MIRA:
NANATILI pa kami ni Shiela dito sa probinsya nila. Kasama na rin namin si Mikael sa pamamasyal sa weekend. Nalibot na namin ang buong Ilocos at mga kalapit bayan nito. Maging sa hundred islands ng Pangasinan ay narating na namin. Umakyat din kami ng Baguio at nag-stay sa hotel ng dalawang araw.
"Kailangan pa ba nating lumabas?" reklamo ni Mikael na ikinahagikhik ko.
Napagkasunduan kasi namin ni Shiela na mag-bar ngayong gabi. Hindi naman makatanggi si Mikael at kaming dalawa ni Shiela ang nasusunod.
"Maiwan ka na lang dito, kung wala ka sa mood, mayor ko." Sagot ko na lalong ikinalukot ng gwapong mukha nito.
"Mas lalo namang ayoko. Ang dami namang pwedeng puntahan eh. Bakit kasi sa Bar pa." Nakangusong saad nito na kitang labag sa loob na sumama sa amin ni Shiela.
"Mira, ito ang suotin mo para terno tayo," saad ni Shiela na inihagis sa akin ang isang strapless dress na ang iksi!
Namilog ang mga mata ni Mikael na kaagad inagaw iyon sa akin na namula na makita kung gaano ito ka-revealing!
"What the fvck, Shiela!? Isang tuwad mo lang dito, kumaway na ang. . .ang--urgh! Magpantalon kayo!" pagalit nito na pulang-pula na ang mukha.
Nagkatawanan kami ni Shiela na hindi na maipinta ang mukha nitong pinaningkitan kaming dalawa.
"Kuya naman. Bar 'yong pupuntahan natin. Normal lang naman na sexy ang suot ng mga pupunta doon ah," kunwari'y reklamo ni Shiela dito para subukin ang pasensiya nito.
"Hindi. Walang lalabas na ganyan ang suot niyo." Maawtoridad nitong sagot na ikinahagikhik namin ni Shiela.
Hindi naman talaga kami nagsusuot ng mga revealing clothes. Sinusubukan lang nito ang pasensiya ni Mikael. Kahit kasi mainit ay gusto nitong nakapantalon o sweatpants kami ni Shiela. Ayaw niyang nasisilipan kami sa mga suot namin.
Naiiling akong nagsuot ng all black high waist tattered jeans na pinaresan ko ng crop top at converse shoes. Gano'n din si Shiela kaya kahit paano ay lumambot na ang facial expression ni Mikael.
Nakabusangot pa rin ito na labag sa loob ang pagsama sa amin ni Shiela sa BCS na kilalang Bar dito sa Baguio. Ayaw kasi nito na umiinom kami ni Shiela, lalo na't babae kami. Pero wala din naman itong nagawa na nagpumilit kami ni Shiela na magpunta sa Bar.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng hotel. Mabuti na lang at hindi nagkataon na maulan ngayon dito sa Baguio. Ang sarap maglakad-lakad lalo na't napakalamig ng klima dito.
"Ang ganda dito noh? Ligtas magpagala-gala kahit gabi na," saad ko na ikinangiti nito.
"Yeah. Tahimik at kitang disiplinado din ang mga tao," sagot nito.
Dumaan na muna kami sa kilalang park dito sa Baguio na katapat lang ng hotel kung saan kami nag-stay. Sa Burnham park. Alasnueve na ng gabi pero may mga mangilan-ngilan pa ring namamasyal dito sa parke. May mga security guard din naman ang paikot-ikot para mapanatili ang kaligtasan ng mga turista dito sa loob ng park.
"Shie," pagkalabit ko kay Shiela na katabi ko.
Nandito kami ngayon sa harapan ng lake sa gitna ng parke. Bumili naman ng kape namin si Mikael. Nasa paligid lang din ang mga bodyguard ko kaya kampante kaming maiwan dito sa parke.
"Hmm?"
Napalapat ako ng labi na ikinaningkit ng mga mata nito.
"Uhm, pwede bang samahan mo muna si Adam?" saad ko na ikinataas ng kilay nito sa akin.
"Bakit?"
"Ano ka ba? Para masolo ko naman ang pinsan mo." Ungot ko na ikinailing nito.
"Magseselos na ba ako kay Kuya? Mukhang mas gusto mo na siyang makasama kaysa sa akin ah," pagtatampo kuno nito na ikinahagikhik kong yumakap sa braso nito.
"Sige na, hmm? Pagbalik natin ng Ilocos, abala na naman siya eh." Paglalambing ko pa na napakurap-kurap ditong naiiling napitik ako sa noo.
"Ang lantod," ingos pa nito na nangingiti.
"Idate mo na muna si Adam doon," tudyo ko na ikinalingon nito sa gawi nila Adam.
"Ayoko nga. Ibinenta mo pa ako sa bodyguard mo."
"Bakit? Ano ka ba? Ang gwapo kaya ni Adam," tudyo ko pa dito na napaikot ng mga matang nagpipigil mapangiti.
"Magtigil ka nga. Alam mong boyish ako at. . . " anito na pinisil ang ilong ko. "Ikaw ang gusto ko."
Impit akong napairit na nakurot itong napahalakhak. Alam ko naman iyon. Boyish si Shiela at noon pa man niya sinabing gusto niya ako. Hindi naman 'yong gusto na ipagpipilitang maging kami. Masaya na siya na magkasama kami at maganda ang friendship namin. Kaya nga hindi ako nito matiis sa tuwing naglalambing ako sa kanya. I am her weakness. Hindi niya ako kayang tanggihan. Kaya nga sa lahat ng kalokohan ko ay nasa tabi ko lang ito. Pinagtatakpan kina Mommy kapag alam niyang mapapagalitan ako.
Mabilis kong hinagkan ito sa pisngi na namilog ang mga mata at dama kong nanigas siya sa ginawa ko.
"Please? Samahan mo na doon sina Adam. Isang oras lang, hmm?" paglalambing ko na masulyapang parating na rin si Mikael.
"Haist." Ingos nito na napipilitang tumayo.
Napahagikhik ako na ikinailing nitong nagpipigil mapangiti. Napasunod ako ng tingin dito na sinalubong si Mikael at kinuha ang kape nito bago nagtungo sa kinaroroonan nila Adam.
Napalapat ako ng labi na tumayo na rin at hinintay makalapit si Mikael. Napalingon pa ito sa gawi nila Shiela na nagtatanong ang mga mata sa akin.
"Bakit nandoon 'yon?" tanong nitong nito na iniabot sa akin ang kape ko.
Nagkibit balikat ako na inabot ang kape ko na marahang naglakad. Sumunod naman ito na sinasabayan ang maliliit kong paghakbang.
"Gusto mo bang mag-boat tayo?" alok ko na nakamata sa lake sa harapan namin.
"Hindi ba delekado, misis ko? Iilan lang ang ilaw sa lake oh," anito.
"Hindi 'yan. Tara." Sagot ko na hinila na ito sa kamay.
Hindi naman ito umangal na nagpatianod sa akin. Nilapitan namin ang bangkero na mag-isang nakabukas ang mga rented boat dito sa lake dahil gabi na rin.
"Yes, Ma'am, Sir? Boat po ba?" magalang tanong nito na ikinatango namin.
"Yes, please?" sagot ko na ikinatango nito.
Pinapili niya kami ng boat at pinili ko ang duck boat na pang dalawahan lang at depedal.
"Misis ko, baka naman tumaob tayo ha?" nag-aalalang saad nito na ikinahagikhik ko.
"Relax, mayor ko. Para ka lang nagbibisekleta." Sagot ko na sinasabayan ang pagpedal nito.
Nagtungo kami sa gitna ng lake. May mangilan-ngilan din naman na kasama namin ditong nagbabangka din dito sa lake kahit gabi na. At puro mga couple.
Sumandal ako sa balikat nito na pinagsalinop ang mga daliri namin. Dama kong kabado ito na panay ang pagtikhim. Tahimik dito sa kinaroroonan namin. Medyo madilim, sapat lang para maaninag namin ang isa't-isa. Medyo malamig din dahil nasa lake kami kaya ang sarap sumiksik sa bisig nitong kay init.
"A-anong ginagawa mo?" pabulong anas nito na lumipat ako sa tabi nito at nagpakanlong sa kanya.
"Nilalamig ako. Yakapin mo kaya ako," reklamo ko na ikinalunok nitong wala nang nagawa na naupo ako sa lap nito at parang paslit na nagpakulong sa bisig nito.
"s**t. Titigasan naman ako," mahinang reklamo nito na ikinalapat ko ng labing nag-init ang mukha.
"Ano?" kunwari'y 'di ko narinig.
"Wala. Ikaw talaga," sagot nito na mas niyakap pa akong napahagikhik na nagsumiksik sa leeg nito.
"Ang bango mo, mayor." Bulong ko na sinisinghot-singhot ito sa leeg.
"D-dati pa naman ah," mahinang sagot nito na napipisil ang baywang ko.
"Mas mabango ka ngayon," bulong ko na hinahalik-halikan ito sa leeg.
"Misis ko naman," nagrereklamong ungol nito na sinipsip ko ang panga nito.
Dinig na dinig ko kung paano ko ito napapalunok sa bawat pagdampi ng labi ko sa balat nito. Napapapisil din ito sa baywang ko at dama ko ang unti-unting pagtigas ng sandata nitong inuupuan ko.
"M-Mira," nahihirapang ungol nito na yumakap ako sa batok nito at tuluyang inabot ang kanyang mga labi.
Hindi naman ito umangal na tinugon ako ng mas malalim at mas mapusok! Halos hindi ko masabayan ang bawat paghagod ng mga labi nito na dama kong nanggigigil. Napapahaplos na rin ito sa likuran ko na ikinaiinit ng katawan ko!
"Uhmm. . . M-Mikael," mahinang ungol ko na bumaba sa panga ko ang kanyang mga labi.
Napakapit ako sa balikat nito na napapikit sa kakaibang sensasyong nadarama ko. Napatingala ako na hinayaan itong sipsipin ang leeg at panga ko na mahinang ikinaaalpas ng ungol sa labi ko.
"M-Mikael," ungol ko na muli nitong inabot ang mga labi ko.
Dama ko ang panggigigil sa halik na ginagawad nito ngayon sa akin. Napakapusok nitong humalik na napapapisil na rin sa baywang ko. Mas lalo pang tumigas ang umbok nitong inuupuan ko na lalong ikinadadarang ng nararamdaman ko.
"Fvck," anas nito na naghahabol hiningang niyakap ako ng sobrang higpit!
Napangiti ako na nagsumiksik ditong katulad niya ay naghahabol hininga.
"Bumalik na tayo, misis ko. Habang kaya ko pang magpigil," bulong nito na ikinatango ko.
Maingat akong lumipat sa upuan ko katabi ito at umikot na muna kami ng lake bago ibinalik ang bangka sa may-ari. Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng parke. Sumunod naman na sina Shiela sa amin na naiiling sa akin. Hindi ko alam kung nakita nila ang mapusok naming halikan ni Mikael kanina dahil madilim naman ang kinaroroonan namin. Idagdag pang nasa gitna kami ng lake kaya tiyak akong malayo kami sa pwesto nila.
Naglakad lang kami na nagtungo sa Bar. Malapit lang naman kasi ito at hindi naman delekadong maglakad-lakad dito sa Baguio kahit gabi na. May mangilan-ngilan kaming kasabayang naglalakad at marami pa rin namang sasakyan.
Ilang minuto kaming naglakad na sinabayan nito ang maliit kong hakbang, bago nakarating ng Bar na sadya namin. Marami ng tao sa loob at halo-halo ang amoy ng perfume, alak at sigarilyo. Pumwesto kami sa may counter. Inalalayan naman ako nitong makaupo sa highchair katabi ito.
"Beer lang ha? Ayokong umiinom ka ng hard," bulong nito na inabot sa akin ang isang san mig.
Nangingiti kong inabot iyon na kaagad tinungga. Nakurot naman ako ni Shiela na naupo sa tabi ko. Sa likuran nito ay nakaalalay si Adam na bahagya pang yumuko sa akin.
Napataas ako ng kilay kay Mikael na napaakbay ito sa akin. Nagpipigil mapangiti na iniiwasan ang mga mata ko.
"Kamay mo, mayor."
"D'yan lang 'yan. Marami na namang matang nakatutok sa'yo." Sagot nito na ikinahagikhik kong nakurot ito sa tagiliran.
"Umiiral na naman pagiging seloso mo."
"Naman, misis ko."