MIRA:
NAPANGISI ako dito na nilagpasan itong natuod sa sinaad ko. Ang kapal naman ng pagmumukha niya. Marahil ay narinig na niya ang usap-usapan na kasali sa mga contestant si Miracle Madrigal. Kaya inaangkin niya ang katauhan ko, para katakutan siya ng lahat. What a trash.
"Bagay nga sila ni Allan. Parehong basura," piping usal ko na lumapit na sa gawi ng ibang kasamahan namin para sa grouping pictorial naming lahat.
Kitang nag-iba ang timpla ng mukha nito. Akala niya siguro ay masisindak niya ako. Ako pa talaga ang tatakutin niya at ipagmalaki sa aking siya si Miracle? Ang kapal ng mukha niya ah.
Matapos ang pictorial namin ay hinayaan na kaming magbihis. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at white shirt na pinaresan ko ng white converse shoes.
"Hi," pagbati sa akin ng isang contestant na kasabayan kong nagtanggal ng make-up dito sa dressing room.
"Hello," magiliw kong sagot na ngumiti dito.
"Mira, tama ba?"
"Yup." Tumatanggo-tango kong sagot.
Naglahad ito ng kamay na nakangiti sa akin.
"Ayesha nga pala, Mira. Nice to meet you." Pagpapakilala nito sa sarili na tinanggap ko ang kamay.
"Nice to meet you too, Ayesha." Tugon ko.
Nagkangitian kami na muling nagpatuloy sa pag-alis ng make-up namin.
"Alam mo, usap-usapan 'yong harapan niyo kanina ni ms Brianna. Ang tapang mo ha?" saad pa nito.
"Wala naman akong problema kay ms Brianna. Pero hindi ibig sabihin no'n na papalag na ako sa kanya. Hindi sa panghuhusga pero. . . nayayabangan kasi ako sa kanya." Sagot ko na ikinangiti nito.
"Hindi lang naman ikaw ang nayayabangan sa kanya, Mira. Kami din naman. Ang attitude niya kaya." Wika pa nito.
Paglabas namin ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sinalubong ko na rin si Mikael at Shiela na nakangiting lumapit na sa akin na makita akong palabas ng dressing room.
"Pwede ka na bang umalis, misis ko?" tanong nito na ikinairit ni Shiela.
"Yup, pwede na, mayor ko. Idate mo ako ha?" paglalambing ko na yumakap sa braso nitong napangiting humalik pa sa noo ko.
"Sure, misis ko. Saan ba tayo?" anito na sinabayan na akong maglakad.
"Pwede bang kumain muna tayo? Tapos ihatid niyo rin ako sa unit bago kayo magharutan," singit ni Shiela na ikinahagikhik kong nakurot ito.
"Nagseselos ka na naman," bulong ko na nakurot itong napalapat ng labi na pinamulaan.
"Hmfpt. Dumating lang ang mayor mo, binabalewala mo na naman ako." Pagtatampo kuno nito na napabusangot.
Naiiling akong pinagsalinop ang mga daliri namin na ikinangiti na rin nito. Pinagigitnaan na tuloy nila ako ni Mikael na yakap ko ang braso sa kanan ko.
Pagdating namin ng parking lot, naabutan pa namin dito si Allan at Brianna na naghaharutan. Napataas kilay na lamang ako na wala silang kahiya-hiyang naghahalikan dito sa parking lot. Kahit may mga tao dito na napapatingin sa kanila ay wala silang pakialam.
"Ang landi ha?" aniko na ikinakurot ni Shiela sa akin.
"Ikaw rin naman. Nakita ko na kaya kayo ni Kuya na naghalikan ng ganyan," ingos nito na impit kong ikinairit na ikinahalakhak nito.
"Iba naman 'yong sa amin ah," sagot ko na napatingala kay Mikael. "Hindi ba, mayor ko?" pagpapakampi ko pa dito na napangiti.
"Oo naman, misis ko. Iba ang sa atin kasi," anito na napisil ang ilong ko. "Nagmamahalan tayo. Eh sila mukhang init lang ng katawan ang kanila." Pagsang-ayon nitong ikinalapad ng ngiti ko.
"Aysus, nagkampihan pa ang love birds," pasaring sa amin ni Shiela na ikinahagikhik namin ni Mikael.
Lumapit na kami sa kotse namin kaya nagbitawan na ang dalawa sa halikan nila, or should I say. . . laplapan. Napataas pa ng kilay si Brianna sa akin na tinaasan ko rin ng kilay.
"Let's go, babe." Malanding saad nito na parang sawang ipinulupot ang braso sa baywang ni Allan.
Nagtagisan ng tingin si Mikael at Allan na tila nagpapatayan na sila sa isipan nila.
"Let's go, babe. Hindi na ako makapaghintay ipakilala ka na girlfriend ko," pagmamayabang ni Allan na sinadyang lakasan ang boses.
Ngumisi ito kay Mikael na naka-pokerface sa kanya at nanatiling nakaakbay sa akin. Napahalukipkip naman kami ni Shiela na nakipagtaasan ng kilay kay Brianna.
"Aw, that's so sweet of you, babe. Salamat ha?" paglalambing ni Brianna na muntik ko ng ikaduwal.
"Alam niyo, bagay kayo." Ani Shiela na marahan kong siniko.
Ngumiti naman ang dalawa na bumaling sa kanya.
"Of course, ms. Dahil ang mga katulad ni Brianna, ang tipo ko." Buong pagmamalaki nitong sagot na ikinangisi ko.
Bumaling ito kay Mikael na nang-uuyam ang tinging ginagawad dito.
"Hindi katulad sa iba d'yan, low class at anak katulong lang ang kasintahan." Pang-uuyam nito na ikinakuyom ng kamao ni Mikael.
"Kaysa naman sa kumikinang nga. . . peke naman pala ang kinang. 'Yong akala mo, diamante na ang napulot mo." Palabang sagot ni Mikael na ikinapalis ng ngisi nito. "Yon pala ay tanso." Makahulugang saad nito na napasulyap kay Brianna na namula sa narinig.
"Sinong tinutukoy mong tanso, hmm? Si Brianna ba?" paninita ni Allan na ikinangisi ni Mikael.
"Ikaw ang nagsabi niya'n, hindi ako."
"Eh gago ka pala eh!" sikmat ni Allan na akmang susuntukin si Mikael pero pinigilan ni Brianna.
"That's enough, babe. Ano ka ba? Pinagtitinginan na tayo," bulong nito.
Kumalma naman si Allan na mapansing pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa parking lot.
"Tsk. Kung alam mo lang kung sino ang girlfriend ko, San Luis." Makahulugang saad pa nito na ikinangisi lang namin ni Mikael.
"Na ano?" saad ko. "Na siya si Miracle Madrigal?" dugtong ko na ikinamutla ng mga itong nagkatitigan pa.
"Miracle Madrigal?" ani Shiela na namimilog ang mga mata.
"Aha. Siya pala si Miracle Madrigal." Pananakay ko na kinindatan itong napaawang ang labi.
"You're right, Mira. Siya nga si Miracle. The one and only. . . Miracle Madrigal," pagsang-ayon ni Allan sa akin na diniinan ang pagsambit ng 'the one and only'.
"Hey, tama na 'yan. Ano ka ba? Mamaya may makarinig sa'yo." Pabulong awat ni Brianna dito.
"Bakit? Nahihiya ka ba na malaman ng lahat kung sino ka talaga?" makahulugang saad ko na ikinaningkit ng mga mata nito sa akin.
"Will you just shut up your mouth?" mataray nitong tanong na ikinangiti ko.
"Oops, my bad." Aniko na nakangisi pa rin dito. "Let's go, mayor ko. Nakakasulasok sa ilong ang masangsang na amoy ng peke dito." Saad ko na tinignan ito mula ulo hanggang paa na nakangisi.
Inalalayan naman ako ni Mikael na makapasok ng kotse, si Shiela naman ang naupo sa likuran. Umikot na rin si Mikael sa harapan at sumakay sa driver side.
"Seryoso ba ang bruhang 'yon? Aangkinin niyang siya si Miracle?" bulalas ni Shiela.
Natawa akong napailing. "Hayaan mo siya. Eh ano kung ipangalandakan niyang siya si Miracle? Sa huli ay siya rin naman ang mapapahiya. She's doing a favor for my sweet revenge. Hayaan nating umasa si Allan na siya talaga si Miracle." Saad ko na ikinailing nito.
"Hindi ba 'yon makakasira sa'yo, misis ko? Alam naman natin kung sino ang totoong Miracle sa inyo," nag-aalalang tanong ni Mikael na ikinailing ko.
"Wala namang sikretong hindi nabubunyag 'di ba?" sagot ko. "Hayaan na natin silang magyabang. Sa huli ay babagsak din naman ang dalawang iyon. It's too early to end the game she started," saad ko.
Napatango-tango naman ang mga ito na iniba na ang usapan. Naiiling na lamang ako sa naiisip. Kung paano ipagmalaki ni Allan ang Brianna na 'yon. Na akala niya ay si Miracle Madrigal. Ang hindi niya alam, ang ipinagmamalaki niyang brilyante niya ay isang malaking huwad.
KUMAIN na muna kami sa isang exclusive restaurant bago inihatid si Shiela sa condo para magkasolohan kami ni Mikael.
"Hindi ka ba napagod, misis ko?" bulong nito.
Nandito kami sa mall at nanonood ng cinema. Nakasandal ako sa balikat nito habang pumapapak ng popcorn.
"Medyo. Pero kaya pa naman lalo na't ikaw ang kasama ko, mayor ko." Sagot ko na sinubuan ito ng popcorn.
Tahimik kaming nanood. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa balikat nito.
"Uhmm." Reklamong ungol ko na maramdamang lumapat ang likod ko sa malambot na kama.
"Shh. . . back to sleep, misis ko. Nakauwi na tayo," bulong nito na hinagkan ako sa noo.
Pasado alassais pa lang ng umaga, nagising na ako dahil sa alarm ko. Alasotso kasi ang simula ng training namin kaya dapat bago mag-alasotso ay nasa set na kami.
Napangiti ako na makagisnang nandidito nga si Mikael na katabi ko sa kama. Iba na rin ang suot naming dalawa. Napahaplos ako sa pisngi nito na kinililig na pinagmamasdan itong tulog. Ito ang ikatlong beses na nagtabi kaming matulog ni Mikael sa kama.
"Hoy, Miracle Madrigal, bumangon ka na d'yan."
Napahagikhik akong pinaningkitan si Shiela na biglang nagsalita. Ngingisi-ngisi naman ito na napahalukipkip.
"Mamaya na, Shie. Gusto ko pa siyang pagmasdan eh." Sagot ko na Nagpangalumbaba sa malapad na dibdib ni Mikael.
"Kabisado mo naman na ang mukha ni Kuya. Seryoso ka ba?" naiiling saad nito.
"Kabisado ko na nga. Pero gustong-gusto ko pa rin siyang pinagmamasdan lalo na't tulog siya," sagot ko na nakangiting hinahaplos sa pisngi si Mikael. "Shie, ang gwapo niya noh? Hindi nakakasawang pagmasdan ang kagwapuhan niya. s**t! Why so gwapo naman kasi ng mayor ko."
Natawa naman itong pabirong binatukan ako na ikinahagikhik kong hinahalik-halikan si Mikael sa mukha.
"Nakakatakot ka namang mainlove, Mira. Bumangon ka na nga. Hindi ka pa nagsisipilyo eh kung makahalik ka d'yan kay Kuya, wagas." Naiiling saad nito.
"Pagbigyan mo na ako, Shie. Babalik na naman siya mamaya sa Ilocos." Sagot ko na sumubsob sa leeg nito.
"Akala mo naman ang layo ng Ilocos noh?" ingos nito na iniwan na muna kami ni Mikael.
Napahagikhik ako na nag-angat ng mukha at muling pinaghahalikan si Mikael sa buong mukha.
"This is the proper way to kiss me, misis ko."
Namilog ang mga mata ko na nagsalita ito at marahan akong kinabig sa batok. Nanigas ako na mabilis nitong inabot ang mga labi ko at pinagpalit kami ng pwesto!
"Uhmm. . . M-Mikael," ungol ko na naghahabol hiningang napayapos sa batok nito.
"Good morning, misis ko." Malambing bulong nito na mariing hinagkan ako sa noo.
Napatitig ako sa mga mata nito. Kahit bagong gising pa lang ito na sabog-sabog pa ang buhok ay napakagwapo niya pa ring tignan!
"Good morning too, mayor ko. Tara, breakfast na muna tayo." Sagot ko na ikinapisil nito sa baba ko.
"Your lips can do, misis ko."
"Ha--uhmm." Napapikit ako na masuyong inangkin nitong muli ang mga labi ko.