Kabanata 5

1614 Words
MIRA: NALAMAN kong birthday party ng ina ni Allan sa weekend. Kaya nagpa-inform ako sa kanila na darating ako sa party. Tuwang-tuwa naman ang mga ito na sa wakas ay makikilala na nila ang dalagang ipinagkasundo kay Allan. Si Miracle Madrigal. Walang kaalam-alam si Allan na ako at ang dalagang ipinagkasundo sa kanya ay iisa. Na ako si Miracle Madrigal na nagkukubli ng katauhan sa publiko. Pumayag naman sila Daddy sa plano kong pagdalo sa party ni Mrs Raymundo, kasama si Sheila. "Siya nga pala, Mira." Napalingon ako kay Sheila na magsalita ito. Nandito kami ngayon sa mall namin. Namamasyal at bumibili ng mga gamit na magustuhan namin. As usual? Simpleng maong na pantalon na maluwag sa akin at crop top ang suot ko. May suot na cap at sunglasses. "Pagkatapos ng birthday party ni Mrs Raymundo, pwede ba akong umuwi na muna sa amin sa probinsya?" anito. "Sa Ilocos?" paniniguro ko na ikinatango nito. "Bakit, anong meron?" tanong ko. "Malapit na kasi ang fiesta sa amin. Dalawang taon na rin akong hindi nakakauwi eh. Mamaya topakin ka na naman at tangayin ako abroad. Aabutin na naman tayo doon ng ilang buwan." Saad nito na ikinahagikhik ko. "I think that's a great idea, Shiela. Sige. Sa probinsya na muna tayo gagala ngayon. Gusto ko ring mapuntahan ang probinsya niyo. Ang tagal na no'ng huli nating punta doon ha?" sagot ko na napangiti. "Sigurado ka? Sasama ka ha?" paniniguro nito na ikinatango ko. "Oo naman. And besides. Maganda din naman ang probinsya niyo at ibang kalapit bayan nito. Libutin kaya natin ang buong Norte?" suhest'yon ko pa dito na ikinangiti nito. "Sige ba. Ipapasyal kita sa mga kalapit na bayan sa probinsya namin. Tiyak akong magugustuhan mo doon, Mira. Hindi man kasing gara at ganda ng mga bansang pinupuntahan natin abroad, maipapasiguro ko sa'yong maganda ang probinsya namin at magugustuhan mo doon," sagot nito na ikinatango-tango ko. Minsan na akong pumunta noon sa probinsya nila Shiela. Pero bata pa ako noon. 'Yong 'yong araw na sinundo ko si Shiela sa kanila dahil ayaw na nitong bumalik ng Manila. Napangiti ako na may maalala na karanasan ko doon sa probinsya nila. May nakilala kasi akong batang lalake noon doon. Napakagwapo niya at mabait. Pero dahil maldita ako noon, napaiyak ko ito. Nasira ko kasi ang wooden car nito na ginawa daw ng Papa niya. Hindi ko naman sinasadyang masira. Hinihiram ko kasi sa kanya ang laruan niya. Pero ayaw niya dahil baka daw masira ko. Binibili ko pa nga pero ayaw niya. Kaya nainis ako at inagaw ang wooden car nito at ibinato sa daan. Sakto namang may sasakyan na dumaan kaya nasagasaan iyon at nasira. Umiyak siya noon nang umiyak. Masama ang tingin niya sa akin pero ngumisi lang ako. Kasama ko noon si Lola Loring. Ang mayordoma namin dito sa mansion at Lola din ni Sheila. Sa pagkakaalala ko ay apo iyon ni Lola Loring. Pinsan ni Shiela. Si Mik-Mik. "Anyway, Shiela." "Hmm?" Nilingon ako nito na nagtatanong ang mga mata. "May balita ka kay ano. . .ahem!" Nag-init ang pisngi ko na hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. Nangunotnoo naman ito na matamang nakatitig sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko. "Ano?" untag nito. Muli akong napatikhim na kinakalma ang puso kong biglang bumilis ang t***k sa hindi ko malaman na dahilan. "Uhm, may balita ka ba sa ano. . . uhm. Sa pinsan mo. 'Yong batang pinaiyak ko noon. Tanda mo ba? 'Yong sinira ko ang wooden car niya noon at iniyakan nang iniyakan." Saad ko na pilit pina-normal ang tono. Napaisip naman ito na naipilig ang ulo. "Ah! Si Kuya Mik-Mik?!" bulalas nito. "Siguro?" painosente kong sagot. "Bakit mo naman naitanong?" "Eh kasi. . . may atraso ako sa kanya noon. Ni hindi nga ako nag-sorry sa kanya eh. Baka kasi magkrus ang landas namin at. . . at singilin niya ako. Baka galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon," palusot ko dito. "Mabait naman si Kuya Mik-Mik. Tiyak na wala na sa kanya 'yon. Saka. . . hindi ako sigurado pero parang nabanggit ni Lola Loring na tumakbo siyang mayor sa probinsya namin noong nakaraang taon. Hindi ko lang alam kung nanalo siya." Sagot nito na mukhang hindi napansin na intresado ako sa pinsan niya. "Mayor? Hindi ba't parang kaedaran lang natin siya." "Oo. Naku. Ilang taon din kaya iyon naging barangay captain sa amin. Pinakabata, pinakamahusay at syempre. . . pinakagwapong barangay captain sa bayan namin," kindat nito na ikinataas lang ng kilay ko at hindi nagpapahalata dito na intresado ako sa pinsan niya. Mahirap na. Kilala ako ni Sheila. Alam niyang maloko ako at paasa sa mga lalake. Heart breaker ika nga. "Mukhang matino nga. Hindi siya pariwara katulad natin," natatawang saad kong ikinahalakhak naman nito. "Hoy, ikaw lang ang pariwara sa atin." Nagkatawanan kaming nag-apiran nito. Naglibot-libot pa kami sa mall. Nang mapagod, kumain na muna kami sa kilalang restaurant ni Tito Noah ko. Kapatid ni Daddy Drake. Sa NM'S exclusive restaurant. Matapos naming kumain ay umuwi na kami ni Sheila. Hapon na rin kasi. Malilintikan kami kina Mommy kung hindi pa kami magpakita sa mansion eh maghapon kaming nasa labas. Idagdag pang itinakas ko na naman ang ducati ni Kuya Dale. Mabuti na lang at abala ang mga ito sa negosyo kaya hindi nila napapansin na tinatakas ko ang ducati ni Kuya. DUMATING ang weekend. Hindi ako nag-abala na mag-ayos ng sarili. Simpleng sky-blue jeans at gray vneck shirt lang ang suot ko na pinaresan ko ng blue rubber shoes at blue cap. Hindi rin ako nag-makeup. Bakit pa? Kahit wala akong suot na make-up ay maganda naman ako. Napapalingon pa rin sa akin ang mga tao sa tuwing daraan ako kahit simple lang ang suot kong damit. Naiiling naman sa akin si Sheila na sumakay ulit kami ng ducati ni Kuya Dale. Pagdating namin sa village ng subdivision nila Allan, kinuhanan na muna nila kami ng I'D ng mga guard bago pinagbuksan ng gate. "Sigurado kang magpapakilala ka kay Allan ng katauhan mo? Eh hindi ka manlang nag-ayos," anito habang hinahanap namin ang bahay nila Allan. "Aha. Pumunta lang naman tayo dito para sabihin personally na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal sa anak nila. Kapag nakita ako ni Allan at magpakilala sa kanila kung sino ako? Hindi na siya magtataka kung bakit hindi ko na itutuloy ang kasal namin," sagot ko na ikinanguso lang nito. Nang marating na namin ang bahay nila Allan, may mga pinapapasok na silang bisita na nagdatingan para sa party ni Mrs Raymundo. Ipinarada ko ang motor sa tapat ng mga ito at sabay na kaming bumaba ni Shiela. "Hintayin na kita dito. Mahirap na. Mamaya may tatangay dito sa motor ng Kuya mo. Kung hindi tayo ibitin patiwarik ni Kuya Dale." Saad nito na kinuha ang helmet ko. "Sige--uhm, mabilis lang ako sa loob." Sagot ko na napahawi sa buhok kong mahaba at inayos ang cap ko. Tumango naman ito na inihatid ako ng tingin sa bahay na sadya ko. Marami akong kasabayang bisita na pumasok kaya hindi na ako napansin ng mga guard at malayang nakapasok kahit wala akong birthday invitation. Napangisi ako na makitang nasa bungaran ng garden ang pamilya Raymundo. Malugod na binabati at pinapatuloy ang mga bisita nila. Napahalukipkip ako na nakamata sa kanila. Mukha silang kagalang-galang na tao sa tindig at kasuotan. Nakasuot ng black tuxedo ang mag-amang Raymundo. Habang nakasuot ng elegant white long dress ang ina nito. Kumikinang ang mga suot nitong accessories at na napakahinhin nitong gumalaw. Lumapit na ako na ikinamilog ng mga mata ni Allan at sinalubong ako. Kimi akong ngumiti dito kahit salubong ang mga kilay at bakas ang gulat na makita niya ako dito. "Hi," tipid kong bati. "What are you doing here, Mira? Paano ka nakapasok? This party is private. Gatecrasher ka ba?" pabulong saad nito na hinila ako sa gilid. "Gatecrasher? Invited ako sa party ng Mommy mo, Allan." Sagot ko na binawi ang braso ko dito. "Invited? Are you kidding me? Matapos mo akong bastedin. Matapos mong sayangin ang oras ko, may lakas ng loob ka pang magpakita sa akin. Umalis ka na," mahina pero madiing saad nito. "No worries, hindi ako magtatagal. Kakausapin ko lang ng masinsinan. . . ang mga magulang mo." Saad ko na ikinakunot ng noo nito. "About what?" "About our wedding." Namilog ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala sa narinig. "What the fvck are you talking about, Mira? Hindi naman ako magpapakasal sa'yo. Yes, I like you. Pero hanggang doon lang. Katawan mo lang ang habol ko kaya kita pinag-aksayahan ng oras. Kung inaakala mong dahil niligawan kita ay pakakasalan na kita?" anito na napahagod ng tingin sa kabuoan ko na napangisi. "In your dreams, Mira. Hinding-hindi ko pakakasalan ang isang cheap, anak ng katulong at walang direction ang buhay na katulad mo. Sinasabayan lang kita dahil gusto kitang matikman. 'Yon lang. Hanggang doon lang, Mira. Hanggang doon lang," pang-uuyam nito na mahinang ikinatawa ko. "Okay. No worries, Allan. Hindi rin naman ako magpapakasal sa'yo. Infact? I came here to talk to your parents about our wedding. Na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal sa'yo. Because you've failed, Allan. Hindi ka pumasa sa taste ko to become my husband." Saad ko na ngumiti dito. Naguguluhan naman itong nakamata sa akin na ikinahakbang ko palapit dito. "I'm Miracle Madrigal, by the way. Mira. . . for short. Ang babaeng ipapakasal sana sa'yo at sinubok ka. Pero bagsak ka at salamat na rin. . . pinakita mo agad ang totoong kulay mo. So, goodbye, mr Allan Raymundo." Aniko na ngumisi ditong namutla at natulala. Malapad ang ngisi ko na parang reynang naglakad palabas ng gate na iniwan itong nakatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD