Kabanata 9

1724 Words
MIRA: SOBRANG bilis ng t***k ng puso ko na pinagpapawisan ng malamig. Kahit nakabukas ang aircon ng silid at bagong ligo pa lang ako ay para akong naiinitan. Napatalon pa ako sa gulat na muling mag-vibrate ang cellphone ko at nabasang si Mikael ang nag-message. Mariin kong nakagat ang ibabang labi na binuksan ang message nito. "Hwag mo nga akong pag-trip-an, Sheila. Pero pwede ko bang kunin ang number ni Mira sa'yo?" Halos lumuwa ang mga mata ko na napairit sa reply nito! Lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso ko na kinukuha nito ang number ko kay Sheila. Hindi ko alam pero. . . ang cute lang. At the same time ay nakakakilig din. Si Mikael pa lang ang nakakagawa no'n sa akin. Ang makadama ng excitement at kilig na kinukuha nito ang cellphone number ko. Hindi naman ito bago sa akin. Na may kumukuha ng cellphone number ko. Pero wala akong maramdamang kilig at excitement. Higit sa lahat? Hindi ko ibinibigay ng basta-basta ang cell number ko. "Ako nga kasi ito. Maloko ang pinsan mo. Sinadya niyang number ko ang ibigay sa'yo," reply ko sa message nito. Mariin kong nakagat ang ibabang labi. Palakad-lakad dito sa silid na hinihintay ang reply nito. Maya pa'y nag-ring ang cellphone ko na halos ikaluwa ng mga mata kong tumatawag ito! Ilang beses akong tumikhim at napabuga ng hangin na kinakalma ang puso kong napapairit sa loob ng ribcage ko. Napapikit ako na humugot ng malalim na buntong hininga bago sinagot ang tawag nito. "Yes?" saad ko na pilit pina-normal ang boses ko. "Ikaw nga? Number mo nga ito?" sagot nito sa kabilang linya. Shit! Bakit ang sexy naman ng boses niya!? "Ahem! Yeah. It's me." Sagot ko. "Oh," singhap nito na ikinangiti ko. Nahiga na ako ng kama na hindi mapigilang mapangiti habang nakalapat sa tainga ko ang cellphone ko. "Nakaistorbo ba ako?" anito. "Pasensiya ka na ha? Nahihiya kasi akong kunin ang cellphone number mo kanina eh." Saad pa nito. "It's okay. Pero sa susunod. Hwag ka ng mahiya sa akin." Sagot ko. "Walang mangyayari kung nagkakahiyaan tayo," pabulong saad ko. "Ha? Pakiulit nga," anito. "Ahem!" Para akong nahimasmasan sa naisatinig ko. Napatampal ako sa noo na mariing nakagat ang ibabang labi. "Wala. Ang sabi ko, hwag ka ng mahiya sa akin. Para hindi tayo nagkakailangan." Pagbawi ko. "Sige. Susubukan ko. Salamat ha? Hindi ka naiilang sa akin." Napangiti ako sa isinagot nito. "Wala iyon, mayor. Hindi ka naman bastos at mayabang na kausap kaya masaya akong makakwentuhan ka," sagot ko. "Hayaan mo, pagkatapos ng fiesta ay hindi na ako gano'n kaabala. Ililibot ko kayo ni Shiela sa mga kalapit bayan dito sa amin. Kung. . . okay lang sa'yo." Wika nito na ikinangiti ko. "Oo naman, mayor. Hindi namin tatanggihan ni Sheila ang offer mo. Maganda na rin iyon para may kasama kaming lalake na aalalay sa amin." Sagot ko na parang sirang nangingiti. Napalingon ako sa banyo na bumukas ang pintuan at lumabas na si Sheila na tapos ng maligo. Pinaningkitan ko ito na napataas ng kilay sa akin at nagtatanong ang mga mata. "Uhm, sige ha? Baka inaantok ka na. Maaga ka pa bukas 'di ba?" pamamaalam ko at nandito na si Sheila. Dinig kong napatikhim ito mula sa kabilang linya. "Sige. Magpahinga na rin kayo at alam kong pagod kayo sa byahe." Tugon nito. "Uhm. . . goodnight ulit, Mira." "Goodnight. Sleep well." Ibinaba ko na ang linya na hindi maikubli ang ngiti ko. Mabuti na lang at abala si Sheila na tinutuyo ng hair blower ang buhok nito. Ini-save ko na muna ang number ni Mikael sa phone book ko bago itinabi sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko. "Sino 'yon?" tanong ni Sheila na naglalagay na ng moisturizer sa katawan. Pinaningkitan ko ito na nagtatanong ang mga mata sa akin. "Ikaw. May atraso ka sa akin ha?" aniko. "Ha? Anong atraso?" nagtatakang tanong nito. "Bakit number ko ang ibinigay mo kay Mikael?" Napangisi ito na nagtaas ng kilay na lalong ikinaningkit ng mga mata ko dito. "Ah. So, si Kuya pala ang kausap mo. Kaya pala abot tainga ang ngiti mo eh." Tudyo nito na ikinamilog ng mga mata ko! "Hoy, hindi kaya!" Napahagikhik ito na napailing sa akin. Nagsuklay na ito ng buhok bago tumabi sa akin dito sa kama. "Mabait naman si Kuya Mikael, Mira. Masaya ako na magkasundo kayo. Kahit hindi mo aminin sa akin, kita ko ang kakaibang kinang sa mga mata mo. At gano'n din naman si Kuya Mikael sa'yo." Seryosong saad nito na ikinangiti ko. "Sheila, gusto ko siya." Wala sa sariling saad ko. "Alam ko. Kilala kita, Mira. Ngayon ka lang ganyan sa isang lalake. Hindi kita pipigilan. Dahil alam kong mabuting tao si Kuya Mikael. Pero ire-remind lang kita ha?" anito na ikinalingon ko dito na nakamata sa akin. "Kung may pag-asa si Kuya sa'yo? Sabihan mo ako para matulungan ko pa kayong magkalapit. Pero kung laro lang ito sa'yo, Mira. . .hwag mo ng ituloy. Parang kapatid ko na si Kuya Mikael at masyado siyang mabait. Hindi niya deserve na mapaglaruan ang damdamin niya." Pagpapaalala nito na bakas ang sensiridad sa mga mata. Kinuha nito ang kamay ko na ginagap iyon. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa mga mata ko ng diretso. "Hindi ba't plano mong sumabak sa international pageant? Alam ko at malakas ang kumpyansa kong masusungkit mo ang korona. Kaya isipin mo rin si Kuya. Kapag lalo siyang nahulog sa'yo. Nandito siya sa Ilocos. Habang ikaw ay nasa Manila. Kung saan-saan tayo tumitira kapag may lugar kang nais mapuntahan." Wika nito. "Kapag naging beauty queen ka na? Ilang buwan ka ring iti-trained para sa pagsabak mo sa international pageant. Magkakalayo kayo ni Kuya. Alam kong pangarap mo ding maging beauty queen, Mira. At sinusuportahan kita sa bagay na 'yan. Pero kasi. . . mayor si Kuya dito. Marami siyang obligasyon. At ayokong maapektuhan ang trabaho niya. Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko?" anito. Tumango ako bilang sagot. Alam ko naman ang pinupunto nito. Na kung hindi ako seryoso kay Mikael, hwag ko na itong paasahin. Alam ni Sheila na mahilig akong magpaasa sa mga lalake. Kahit wala akong planong sagutin ang mga ito. Kaya naiintindihan ang punto niya. Na iba ang Kuya Mikael niya. At ayaw niyang maapektuhan ito kapag binasted ko na. "Hindi ko naman siya paaasahin sa wala, Sheila. Hwag kang mag-alala. Kikilalanin ko siya habang nandito tayo. Tingin ko naman ay. . . ay pareho kami ng nadarama ni Mikael." Sagot ko na ikinangiti nitong sumandal sa balikat ko. "Hindi ka magsisisi kung sakali at bigyan mo siya ng pagkakataon na maging kasintahan mo, Mira. At masaya ako para sa inyong dalawa." Saad nito na ikinangiti ko. KINABUKASAN ay tinanghali na kami ng gising ni Shiela. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Nauna itong bumangon na pumasok sa banyo. Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at napangiting may dalawang message ako mula kay Mikael. "Good morning." "Sarap ng tulog natin ah?" Napahagikhik ako na mabasa ang magkasunod niyang text na hindi kaagad ako naka-reply. "Good morning, mayor. Kakagising lang." Reply ko na bumangon na ng kama at inayos ang higaan namin ni Sheila. Paglabas ni Sheila sa banyo ay pumasok na rin ako para gawin ang morning routine ko. "Ang ganda ng gising natin ah?" tudyo nito na pangiti-ngiti akong lumabas ng banyo matapos magsepilyo at hilamos. "Halata ba?" "Sobra." Nagkatawanan kaming nag-apiran na lumabas ng silid. Panay ang sulyap ko sa cellphone ko at tinitignan kung may reply na si Mikael pero wala. Mukhang abala na ito sa trabaho. "Magandang umaga po, Nay. Si Tatay po?" pagbati ni Sheila na maabutan namin dito sa kusina si Nanay. "Magandang umaga, Nay." Pagbati ko rin. Napangiti ito na malingunan kami at sinenyasan kaming maupo na. "Nasa sakahan na ang Tatay niyo. Anihan na kasi sa susunod na linggo ng gulay na pananim natin kaya abala sila ngayon sa sakahan." Sagot ni Nanay habang pinagtitimpla kami ng kape ni Sheila. Inabot nito ang nilagang saging na saba at binalatan iyon bago iniabot sa akin. "Tikman mo. Masarap iyan sa kape." Saad nito na ikinatango ko. Bumaling naman na ito kay Nanay. "Sinabihan ko na po kayo, na hwag ng magtrabaho si Tatay sa sakahan. Ayokong nagpapagod kayo na kaya ko naman kayong buhayin." Saad nito na nagbalat din ng nilagang saging. Inilapag ni Nanay ang kape namin sa harapan namin na ngumiti pa sa amin. "Kilala mo ang Tatay mo, anak. Sinabihan ko na siya at noong nakaraan ay panay ang pagkirot ng sentido niya. Pero matigas ang ulo eh." Sagot nito. "Kaya nga may mga tao kayong kinukuha na magtrabaho sa sakahan para hindi na kayo magpagod ni Tatay. Magpahinga na lang kasi kayo dito sa bahay. Hindi ko naman kayo gugutumin eh." Saad ni Sheila habang nagkakape kami. "Nakakahiya na nga sa'yo, anak eh. Ikaw na ang bumubuhay sa amin. Kaya nahihiya din ang Tatay mo sa'yo na ikaw na umaako sa responsibilidad namin. Una, ikaw ang nagbayad sa mga titulo ng lupain natin na naisangla sa bangko. Itong bahay na naipatayo namin, mula rin sa sahod mo. Ang mga kinakain namin at ang pag-aaral ng dalawang kapatid mo, ikaw na ang umaako." Sagot ni Nanay na pinaghain kami ng agahan. "Wala naman pong kaso sa akin, Nay. Gusto ko ang ginagawa ko. Kaya nga ayokong nagtatrabaho pa kayo dahil gusto kong nandito lang kayo ni Tatay sa bahay. Nagre-relax." Napangiti kami ni Nanay sa sinaad ni Sheila. Sakto namang nag-vibrate ang cellphone ko na nakalapag sa mesa kaya napasulyap si Sheila doon. "Amore? Teka. . . sino si Amore?" anito. Napaubo ako na kinuha ang cellphone ko. "Ano ka ba? This is private matter kaya." Ingos kong ikinangisi nito. "Hoy, Miracle Madrigal. Kailan ka pa nagkaroon ng tinatawag na Love sa cellphone mo? Teka. . . si Kuya Mikael ba si Amore mo?!" bulalas nito na halos lumuwa ang mga mata! "Fvck." Napamura ako na ikinairit nitong pabirong sinabunutan akong napahalakhak. "Ang landi! Inaankin mo na?" bulalas pa nito. Nag-iinit ang mukha ko lalo na't pinapanood kami ni Nanay na nangingiti na rin. "Bakit? Single naman kaming dalawa ah." Pagtatanggol ko sa sarili na ikinahagikhik nitong nakurot ako sa hita. "Amore ha?" "Tumigil ka nga." "Yieehh. . . mahal na niya ang Kuya." "Sheila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD