MIRA:
KABADO ako na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Malinis at maayos ang mga gamit dito sa loob. Hindi man carpeted ang sahig katulad sa amin ay malinis naman ang bahay at tiles din ang sahig nila na makintab.
White at blue ang kulay ng bahay nila Mikael. Lalakeng-lalake maski mga display nila. Nakakamangha na kahit silang dalawa lang dito ay malinis at masinop sila sa bahay.
Ilang beses akong napatikhim nang nasa tapat na ako ng pinto ng silid nito. Nang makalma ko na ang sarili, kumatok ako ng dalawang beses.
"Mikael? Si Mira ito." Saad ko na muling kumatok sa pintuan.
Dinig ko naman mula sa loob ang papalapit na yabag. Bumukas ang pinto na ikinalapat ko ng labing makita ito. Nakasuot ito ng pajama at sweater na kitang pulang-pula ang mukha. Mapupungay ang mga mata nito na kitang may karamdaman.
"Anong ginagawa mo dito, misis ko?" tanong nito na hinawakan ako sa braso at marahang hinila papasok ng silid nito.
Niyakap ko ito at damang-dama ang init ng katawan niya. Napalunok naman ito na niyakap din ako pabalik.
"Bakit hindi mo sinabi?" nakangusong tanong ko na napatingala ditong sinalubong ang mga labi ko.
Napapikit ako na tinugon ito. Sobrang init ng kanyang mga labi at dama ko ring nanginginig ang katawan nito.
"I'm sorry, misis ko. Ayoko lang na mag-alala ka." Hinihingal nitong sagot na inakay na ako sa kama nito.
Naupo kami sa gilid ng kama. Yumapos naman ito sa baywang ko na pinaupo ako sa lap nito. Naigala ko ang paningin sa loob ng silid nito. May study table ito sa gilid at dalawang bookshelves na puno ng mga libro. Malinis at masinop siya sa silid. May sarili din itong banyo dito at TV.
"Okay ka lang ba? Uminom ka ba ng gamot?" magkasunod kong tanong.
Nagsumiksik naman ito sa balikat ko at damang-dama ang init na sumisingaw sa katawan niya.
"Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko at mabigat ang katawan pero kaya ko naman, misis ko. Uminom na rin ako ng gamot kanina." Sagot nito na ikinanguso kong humarap dito.
Yumapos ako sa batok nito na napatitig ditong namumula pa rin ang mukha dala ng lagnat.
"Ang init mo. Punasan na muna kita ha?" saad ko.
Hindi naman ito umangal na niluwagan ang pagkakayapos sa akin sa baywang ko. Tumayo na ako na pumasok sa banyo nito. Kumuha ako ng tubig at face towel na dinala sa tabi nito.
Napalunok ako na naghubad ito ng sweater at wala pala itong suot na sando sa loob. Hindi ko tuloy mapigilang pagnasaan ang kakisigan nito. Malapad ang balikat nito at nagfi-flex ang biceps niya sa tuwing gagalaw ang braso niya. Namumutok din ang anim niyang pandesal sa tyan na tila kumakaway sa paningin ko.
Nakagat ko ang ibabang labi na napasunod ng tingin sa butil ng pawis nitong umagos sa kanyang leeg, pababa sa malapad niyang dibdib at namumutok na mga pandesal sa tyan! Parang nakakaakit iyon na ikinatatakam kong dilahan!
"s**t! Bakit naman kasi ang hot mo, mayor ko?" impit kong irit sa isipan.
Pilit akong umaktong normal na naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang basang bimpo na nasa maliit na basin at piniga na muna. Marahan kong pinunasan ito sa mukha at leeg. Nangingiti naman itong nakamata sa akin na pinupunasan ito.
Hindi ko mapigilang mapalunok na napapasulyap sa malapad niyang dibdib! Nag-iinit ang mukha ko na hindi ko masalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin.
Pigil-pigil ang paghinga ko na maingat pinunasan ang mga namumutok nitong pandesal sa tyan na namamasa ng pawis. Kung hindi lang ako nahihiya ay dila ko na ang gawing pamunas eh! Nakakatakam dilahan ang mga pandesal nito.
Nang matapos ko na itong banyusan ay ibinalik ko rin sa banyo ang mga ginamit ko. Binanlawan ko na muna ang bimpo na ginamit ko at isinampay dito sa loob ng banyo. Naghilamos din ako na kinikilig na ginamit ang personal things ni Mikael dito sa banyo.
Ito ang unang beses na gumamit ako ng banyo ng lalake at nakigamit ng soap nito. Nang mas makalma ko na ang puso ko ay lumabas na ako ng silid. Lihim akong napamura sa isipan na malingunan itong hinihintay ako at hindi pa rin sinusuot ang sweater.
Lumapit ako dito na sinenyasan akong humiga sa tabi niya. Iniunat pa nito ang braso na ikinalapat ko ng labing sinunod ito. Kabado ako na nahiga sa kama nito paharap dito. Napahalik naman ito sa noo ko na yumapos sa baywang ko.
Kahit binanyusan ko na siya ay sumisingaw pa rin ang init sa katawan nito. Namumungay na rin ang kanyang mga mata. Napahaplos ako sa pisngi nitong namumula.
"Dalhin ka na kaya namin sa hospital? Ang taas pa rin ng lagnat mo," nag-aalalang saad ko na napapikit na inabot nito ang mga labi ko.
Ang init ng kanyang mga labi na unti-unting ikinatangay ko. Napayakap ako sa kanyang batok at buong pagmamahal na tinugon ko ang halik nito. Nagsimula na ring humaplos ang kamay nito sa baywang ko na ikinaaalpas ng mahinang ungol sa mga labi ko.
"Damn, misis ko. You're a death of my patience," anas nito na naghahabol hiningang sumubsob sa leeg ko.
Nakikiliti ako na tumatama sa balat ko ang mainit nitong hininga. Malalalim ang paghinga nito na kino-control ang sarili. Nag-angat ako ng mukha na hinaplos ito sa pisngi. Nanatili naman itong nakapikit na may tipid na ngiti sa mga labi.
Hindi ko mapigilang puriin ito sa isipan ko. Dahil kahit simpleng mamamayan lang si Mikael, ibang-iba ang dating ng kagwapuhan nito sa paningin ko. Hindi siya nakakasawang pagmasdan.
"Mikael, mahal kita." Bulong ko.
Dahan-dahan itong nagdilat ng mapupungay niyang mga mata na bakas ang kakaibang kinang sa mga iyon.
"Mahal na mahal kita."
Umangat ang kamay nito na hinaplos ako sa pisngi at nagniningning ang kanyang mga mata.
"Mahal na mahal din kita, misis ko." Sagot nito na napakalambing sa pandinig ko.
Kahit ilang beses ko na iyong narinig mula sa kanya ay kinikilig pa rin ako sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako.
Naalala ko naman ang tungkol sa pagsabak ko sa pageant. Plano kong kausapin ito ngayong gabi at magpaalam na sa kanya. Kailangan ko na kasing lumuwas ng syudad at isang buwan na lang ang meron ako para mapaghandaan ang pageant.
"May problema ba, misis ko?"
Napabalik ang naglalakbay kong diwa na nagsalita ito at bakas ang pagkabahala sa kanyang mga mata.
Pilit akong ngumiti na napailing. Matiim lang naman itong nakatitig sa akin na hinihintay akong magsalita.
"Mayor ko, uhm. . . ano kasi." Paninimula ko.
Napalunok ito na kita ang pagdaan ng takot sa mga mata nito.
"Say it, misis ko." Pabulong sagot nito na hinaplos ako sa pisngi.
"Uhm, k-kailangan na kasi naming. . . uhm--" hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko na ikinalunok nito.
"Kailangan niyo ng bumalik sa Manila, gano'n ba?" mahinang saad nito na lumamlam pa lalo ang mga mata.
Napalapat ako ng labi na marahang tumango dito.
"Akala ko, magi-stay pa kayo dito, misis ko." Saad nito.
"Tumawag kasi 'yong manager ng agency. At isa ako sa mga pumasa sa audition eh. P-plano ko kasing sumabak sa. . . sa international pageant." Pag-amin ko na ikinalunok nitong nag-iwas ng tingin.
Mapait akong napangiti na nakamata dito. Hindi ko naman mabasa kung anong tumatakbo sa isipan nito. Pero kitang-kita ko ang pagdaan ng lungkot at takot sa mga mata nito.
"Hindi na lang ako sasali. Hindi rin naman kita maiwan eh," saad ko na ikinalingon nito sa akin at kitang natuwa ito sa narinig.
"Hwag, misis ko. Ituloy mo." Sagot nito. "Susuportahan kita sa pangarap mo. Kapag may free time ako, ako ang dadalaw sa'yo sa syudad." Saad nito na ikinangilid ng luha ko.
"T-totoo? Pupuntahan mo ako doon?"
Ngumiti itong hinaplos ako sa pisngi. "Oo naman, misis ko. Sasamahan kitang abutin ang pangarap mo. Ayokong maging sakim at hadlang sa mga nais mong makamit. Pangarap mo iyan. Kaya susuportahan kita." Puno ng sensiridad nitong saad na ikinatulo ng luha kong nagsumiksik sa dibdib nito.
Niyakap naman ako nito na hinahagod-hagod sa likod ko at panay ang paghalik sa ulo ko. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ko na pumayag ito at suportado pa ako sa pangarap ko.
"Hwag kang mambababae dito ha?" nakangusong saad ko na ikinangiti nitong marahang pinahid ang luha ko.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" nagtatampong tanong nito na ikinangiti ko.
"I trust you, mayor ko. Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Mikael."
Napangiti ito na nagniningning ang mga matang mariin akong hinagkan sa noo.
"Salamat, misis ko. Mahal na mahal din kita. At malaki ang tiwala ko sa'yo. Alam kong maipapanalo mo ito. Nandidito lang ako na nakasuporta sa'yo," saad nito na ikinalabi kong niyakap ito.
"Salamat, mayor ko. Ang laking bagay sa akin na suportado mo ako dito. Dahil ikaw ang isang inspiration ko para ipanalo ito. Dalawin mo ako doon ha? At magtawagan tayo palagi," paglalambing ko na ikinatango-tango nito.
"Pangako, misis ko." Sagot nito na muling inangkin ang mga labi ko.
NATULOG kami ni Shiela sa bahay nila Mikael. Magkatabi kami ni Mikael habang si Shiela naman sa kabilang silid. Akala ko ay maisusuko ko na kay Mikael ang kalinisan ko. Dahil sa tuwing naghahalikan kami ay dama kong nanggigigil ito at nasasabik.
Pero hanggang yakap at halik lang ang pinagsaluhan namin sa buong magdamag kahit dama kong gising na gising ang sandata nito. Iginalang niya ako at hindi kinuha ang kalinisan ko kahit magkakalayo na kami.
Kinabukasan, mas maayos na ang pakiramdam nito. Nagpaalam kami ng maayos sa ama nito at sa pamilya ni Shiela. Halos hindi ko na bitawan si Mikael nang magpaalam na kami. Naiyak pa ako na sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya kahit may ibang nakakakita sa amin.
Kung hindi pa ako inakay ni Shiela ay hindi ko pa bibitawan si Mikael na nakangiting tumango sa akin. Malungkot ang mga mata naming nagkatitigan nang nasa kotse na ako. Kumaway kami sa isa't-isa na may pilit na ngiti sa aming mga labi.
Hirap na hirap akong nagmaneho. Hindi ko mapigilang maluha na palayo na kami nang palayo sa mahal ko. Kahit nangako itong dadalaw siya sa tuwing weekend sa Manila ay nalulungkot pa rin ako.
"Tama na 'yan, Mira. Ano ka ba? Magkakalayo lang naman kayo ni Kuya," pag-aalo sa akin ni Shiela na luhaan akong nagmamaneho.
"Shiela, balikan ko kaya siya? Nakakainis. Hindi ko siya maiwan-iwan." Saad ko na ikibatok nito sa aking ikinabusangot ko.
"My God, Miracle Madrigal. Ang tindi mo namang mainlove? Ano ka ba? Sayang din 'yong chance mo noh? Hindi naman mawawala sa'yo si Kuya. Magkakalayo lang kayo. Pagkatapos nito? Pwede na ulit tayong bumalik dito." Saad nito na ikinalabi ko.
"Baka kasi maagaw siya sa akin eh."
Natawa itong pabirong sinabunutan ako. "Ang arte mo ha? Mag-drive ka na nga lang. Hindi ka ipagpapalit no'n, Mira. Masyado ka no'n mahal."