MIRA:
PILIT akong ngumiti at umaktong normal na humarap dito. Pero halos malaglag ang panga ko nang magsalubong na ang mga mata namin. Maging ito ay napaawang ang labi na matitigan ako at bakas ang kamanghaan sa kanyang mga mata.
Para akong nahihipnotismo sa mga mata nito. Napakainosente kasing pagmasdan ng mga iyon na mababakasan ng kakaibang kinang. Chinito siya na mapungay ang mga mata. Malantik din ang mga pilikmata nitong natural na mahaba. Itim na itim din ang mga kilay nito na may kakapalan. He has a pointed nose, kissable lips and a perfect jawline.
All my life, napapalibutan ako ng mga gwapo. Kaya nga wala akong interes sa mga lalakeng nagtangkang ligawan ako. But this one was different. Ibang-iba ang dating ng angkin niyang kagwapuhan. Para siyang si Mark Prin na isang thai actor kung susumain. Wala pa man siyang ginagawa pero. . . nahahatak ka na sa mga titig niya.
"H-hi. I'm Mira. Nice to meet you, mayor." Pagpapakilala ko na pilit pina-normal ang tono ko lalo na't nasa may pinto ng kusina sina Shiela, watching us at napapairit pa ang mga ito sa amin.
Tila natauhan naman ito na ngumiting inabot ang kamay ko. Muling bumilis ang t***k ng puso ko na maglapat ang balat namin. It was the first time na may lalakeng nakapag pabilis ng t***k nito. Hindi ko alam pero. . . only him can make my heart beat this fast. Na para akong pinatakbo ng milya-milya sa lakas at bilis ng kabog nito!
Tila maging ito ay dama ang nadarama ko. Binawi ko ang kamay ko na sinenyasan itong maupo. Pero para akong magsisi na sa tabi ko siya naupo at hindi sa kabilang sofa para magkaharap lang sana kami.
Kahit simpleng white sando at black cargo short ang suot niya ay napakalakas ng dating niya. Malinis siya sa mukha at katawan. Maski nga mga kuko niya ay napakalinis din. No wonder. He's the mayor of this town. His biceps are flexing everytime he move. Nakakaakit ang mga iyon tignan na parang kay sarap nilang haplusin.
Kung tutuusin ay napakamacho din naman ng mga kapatid ko, si Daddy, ang mga Tito ko at mga pinsang lalake. Kahit ang mga nanligaw sa akin ay macho din naman sila. Pero iba si Mikael. Parang lahat sa kanya ay pinupuri ko sa isipan ko.
"Taga Manila ka?" tanong nito.
Umayos ako ng upo na tumango. Pilit umiiwas ng paningin sa mga mata nito. Ibang-iba kasi ang dating sa puso ko sa tuwing napapatitig sa mga mata niya. Para niya akong hinihipnotismo na hindi makapag-isip ng maayos. And I hate this feeling. Baka isipin niya ay ang obvious ko na natitipuhan ko siya.
"Yeah." Tipid kong sagot.
Napatango-tango ito na nakangiti pa rin sa akin.
"Magtatagal ba kayo dito?" muling tanong nito.
"Uhm, nope. Two weeks only. Babalik din kami sa syudad."
Kitang nabura ang ngiti niya sa isinagot ko. Tumamlay din ang itsura nito na parang hindi nagustuhan ang narinig.
"Gano'n ba. Ang ikli pala ng panahong makakasama kita. Idagdag pang abala ako ngayon sa munisipyo. Nakakainis naman eh." Mahinang saad nito na umabot pa rin naman sa pandinig ko.
Gusto kong magtaas ng kilay dito na pinipigilan ko lalo na't napabusangot ito na parang batang nagtatampo.
"Fiesta na nga pala dito sa bayan namin sa susunod na linggo. Dumalaw kayo sa plaza ha?" saad nito na ilang minuto kaming natahimik at nagpapakiramdaman lang.
"Sure. Sabi nga ni Sheila masayang dumalo ng fiesta dito sa inyo." Tugon ko na ikinangiti na nito.
"Oo naman. At maipapasiguro ko sa'yong maayos kaming magdaos ng fiesta dito." Sagot nito.
Muli kaming natahimik. Wala naman kasi akong maisip na maging topic namin. Mukhang nahihiya rin ito sa akin. Maya pa'y tinawag na kami nila Nanay.
"Mira, Mikael, kumain na muna tayo, mga anak. Halina kayo." Pagtawag nito.
Sabay kaming napalingon sa may pinto ng kusina na tinanguan si Nanay na nandoon. Tumayo na kami ni Mikael na lumapit ng kusina. Nanunudyo naman ang ngiti ni Sheila sa amin ng pinsan nito. Magkatabi kami ni Mikael na naupo at iyon lang ang bakanteng upuan.
"Salamat, Tita, Tito."
"Walang anuman, anak. Sige na, kumain na tayo." Tugon ni Nanay habang tumango naman sa amin si Tatay. "Mira anak, kumain ka ng marami ha? Hwag kang mahihiya sa amin."
"Opo, Nay. Salamat po." Sagot ko.
Natatakam ako na nagkataong adobong pininyahang manok ang ulam. Napatitig ako sa dahon na nakahain din. Iyon kasi ang inabot kaagad ni Shiela na sinawsaw sa bagoong na may sili at kalamansi. Si Sheila ang nagturo sa akin sa mga simpleng ulam. At aminado akong nagustuhan ko naman ang mga ito.
"What's that, Shiela? Mukhang masarap ah," saad ko na napaungol pa itong napapikit na maisubo iyon.
"Nilagang talbos ng kamote, Mira. Subukan mo. Magkamay ka. Masarap 'to," kindat nito na ikinasunod ko.
Inabot sa akin ni Nanay ang tupperware na may tubig. Sabay pa kaming naghugas ng kamay ni Mikael doon kaya nagkasagian ang kamay namin na ikinalunok kong napatitig dito. Mukhang naramdaman din nito ang naramdaman kong kakaibang boltahe ng kuryente na naglapat ang balat namin.
"Ahem!" napatikhim si Sheila na ikinabalik ng ulirat ko.
"Isawsaw mo dito, Mira." Saad ni Sheila na muling kumuha ng talbos ng kamote na sinawsaw sa bagoong.
Sumunod naman ako na ginaya ang ginawa nito. Nag-iinit ang mukha ko na napatingin silang lahat sa akin na pinanood akong isubo iyon na may kasamang kanin.
"Uhmm. . . s**t! Ang sarap nga!" bulalas ko na ikinatawa ng mga ito.
"Hwag kang magmura. Nasa hapag kainan tayo." Natatawang saway ni Shiela sa akin.
"Oops. Sorry. My bad." Aniko na ikinatawa ulit ng mga ito.
"Naku, nakakatuwa ka namang bata, Mira. Hindi ka maarte sa pagkain. Mukhang. . . hindi kami mahihirapan na alagaan ka dito." Ani Nanay na nagsimula na ring kumain.
"Nako, Nay. Hindi naman talaga maarte si Mira. Kaya mahal na mahal ko 'yan. Medyo pasaway lang at may katigasan ang ulo. Pero mabait po 'yan at may mabuting puso," saad ni Sheila na ngumunguya pa.
Napangiti ako sa isinaad nito na napakindat pa sa akin.
"And it's all because of you, Sheila. Ikaw naman talaga ang halos nagturo ng lahat ng iyon sa akin. Mula pagkabata ay nand'yan ka na nakaalalay at nagtuturo sa akin." Sagot ko.
"Aysus. Mabait ka naman talaga. Katulad ng pamilya mo. Maswerte ang mapapangasawa mo, Mira. Nasa iyo na ang lahat." Kindat nito na sinulyapan ang pinsan nitong katabi ko.
Hindi nakaligtas sa paningin ko na tinutudyo nito ang pinsan nitong tahimik na kumakain at nakikinig lang sa usapan namin.
MASAYA kaming naghapunan. Kahit simple lang ang nakahaing pagkain sa mesa ay naubos namin ang mga iyon. Masarap kasabayan sa pagkain ang pamilya ni Sheila. Bukod sa magana silang kumain, masaya din silang kakwentuhan na ipapadama sa'yong you're at home.
Inihatid namin ni Sheila sa labas ng bahay si Mikael. Nagpaalam na rin kasi ito na uuwi na, matapos naming maghapunan.
"Maaga ka bang aalis bukas, Kuya?" tanong ni Sheila dito.
"Uhm, yeah. Mga seven o'clock bababa na ako sa bayan. Medyo busy kasi ako ngayon na nalalapit na ang fiesta." Sagot nito.
Napangisi akong napatango-tango na nakikinig lang sa usapan ng dalawa.
"Kung sabagay."
"Kayo? Saan kayo bukas?" tanong nito na napasulyap pa sa akin.
"Ilibot ko si Mira dito sa barangay natin, Kuya. Sa susunod ay bababa kami sa bayan." Sagot nito.
"Oh." Singhap nito na kinuha ang cellphone nito sa bulsa nito. "Kunin ko nga pala ang number mo. Wala akong number mo eh." Anito na iniabot ang cellphone kay Sheila.
Kinuha naman iyon ni Sheila na napangisi pa sa akin habang tinitipa ang cell number nito sa cellphone ni Mikael. Naiiling naman ako dito na nanunudyo ang tingin at ngiti sa akin.
"Salamat ulit sa pagtulong kay Tatay, Kuya. See you ulit ha?" ani Sheila na iniabot na ang cellphone nito.
"Walang anuman. Salamat din sa hapunan. At sa oras niyo," sagot nito na napasulyap pa sa akin na ngumiti. "Sige, mauna na ako. Goodnight, girls."
"Goodnight, mayor."
Natawa pa ito sa isinagot ni Sheila na parang batang napahaplos sa batok na sinulyapan ako. Sa itsura nito ay tila ayaw pa niyang umalis.
"Goodnight, mayor." Kiming tugon ko na tumalikod na dito para ikubli ang ngiti ko.
"Yieehh. Ang lakas mo kay Mira ha? Bukod sa hindi ka niya sinusungitan. . . nginingitian ka pa niya. At nag-goodnight pa siya sa'yo, Kuya." Dinig kong tudyo ni Sheila dito na napapairit pa. "Aakk! My heart. Kinikilig ako."
Natawa naman si Mikael dito na ikinailing kong napaikot na lamang ng mga mata.
"Ang babaeng 'yon talaga. Binebenta ba niya ako sa pinsan niya?" piping usal ko.
Napanguso akong naupo ng sofa. Pumasok na kasi sina Nanay at mga kapatid ni Shiela sa kani-kanilang silid. Sumunod na rin si Shiela na ngiting-ngiti na isinarado ang pinto at pinatay ang mga ilaw.
"Tara na?" anito.
Sumunod ako dito na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. May limang silid lang ang bahay nila. Tag-iisa silang magkakapatid ng silid at may isang extra na para sa bisita.
"Tabi tayo sa silid mo ha?" saad ko.
"Sige ba. Pero. . . medyo masikip ang silid at kama ko ha?"
"Okay lang iyon. Ano ka ba?" sagot ko.
Pumasok kami sa silid nito at tama nga ito. Double size lang ang kama nito. May sarili siyang banyo dito sa silid. Dalawang closet na nasa sulok at may maliit din siyang study table na may ilang libro ang naroon.
Mahilig si Sheila magbasa ng mga novels. Sa online man 'yan, o sa mga libro. Kaya naman nahahawa din ako ng hobby niyang iyon.
"Mauna ka ng maligo, Mira." Saad nito na nilapitan ang mga luggage namin.
Binuksan niya ang mga iyon at inabutan ako ng towel, pajama, sando at panty.
"Pasensiya ka na. Alam kong hindi ka komportableng matulog na may damit pero. . . iba kasi dito. Baka makita ka ni Tatay o ni Shaolin na nakahubad," mahinang saad nito.
"It's okay, Sheila. Sasanayin ko na lang ang sarili. Saka. . . pagod ang katawan ko sa byahe natin. Tahimik dito at malamig kaya nakatitiyak akong makakatulog ako."
"Salamat, Mira." Anito na tinanguhan ko.
Mabilis lang akong naligo. Paglabas ko ay tapos na rin si Sheila na naglipat ng mga gamit namin sa closet. Maski mga personal things namin ay naiayos na nito sa maliit niyang dresser mirror.
"Maligo ka na rin, Sheila."
Tumango ito na dinala ang gamit nito sa banyo. Naupo ako sa harapan ng dresser mirror nito na nagpahid sa katawan. Pagkatapos ay tinuyo ko ng hair blower ang buhok ko. Patapos na ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.
"Unknown number?" usal ko na makitang unregistered ang nag-text.
Hindi ko sana ito papansinin nang magahip ng paningin ko ang message nito.
"Si Mik-Mik 'to. Save mo ang number ko."
"Holy fvck! Number ko ang ibinigay niya kay Mikael!?" bulalas ko na parang lumukso ang kaluluwa ko sa katawan ko!
Napapikit ako na napatampal sa noo. Ang babaeng 'yon. Kaya naman pala iba ang ngiti niya kanina sa akin eh. Number ko pala ang ibinigay niya sa pinsan niya. Nakakainis at the same time. . . bakit nakakakilig?!
Para akong kinikiliti na paulit-ulit binabasa sa isipan ang message nitong ibang-iba ang dating sa puso ko.
"Hi, it's me, Mira. Patulog ka na ba?"
Halos lumuwa ang mga mata ko na natauhan at parang maiihi na maiiyak na makitang. . . nasend ko iyon!