MIRA:
NAGING abala kami ni Shiela sa pamamasyal dito sa bayan nila sa mga sumunod na araw. Hanggang sa dumating ang araw ng fiesta. Tatlong araw lang ito idadaos. Kaya naman dagsaan ang mga tao sa plaza.
Naging abala na rin si Mikael sa tungkulin nito. Kaya sa gabi ko na lang siya nakakausap. Kahit pagod ito ay sumasaglit siya sa bahay nila Shiela para makipag kwentuhan na muna sa akin ng ilang oras.
"Siya nga pala, Mira."
Napalingon ako dito na nagsalita na ito. Nandito kami ngayon sa kubo at katulad ng nakagawian nito, may dala na naman siyang pasalubong sa akin. Donut naman ngayon.
"Hmm?"
"Uhm, may especial guest kami sa final night ng fiesta. Actually, hindi siya pamilyar sa akin. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya. Pero napa-search ako sa kanya sa social media at nalamang sikat pala siya at mysterious ang pagkakakilanlan sa kanya. Wala kasing may alam ng totoong mukha niya. Pero maingay ang pangalan niya kasi. . . kasi isa siyang heredera sa pamilya Madrigal." Saad nito na ikinalunok kong bumilis ang t***k ng puso.
Pilit akong umaktong normal. Ngumiti pa rin ako na napatango-tango.
"Sino daw?" painosenteng tanong ko.
"Si ms Miracle Madrigal." Sagot nito na napailing.
"Oh. I'm pretty sure she's beautiful." Saad ko. Napangiti naman ito na tumitig sa akin.
"Maybe. Pero. . . may mas gaganda pa ba sa nasa harapan ko ngayon?" sensual nitong saad na ikinagapang ng init sa mukha ko.
Hindi ko maikubli ang ngiti sa mga labi ko lalo na't matiim itong nakatitig sa akin na nakangiti.
"Maraming mas maganda sa akin. Ano ka ba?" sagot ko na ikinakibit balikat nito.
"Siguro. Pero sa mga mata ko? Ikaw na ang pinakamagandang babae na nakita ko, Mira." Sagot nito na kita namang sincere at hindi nambobola lang.
Napalapat ako ng labi na nag-iwas ng tingin ditong nangingiting nakamata sa akin. Para akong maiihi sa kaba at kilig na nadarama na hindi ko mailabas. Nahihiya naman kasi akong mapatili o irit sa harapan niya. Kaya pinipigilan ko ang kilig na nadarama ko sa mga sandaling ito.
"About sa guest niyo. Ano pang nalaman mo?" pag-iiba ko.
Napatikhim itong umayos ng upo na napanguso.
"Wala naman akong ibang choice kundi pagbigyan ang gusto niya. Isa pa, tiyak na matutuwa ang mga taong bayan na may bibisita ditong heredera. As a mayor, nakahanda naman akong iharap siya sa taong bayan at iwelcome dito sa atin." Saad nito na walang halong kaplastikan.
"Paano kung magustuhan ka niya?" tanong ko pa dito.
Napahinga ito ng malalim na lumamlam ang mga matang tumitig sa akin.
"Gusto sana kitang maka-date eh."
"Ha?"
Napakurap-kurap ako sa sinaad nito. Nahihiya ito na kinuha ang kamay kong ikinalunok ko. Heto na naman ang puso kong kay bilis ng pagtibok! Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko!
"Mira, pwede ba kitang maka-date sa gabing iyon?" tanong nito na napakaalumanay ng boses.
Nangungusap ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin na tumatagos sa puso ko.
"Pero hindi ba't mahalaga ang guest niyo sa gabing iyon? Mas uunahin mo pa ba ako?" saad ko na ikinailing nito.
"Ang sabi kasi ng assistant ni ms Miracle, nagpasabi daw ang amo niya ng dinner date sa gabing iyon para sa aming dalawa. Pero kasi. . . plano ko ng ayain kang mag-date tayo sa gabing iyon at iyon na ang final night ng fiesta." Sagot nito na pinipisil-pisil ang kamay ko.
"Did you say yes to them?" tanong ko pa.
Umiling ito na marahang pinipisil-pisil ang kamay kong hawak-hawak nito.
"I'll just accompany her as a mayor sa bayang ito. Pero 'yong dinner date? Hindi pa ako pumayag. Kasi nga. . . ikaw ang plano kong ayahin sa gabing iyon na makasama." Saad nito na lihim kong ikinangiti.
"Dadalo naman kami ni Shiela sa fiesta eh."
"Magdi-date ba tayo?" tanong nito na ikinainit ng mukha ko.
"I-ikaw ang bahala."
Unti-unting nagliwanag ang mukha nito na tila nakahinga ng maluwag. Napangiti ito na kita ang pagningning ng mga mata nitong pumayag ako sa alok nitong date. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay dumating ang oras na iyon. Na maka-date ko siya.
"Deal na 'yan ha? Magdi-date tayo sa last night ng fiesta." Nakangiting saad nito na ikinatango ko.
"Deal, mayor."
May ngiti sa mga labing nagkatitigan kami ng ilang segundo. Ako ang unang bumitaw na dama kong nagwawala na ang puso ko sa loob ng ribcage nito.
"It's getting late. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa pamamasyal niyo," saad nito na inakay na ako sa harapan ng bahay.
Napalunok ako na pasimpleng humawak sa kamay nitong dama kong natigilan. Parang sasabog ang puso ko na trumiple pa ang lakas ng kabog nito nang dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Kita ko pa ang paglunok nito na magtama ang mga mata namin.
"Salamat ha? G-goodnight." Nauutal kong saad na mabilis tumingkayad at hinagkan ito sa pisngi na nanigas sa kinatatayuan.
Lihim akong napangiti na para itong natuklaw ng ahas na hindi nakakibo at nakakilos na iniwan ko. Kung hindi pa kasi ako papasok ng bahay ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nakakahiya naman sa kanya kung maglambitin na ako sa batok niya at abutin ang mga labi niyang nakakatakam mahagkan!
Napapairit ako na patakbong umakyat ng silid namin ni Shiela. Pakiramdam ko ay nakalapat pa ang labi ko sa balat niya. Kahit ang bilis lang ng moment na 'yon ay tumatak na sa isipan ko at hindi ko maitago ang kilig at saya na nadarama ko!
"Oh my God! I've kissed him on his cheek!" piping usal ko na natutop ng palad ang bibig na napairit ako sa sobrang kilig na nadarama.
Ilang beses akong huminga ng malalim na kino-control ang sarili bago pumasok ng silid. Mabuti na lang at nakatulog na si Shiela kaya hindi nito makitang pulang-pula pa rin ang mukha ko. Maingat akong lumapit sa kama at itinabi sa bedside table ang box ng donut na bigay ni Mikael sa akin.
Humiga na ako na hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi ko. Nag-vibrate naman ang cellphone ko na muling ikinabilis ng t***k ng puso ko. Para akong maiihi na mabasang si Mikael nga ang nag-text sa akin!
Nangangatal pa ang kamay ko na binuksan ang message nito at impit na napairit na mabasa iyon.
"Goodnight, Mira. Gusto ko lang ipaalam sa'yong. . . napakasaya ko ngayong gabi."
Napapairit ako na paulit-ulit binabasa ang message nito kaya nagising ko si Shiela na nahihimbing sa tabi ko.
"Hay. Ganyan ba ang inlove, Mira? Grabe ka naman kung makairit. Para ka ng kiti-kiti na hindi mapirmi," natatawang ingos nito na ikinahagikhik kong niyakap ito.
"Ang saya ko, Shiela! s**t! Bakit naman gan'to!?" bulalas ko na ikinatawa nitong pabiro akong kinurot sa tagiliran.
"Hwag mong sabihing sinagot mo na?" anito.
"Hindi pa."
"Oh eh bakit kung kiligan ka, akala mo naman napasagot mo si Jungkook na ultimate crush mo," natatawang saad nito na ikinahagikhik ko.
"Hinalikan ko siya, Shiela. s**t! Hindi ko napigilan. Ang landi ko!" bulalas ko.
"Ano!?" bulalas nito na namimilog ang mga mata.
Napalapat ako ng labi na pulang-pula na ang mukha. Nahihiya ako sa kanya pero bestfriend ko naman siya. Kailangan kong ilabas ang nasa loob ko. Dahil baka mabaliw na ako na walang mapagsabihan kung gaano ako kasaya at kinikilig ngayong gabi!
"H-hinalikan mo? Seryoso ka ba?" namimilog ang mga matang bulalas nito na ikinatango ko. "My God, Mira. Bakit hindi ka nagpigil?" pagalit nito.
"Hindi ko na kinaya eh. It just happened. Nadala ako at naging marupok. Basta nang ihatid na niya ako sa may pinto, parang may nag-uudyok sa akin. Tumingkayad ako at mabilis siyang ninakawan ng halik. Pero. . . sa pisngi lang naman eh. Mabilis na rin akong pumasok na natuod ito sa ginawa ko." Pagkukwento ko na hindi ko maitago ang saya at kilig na nadarama ko.
Natutulala naman itong tila hindi makapaniwala sa nagawa ko. Hindi ko naman siya masisisi. Alam ni Shiela na wala akong interes sa mga lalake kahit gaano pa ito kagwapo. Ni hindi rin ako basta-basta nagpapahawak. Pero pagdating kay Mikael, hindi ko alam.
Hindi ko mailarawan ang nadarama ko kapag kasama ko siya. Basta ang alam ko? Masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Komportable ako sa kanya at dama kong ligtas ako kapag siya ang kasama ko.
"Anong gagawin ko, Shiela? Nahihiya na akong humarap ulit sa kanya sa nagawa ko. Inaya pa naman niya akong mag-date kami sa last night ng fiesta at um-oo ako sa kanya," saad ko na mas kalmado na ang boses.
Napahinga ito ng malalim na kiming ngumiti.
"Just be yourself, Mira. Magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo sa kanya. Basta 'yong usapan natin ha? Kahit pinsan ko si Kuya Mikael ay gusto ko pa ring subukin mo siya," saad nito na ikinatango kong niyakap ito.
"Salamat, Sheila. Ang saya ko at ang gaan na ng pakiramdam ko na nasabi ko ang nadarama ko. I'm so grateful to have you beside me, Sheila." Saad ko na ikinahaplos nito sa ulo ko.
"Nagdrama pa."
Nagkatawanan kami na pabiro kong hinila ang buhok nito.
Muli kong binasa ang message ni Mikael na impit naming ikinairit na nakisilip din itong binasa iyon.
"Halik lang 'yon sa cheeks pero sobrang napasaya mo daw siya, Mira. Paano pa kaya kung sa labi mo siya hinagkan?" tudyo nito na kinikilig.
Natawa ako na maisip ang bagay na iyon. Paano nga kaya kung sa labi ko mahagkan si Mikael? Ano kayang pakiramdam na mahagkan sa mga labi? Ngayon pa lang na sa pisngi ko siya nahalikan ay para na akong maiihi sa sobrang kilig. Paano pa kaya kung. . . kung mag-kiss na kami sa labi?