Kabanata 11

1723 Words
MIRA: NANGINGITI akong pinapakiramdaman ito. Hinila ko siya sa kubo na nandito sa harapan ng bahay. Hindi naman ito umangal na nagpatianod sa akin. Madilim na at walang ilaw dito sa harapan ng bahay pero naaanig naman namin ang isa't-isa. Lalo na't magkatabi lang kami. "Ahem!" tikhim ko na binuksan ang box na bigay nito. "Gusto mo?" alok ko na iniabot ang isang cupcake dito. "Salamat," anito na inabot iyon. Natigilan kami na makadama ng kakaibang boltahe ng kuryente na hindi sinasadyang nahawakan nito ang kamay ko. Dama kong ramdam nito ang nararamdaman ko na ikinatitig namin sa isa't-isa. Para akong malulusaw na mapatitig sa mga mata niyang mapupungay. Nangungusap at napakainosenteng tignan. "Uhm, gusto mo ng kape?" pag-iiba ko na binawi na ang kamay ko. Napatuwid naman ito ng upo na inabot ang kape kong nakalapag sa mesa sa harapan namin. "Okay na ako nito," saad nito. "Pero natikman ko na 'yan--" Napangiwi ako na sumimsim na siya sa baso ko na napangiti. Nag-init ang mukha ko na nag-iwas na ng tingin dito at kumain na lamang ng bigay nitong cupcakes. Hindi ko gusto ang strawberry. Pero dahil galing ito sa kanya, napilitan akong kumain. Masyado kasi siyang matamis sa akin. Kaya hindi ako kumakain nito. "How is it? Masarap ba?" tanong nito. "Yeah. Masarap siya." Pagsang-ayon ko at ayoko namang biguin ito. "Uhm, pwedeng magtanong?" anito na ikinalingon ko dito. Napakamot pa ito sa ulo na alanganing ngumiti sa akin at kitang nahihiya. "Sure. What is it?" sagot ko. "Eh. . .may. Uhm. . . m-may b-boyfriend ka na ba?" mahinang tanong nito na ikinalapat ko ng labi. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na mapatitig ditong tila nangungusap ang kanyang mga mata. Bakas din sa mukha nito na nahihiya ito sa akin. "Wala pa naman. Bakit?" tugon ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpigil nitong mapangiti na nagningning ang mga mata sa isinagot ko. "Akala ko kasi. . . taken ka na." "Paano mo naman nasabi?" "Dahil maganda ka?" patanong sagot nito na mahinang ikinatawa ko. "Marami namang magagandang single ah." "Yeah. Tama ka naman. Akala ko kasi kanina. . . b-boyfriend mo 'yong kasama mo." Sagot nito na nag-iwas ng tingin sa mga mata ko. "Bodyguard ko si Adam. Normal lang na nakabuntot sila sa akin. Kasi binabantayan nila ang seguridad ko. Pero hindi naman sila nakikialam sa personal ko. Ang trabaho lang nila, mapanatiling ligtas ako." Saad ko na ikinatango-tango nito. "Hindi mo pa ako nasasagot." "Ha? Tungkol saan?" nalilito kong tanong. Nilingon ako nito na tumitig sa mga mata ko. Napalunok ako na maramdaman na naman ang pagkarambola ng t***k ng puso ko na mapatitig dito. "Bakit may mga bodyguard ka? Is it mean. . . mataas kang tao?" tanong nito. Hindi kaagad ako nakasagot na nag-iwas ng tingin dito. Matiim naman itong nakatitig sa akin na hinihintay ang sagot ko. "Uhm, sabihin na nating. . . anak ako ng kilalang tao." Tugon ko. Tumango-tango naman ito na hindi na nangulit pa. Kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi pa ako handa na ipaalam kay Mikael kung sino ako. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Nag-iingat lang ako sa mga kilos ko. Baka mamaya, kapag nalaman niyang heredera ako, either maghahabol siya sa akin dahil sa pera ko. O kaya ay iiwasan na niya ako. At ayokong mangyari iyon. Ang iwasan niya ako. "Kumusta nga pala ang paglilibot niyo?" muling tanong nito na ilang minuto kaming natahimik. "Maayos naman. Maganda dito sa inyo. Mukhang may disiplina at pagkakaisa ang lahat ng tao. Malinis ang paligid at ligtas magpagala-gala." Sagot ko na ikinangiti nito. "Mabuti naman nagustuhan mo dito. Simple lang kami dito pero mapagkaka tiwalaan naman ang mga tao," saad nito na nakangiting nakamata sa akin. "Eh ikaw, mayor?" "Anong ako?" Umayos ako ng upo na humarap dito. "Mapagkakatiwalaan ka ba?" "Ano ba sa tingin mo?" nangingiting tanong nito na ikinailing ko. "Tingin ko? Delikado eh." "Grabe ka naman sa akin." Napahagikhik ako na nailing sa reaction nitong parang batang nagtatampo. "I mean. Delekado ka kapag napalapit ka pa sa akin," kindat kong ikinangiti nito na matiim na nakatitig sa akin. "Bakit naman delekado? Gusto ko nga 'yon eh. Ang mapalapit sa'yo." Sagot nito na nakangiti. "Baka mahulog ka." "Nakahanda akong mahulog. Ang tanong eh. . . sasaluhin mo kaya ako?" balik tudyo nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. "Tignan natin, mayor. Tingin ko naman eh. . . kaya kong maging magician para sa'yo." Sagot ko. "Magician?" "Aha." "Pasample nga ng magic mo." "Sa laki mong 'yan eh. . . kaya kitang paliitin, mayor. Para magkasya ka sa puso ko." Kindat kong ikinalapat nito ng labing nagpipigil mapangiti. "Fvck. Pwede kaya?" "Ang alin?" "Manirahan sa puso mo?" "Gusto mo ba?" "Gusto mo rin ba?" Nagkatawanan kami na pabiro ko itong nakurot sa braso. Tatawa-tawa naman ito na hinaplos ang brasong nakurot ko ILANG minuto din kaming tumambay sa kubo. Kung saan-saan napunta ang usapan namin. Likas itong masayahing kausap at marunong sumakay sa agos ng usapan. Hindi siya mayabang at preskong kausap. Ni hindi ito nagmamalaki sa akin ng mga nakamit nito. "Gusto mong tumuloy na muna sa loob?" tanong ko. "No need. Ikaw naman talaga ang sadya ko. Para iabot iyan," anito na inginuso ang box na hawak ko. Napangiti ako na napatango. "Sige. Salamat ulit dito ha?" "You're welcome." Kindat nito na ikinangiti namin sa isa't-isa. "Uhm, sige. Goodnight." "Goodnight, Mira." Tumango ako bilang tugon na pumasok na sa loob. Hindi ko mapigilang mapangiti na tumuloy na sa kusina. Hindi ko namalayan ang oras. Nakakain na pala ang lahat at ako na lang ang hindi. Hindi ko naman madama ang gutom ko kaya itinabi ko na lang ang natirang cupcakes sa fridge at nagtimpla na lamang ng gatas na dinala ko sa silid ni Shiela. Napataas kilay ito na malingunan ako. Nakaligo at bihis na ito habang ako ay wala pang hilamos. "Mukhang. . . napasarap ang kwentuhan niyo ni Amore ah," tudyo nito na ikinailing kong nangingiti. "Amore ka d'yan." Kunwari'y ingos ko na ikinatawa nito. "Mira ha? Tinamaan ka kay Kuya." Tudyo pa rin nito na pinaningkitan ko. "Mas malakas ang tama niya sa akin noh?" "Pareho lang kayo." Nagtawanan kami nito na iniwan ko na at naglinis na muna ako ng katawan. Kahit pagod ako sa maghapon naming pamamasyal ay parang naglahong parang bula ang pagod ko na mahigit dalawang oras pala kaming nagkakwentuhan ni Mikael sa kubo. Matapos kong naglinis ng katawan ko, lumabas na rin ako at naglagay ng moisturizer sa katawan bago tumabi kay Sheila na nakahiga na sa kama. Umunan ako sa dibdib nito na hinahaplos ako sa ulo. "Kumain ka manlang ba?" anito. "Hindi. Hindi naman ako gutom." Sagot ko. "Hay nako, Mira. Effect ba 'yan ng inlove? Hindi na makadama ng gutom basta makakwentuhan ang mahal?" pagalit nito na ikinahagikhik ko. "Magtigil ka nga. Nagkape ako kanina at kumain ng ilang pirasong cupcake eh. Kaya nabusog na ako," sagot ko. "Cupcake? Wala naman tayong cupcake ah." "Dala ni Mikael." "Aba. . . may pasalubong ng nalalaman ang Kuya. Ayos ah," tudyo nito na ikinangiti ko. "Pero. . . hindi pa niya sinasabi ang nais kong marinig mula sa kanya," nakangusong saad ko. "Ang alin?" "Na gusto niya ako." Napahagikhik ito na nakurot ko sa tagilirang napaiktad. "Gusto ka no'n, Mira." "Tingin mo?" nagdududang tanong ko dito na tumango-tango. "Hindi naman kasi katulad ng ibang lalake si Kuya, Mira. Na unang beses ka pa lang nakakasama ay nagtatapat na kaagad ng damdamin sa'yo. May pagkatorpe si Kuya Mikael. Pero maipapasiguro ko naman sa'yong mabuting tao ang pinsan ko." Saad nito na bakas ang sensiridad sa mga mata. "Kung sabagay. Dama ko rin namang mabuting tao si Mikael. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi siya preskong kausap. Kanina nga habang nagkukwentuhan kami sa kubo, hindi ako naiilang kahit kaming dalawa lang. Komportable ako sa kanya at panatag ang loob ko. Na tanging sa kanya ko pa lang nararamdaman, Sheila." Sagot ko na ikinangiti nito. "Paano 'yan. Aamin ka na ba sa kanya?" tanong nito. Napahinga ako ng malalim. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako. Natatakot kasi ako sa maging resulta ng pagpapakilala ko sa kanya sa totoong katauhan ko. Paano kung ayawan niya ako dahil anak ako ng bilyonaryo? O kaya ay magustuhan niya ako dahil sa pera ko? Alin man sa dalawa ay alam kong ikakadurog ko. Kaya hangga't maaari ay ayokong umabot kami sa puntong iyon. "Shiela, what should I do? Natatakot kasi ako eh." Pag-amin ko dito na lumamlam ang mga matang hinaplos ako sa ulo. "Test him." "Ha?" "Kahit pinsan ko si Kuya Mikael at boto ako sa kanya para sa'yo. Gusto ko pa ring subukin mo ang katapatan niya. Magpakilala ka sa kanya sa tunay mong katauhan without showing your face. Akitin mo siya bilang si Miracle Madrigal. Kung talagang gusto ka nga ni Kuya? Hindi ka niya ipagpapalit sa isa mong katauhan," pagpapayo nito na ikinalunok ko. "Do you think that will work?" tanong ko. "Oo naman. Kasi dito mo mapapatunayan sa sarili mo. . . ang nararamdaman ni Kuya Mikael sa'yo." Sagot nito. Napahinga ako ng malalim na umayos ng higa sa tabi nito. Tulalang nakamata sa puting kisame. Iniisip ang suhest'yon nito. Tama naman siya. Kahit komportable ako at gusto ko si Mikael, kailangan ko pa ring makasiguro kung gusto niya ba ako bilang ako? O baka katulad lang siya ng ibang lalake d'yan na gusto lang akong matikman. "Sige. Sa fiesta. Magpadala ka ng information kay Mikael na dadalo si Miracle Madrigal sa bayan na ito para fiesta. Susubukan kong. . . kilatisin si Mikael bilang si Miracle Madrigal." Pagsang-ayon ko dito na tumangong ngumiti. "Pero dapat ihanda mo rin ang puso mo if ever na biguin ni Kuya ang expectation natin ha? Kung sakali at mas piliin niya si Miracle kaysa ikaw bilang si Mira? Malugod mong tatanggapin ang pagkabigo mo, okay?" paalala nito na ikinatango kong yumakap dito. "Natatakot ako, Sheila." "You have to be brave, Mira. Kung susugal ka sa ngalan ng pag-ibig? Dapat handa na ang puso mong madurog. Dahil ang pag-ibig. . . hindi lang 'yan puro saya at kilig. May kakambal din 'yang sakit at bigat sa dibdib. So you have to ready yourself kung gusto mong sumugal sa ngalan ng pag-ibig."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD