Kabanata 6

1719 Words
MIRA: NAPASINGHAP ako na may humablot sa braso ko at hinila ako sa sulok kung saan walang ibang nakakapansin sa amin. "Ano ba? Get off me!" mahinang asik ko dito na binawi ang braso ko. "Do you really think you can easily fool me just like that huh?" Napataas ako ng kilay na makitang namumula na ang mukha nito sa sobrang inis. "What are you saying? No one is fooling you, Allan." Saad ko na ikinangisi nito. "Really huh? I didn't know that behind your angelic and innocent face," anito na nang-uuyam ang tonong napatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako na napangisi pa ito at napailing na nang-iinsulto ang tingin sa akin. "Ay isa kang mapagpanggap at ngayon magnanakaw ng katauhan ng iba? Are you that desperate huh? Bakit, dahil ba hindi kita kayang ipagmalaki sa mga tao kung sakaling naging tayo?" pang-uuyam nito na napapangisi. "Look at yourself, Mira. You're not that worth enough para maipagmalaki. Maganda ka lang. That's it. Nothing more. Nothing less." "Are you done?" tanging tugon ko sa mga pang-iinsulto nito sa pagkatao ko. Napalunok ito na tumuwid ng tayo at inayos ang pagkakabuhol ng necktie nito. "Umalis ka na. Don't you dare to show your face to me ever again. Kung inaakala mong maloloko mo ako na ikaw si Miracle Madrigal?" anito na humakbang palapit at yumuko sa punong tainga ko. "In your dreams, Mira. In your dreams." Naiiling akong napasunod ng tingin ditong iniwan na ako at parang haring naglakad pabalik ng garden kung saan ang event party ng Mommy nito. "Poor, Allan. I pity you. It's not my lost by the way. Masaya akong hindi ka mapangasawa. You're such a trash," anas ko na napahawi sa buhok ko at lumabas na ng gate. Napababa naman si Shiela na malingunan akong palapit na. Inabot kaagad nito ang helmet sa akin paglapit ko dito. "Kumusta?" anito. "Okay lang. Hindi naniwala si Allan na ako si Miracle. But it's fine. Bahala silang pumuti ang mga mata kakahintay kay Miracle Madrigal na bisita nila." Saad ko. Natawa naman itong napailing na nagsuot na rin ng helmet. "I knew it." "Me too." Nagkatawanan kami na sumakay na sa ducati na service namin at umalis na ng subdivision. PAGDATING namin sa mansion ay tumuloy na ako sa silid ko para makaligo. Bukas ang usapan namin ni Shiela na pagluwas sa probinsya nila. Hindi ko alam pero. . . may kaba at excitement akong nadarama na magbakasyon sa probinsya ng mga ito. "Mira?" Napalingon ako sa may pinto na kumatok doon si Mommy Mia at tinawag ako. Nakaupo kasi ako sa silya habang nakaharap sa dresses mirror ko na nagpapahid ng moisturizer sa katawan. "Come in, Mom." Sagot ko. Pumasok ito na napailing na makitang naka-panty lang ako habang nababalot ng towel ang mahaba at basa kong buhok. "Anak naman. Dalaga ka na. Magbihis ka nga," pagalit nito na naiiling humalungkat ng damit sa wardrobe ko. "Mommy, nasa silid po ako. Saka. . . wala namang ibang maglalakas loob na basta na lang pumasok ng silid ko eh." Katwiran ko na nagpapahid ng moisturizer sa hita at binti ko. "Kahit na. Lalake ang mga kapatid mo, Mira. Paano kung sila ang pumasok dito ha? Makikita ka nilang panty lang ang nakatakip sa katawan mo?" pagalit pa rin nito na ikinaikot ng mga mata ko. Kaya lagi akong tumatakas ng mansion eh. Pero makaiwas na rin sa pagtatalak ni Mommy. Palagi kasing ako ang tinatalakan nito. Bukod sa ako lang ang babaeng anak nito, ako din kasi ang bunso. Mabuti na lang at hindi rin ako tinatalakan nila Daddy at mga Kuya ko. Kay Mommy lang talaga ako nadadali. Palagi akong ginigisa sa sermon. "Mommy, mabait at marespeto ang mga kapatid ko. Kahit makita nila akong panty lang ang suot? Hindi sila makakadama ng init o pagnanasa sa akin." Katwiran ko ditong binatukan ako. "ouch! Mommy naman!" reklamo ko. "Kahit na ba. Paulit-ulit ko na lang sinasabi sa'yo na maging maingat ka naman sa sarili mo. Pangit pa rin tignan na makita ka ng mga kapatid mong naka-panty ka lang, Mira. Dalaga ka na. Tignan mo nga 'yang itsura mo. Kitang-kita ko na ang kaluluwa mo," pagalit nitong ikinahagikhik ko. Ibinato pa nito sa mukha ko ang dala nitong short at sando na ikinailing kong sinalo iyon. "Bakit ba? Sexy naman po ako ah. Tayong-tayo din ang dibdib ko. Maganda naman ang hubog ng katawan ko, Mommy. Hindi naman siguro masama kung idisplay ko ang katawan ko. Plano ko ngang sumabak sa pageant eh." Saad ko na nagsuot na ng damit. Napailing lang naman ito sa akin na pinanood akong nagbihis. Muli din akong naupo na inalis na ang towel na nakabalot sa buhok ko. Lumapit na rin si Mommy na inabot ang hair blower at siya na ang tumuyo sa buhok ko. "Siya nga pala, Mom." Aniko na ikinatingin nito sa akin sa repleksyon namin sa salamin. "Yes, anak?" anito na maalumanay na ang boses. "Ilang araw po kaming mawawala ni Shiela, Mom." Pamamaalam kong ikinakunot ng noo nito. "Bakit? Saan na naman kayo susuot?" anito na muling pinagpatuloy ang pagbo-blower sa buhok ko. "Sa Ilocos po." "Ilocos? Sa probinsya nila Nay Loring?" tanong nito na ikinatango ko. "Sinong kasama niyong pupunta doon?" "Kaming dalawa lang po. Mamasyal lang naman kami, Mom. Naglalambing kasi si Shiela na dumalaw kami sa kanila. Dalawang taon ding hindi siya nakauwi sa kanila kaya pinagbigyan ko na. Saka. . . maraming magagandang tourist attractions sa norte na hindi ko pa napupuntahan. Wala din naman kaming ginagawa ni Shiela kaya magbabakasyon na muna kami sa probinsya nila." Saad kong ikinatango nito. "Basta mag-iingat kayo doon, anak. Saka. . . hwag niyo ngang tinatakasan ang mga bodyguard mo. Paano ka nila mapoprotektahan kung hindi nila alam kung nasaan ka?" muling pagalit nito na ikinalapat ko ng labi. "Kaya ko naman po ang sarili ko, Mommy. Mas magaling pa nga ako sa martial arts kaysa sa mga bodyguard na kinukuha niyo eh. Kaya ko pong protektahan ang sarili ko. Saka. . . panggulo lang po sila. Ayokong pinagtitinginan ako ng mga tao dahil may mga bodyguard ako." Saad ko. Ibinaba na nito ang blower at inabot ang hair brush ko na isinuklay ng marahan sa mahaba kong buhok. "Oo na. Kaya mong protektahan ang sarili mo. Pero hindi mo pa rin maalis sa amin na mag-alala sa'yo. Babae ka, Mira. At mas mapapanatag ang loob namin ng Daddy mo kung alam naming nababantayan ka ng mga bodyguard mo." Saad nito na ikinanguso ko. "Ah basta. Hwag po silang nakaaligid sa akin. Naiirita ako kapag nand'yan sila na nakapaligid sa akin. Kaya nga ayokong ipakita sa publiko ang mukha ko eh. Kasi gusto kong malaya akong nakakagala." Sagot ko. Niyakap ako nito na sumubsob sa balikat ko. Napangiti na rin ako na hinaplos ang braso nito na nakapulupot sa akin. "Ang ganda niyo po, Mom." Pagpuri ko. Totoo naman 'yon. Napakaganda at amo ng mukha ni Mommy Mia. Hwag ko lang ginagalit para hindi maging dragon na bumubuga ng apoy. Kahit nasa late 40's na ito ay hindi halata ang edad sa mukha. Magaling ba naman mag-alaga ang Daddy Drake ko. Hindi niya binibigyan ng problema at stressed ang Mommy kaya kita ang saya sa pagsasama nilang dalawa. "Thank you, anak. You too. Napakaganda mo. Pero burara ka." Napahagikhik ako na nakurot pa nito sa tagiliran. Natatawa na rin itong hinahalik-halikan ako sa ulo. "Basta mag-iingat kayo sa Ilocos ha? At tawagan mo ako palagi. Siya nga pala. Anong nangyari sa lakad mo kanina?" Anito na tumuwid na ng tayo. "Pumunta po kami ni Shiela at pinakilala ko ang sarili. Sinabi ko na hindi na matutuloy ang kasal. That's it." Sagot ko. "Yon lang? Anong sinabi nila?" pag-uusisa pa nito. "Eh, si Allan lang naman po ang nakausap ko. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala sa akin na ako si Miracle Madrigal. Hindi ko sila kailangang i-impressed. Mabuti na rin 'yon na nakita ko na ang kulay niya. At least, nakaligtas ako sa kamay ng lalakeng iyon. Hindi siya ang gugustuhin kong makasama sa pagtanda ko, Mommy." Saad ko na ikinanguso nito. "Eh sino bang gusto mo?" "Wala pa po. Pero gusto ko, 'yong katulad ni Daddy. Na bukod sa gwapo, eh. . . maalaga po ito at tapat ang pagmamahal na iaalay sa akin. Gano'ng lalake po ang hanap ko, Mom. Ang katulad ni Daddy." Sagot ko na ikinangiti nitong hinaplos ako sa buhok ko. "Kung sabagay. Kusa namang darating ang tamang lalake para sa'yo, anak. Akala lang namin ay magkakasundo kayo ng Allan Raymundo na 'yon. Pero, 'di bale na nga. Ayoko namang makulong ka sa relasyon na hindi ka masaya. Kung ayaw mo sa kanya? Then so be it. Hindi ka namin pipilitin," anito na ikinangiti ko. "Thank you, Mom. I love you po." Paglalambing ko na ikinalamlam ng mga mata nitong niyakap ako at hinagkan sa noo. "I love you more, anak ko." Anito. KINABUKASAN ay ang kotse ko na ang ginamit namin ni Shiela na bumyahe patungong Norte. Kita ang kasabikan sa mga mata nito na muling makabisita sa kanilang probinsya. Ayon dito ay malapit na rin ang fiesta sa kanila kaya aabutin kami ng dalawang linggo doon. Gusto ko ring libutin ang Norte. Kaya pumayag akong dalawang linggo kaming mananatili doon. Isa pa, wala din naman akong trabaho. Ayoko munang pumasok sa opisina. Wala din akong ibang pinagkaka abalahan. Kaya nga puro lakwat'ya ang ginagawa ko kasama si Shiela. "Siya nga pala, Mira." Anito habang kumakain kami. Tumigil kami sa nadaanan naming stopover para mananghalian. Tanghali na pero malayo pa kami sa Ilocos. Nangangawit na nga ang pwet ko sa upuan eh. Ako kasi ang nagmaneho. Nakasunod naman sa amin ang ilang bodyguard ko. At katulad ng nais ko, hindi sila nakadikit sa amin ni Shiela. "Bakit?" tanong ko habang kumakain. "Anong sasabihin ko sa bahay? Tiyak na tatanungin nila ako kung sino ka." Saad nito. "Eh 'di sabihin mong anak ako ng amo mo. At matalik mo ding kaibigan." Sagot ko. "Okay lang sa'yo?" "Oo naman. Pamilya mo sila. Walang rason para itago ko sa kanila ang katauhan ko. Ayokong magsinungaling tayo sa pamilya mo." Sagot ko na ikinangiti nito. "Salamat, Mira. Hayaan mo. Maipapasiguro ko naman sa'yong. . . mabait at mapagkakatiwalaan ang pamilya ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD