilala. Hindi kita pipiliting sagutin na ako ngayon. Gusto ko lang malaman mong. . . gusto kita." Pagtatapat nito na ikinangilid ng luha kong nakamata dito. Hinaplos ako nito sa ulo na matamis na ngumiting nakatitig sa mga mata ko. "Kung mamarapatin mo, nakahanda akong manligaw sa'yo. At kahit mapasagot kita," anito na napakalambing sa pandinig ko ang tono. "Liligawan pa rin kita." "M-Mikael." Tanging sambit ko na nakamata ditong nagniningning ang mga mata. "Gusto kita, Mira." Saad nito na dinala sa mga labi ang kamay ko at masuyong hinagkan ang palad ko. "Gustong-gusto." Tuloy pa nito. Tumulo ang luha ko na nakamata dito. Luha dala ng labis-labis na ligayang nadarama na marinig ko rin sa wakas sa mga labi niya ang bagay na iyon. Na gusto niya ako. "G-gusto din kita, Mikael." "T-totoo?" Tumango ako bilang sagot na ikinaaliwalas ng gwapong mukha nito na napalapad ang ngiti! "Ibig bang sabihin. . . sinasagot mo na ako?" paninigurong tanong pa nito. Nag-iinit ang mukha ko na tumangong ikinahiyaw nitong napatalon pa sa tuwa na napasuntok sa ere! "Yes!" hiyaw nito na tuwang-tuwang parang bata. Napairit ako nang yumapos ito sa baywang ko na nagpaikot-ikot pa habang yakap ako! Napayapos na rin ako sa batok nito na nangingiting nakamata dito. Nanatili naman itong karga ako kaya nakatunghay ako sa kanya. "Gusto kita, Mira. Gustong-gusto kita," puno ng sensiridad nitong pagtatapat na ikinayuko kong. . . tuluyang inabot ang kanyang mga labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD