SOMEONES POV
It's been three years since my wife disappeared, pinahanap ko siya sa buong Korea ngunit hindi ko siya matagpuan, ako na mismo ang naghalugad hindi ko pa rin siya mahanap..wala na atang silbi ang pagiging hari ko dahil hindi ko makita ang reyna ko. Alam kong marami ang natuwa ng siya ay biglang nawala. Ni hindi ko pa mga siya naipapakilala sa lahat bilang aking reyna at bigla na lamang itong nawala.pinakilos ko na ang lahat ng tauhan ko para mahanap siya sa buong mundo. Masyado akong naging kampante na hindi siya aalis ng bansa dahil sa suot niyang singsing. Hindi ko alam kung anong hiwaga at kapangyarihan ang aking Reyna at bakit hindi ko siya makita gamit ang aking kapangyarihan.
Kapampante naman akong walang nangyaring masama sa kanya dahil hindi naman nagliliwanag at nagkukulay berde ang singsing na suot ko.
Pinuntahan na rin ng mga tauhan ko ang bahay nila ngunit wala silang makuhang impormasyon sa mga tao dun....
Kahit ginamit ko na ang kapangyarihan ko ay wala akong makita, hindi ko na alam kung anong mahika ang ginamit ng aking RYENA attdiko magamit sa kanya ang aking kapangyarihan.
kakaiba talaga siya kahit noong unang kita ko pa lang sa kanya noon sa mall habang namimili siya ng libro, hindi ko alam kung anong mahika ang bumalot sa akin ng araw na yun at bigla na lamang akong naka amoy ng kakaibang bango at ng makita ko ang pinanggagalingan ng kakaibang bangong yun ay Hindi ko maialis ang paningin ko sa kanya. Napakaganda niya sa suot niyang uniform na yun, tinawànan pa ako ng matalik kong kaibigan na kasama ko sa pag iikot ng mga sandaling yun, dahil mayroon na naman daw akong bagong biktima at napaka bata. Tinawanan ko lamang siya dahil iba ang dating sa akin ng babaeng iyon.
Hindi ko maalis ang mata ko sa pagtitig sa maganda niyang mukha, at ng marahil ay nahalata niya atang may nakatingin sa kanya kaya biglang lumingon siya sa akin......nagulat ako sa biglang paglingon niya kaya napayuko akong bigla. At sa muling pag angat ko ng muka ay wala na siya.....para akong sira na inikot ang mall para lamang hanapin ito.
Mabilis ko siyang hinanap sa bandang counter ngunit nabigo akong makita siya, sinundan ko ang amoy niyang kakaiba ngunit nabigo pa rin ako, hanggang sa makita ko siya sa school kung saan isa eskuwelahang pag aari ko at isa ako sa guest speaker ng mismong school ko, walang nakakaalam na ako mismo ang may ari nito, tanging ang principal at ilang sangay ng paaralang iyun ang nakakaalam....
Paglabas ko palang ng sasakyan ay naamoy ko agad ang bangong naamoy ko sa isang mall nun. Mabilis akong luminga at pinilit na sinino ang lahat ng istudyanteng nakikita ko.
hindi ko pa siya nakikita ay kakaibang amoy at kaba ang naramdaman ko ng mga sandaling yun, alam kong siya narito siya base na rin sa uniform na suot ng mga kabataang nasa paaralan.
hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang siyang pumasok kasama ang isang babae at lalake papasok sa entrance ng auditorium ng school....
Agad kong inutusan ang mga tauhan ko para makilala ang babaeng ito, pinaimbestigahan ko agad siya at nalaman kong graduating siya sa middle school, siya pala si Zia Julienne napakagandang pangalan na bagay na bagay sa maganda niyang mukha.......Zia....I will call her Zia...my queen......
Hindi na ako nag aksaya ng oras kinabukasan din ay pinakuha ko siya sa mga tauhan ko, wala siyang kamalay malay na nasa ilalim siya ng aking mahika, ngunit parang hindi siya naapektuhan nito, walang talab sa kanya ang lahat ng ginagawa ko, kaya ang sinuggest sa akin ng mga nakakatanda ay painumin na lamang siya ng inuming maaaring makapagpasunod dito.
Akala niya ay isang panaginip ang lahat ng nangyari sa amin, hinayaan ko siyang makauwi sa kanila panasamantala kahit kasal na kami, ayokong mabigla siya sa lahat ng pangyayari dahil alam kong napakabata pa nito. Kaya nagpalipas ako ng isang buwan upang muling makasama at makapiling ang aking reyna. Ito ay para na rin sa paghahanda ko sa pagpapakilala sa kanya bilang aking reyna.
Hindi naging madali para sa mga kapwa ko bampira ang desisyong pagpapakasal sa isang mortal. Alam kong may paniniwala silang isang nakatakda para sa akin na siyang mapangasawa ko at tumayong reyna ng mga bampira...
Isang napakalaking usapin ang naganap sa mundo ng mga bampira dahil sa biglaang pagpapakasal ko. Nahati ang opinyon ng bawat isa, may natuwa, nagalit at mayroong nabahala sa maaring mangyari sa ginawa kong desisyon.
Tiniis kong hindi muna makita ang aking mahal na reyna itoy para na rin sa kaligtasan niya at sa mga mahal niya sa buhay. Hindi lamang kase sa mundo ng mga bampira ang aking kalaban kundi na rin sa mundo ng mga werewolves. Alam kong alam na nila na mayroon na akong Reyna at karamihan sa mga alagad ko ay sumapi at nakipag sabwatan na at nakikipag tulungan sa wolves na yun para lamang ako ay magapi.
miss na miss ko na ang aking Reyna. Naging busy ako at kinakailangang tapusin ang mga nagbabadyang gulo sa mga nasasakupan ko bago ko siya muling makasama.
Hanggang isang araw nagulat na lamang ako sa balitang hindi nila napapansin si Zia sa paaralan. May mga alagad akong nag aaral sa paaralan kung saan sila ang naging bodyguard ni Zia habang ako ay abala sa tungkulin ko.
nalaman ko na ilang araw na itong hindi pumapasok at nag dropped na daw sa school. At kahit sa bahay nila ay wala kaming makuhang balita hinanap ko siya hanggang sa lumipas na ang tatlong taon ay hindi ko makita ang Mahal na Reyna..
Lalong lumala ang gulo sa mga nasasakupan ko. Marami sa mga kalahi ko ang nag iba ng landas marami ang tumiwalag at sumanib sa mga kalaban. Pati ang mga mababangis na taong lobo ay nagkawatak watak na rin. Masyadong lumala ang sigalot sa dalawang lahi. Natatakot ako para sa aking Reyna, alam kong kahit ang buhay niya kung saan man siya ngayon ay nasa panganib.
Alam kong walang nangyayaring masama sa kanya ngayon dahil ang suot kong singsing ay nasa daliri ko pa rin at hindi ito kusang nahuhulog o natatanggal. Ang wedding ring namin ay simbulo ng buhay naming dalawa. Kapag natanggal ang singsing ko ay sigurading patay na siya. Kapag ito namay biglang nagliliwanag at nagkulay berde at napaso ako, isa lang ang ibig sabihin, nasa panganib ang buhay niya sa mga sandaling ito...
Kaya panatag pa rin ang kalooban ko hanggang ngayon dahil sa lahat ng senyales ay wala pa namang nangyayari..
" My Lord, theres some men outside wanted to talk to you...."
" I don't have time if it's not that important, just asked them what they want...."
" it's about the Queen my Lord....."
Bigla akong napatingin sa kanya at kinabahan ako sa maari niyang sabihin....
" did he knows what was the consequences if he's not telling the truth.....!
" I've already told him My lord... He says he saw it with he's own eyes....!
" okay! Let him in...."
Pagpasok ng lalaki ay hindi maipinta ang mukha niya sa dami ng pasa at sugat sa mukha...isa siyang bampira ngunit bakit hindi niya magawang mapahilom ang sarili niyang sugat at pasa...ayokong magtiwala sa lalaking ito, ngunit may nagsasabi sa isip ko na paniwalaan ang sasabihin ng taong ito. Marami na ang sumubok at namatay dahil sa pagsisinungaling na nakita na nila ang mahal na Reyna, pero sa isang ito parang kakaiba ang kutob ko.....sa itsura niya alam kong isa siyang Pilipino...
" saang angkan ka nagmula.....at anong bansa ang pinanggalingan mo?
" sa angkan ng mga Leprus ako nagmula mahal na panginoong Zydus...sa Pilipinas po kami napadpad ng buong angkan..."
" paano ka nakarating dito sa Korea at sino ang nag utos sayo na pumunta dito sa aking kaharian? Alam mo ba ang maaaring mangyari sayo at sa pamilya mo, kapag napatunayan kong nagsisinungaling ka?
" alam ko po mahal na panginoon, ngunit hindi po ako magsisinungaling sa inyo...."
" sige ano ang iyong nais sabihin sa akin, siguraduhin mo lang na isa yang magandang balita , dahil puro problema na lang ang nakakarating sa akin. " ....wika ko sa lalaking halatang takot na takot at puro galos at pasa ang katawan, hindi mo aakalaing isa siyang bampira dahil no hindi man lang niya kayang ihilom ang kanyang sugat . Pero alam ko at amoy ko na isa tong kalahi namin.
nanginginig siyang lumapit sa akin at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.....sa pamamagitan kasi ng paghawak ko sa kamay at sa kahit anong parte ng katawan ng kahit sinong nilalang ay malalaman ko ang nakaraan at hinaharap nila. Kaya walang maaaring makapagsinungaling sa akin....
Nang hawakan ko ang kamay nito, nakita ko nga ang aking Reyna nasa Pilipinas siya at nag matured na ang itsura nito, masasabi kong ganap na siyang dalaga ngayon, napakaganda na niyang lalo ngayon...
Nakita ko ang mga naganap, hindi ako makapaniwala na siya ang simpleng babae lamang na nakakuha ng atensiyon ko sa mall na yun. Kakaiba ang kilos at lakas niya kaya masasabi kong may itinatago ang aking reyna. Hindi siya isang pangkaraniwang babae ngayon. Maaring bihasa lamang ito sa martial arts dahil na din sa kakaiba niyang kilos at galaw.
Magaling siyang makipaglaban at mabilis niya itong napatay , hindi nga ako nagkamali ng hinala sa kanya, kakaiba siya.....
" nagsasabi ka nga ng katotohan, maraming salamat sa iyo...paano mong nalaman na siya ang aking Reyna at sa paanong paraan mo siya nakilala..sa nakita ko dito ay parang nakatingin ka lang sa kanila..."
" I was one of those Vampires who attacked to the queen....Driver lamang po ako mahal na panginoon...kailangan ko lang talaga ng pera at hawak nila ang mga kapatid ko...matagal na pong hindi kami nakakainom ng dugo ng tao kaya pare parehas kaming mahihina at hindi makalaban sa kanila...nabugbog din po ako ng mahal na reyna kaya ganito ang itsura ko. Ang akala ko po kaya mabagal ang pagbalik ng lakas at paghilom ng sugat ko ay dahil sa matagal na rin akong hindi nakakainom ng dugo, pero napansin ko na lang sa ibang nabugbog ng Reyna ay ganoon din hindi na kaya ng katawan nilang hilumin ang sakit at sugat sa bawat tinamaan ng mahal na Reyna..."
" sinasabi mo bang ang mahal na reyna ang may gawa sa iyo niyan? ...Kakaiba talaga ang mahal na Reyna, hindi ko akalaing may kapangyarihan din pala siya..." bulong ko sa sarili ko. Natatawa na naiinis ako sa mga narinig ko.
" nagmakaawa po ako sa kanya na wag akong patayin at sinabi kong napilitan lang ako kaya ginawa ko yun...kaya nagawa po niyang hindi ako patayin....nalaman ko lang na siya pala ang mahal na reyna ng masilayan ko ang kanyang suot na singsing na sumisimbulo ng pagiging isa niyang Reyna..."
" sino ang mga bampirang kasama mo? Saang angkan sila nasasakop......alam ba nilang ang reyna ang nakakalaban nila ng mga oras na yun?
" sa palagay ko poy wala pa silang alam, hindi po naman kasi siya ang aming sinusundan ng mga sandaling iyon , wala po akong ideya kung sino at anong angkan at lahi ang hinahanol namin, ang Reyna po ang tumulong sa mga sakay ng sasakyang yun...."
Hindi na ako nag aksaya ng oras, ngayon din ay pupunta ako ng Pilipinas para sundan ang mahal na Reyna, sa haba ng taong paghahanap ko ay nalaman ko rin kung saan siya napadpad. Nasa Pilipinas lang naman pala siya kung bakit hindi ko ata namalayan at naramdaman na nasa bansang yun siya nagtago at di nakita. Hindi ko alam kung anong klaseng kapangyarihan ang pumapaloob sa asawa ko at parang may humahadlang sa akin na makita at matagpuan ko siya...
Hindi ako agad nakaalis ng araw na yun sa dahil sa balitang lumusob ang mga werewolves sa palasyo sa inakalang nasa palasyo ang aking Reyna. Marami ang nasawi sa pagsalakay na yun ng mga taong lobo. May mga mortal din kase akong tagabantay at katiwala sa palasyo. Marahil isa na ring mga taong lobo ang mga ito.
Kinakailangan kong bumalik ng transylvania sa lalong madalinh panahon. Pinatawag ko ang isa sa mga malalakas kong tauhan at isa na ring matalik na kaibigan na siya munang mag asikaso at kinakailangan kong makita at sundan ang mahal kong reyna at sa puntong ito kinakailangan ko na siyang isama pabalik sa palasyo