MIRA:
PASADO alasdos na ng madaling araw nang bumalik kami ng hotel. Iisang silid lang ang kinuha namin na may dalawang kama. Sa kabilang silid naman tumuloy ang mga bodyguard ko.
Kapwa kami pagewang-gewang na ni Shiela kaya nakaalalay sa amin si Adam at Mikael. Nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan namin ay halos hindi na kami makatayo dala ng kalasingan. Naramdaman ko pang kinarga ako ni Mikael ng bridal style papasok ng hotel. Gano'n din si Shiela at Adam.
"Ang mga pasaway na ito. Ang lakas uminom, hindi naman pala kaya." Ingos ni Mikael habang paakyat ang elevator na sinasakyan namin.
Napahagikhik ako na mas nagsumiksik sa dibdib nito.
"Hwag ng magalit ang mayor kong 'yan." Lasing kong sagot na sinisinghot-singhot ito. "Ang bango naman."
Dinig kong natawa ito na hinahayaan lang akong inaamoy-amoy ito.
"Behave, misis ko. Nasa elevator tayo." Bulong nito na maramdaman akong kinakapa ang masels nito sa tyan.
"Bakit ba? Akin naman ito," nakanguso kong sagot na mahinang ikinatawa nito.
"Opo, iyong-iyo. Wala namang umaangkin eh." Pagsang-ayon nito na hinalikan pa ako sa noo.
Napahagikhik ako na nagsumiksik sa dibdib nito. Hanggang naramdaman ko na ang dahan-dahang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Nanatili akong nakapikit at antok na antok na ako. Nahihilo na rin ako sa dami ng nainom ko.
"Sige na, ako ng bahala sa dalawang pasaway na 'to, Adam. Salamat." Dinig kong saad ni Mikael.
"Sige po, Mayor." Magalang na pamamaalam ni Adam kasunod ng mga yabag nitong palayo.
Dinig kong napahinga pa ng malalim si Mikael. Pagkasara ng pinto ay pumasok na rin ito sa banyo at magkasunod kaming pinunasan ni Sheila.
Nang matapos na niya kaming punasan, naglinis na rin ito ng katawan na lihim kong ikinangiti. Pilit kong nilalabanan ang antok ko. Gusto kong magkatabi kami ni Mikael matulog ngayong gabi. Ang sarap sigurong makulong sa mainit niyang yakap sa buong magdamag.
Naramdaman ko naman ang paglapit nito matapos nag-shower. Inayos nito ang comforter ko na hinagkan pa ako sa noo. Sinamantala ko itong hinila sa batok na na-out balance at bumagsak sa ibabaw ko. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata kong inaantok na napatitig ditong namumula at panay ang paglunok ng laway.
"M-Mira," nahihirapang sambit nito na hinaplos ko ito sa pisngi.
Namumungay ang mga mata ko na nakamata ditong lumamlam ang mga mata. Bumaba ang kamay ko sa ibabang labi nito na napahaplos doon ng hinlalaki kong ikinalunok nito.
Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib nito katulad ko at ang pagdaan ng pananabik sa kanyang mga matang mapupungay.
"Damn. I really love this guy," anas ko na dahan-dahan itong hinila sa batok payuko.
Para itong masunuring bata na yumukong tuluyang lumapat ang mga labi sa labi ko. Napapikit ako na iniyapos ang nanghihina kong braso sa batok nito at tinugon ang masuyong halik nito.
"Uhmm."
Hindi ko napigilang mapaungol na tuluyan itong pumaibabaw sa akin at damang-dama ang bigat ng katawan nito. Sa laki niyang tao ay para akong mapipisat sa ilalim nito.
Patuloy kaming naghahalikan hanggang sa humaplos ang kamay nito sa braso ko at pinagsalinop ang mga daliri namin na dahan-dahang dinala sa ulunan ko ang magkasalinop naming kamay.
"M-Mikael," mahinang ungol ko na napatingala.
His lips goes down to my chin. Napakapit ang isang kamay ko sa batok nito na napapaliyad sa ilalim nito. Ang bigat niya pero gustong-gusto kong dinadama ang katawan nito kahit para na akong mapipisat sa ilalim niya.
"Oohhh, don't put hickeys, mayor ko. Makikita 'yan," reklamong ungol ko na maramdamang sinisipsip niya ang balat ko.
"Dito na lang sa tagong parte, hmm?" anas nito na bumaba sa dibdib ko ang mga labi.
"Oohhh God! Why it's so f*****g good!" anas ko na nasabunutan ito.
"Ilang minuto nitong nilagyan ng marka ang dibdib ko, hanggang sa ma-satisfied ito na muling tumaas sa panga at leeg ko ang mga labi.
"Matulog na tayo, misis ko. Habang kaya ko pang magtimpi," bulong nito na siniil ako sa mga labi.
Magrereklamo pa sana ako pero dama ko rin namang nanghihina at inaantok na ako.
"Dito ka ha?" ungot ko na inaantok ang boses.
"Sa kabilang kama ako, misis ko."
"No, ayoko. Lipat na lang tayo doon, mayor ko. I want to cuddle with you all night long," ungot ko na ikinalunok nito.
"O-okay." Utal nitong pagsang-ayon.
Napangiti ako na nanatiling nakapikit. Naramdaman ko namang bumangon na ito sa kama at kinarga akong inilipat sa katabi naming kama. Tiyak na makukurot ako ni Shiela bukas na si Mikael ang tinabihan ko sa pagtulog at hindi siya pero bahala na. Gusto kong magpakulong sa mainit na bisig ng mahal ko. Minsanan lang akong magkaroon ng chance na makatabi si Mikael sa pagtulog. Dahil kahit gabi-gabi itong dinadalaw ako sa bahay nila Shiela, hindi naman ito natutulog doon.
Napahagikhik ako na isinuot ko ang kamay sa loob ng sando nito at kinakapa-kapa ang mga masels nito sa tyan.
"Akala ko ba, cuddle lang? Bakit may pahaplos ang misis ko, hmm?" tudyo nito na inayos ang kumot namin.
"Sinabi ko bang cuddle lang, mayor ko?" sagot ko na umunan sa malapad nitong dibdib. "Pahaplos din. Ay pakiss. Akin ka naman eh."
Natawa naman ito na napapisil sa baba ko at siniil akong muli sa aking mga labi na ikinangiti kong tinugon ito. Hanggang sa tuluyan na akong tangayin ng antok ko.
MABILIS lumipas ang weekend. Bumalik din kami ng Ilocos at may trabaho si Mikael sa munisipyo.
"Hindi ba tayo mamasyal ngayon?" tanong ni Shiela na nakahilata pa rin ako sa kama kahit mataas na ang sikat ng araw.
Dumaan naman kanina si Mikael dito na nagpaalam sa aking papasok na sa trabaho. Naghalikan pa nga kami at nangakong aagahan ang pag-uwi mamayang hapon. Pero nababagot pa rin ako at gustong humilata na lamang buong maghapon.
"Tinatamad ako, Shie." Nakanguso kong sagot.
Tumabi din naman ito sa akin na pinaunan ako sa dibdib nito at niyakap ito.
"Nabanggit mo na ba sa kanya?" tanong nito.
Umiling ako na lalong napabusangot. Kahapon kasi ay tumawag ang manager sa akin ng agency at pumasa ako sa audition. Lalaban ako sa pageant at dapat ngayong week ay magsimula na akong mag-trained kung paano rumampa at mag-pose.
Kayang-kaya ko naman iyon. Pero tinatamad akong lumuwas dahil maiiwan dito si Mikael. Hindi ko naman siya pwedeng bitbitin sa syudad para samahan ako dahil mayor siya dito. Malaki ang tungkuling ginagampanan niya sa bayan nila.
"Hindi pa nga eh. Anong gagawin ko, Shie?"
Napahinga ito ng malalim na hinahaplos ako sa buhok ko.
"Sabihin mo sa kanya ang totoo. Kailangan na rin nating bumalik ng syudad, Mira. Sayang 'yong opportunity mo na maging beauty queen, ano ka ba? Magkakalayo lang kayo ni Kuya pero hindi naman kayo maghihintay." Pagpapayo nito.
Tama naman siya. Magkakalayo lang kami ni Mikael. Sayang din 'yong chance na maging beauty queen ako kung palalagpasin ko ang chance na ito sa akin.
Napalapat ako ng labi. Nagdadalawang-isip ang puso at isipan ko kung anong dapat kong gawin. Sinisigaw ng isipan ko na bumalik na kami ng syudad. Pero taliwas naman ang sinisigaw ng puso ko. Ayokong umalis dito sa Ilocos at iwanan si Mikael. 'Yong maghapon ko pa nga lang siyang hindi nakikita ay sobrang tamlay ko na. Paano na lang kaya 'yong abutin kami ng isang linggo? Or worse ay isang buwan!?
"Hindi ko siya maiwan."
"Siraulo ka ba? Hindi naman kayo maghihiwalay eh. Pangarap mo iyon, Mira. Nakatitiyak akong maiintindihan ni Kuya Mikael kung uunahin mo na muna ang pangarap mo. Magkakalayo lang naman kayo eh. Para saan pa at may cellphone kung hindi kayo magtawagan?" pagalit nito na ikinanguso ko. "Hwag puro kilig. Ang lakas ng tama mo kay mayor ha? Tatamaan ka na sa akin."
Napahagikhik ako na nagsumiksik ditong natatawa na ring hinahaplos ako sa ulo. Gan'to naman siya sa akin. Pinapagalitan din niya ako kapag sumusobra na ako. Pero hindi naman niya ako iniiwan.
"Kausapin ko siya." Sagot ko.
KINAGABIHAN ay hindi nakadaan si Mikael sa bahay. Nahihiya naman akong magtungo sa bahay nila. Panay ang sulyap ko sa cellphone ko pero wala namang text akong natatanggap mula dito.
Nakabusangot akong palakad-lakad dito sa labas ng bahay. Inaabangan ang pagdating nito.
"Samahan na kita sa bahay nila Kuya."
Napalingon ako kay Shiela na nagsalita sa may pinto.
"Nakauwi na kaya?" tanong ko na ikinatango nito. "Ano 'yan?" nguso ko sa dala nitong tupperware.
"Tinolang native na manok. Doon na tayo kumain. Nilalagnat si Kuya kaya hindi na 'yon makakapunta dito." Sagot nito na lumapit na sa akin.
"Ano? May sakit siya? Bakit hindi niya sinasabi?" magkakasunod kong tanong.
"Kasi trangkaso lang daw iyon. Ayaw niyang mag-alala ka. Tara na," anito na ikinasunod ko dito.
Kabado ako habang palapit kami nang palapit sa bahay nila Mikael. Ito kasi ang unang beses na pupunta ako doon. Itinuro na iyon ni Shiela sa akin dati, pero nasa daan kami kaya ang labas ng bahay lang ang nakita ko.
Mas malaki lang ang bahay nila Mikael sa bahay nila Shiela. Dalawang palapag din ito at concrete. Sa lahat ng bahay dito sa barangay, ang kina Mikael ang pinakamaganda. Malinis ito at may mga halaman ding naka-display sa harapan. Hindi mo aakalaing mga lalake ang nakatira doon.
"Okay ka lang?" bulong nito na tanaw na namin ang bahay nila Mikael.
"Uhm, o-oo. Kinakabahan lang," sagot ko.
"Mabait naman si Tito eh. Hwag ka ng mag-alala." Bulong nito na ikinatango ko.
Napapalunok ako habang palapit kami sa bahay nila Mikael. Hanggang sa nakalapit na kami at kumahol pa ang kulay puti nilang aso na isang aspin.
"Kuya? Tito? Si Shiela po ito," pagkatok ni Shiela sa may pinto.
Ilang segundo lang naman ay dinig na namin ang mga papalapit na yabag na ikinarambola ng pagtibok ng puso ko. Panay ang lunok ko na pilit kinakalma ang sarili pero lalo lang akong kinakabahan!
Bumukas ang pinto at niluwal ang isang may katandaang lalake, kung itsura lang ay masasabi kong ito ang ama ni Mikael. Kita naman kasing kamukha niya si Mikael.
"Shiela?"
"Opo, Tito. Mano po," ani Shiela na nagmano ditong napangiti. "Ah, Tito. Si Mira po pala." Pagpapakilala pa nito sa akin na ikinagapang ng init sa mukha ko.
Pilit akong ngumiti sa ama ni Mikael na pinasadaan pa ang kabuoan ko na napangiti.
"Ikaw pala ang manugang ko. Ikinagagalak kong makilala kita, hija." Saad nito na ikinangiti kong nagmano dito.
"Yieehh, manugang daw," pabulong tudyo ni Shiela na pinandilatan ko.
"Salamat po, Tito. Ikinagagalak ko din pong makilala kayo." Tugon ko na ikinangiti nitong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Tuloy kayo, hija. Tawagin ko lang si Mik-Mik." Anito na ikinasunod naming pumasok ng bahay nila.
"Hwag na po, Tito. Gusto ko po kayong makakwentuhan eh." Pagpigil ni Shiela na ikinalingon nito sa amin. "Mira, puntahan mo na si Kuya. Nasa second floor sa left side ang silid niya." Wika nito na ikinamilog ng mga mata ko.
"Ano? Bakit ako lang?"
"Ayaw mo ba?"
"G-gusto."