MIRA:
MAGDIDILIM na nang makarating kami sa bahay nila Shiela. Ilang beses din kasi kaming huminto sa daan sa tuwing may maganda kaming spot na madadaanan. Dumaan din kami sa bayan at namili ng mga groceries at iba pang gamit na dinala namin pauwi sa kanila.
Alassais pa lang ng hapon pero kapansin-pansin na tahimik na ang paligid. Mukhang desiplinado nga ang mga tao dito. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila, lumabas ang pamilya nito.
Nagtataka pa ang mga ito na nakamata sa sasakyan namin. Nagtanggal ako ng seatbelt na napagala ang tingin sa paligid.
"Hindi mo ba sinabing uuwi tayo ngayon?" tanong ko dito.
"Hindi eh. Para surprised." Sagot nito.
Nailing naman ako na inayos ang nagulo kong buhok.
"Sige na. Bumaba na tayo." Saad ko.
Napabuga pa ito ng hangin na halatang kinakabahan. Napatingin ako sa pamilya nito. Magkatabi ang Nanay at Tatay nito na halatang may edad na. Nakaakbay pa ang ama niya sa asawa nito. Nasa tabi naman nila ang dalawang nakababatang kapatid ni Shiela. Si Shello at Shaolin na mga teenager.
"Nay, Tay! Nandito na po ako!" masiglang bulalas ni Sheila pagkababa namin ng kotse.
Patakbo itong sinalubong ang pamilya nito na napasigaw pa sa gulat at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. Nagkaiyakan pa ang mga ito na tuwang-tuwa na nandidito si Shiela.
Napangiti akong nakamata sa kanila. Hindi ko napansin na naluluha na pala ako. Ngayon ko lang kasi napagtanto na naging mahigpit ako kay Shiela. Ni hindi ko ito natatanong kung namimis na niya ang pamilya niya at gusto ba niyang magbakasyon na muna dito.
Kung saan-saan ko ito tinatangay. Pero ni minsan ay hindi ko naitanong kung gusto ba niya sa pupuntahan namin. Muntik ko ng makalimutan na may pamilya din itong naghihintay sa kanya dito sa probinsya. Nasanay na kasi akong kasama ito at hindi din naman kasi ito nagrereklamo.
Mabuti na lang at nasabi nitong dadalaw siya ngayon dito sa probinsya nila. Para na rin magkaroon ito ng quality time sa pamilya niya habang nandidito kami.
"Mabuti naman at naalala mo pa kaming dalawin, anak. Kumusta ka na? Naku! Pumuti at tumaba ka. Ang ganda-ganda mo na!" bulalas ng Nanay nito na mahinang ikinatawa ko.
"Nay naman. Maganda naman po talaga ako. Syempre. . . anak niyo ako eh," paglalambing ni Shiela na muling niyakap ang ina nito.
"Oo naman, anak ko." Tugon ng ina nito na pinaghahalikan siya sa ulo.
"Ate, ang ganda naman ng kasama mo. Sino po siya?" tanong ng nakababatang kapatid nitong babae na ikinabaling ng mga ito sa akin.
Ngumiti ako sa mga ito na bahagyang yumuko.
"Magandang gabi po. Ako po si Mira," pagpapakilala ko sa sarili.
Napangiti din ang mga ito at tinanggap akong nagmano sa mga magulang nito. Hinaplos ko naman sa ulo ang dalawang nakababatang kapatid nitong nakamata sa akin na bakas ang kamanghaan.
"Magandang gabi rin sa'yo, Ma'am Mira. Ako po ang Tatay ni Shiela." Saad ng ama nito.
"Hwag na pong Ma'am ang itawag niyo sa akin, Tay. Para na kaming magkapatid ni Shiela kaya okay lang ho na Mira na lang ang itawag niyo sa akin." Sagot ko.
Nagkatinginan pa silang mag-asawa na bakas ang kamanghaan sa sinaad ko.
"Tama po si Mira, Nay, Tay. Matalik ho kaming magkaibigan. At mas maganda rin ho na Mira lang ang itawag niyo sa kanya. Para hindi magtanong ang ibang tao kung sino siya," pagsang-ayon ni Shiela sa akin na ikinatango-tango ng pamilya nito. "Amo ko po si Mira. Kaya hwag ho kayong maingay. Alam niyo naman po kung sino ang pamilyang pinaglilingkuran namin ni Lola Loring 'di po ba?" mahinang saad nito na ikinatango-tango kaagad ng pamilya nito.
"G-gano'n ba? Hindi ba nakakahiya?" ani ng Nanay nito.
"Masanay na ho kayo sa akin, Nay. Mas komportable din po ako na Mira lang ang itawag niyo sa akin," sagot ko dito na nahihiyang ngumiti at tumango.
"Kung gano'n, pwede din hong Ate Mira ang itawag namin sa'yo?" bibong tanong ng nakababatang kapatid nitong si Shello.
"Oo naman, Shello. Tawagin niyo na lang akong Ate, hmm?" sagot ko na hinaplos ito sa ulo.
Nahihiyang ngumiti ang mga ito sa akin na hinaplos ko sa ulo.
"Oh siya. Pumasok na tayo sa loob. Mabuti na lang pala at hindi pa kami naghahapunan." Pag-aya ng ama nila.
"Uhm, Tay. Marami kasi kaming dala sa kotse eh." Ani Sheila.
"Gano'n ba, anak? Uhm, saglit at puntahan ko lang si Mikael at matulungan ako." Sagot nito na bumaling sa akin. "Feel at home ka dito sa tahanan namin, Mira. Welcome ka dito." Saad nito.
"Salamat po, Tay." Sagot ko na ikinatango nito.
"Pumasok na muna tayo sa loob. Hayaan na natin sila Mikael at Tatay niyo na kumuha sa mga gamit." Ani Nanay na ikinasunod namin.
Dalawang palapag lang ang bahay nila Sheila na gawa din sa concrete. Walang pintura dito sa labas. Pero maayos naman tignan. Sa loob ay floormat lang ang cover ng sahig. Hindi katulad sa mansion na kumikinang ang sahig namin na may carpet pa.
"Tuloy ka, Mira. Salamat ha? At pasensiya ka na sa bahay namin. Alam kong sanay ka sa mansion at mga bungalow na bahay," saad ni Sheila.
"Ano ka ba? It's okay to me. Komportable naman ako eh," sagot ko.
Naupo ako sa hindi kalakihang sofa ng mga ito dito sa sala. Nagtungo naman ang mag-iina sa kusina. Habang si Shiela ay kasama ko dito sa sala na nililibot ang paningin sa kabuoan ng bahay nila.
"Alam mo ba? Hindi ito gan'to kaganda noong huling dalaw ko." Saad nito.
"Anong ibig mong sabihin? Bagong pagawa pa lang itong bahay niyo?" tanong ko na ikinatango nito.
"Nagkasakit kasi ang Nanay. Naibenta namin ang sakahan namin at manggahan. 'Yon ang pinag-ipunan ko sa mga nasahod ko sa'yo." Kindat nito.
"Wow. Hindi mo naman sinasabi na may mga kailangan pala kayo dito."
"Ano ka ba? Amo pa rin naman kita. At gusto kong pagtrabahuan ang mga ibibigay mong pera sa akin. Malaking tulong na sa pamilya ko na malaki kang magpasahod. Isa pa. Hindi naman mabigat ang trabaho ko sa'yo. Napakaswerte ko pa rin na ikaw ang amo ko," saad nito na bakas ang sensiridad sa mga mata nito.
Kinuha ko ang kamay nito na ngumiti dito. "Hindi ka na iba sa akin, Sheila. Kaya kung may kailangan ang pamilya mo dito, magsabi ka sa akin. Masaya akong makatulong sa inyo. Pamilya ko na rin ang pamilya mo."
Napangiti itong lumamlam ang mga mata. "Salamat, Mira. Salamat talaga."
"Ikaw pa ba?"
Nagkatawanan kaming nagpahid ng luha naming namuo sa mga mata namin. Siya namang paglabas ni Nanay na may dala pang juice.
"Uminom na muna kayo, Sheila, Mira. Sandali na lang at maluluto na ang ulam." Ani Nanay na inabot sa amin ang juice na ginawa nito.
"Salamat po, Nay."
"Salamat po, Nay."
Panabay naming pasalamat ni Sheila dito na tumango sa amin at muli ding bumalik sa kusina.
"Pasensiya ka na, Mikael ha? Ikaw pa ang tumulong sa akin." Dinig naming saad ni Tatay.
Napalunok ako na biglang tinambol ang puso ko. Napalingon ako sa may pinto at parang nag-slow motion ang paligid na pumasok si Tatay na may mga dalang groceries habang kasunod naman nito ang matangkad na binata na may kargang sako ng bigas sa balikat nito.
Tumuloy ang mga ito sa kusina na ikinasunod namin ng tingin sa mga ito. Kinalabit ko si Sheila na napakurap-kurap sa akin.
"Sino 'yon?" bulong ko na nginuso ang kusina.
"Ah, si Kuya Mik-Mik. Si mayor. Pinsan ko. Kapatid ni Tatay ang Nanay ni Kuya Mik-Mik," bulong nito na ikinatango-tango ko.
"Oh? 'Yong Mik-Mik na pinaiyak ko noon?" namimilog ang mga mata kong tanong na ikinatango nitong nagtaas baba ng kilay.
Napalunok ako na hindi makalingon sa mga itong narinig kong palabas muli ng kusina.
"Siya nga pala, Mik-Mik. Nakauwi ang pinsan mong si Sheila. Kasama ang kaibigan niya. Si Mira." Dinig kong saad ni Tatay.
Kahit nakatalikod ako sa gawi ng mga ito ay dama kong nakamata ang mga ito sa akin. Kinalabit na ako ni Sheila na tumayo at lumapit sa mga ito.
"Kuya Mik-Mik! Kumusta? Ang gwapo natin lalo ah. Effect ba 'yan ng pagiging mayor?" tudyo ni Sheila.
Napahalakhak pa ang tinawag nitong Mik-Mik na napaka-sexy sa pandinig ko ang halakhak nito.
"Ang daya mo nga eh. Hindi ka manlang umuwi last year na botohan. Mabuti na lang at nanalo pa rin tayo," dinig kong saad nito na napakalalim ang baritonong boses.
"Pasensiya ka na, Kuya. Medyo naging abala sa trabaho eh. Pero, congratulations ha? Ang galing. Mayor ka na." Saad ni Sheila.
"Salamat, Shiela. Teka. . . sino 'yon?" sagot nito na dama kong ako ang tinutukoy.
"Ah, kaibigan ko. Si Mira. Maganda 'yan. At single." Pabulong sagot ni Shiela na tinutudyo ang pinsan nito.
Naiiling akong nanatiling nakatalikod sa mga ito kahit dama kong nakamata ang mga ito sa akin.
"Talaga? Ipakilala mo ako mamaya ha? Marami pa kaming ipapasok eh."
"Sure, mayor. I got you."
Mahina akong natawa na napailing sa usapan ng dalawa. Bumalik na rin si Shiela sa tabi ko at dinig ko namang lumabas muli 'yong Mikael at marami nga naman silang ipapasok na groceries, bigas, mga pasalubong at gamit namin ni Sheila. Kaya punong-puno ang kotse namin.
"Mira," pagkalabit nito na naupo sa tabi ko.
"Hmm?" tugon ko na kunwari abala sa cellphone ko.
"Ipakilala kita sa pinsan ko ha? Si Kuya Mik-Mik. Mabait naman 'yon eh. At saka. . . ang gwapo niya ha? Lalo siyang gwumapo ngayon na mas nag-matured ang itsura." Bulong nito na kinikilig.
"Okay." Tanging sagot ko na kunwari walang interes.
Kahit ang totoo ay parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng kabog nito!
"Ano ka ba? Alam ko namang wala kang interes sa mga lalake. Pero, iba ang pinsan ko. Kilalanin mo lang hmm? Malay mo magkatipuhan kayo," tudyo pa nito na mahinang ikinatawa kong napailing dito.
"Magtigil ka nga. Alam mong hindi ako basta-basta naa-attract ng mga lalake." Saad ko na ikinanguso nito.
"Alam ko po."
Kunwari'y abala ako sa cellphone kahit scroll lang naman ako nang scroll sa news feed ko sa efbi. Hanggang sa lumapit na sa amin ang pinsan nito na tapos na nilang ipasok lahat ng gamit. Sinadya naman kaming iwanan ni Sheila kahit pinandidilatan ko ng mga mata.
"Hi. Welcome sa bayan namin, ms Mira."
"s**t! Bakit ang sexy ng boses niya"