CHAPTER 2

1252 Words
“PATRICIA, mabuti naman at dumating ka na,” masayang sabi ng mama niya nang pagbuksan siya ng pinto.  Ito na lamang ang kilala niyang tumatawag sa kanya ng Patricia dahil kilala siya sa industriya bilang Risha. Saglit pa itong napamata sa kanya na parang nakakita ng kung ano. Napakunot noo siya. “Ma? Anong problema?” takang tanong niya. Hindi naman siguro dahil sa suot niya. Sanay na itong makita siyang ganoon ang itsura dahil sa trabaho niya. Nang magdesisyon siyang maging modelo at magpasexy ay isa lang ang sinabi nito, na matalino siya at may tiwala itong alam niya ang ginagawa niya. Kumurap ito. “Wala anak. Kamukhang kamukha mo kasi ang iyong ama kapag ganyang kulay asul ang mga mata mo. Pati kulay ng buhok mo katulad ng sa kanya,” sabi nito. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang lungkot sa boses nito at ang pagmamahal. Napailing siya at tuluyang pumasok sa bahay. Bungalow lang iyon pero maganda naman sa paningin. Dati ay napakasimple lang niyon pero nang kumikita na siya ay ipinaayos niya. Ang orihinal niyang plano ay ibenta na lamang ang bahay at lupa nila noon at isama na lamang ang kanyang ina sa Maynila. Subalit ayaw talaga nitong umalis doon kaya ipinaayos na lamang niya. Mahal na mahal nito ang lugar nila. Marahil ay dahil doon din nito nakilala ang kanyang ama.   Nakabase sa Clark Air Base ang kanyang ama ng makilala ito ng mama niya. Nagkita raw ang mga ito sa isang Fiesta at mula noon ay sinuyo na raw ito ng papa niya. Ngunit biglang kinailangang bumalik ng amerika ang papa niya. Hindi na nito nasabi na buntis na ito sa kanya. Nasa high school na siya nang malaman nila na may pamilya na pala ang kanyang ama sa amerika at wala ng balak na balikan ang mama niya. Nagalit siya nang malaman niya iyon. Patunay kasi niyon na niloko lamang nito ang mama niya, pinaasa, pinaibig. At nang makuha na nito ang gusto nito sa mama niya ay basta na lang nagpaalam. Worst, nangako itong babalik ito kahit hindi naman, na siyang inasahan ng mama niya. Ang mas ikinainis niya ay habang nagagalit siya ay tinanggap lamang nito iyon at patuloy nitong minahal ang kanyang ama. At nang mabalitaan nito sa mga dating kasamahan ng kanyang ama sa Air Base na pumanaw na ito ay nalungkot pa ito at ilang araw na umiyak. That, she really doesn’t get then. How could her mother cry over a man who betrayed her? Who gave her false promises? Who just used her body as much as he wanted then left her afterwards? Worst, how could she continue loving him despite all his lies? Sa huli ay naisip na lamang niya na masyado lang sigurong martir ang mama niya pagdating sa pag-ibig. Nang maisip niya iyon noon, nangako siya sa sarili niyang hindi siya magagaya sa mama niya. Hindi siya masasaktan ng isang lalaki kahit ano ang mangyari. She promised that she will choose a better man than his father. But she end up eating her own words. “Teka, alam kong hindi ka pa kumakain anak. May pritong tilapia ako at burong isda dito. Mangan na,” aya nito sa kanyang kumain sa kapampangan. Dahilan upang mapukaw ang atensyon niyang nililipad na naman kung saan. Napasunod na lamang siya rito sa kusina at napabuntong hininga. Napatingin siya sa lamesa. Mukhang na-excite masyado ang mama niya at nagprito ng maraming tilapia. May nakasandok na ring isang bandehadong kanin. “Ma, hindi ako pwedeng kumain ng kanin,” sabi niya rito. Tumingin ito sa kanya. “Ngayon lang naman Patricia. Sayang ang isinaing ko kung hindi ka kakain,” balewalang sabi nito. Muli siyang napabuntong hininga at umupo na. Napilitan siyang kumain ng kanin. Hindi iyon pwede sa diet niya. Kapag nalaman iyon ni Andi ay pagagalitan siya nito. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng muling magsalita ang mama niya. “Siya nga pala hija, nagpunta rito si Karen, iyong anak ni Norma na mag-gugulay? Tinatanong kung pwede siyang humiram ng mga libro sa iyo. Nakapasa kasi siya sa unibersidad sa Maynila kung saan ka nag-aral dati. Kapareho daw pala ng kurso mo ang kinuha niya kaya kung pwede raw hihiramin niya ang mga libro mo para makapag-aral habang maaga. Ang sabi ko ay itatanong ko sa iyo kapag dumating ka,” sabi nito sa pagitan ng pagsubo. Saglit siyang natigilan sa pagsubo.“Sige po. Nasa kuwarto ko pa naman ang mga iyon. Sana kinuha niyo na para hindi na siya bumalik. At ibigay niyo na lang sa kaniya. Hindi ko naman na gagamitin ang mga iyon,” komento niya. “Naisip ko lang na baka mayroon kang ayaw ipahiram doon. Ihiwalay mo na lang ang ayaw mong ibigay.” Tumango na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ang hapunan ay tumanggi ito ng sabihin niyang siya na ang magliligpit at maghuhugas ng kinainan nila. “Magpahinga ka na lang sa kuwarto mo at magpalit ng damit. Kaunting galaw mo lang ay parang makikita ko na ang singit mo sa iksi ng suot mo,” sermon nito. Naiiling na sumunod na lamang siya sa utos nito. May mga t-shirt at shorts naman siya roon, mga damit na madalas niyang isinusuot dati. Kasya pa iyon sa kanya kaya tuwing naroon siya ay iyon ang isinusuot niya. Nang makapagpalit ng damit at makapag-alis ng contact lenses ay napatingin siya sa naluma na niyang bookshelf. Puno iyon ng mga librong ginagamit niya noong kolehiyo. Marami ring nobela roon na nabili niya ng mura sa mga booksale. Napalapit siya roon at bahagyang hinaplos ng isang kamay ang mga iyon. She suddenly missed reading these old titles. Mula ng magmodelo siya ay bihira na siya makapagbasa. Kapag kasi wala siyang trabaho ay natutulog lang siya. Her hand stopped in a particular book. Iyon ang textbook niya sa algebra noon. Her heart suddenly twitched. Wala sa loob na kinuha niya iyon at dahan dahang binuklat. Naroon pa rin ang isang tuyong rosas na matagal na panahon na niyang inipit doon. Sa sobrang tuyo niyon ay wala ng makapagsasabi kung anong kulay iyon. But she knew it well. It was a red rose. And it was full of bittersweet memories. Her memories when she was just an innocent sixteen year old girl. Huminga siya ng malalim. Pakiramdam niya kasi maiiyak na naman siya. Why, after so many years does she feel that way? For goodness’ sake, she already had everything! She’s famous, sophisticated, rich, almost all the men in the country desires her, almost all the women envies her. So why does she feel so alone at that moment?  Didn’t she succeed in making her heart indifferent with what happened before? Hindi pa ba sapat ang depensang ginawa niya, ang pagbabagong bihis niya para hindi na siya maapektuhan ng parteng iyon ng buhay niya? Napabuntong hininga siya at pabagsak na humiga sa kama. Maybe it has something to do with Tiffany. Masyado kasi siyang naamaze sa kaligayahang nakikita niya sa mukha nito. Kaya naroon siya ngayon at itinatanong sa sarili kung bakit hindi siya kasing saya nito. Well, she felt tha happy before. Pumikit siya. At kahit ayaw niya ay nakita na naman niya ang mukha ng isang lalaki. The man she loved so much. And the man who broke her heart without a qualm, though she bet he’s not aware of. She sighed. George… bakit ba naalala pa rin kita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD