Kabanata 16

1502 Words
MIRA: NAG-IINIT ang mukha ko na nag-iwas ng tingin dito matapos kong mariing hinagkan ito sa mga labi. Nahihiya ako sa kanya. Pero mas nananaig ang kilig ay saya na nadarama ko sa mga sandaling ito. I want to cherish this moment with him. Dahil ito ang unang gabi. . . na official na kaming dalawa. "Mira, tumingin ka sa akin," paglalambing nito. Maingat ako nitong ibinaba. Nahihiya man ay pilit kong sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Kakaiba ang kinang ng mga ito na bakas ang tuwa sa kanyang mga mata. "Gustong-gusto kita, Mira." Malambing saad nito na marahang hinaplos ako sa pisngi. Parang sasabog ang puso ko sa ribcage nito na muli nitong sinambit ang katagang gusto niya ako. "G-gustong-gusto din kita, Mikael." Mahinang sagot ko, sapat na para marinig nito. Lalong nagningning ang mga mata nito na matiim na nakatitig sa akin. Hanggang sa unti-unting bumaba ang tingin nito sa nakaawang kong labi na napalunok. "C-can I. . .kiss you, Mira?" malambing pamamaalam nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. Lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na marahang tumango dito bilang sagot. Napakapit ako sa laylayan ng polo nito na unti-unti itong yumuko. Namigat ang talukap ng mga mata ko na napapikit nang dumapo ang malambot at mainit niyang mga labi sa aking labi. Halos hindi ako humihinga na ninanamnam ang labi nito. Napakabanayad nitong humalik na marahang sinisipsip ng salitan ang mga labi ko. Ingat na ingat ang bawat paghagod nito na ikinalalambot ng mga tuhod ko. Para akong mabubuwal at maiihi sa kilig at saya na nadarama ko sa mga sandaling ito. He gave justice to my first kiss. Gustong-gusto ko kung paano niya inaangkin ang mga labi ko. Na tumatagos sa puso ko. "Kiss me back, Mira." Pabulong anas nito. "H-hindi ako marunong," mahinang sagot ko na ikinangiti nito. "Follow my lead, misis ko." Bulong nito na muling inabot ang mga labi ko. Parang may sariling pag-iisip ang kamay ko nang kunin niya ito at dahan-dahang iniangat na ipinapulupot sa batok nito. Napabuka ako ng labi na marahan nitong kinagat ang ibabang labi ko. Inaral ko kung paano nito inaangkin ang mga labi ko. Hanggang sa kusang gumalaw ang labi ko na ikinatigil nitong napapisil pa sa baywang ko. Salitan kong sinipsip ng marahan ang kanyang mga labi na mahinang ikinaungol nito. Hanggang sa ipasok nito ang dila sa bibig ko na gumalugad sa bawat sulok. Nag-iinit ang mukha ko pero ayoko namang tumigil ito sa panghahalik sa akin. "Uhmm." Hindi ko napigilang napaungol na lumingkis bigla ang dila nito sa dila ko! Nanghina ako na napasandal dito. Naramdaman naman nitong nanghihina ako na mas ikinahigpit ng pagkakayapos nito sa baywang ko. Mas lalo pa nitong pinalalim ang halikan namin na halos higupin na nito ang buong bibig ko! Naghahabol hininga kaming napabitaw sa isa't-isa na kapwa namumungay ang mga mata. Matamis itong nakangiti na hinaplos ako sa pisngi at mariing hinagkan sa noo bago ikinulong sa bisig nito. Napapikit ako na may matamis na ngiti sa mga labi. Ang sarap pala sa pakiramdam na makahalikan mo ang taong gustong-gusto mo. Lalo na ang magpakulong sa mainit at mabangong bisig nito. MAGKAHAWAK kamay kami ni Mikael na umuwi. Inihatid pa ako nito sa bahay nila Sheila. "Uhm, pumasok ka muna, Mikael. May. . . may pag-uusapan pa kasi tayo." Saad ko na ikinatango nito. Pumasok kami ng bahay at naabutan si Shiela na nandito. Nakasuot pa rin ito ng dress na katulad sa suot ko kanina, at may mask din. Ramdam kong napahigpit ang hawak ni Mikael sa kamay ko na malingunan nito ang dalaga na akala nito ay si Miracle. Nangingiti naman si Shiela na malingunan kami at napasulyap pa sa kamay naming magkahawak. Hinila ko ito palapit kay Shiela na matamang nakatitig sa amin. Naupo kami kaharap ito na napahalukipkip pa. "Uhm, pwede mo ng tanggalin 'yan, ano ka ba?" aniko na ikinahagikhik nitong dahan-dahang ibinaba ang maskara na ikinatayo ni Mikael na namimilog ang mga mata! "Shiela!? Ikaw si Miracle!?" bulalas nito na hinawakan ko sa kamay at sinenyasang maupo. Napapalunok itong nilingon ako na namutla at mukhang nahihinulaan na nito ang mga nangyayari. Napahinga ako ng malalim na malamlam ang mga matang nakatitig dito. "Hindi ako si Miracle, Kuya. Sige na, mag-usap na kayo. Inaantok na talaga ako eh." Pamaalam ni Shiela sa amin na umakyat na ng silid. "I-ikaw si Miracle Madrigal?" halos pabulong tanong nito na ikinatango ko. "Yes, it's me. I am Miracle Madrigal. The mysterious heir na nagkukubli ang katauhan sa maskara. Hwag ka sanang mailang sa akin. Ako pa rin ito, si Mira na minahal at nagustuhan mo." Mahinang paliwanag ko ditong nangilid ang luha na kita ang kabiglaan dito. "Sana maintindihan mo ako. Kung bakit ako nagtatago ng mukha. Para iyon sa seguridad ko. At para malaya din akong nakakalabas na parang ordinaryong dalaga lang." Dagdag ko. Ilang minuto itong natahimik na malalim ang iniisip. Hindi na rin ako makaapuhap ng sasabihin pa dito. Hanggang sa napahinga ito ng malalim na nilingon ako. "Mas gusto ko si Mira. Si Mira kasi ang mahal ko eh." Saad nito na lumamlam ang mga mata. Napangiti ako na inabot ang kamay nito na pinagsalinop ang mga daliri naming ikinapisil nito sa kamay ko. "Ako pa rin ito, Mikael. Minsanan lang mag-exist sa mga tao si Miracle. Dahil nabubuhay ako. . . bilang si Mira." Mahinang sagot ko na nangilid ang luhang napahaplos sa pisngi nito. "Yong kasama ko kanina, 'yong sinalubong ko sa stage at katabi ko sa mesa na naging hurado sa mga contestant, i-ikaw ba iyon?" tanong nito na marahang ikinatango ko. Namula ito na napalunok at nag-iwas ng tingin na ikinasilay ng pilyong ngisi sa mga labi ko. "Ako 'yong dinahilanan mo na idadate mo ang girlfriend mo." Tudyo ko pa na ikinapikit nitong napalapat ng labi. "Fvck." Mahinang mura nito na ikinahagikhik kong niyakap ito. "Hwag ka ng magtampo, mayor ko. This is my way to protect myself. At para din sa kalayaan ko. I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo kung sino ako," seryosong saad ko na ikinalingon nito sa akin. Matamis akong ngumiti dito hanggang sa unti-unting naglaho sa mga mata niya ang takot at pag-aalala. Napahaplos pa ito sa pisngi ko na ngumiting hinagkan ako sa noo. "It's okay. I truly understand. At salamat, Mira. Salamat sa tiwala. Alam kong hindi madali sa'yo na ipagtapat sa akin ang totoong katauhan mo." Maalumanay nitong saad na bakas ang sensiridad sa tono at mga mata na ikinangiti ko. "Thank you, Mikael." Tugon ko na ikinangiti na rin nitong niyakap akong muli. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na hindi ito nagalit sa akin na naglihim ako ng totoong katauhan ko dito. Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap na tahimik na nagpapakiramdaman. Hanggang sa kumalas na rin ito na napapisil sa baba ko at mabilis akong hinagkan sa mga labing ikinapikit ko. "Mahal kita, Mira. Maging sino ka pa. Mahal na mahal kita," puno ng sensiridad nitong anas na muling inabot ang mga labi ko. Napayapos ako sa batok nito at dahan-dahang tinugon ang halik nitong sabay naming ikinaungol. Banayad at masuyo ang bawat paghagod ng mga labi nito at nananatili lang din sa baywang ko ang kamay nito. Kinikilig akong nagsumiksik sa leeg nito na naghahabol hininga sa malalim at may katagalan naming halikan. "Malalim na ang gabi, misis ko. Magpahinga ka na," bulong nito na ikinatango ko. Inalalayan na ako nitong tumayo. Napayakap ako sa baywang nito na inihatid pa ako nito hanggang sa tapat ng pinto ng silid ni Shiela. Napatingala ako dito na hinaplos ako sa ulo. Nagniningning ang aming mga mata na nakangiting nakatitig sa isa't-isa. Muli itong yumuko na inabot ang mga labi kong ikinayapos ko sa batok nito at buong pagmamahal kong tinugon ang masuyong halik nito. "Goodnight, misis ko, I love you so much." Anas nito na mariing hinagkan ako sa noo. Nag-iinit ang mukha ko na hindi maitago ang kilig na nadarama ko lalo na't matiim itong nakatitig sa akin. "I love you too, mayor ko." Sagot ko na ikinalapat nito ng labing pinamulaan ng pisngi. Tumingkayad ako na hinagkan ito sa pisngi na napapikit pang lalong pinamulaan. Napahagikhik naman ako na niyakap itong muli. Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap hanggang sa kumalas na ito at tuluyang nagpaalam. KINIKILIG akong napahaplos sa labi ko habang nakahiga na ng kama. Mabuti pa si Shiela at humihilik na. Habang ako? Isang oras na akong nakatulala sa kisame pero hindi pa rin dalawin ng antok. Sobrang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko at parang nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Mikael na nakalapat sa mga labi ko. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mga naging halikan namin. Kung paano niya sipsipin ang mga labi at dila ko. Na hindi manlang ito nandidiri na hinihigop ang laway ko at iniinom. Napakasarap niyang humalik na ikinababaliw ng sistema ko. Hindi tuloy ako makatulog na ito ang akupado ng isipan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD