Kabanata 20

1730 Words
MIRA: NAGING abala na ako sa mga sumunod na araw dahil sa training. Pero sa tuwing break time ko ay nag-uusap kami ni Mikael thru videocall. Sa gabi ay halos abutin na kami ng hatinggabi na magkausap. Kung saan-saan lang naman napupunta ang usapan namin na may halong kulitan at harutan. Hindi naman ako nahihirapan sa training ko. Bukod sa maganda na ang hubog ng katawan ko, sanay din naman akong magsuot ng high heels. Inaaral ko lang ang tamang pagrampa sa stage, ang facial expression at tamang pag-turn at pose na hindi ako matatapilok sa taas ng heels ko. Isang umaga, nasa pictorial kami kasama ang ibang candidates na kalaban ko. Walang nakakaalam sa kanila kung sino talaga ako. Dahil hindi ko naman pinapangalandakan na ako si Miracle Madrigal. Alam ng management na ako si Miracle, pero pumayag silang Mira Dela Torre ang gamitin kong pangalan to hide my identity. Kaya ang apelyedo ni Mommy Mia ang ginamit ko. "Hey, girls. Alam niyo ba? May nasagap akong chismis." Dinig kong bulong ng isang contestant sa mga kasamahan namin. Nandidito kasi kami sa dressing room at nagbibihis ng swimsuit na susuotin namin para sa pictorial. "Ano 'yon, Meg?" curious na tanong ng isa sa mga kasama nito. "Ang sabi, kabilang daw si ms Miracle Madrigal sa mga contestant ngayon. Tingin niyo ba, totoo 'yon?" pabulong saad nito sa mga kasama na napasinghap at namilog ang mga mata. Napalinga pa sila sa mga kasama naming lahat dito sa dressing room. Pasimple lang akong nakikinig na hinayaan ang make-up artist namin na ayusan ako. "Tingin ko may hinala na ako kung sino si ms Miracle," bulong pa ng isa. Napalunok ako na narinig iyon. Dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata na napasulyap sa gawi ng mga ito at laking pasalamat ko na sa isang contestant sila nakamata. Si Brianna Jones. Maarte ito at mataray. Ni hindi nga ito nakikisalamuha sa aming mga kasamahan niya. Palagi din nitong pinapagalitan ang mga staff na umaasikaso sa kanya. Gusto niya kasi pulido ang lahat kahit nag-eensayo pa lang naman kami at hindi pa final. "Tingin niyo ba, siya si ms Miracle?" pabulong tanong ng isa na sinang-ayunan ng mga kasama nito. Lihim akong napangisi. Nahagip nga nila ang chismis na kasali sa mga contestant si Miracle Madrigal pero ibang tao ang naiisip nila. Napalunok ako na nag-iwas ng tingin sa mga ito na napalingon sa akin ang isa. "Pero alam niyo? Mas gusto ko si ms Mira. Simple lang siya magdala pero 'di hamak namang mas maganda siya kay ms Brianna eh. Hindi rin siya masungit at mahirap lapitan. Kung totoo mang nandito nga si ms Miracle? Sana si ms Mira na lang siya. Idol ko si ms Miracle. At masasaktan ako kung malalaman kong pangit pala ang ugali niya. Lalo na. . . kung siya pala si ms Brianna," bulong ng isa na ikinabilis ng t***k ng puso ko lalo na't napalingon na sa akin ang mga kasama nito. "Tama. Kung makaasta si ms Brianna, akala mo naman siya na ang pinakamaganda sa ating lahat. Eh mas kapansin-pansin naman ang kagandahan ni ms Mira sa kanya. Mas sexy at makinis pa nga si ms Mira eh." Pagsang-ayon ng isa na lihim kong ikinangiti sa isipan. MATAPOS naming magbihis at maayusan, suot ang kanya-kanyang sach ay lumabas na kami ng dressing room at nagpunta sa rooftop ng hotel. Akupado namin ang swimming pool ng hotel dito sa rooftop para sa pictorial namin ngayong araw. Nasa forty-five kaming lahat at may kanya-kanyang dating ang ganda at karisma namin. Napakindat naman sa akin si Shiela na nasa gilid at kinukunan ako ng video. Tiyak na isesend niya iyon kay Mikael kaya ginagalingan ko ang pagrampa ko at pag-posing na ikinahihiyaw ng mga staff namin na siyang audience namin. Sa paglipas ng mga araw ay pagaling ako nang pagaling sa pagrampa at pose sa harapan ng camera. Maging ang tamang facial expression ko from daring into sweet ay nakukuha ko na ng tama. "Tubig?" Napangiti akong inabot ang bottled water na iniabot ni Shiela sa akin matapos naming magkaroon ng break. "Thanks, Shie." Aniko. "Anong ginagawa ng kumag na 'yan dito?" usal nito na ikinalunok ko. Napalingon ako sa tinitignan nito at nangunotnoo na makita si Allan na parating. May dala pa itong bouquet ng red tulips at naka-tuxedo. Napalunok ako na binundol ng kaba sa dibdib. Napasinghap naman ang mga contestant na nadadaanan nito at kinikilig dito. Kilala si Allan dahil anak siya ng isang senator ng bansa. Gwapo din naman siya at matangkad. Kaya napapalingon ang mga babaeng nadaraanan nito. Kitang napataas pa ito ng kilay sa akin na magtama ang mga mata namin. Mabuti na lang at nakasuot na ako ng bath robe. Hindi katulad sa mga kasama ko na ini-enjoy ibilad ang katawan nilang nakasuot ng two-piece bikini na pare-pareho kami ng kulay at disenyo. Napaismid ako dito na ngumisi pa itong tumuloy sa gawi ni Brianna Jones na matamis na napangiting sinalubong ito at inabot ang bigay na bouquet. Napasinghap naman ang nga nandidito na nagsimula na namang magbulungan. "Yieehh, ang gwapo naman." Impit na irit ni Shiela na marahan akong siniko. "Ha? Sino?" tanong ko. Ngumuso ito sa entrance na ikinasunod ko ng tingin ditong halos lumukso ang puso at kaluluwa ko na makilala ang parating! Napatayo ako na napalapad ang ngiting nakamata ditong nangingiting kumaway sa akin. Napalapat ako ng labi na kumaway din dito. Naagaw naman namin ang attention ng lahat na kanina ay na kay Brianna at Allan lang. Awang ang labi ng mga kasamahan kong contestant na nakasunod ng tingin sa mayor ko na bagong dating. Nakasuot ito ng dark blue polo shirt na pinaresan ng black pants at shoes. Nakasuot pa ito ng sunglasses at kitang bagong gupit na talaga namang ikinabagay nito! Lalo siyang gwumapo at nakapalakas ng datingan niya na nakabakat ang magandang pangangatawan nito sa suot na polo. "Hi, flowers for my queen," malambing saad nito na impit kong ikinairit na tinanggap iyon. "Thank you, mayor ko. Sabi mo, hindi ka makakarating. Nakakainis naman 'to," nakangusong ingos ko na ikinatawa naman nitong niyakap ako. Napasinghap ang mga kasama namin at dinig ko pang napapairit ang mga kasamahan kong contestant lalo na nang yakapin ko rin ito pabalik. Napanguso ako na tumingala ditong nangingiting hinagkan ako sa noo bago nag-smack kiss sa mga labi kong ikinaiirit ng paligid namin. Nag-iinit ang mukha ko na yumakap sa baywang nito at hinila sa sulok nitong rooftop kung saan walang masyadong tao. Naiiling naman si Shiela na sumunod sa aming dalawa ni Mikael. "Sinadya ko talaga 'yon, misis ko. Para masurprised ang mahal ko." Sagot nito na muli akong niyakap. Nangingiti naman akong nagpakulong sa bisig nito. Dalawang linggo pa lang kaming nagkakalayo pero sobrang mis na mis ko na ito. Hindi kasi siya nakadalaw noong nakaraan dahil may mga inasikaso ito sa munisipyo. "Akala ko nga wala ka ng oras para sakin eh." Pagtatampo kong ikinangiti nito. "Pwede ba naman 'yon? Eh 'di para ko na ring pinapatay ang sarili ko, misis ko. Kung alam mo lang eh. . .sobrang mis na mis kaya kita," paglalambing nito na mas niyakap akong ikinangiti ko. Hindi ko maitago ang ngiti at kilig sa mga labi ko na nandito ito. Para nga akong naglalakbay sa alapaap na kasama ko ngayon ang mayor ko. Napawi at naglahong parang bula ang pangungulila ko sa kanya at sumigla bigla ang araw at mood ko. Napalinga ito sa paligid na napangiting bumaling sa akin. "Mabuti naman nagsuot ka ng bathrobe mo. Hangga't maaari ay ayokong nilalantad mo ang katawan mo eh." Anito. Napangiti akong tumingkayad na hinagkan ito sa pisnging pinamulaan. "Hindi ko naman ugaling ibilad ang katawan ko, mayor ko. Pero dahil pageant itong sinalihan ko? Hindi maiwasang magpakita ako ng katawan lalo na sa swimsuit portion." Sagot ko na ikinanguso nito. "Teka. . . si Allan ba 'yon?" anito na nag-iba ang timpla ng mukha. Napanguso akong tumango na ikinasalubong ng mga kilay nito. "Anong ginagawa niya dito? Ginugulo ka ba?" tanong nito na ikinailing ko. "Hindi naman ako ang sadya niya, mayor ko. Relax ka lang." Sagot ko na ikinahinga nito ng malalim. "Mabuti naman kung hindi ikaw." Sagot nito. Tinawag na kami ng manager namin para sa pictorial namin kaya hinila ko na si Mikael na nagtungo sa lounge chair na nakalaan sa akin. "Dito ka lang ha? Ako lang ang panoorin ng mga mata mong iyan," pagbabanta ko pa ditong napahagikhik. "Ang possessive ha?" tudyo sa amin ni Shiela na ikinatawa ko na rin. "Syempre. Kita mong napakagwapo ng mayor kong 'yan eh." Kindat ko ditong napahagikhik na nakurot si Mikael na tatawa-tawang namumula ang mukha. "Opo, ikaw lang ang panonoorin ko, misis ko. Ikaw talaga. Good luck," sagot nito na inabot na ang bouquet at bathrobe ko. Napakindat ako dito na napalunok pa itong pasimpleng pinasadaan ang kabuoan ko na tanging two-piece bikini na lang ang suot ko. "Matunaw 'yan, Kuya." Tudyo ni Shiela ditong napatikhim. Nangingiti akong humalik muna ditong kitang kinikilig na ibang-iba ang kinang sa kanyang mga mata. Napaismid ako nang masulyapan kong nakamata sa amin si Allan na naniningkit ang mga mata. Nang magsalubong ang mga mata namin ay tinaasan ko ito ng kilay na makitang napalunok at pinasadaan ang kabuoan ko. Bakas ang pagnanasa sa kanyang mga mata na palipat-lipat ng tingin sa kaselanan, dibdib at mukha ko na napapalunok pa. Inirapan ko ito na hindi na lamang pinansin. Pinagbutihan ko ang pagrampa ko sa gilid nitong pool paakyat ng stage. Maging ang pag-turn at pose ko na ikinahihiyaw ng paligid. Maging si Mikael ay napapangiti na ring pinapalakpakan ako sa tuwing magtatama ang mga mata namin. Hindi sinasadya na kami ang nagkasabay ni Brianna sa pagrampa sa huling pag-pose naming lahat. Naghiyawan ang lahat na chini-cheer kaming dalawa. Maging ang mga kapwa namin contestant pero 'di hamak namang mas malakas at maingay ang pangalan kong sinisigaw ng mga ito. Nagtama ang mga mata namin ni Brianna at kitang hindi ito nagpapatalo ng basta-basta. Tinapatan ko ito na hindi nagbaba ng paningin. Kaya lalong umingay ang paligid. "Backoff, whoever you are." Anito habang magkatabi kaming kinukunan. "Why would I? Who are you to command me?" sagot ko na nakipagngisihan dito. "Who am I? Well, ako lang naman. . . si Miracle Madrigal." Mahina akong natawa na napailing ditong namutla at natigilan. "Miracle huh?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD