CHAPTER 4

2714 Words
Zia POV hindi ko na natiis na hindi tulungan si Franco, marahil instinct na din ang pagkilos ko at   pagtulong ko sa kanya, ni hindi ko na naisip ang aking sarili sa mga sandaling yun, ni hindi ko na nga pumasok sa utak ko kung kaya ko ba ang mga goons na yun kahit pa sabihing marunong ako sa martial arts e. Sa laki ng katawan ng mga lalaking to baka hindi ko kayanin. Though alam ko ang kakayahan ko, alam kong malakas ako kaya madalas din akong  pagsabihan ni papa nun na gamitin lamang ang aking kakayahan at lakas sa tamang pagkakataon at kung kinakailangan, hindi nga naman niya ako tinuruan para lamang sa mga walang kabuluhang bagay. Alam kong tama si papa kaya ingat na ingat din akong gamitin ito. At isang bagay na madalas ko din ipaalala sa mga anak ko, kahit mga bata pa kase sila ay kakaiba na ang lakas ng mga ito. mabilis akong lumabas ng sasakyan kahit pinipigilan ako ng dalawang babaeng kasama niya, mabilis akong tumalon at pagbaba ko pa lang mabilis ko nang tinadyakan ang lalaking umatake kay franco sa likod, nasubsob siya sa mga kasamahan niya at mabilis na naagaw ko ang atensiyon ng halos lahat. Napansin ko na natanggal ang salamin nung dalawang lalaki at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata nila. Nagulat man ako ay hindi ko  na pinansin ang mga yun dahil mabilis din silang kumilos palapit sa akin. Halos sugatan na din si Franco ng makita ko, at nakita ko ang pagababago ng kanyang mga kamay at kuko mahahabang mga kuko na akala mo ay sa isang halimaw. Mabilis kong kinuha ang hidden blade sword ko sa ilalim ng boots na suot ko, hindi ko kinakalimutan na dalhin ito palagi at idikit sa katawan ko. Bigay ni papa ito sa akin ng bumalik ako dito sa pilipinas noon. Naalala ko ng may kinuha siya sa kanyang kwarto nun akala ko bibigyan niya ako ng pera, yun pala isang blade sword ito na maari mong dalhin at ilagay sa katawan. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ibinigau sa akin ang hidden blade sword niya na pag aari pa daw ng aking namayapang lolo. Magagamit ko daw yun at malaking bagay ang matutuling sa akin sa ano mang sandali. Lihim na natawa lamang ako ng iabot sa akin ni papa ang blade sword na yun. Kase pwede naman ang baril na lamang para just in case mas mabilis kong mapatay ang kalaban. Kase hindi naman ako bihasa pa nun masyado sa paggamit ng mga sword sword e. Mabuti na lang at nakalusot ito sa immigration nun. Diko din alam ang dahilan bakit hindi na detect sa xray screening nun.  Isipin ko na lang daw na isang regalo ang sword na yun mula sa kanya. Advance gift daw para sana sa pagtatapos ko sa high school. Malaking bagay din ang hidden sword na to dahil hindi lang miminsan may ibang nilalang akong nakalaban. Alam ko at aware nako na may totoong bampira at wolves at kung ano ano pang nilalang ang nasa mundo ngayon.  Nang ipinagbubuntis ko pa lamang ang kambal ko ay may mga nilalang na akong nakalaban. Hindi lang isang beses silang sumalakay sa bahay noon. Ang sabi na lang ni yaya natural daw àng mga maligno at aswang kapag may nagdadalantao sa isang lugar. Dahil mabango daw ang amoy mg sanggol sa kanila. Kaya madaming pinaglalagay si yaya na kontra sa harap at bubong ng bahay nun at buong paligid ng bahay namin nun. Nang Minsang ngang ginabi kami ni yaya noon galing sa check up ay may nakasalamuha kaming hindi pang karaniwang nilalang. Takot na takot si yaya at mabilis na inakap ako para protektahan sa mga halimaw na yun. Mabuti na lang at mabilis kong nakuha sa bag ko ang dagger ko. At bago pa man niya ako nahawakan ay naisaksak ko na ito sa kanyang noo. Biglang naglaho ang halimaw na yun at magmula nun lagi ko nang dala at iniipit sa katawan boots ko. Kaya nagtataka ang mga kaklase ko noon at professor kung bakit ako laging naka boots kahit mainit ang panahon.... Katulad na lamang sa mga pagkakataong ito, mabuti na lamang at naisuksok ko sa boots ko ang dagger ko dahil muli na naman kaming mapapalabang dalawa. Mabilis ang kilos ko at mabilis ko ding sinaksak  sa noo niya ang patalim na hawak ko, nagulat na lang ako dahil biglang may itim na likidong umagos sa noo nito kaya mabilis ko siyang tinadyakan at nagulat na lang ako ng bigla siyang nagkikisay at biglang umapoy ang katawan, nagulat ako sa nakita ko pero hindi ko na muna binigyan ng pansin. feeling ko tuloy ng mga sandaling to  ay nasa shooting ako Nagulat na lamang ako ng biglang may tatlong lalaking humawak ng madiin sa braso ko pero mabilis ko ng naikot ang kmkay ko at ng nahawakan ko yung isa sa leeg, madiing sinakal ko ang isang lalake sa leeg alam kong nahirapan siya dahil na rin sa pagpapalag niya at pagpupumilit na lumaban sa akin. Ang isang lalaki na nakahawak sa kamay ko ay biglang napatigil at parang nanlaki  ang mga mata nito pagkatingin sa kamay ko, hindi ko alam kung ano ang biglang ikinalaki ng mata niya na para bang natakot ito. Mabilis niya akong binitawan. Na siya namang  sinamantala ko dahil mabilis ko rin siyang nagilitan sa leeg, hindi nako naiilang at natatakot pumatay ng mga ganitong klaseng nilalang. Dahil alam kong hindi sila mga mortal.  Kyng noon ay hindi ako naniniwala sa mga bampirang nilalang dahil sa pagkaka alam ko anģ mga bampira ay isang fiction lamang. Sino bang maniniwala sa panahon na to na may vampire and werewolves sa mundo. Kahit ako noon napapanood ko lamang sila at nababasa sa libro kaya ng araw na makatagpo ko ang tatay ng kambal ko, inakala kong isa lamang iyong panaginip. Kundi pako ako nabuntis hindi pa ako maniniwala e. Kaya kahit pilit kong ginagawang normal ang lahat sa buhay naming mag-iina alam kong magkakatagpo at talagang makikita at makikita ko pa din sila. Ang isang lalaki ay mabilis na nakatakas hindi ko na siya pinag aksayahan pa ng oras habulin dahil mabilis itong nakatakbo. Hindi ko nga lang talaga alam kung ano nga ba ang nakikita nila sa kamay ko. Marahil ang singsing na suot ko. Masyado kaseng takaw pansin ang singsing nato. Kahit sa trabaho ko pinipilit nilang alisin ko daw dahil hindi pwede ang may alahas during intern days. Ilang tao na rin ang nakakita sa singsing ko madalas nagtatanong sila kyng san ko ito nabili, kung tunay na ginto daw ba ito. Madalas sinasabi ko fake lamang ito at sa korea ko pa ito nabili bigay lang ng friend ko, symbols lang ng friendship namin hahaha.... at yung ibang tao na nakakasalamuha ko kapag nakikita nila ang suot kong singsing ay bigla na lang silang yumuyuko, kagaya na lang noong isang linggo, pagpunta namin sa mall ng mga anak ko, yung dalawang saleslady ng mapansin niya ang singsing ko ay bigla na lamang siyang yumuko at hindi pa din siya tumitingin sa amin hanggat hindi namin sila nilalagpasan, sabi pa nga ng mga anak ko baka daw nahihiya silang ipakita ang mukha nila kasi may tagyawat sila hahaha...ang mga anak ko talaga o! ...... napatay ko na ang halos lahat at ang isa naman ay nakatakas at ang  isa naman hindi ko na  nagawang patayin. Dahil hindi naman ito lumaban at umalis sa loob ng sasakyan at nakatulala lamang sa akin. ang driver ay isa ring  bampira, alam ko at ramdam ko na isa rin itong bampira.  biglang nagmakaawa ito sa akin ng lumapit ako sa sasakyan nila at nagkuwento na agad, which I Felt is true..ewan ko ba , isa na siguro sa talent ko ang malaman at maramdaman kung nagsasabi ba ng totoo ang isang tao or hindi man tao, dahil kahit mga hayop ay nararamdaman ko at parang naiintindihan ko ang gusto nilang sabihin. Kahit ang mga anak ko ay may ganoon ding talento katulad sa akin dahil ng minsang sabihin nila ang sinasabi daw ng aso ay sinubukan kong tanungin ang aso sa pamamagitan ng pagtitig sa mata nito at dun ko nalamang nagsasabi sila ng totoong dalawa..... Si Ilac ay may kakaibang kapangyarihan kaya ayaw ko rin silang isalamuha sa mga bata lalong lalo na sa mga kapitbahay namin, mahirap na... Kayang kaya kasi ni Ilac na basahin ang nasa isip mo sa nakaraan mo at sa future mo . sa pamamagitan ng paghawak lamang nito sa kamay mo, ang isang katulong nga namin ay sinabihan niyang may darating na isang lalaki sa susunod na araw at kukuhanin ang number niya...nung unay tinawanan lamang ito ng katulong but when that time came...nagulat na lang ako at nagtitili ang katulong ko at nagkatotoo daw ang sinabi ng alaga niya...which is ginawan ko na lamang ng alibi sinabi kong narinig kasi nung mga bata na tinatanong kung anong name niya at gustong kuhanin ang number niya kaya ganun yung sinabi ng dalawang bata.... After that incident, kinausap ko ang mga bata at alam kong naiintindihan nila ako. Kahit sinabi kong bawal magsinungaling, ay hindi pa rin tamang magbigay o magsabi sila ng ganun sa ibang tao, mahirap na ayokong magkaron ng issue about dun. Pinoprotektahan ko lamang ang mga anak ko sa mga nilalang na maaaring manakit sa kanila. Dahil hindi lahat ng tao ay maniniwala at mababait. pinaliwanag ko ang mga maaaring mangyari sa kanila if ever, kaya magmula nun ay naging maingat na sila sa pagsasabi at nakikita niya... Si Cadius o Cad kung tawagin ko, ay may pambihirang lakas na kung susumahin mo ay lakas ng tatlong tao compare sa lakas ng isang tatatlong taong gulang na bata. Kaya ang last incident na nagyari sa kalaro nila na sinasabi ng lahat ng nakakita na hindi naman malakas na itinulak ni Cadius kundi parang tapik lamang.... Mabuti na lang at puro bata ang nandun at walang ibang taong nakakita, kaya medyo kumalma ako, ayoko ng dumating pa yung time na gamitin ni Cadius ang buong lakas niya sa ibang tao.........alam kong may kakaibang lakas at talento  sa mga anak ko. San pa ba naman sila magmamana kundi sa ama nila. katulad ng ama nila, ayoko mang aminin sa sarili ko dahil ako mismo hindi ko maintindihan kung ano at bakit ako ang napiling maging asawa ng mahiwagang taong yun, pero kahit alam ko ang mga nangyayaring yun ay parang hindi ko naman magawang humindi sa mga kagustuhan niya dahil parang may iba sa kanya na sa unang kita ko pa lang ay magaan ang loob ko at feeling ko matagal ko na siyang kilala at alam kong hindi siya isang masamang nilalang........ Matapos kong matalo ang mga taong humahabol sa mga tinulungan ko ay dinala ko sila sa bahay, dinala ko sila sa laboratory ni papa at parang mini hospital na rin namin dito sa basement ng bahay namin....may itinurok ako sa kanilang antibiotics at nilagyan ko ng suwero ang apat at habang ginagamot ko sila ay nag umpisa ng magkuwento ang lalaki.... Siya lang kasi ang may pinaka minor na injuries compare sa tatlo pero okay na sila sa ngayon mabilis na tumalab sa kanila ang mga gamot ni papa.... " alam kong nakita mo ang pagbabago ng anyo ng mga nakalaban mo at kahit kami alam kong nakita mo rin , pero kahit nakita mo na kung anong uri kami ay tinulungan mo pa rin kami ng walang pag aalinlangan, nagpapasalamat ako ng malaki sayo. Dahil hindi ka nagdalawang isip kung itutuloy o hindi mo pa ang pagtulong sa amin, alam kong mabuti kang tao....." " alam ko rin naman na mabuti kayong tao, at alam kong gusto mong mabigyang lunas ang mga kasama mo.."...wika ko sa kanila " hindi kami pangkaraniwang tao, isa kaming taong lobo (werewolves) at ang nakalaban mo kanina ay mga bampira.....mukhang hindi ka na nagulat sa mga sinabi ko, dahil sa nakikita ko sa itsura mo ay hindi lang ito ang unang pagkakataong may nakasalamuha kang katulad namin , tama ba ako...!?"..wika ng babae sa akin " yeah! Actually ilang beses nakong nakakita at nakalabang bampira na sinasabi mo, pero ang iniisip ko lang nun , that was only my imaginations...or hallucinations, kada nakakakita kasi ako kakainom ko lang ng medicine ko, may maintenance na gamot lasi akong iniinom at lagi namang umeeksakto nakikita ko sila....ngayon ko lang na confirm mismo sayo na totoo ngang may mga nilalang na mga katulad niyo...."..paliwanag kong wika sa mga ito. " nagpapasalamat ako ng malaki sa iyo , sa pagtulong mo sa amin , isang malaking utang na loob ang ginawa ,o para pamilya ko...."...mapagkumbabang wika ni franco. " wala yun, ......siya nga pala puwede ba akong magtanong....? " sige okay lang....." " bakit ba kayo hinahabol ng mga bampirang yun?...curious na tanong ko sa kanìla. Though may hint na ako dahil kahit sa pelikula magkaaway na mortal ang bampira at werewolves. " It's a long story, pero para mas madali mong maintindihan , katulad din sa mga nababasa sa libro at napapanood sa TV na matagal ng magka away ang dalawang mag kaibang lahi...... Matagal na kaming namumuhay ng matiwasay dito sa Pilipinas, tahimik na kaming namumuhay kagaya ng mga tao, ngunit sa hindi ko rin maipaliwang na dahilan nabalitaan ko na lang na nagkakaroon ng kaguluhan at nahahati hati na ang mga grupo ng Bampira, at kahit ang iba naming kalahi ay sumapi na sa naghihimagsik na mga traydor sa hari ng Bampira. Marahil ay ayaw na nila sa pamumuno ng kanilang hari kaya sila ay gumawa ng sarili nilang mga grupo. Karamihan sa mga kalahi namin ay natakot at ang iba namay pinatay na ng kapwa kalahi namin, dahil sinusunod nila ang isang bampirang may pambihirang kapangyarihan. . Kapag hindi pumayag sa kagustuhan nila ito'y kanilang pinapatay, kagaya namin kami na lang ang natitira sa lugar namin na hindi umanib sa mga bampira binalak naming magtungo sa Africa.....dahil mas marami sa aming kalahi ang nandoon ngayon at hindi pa ito napapasok ng mga bampira, ngunit naharang kami paglabas pa lamang namin sa subdivision na aming tinitirhan...." "Ganun ba! De tutuloy pa din kayo sa africa pagkatapos dito!..." " ganun na nga marahil....ano nga ba ulit ang pangalan mo? " Zia , zia na lang ang itawag mo sakin.... Zia Julienne ang tunay kong pangalan, kaso masyadong mahaba kaya Zia na lang ....sige magpahinga ka na para makabawi ka ng lakas....siya nga pala ano nga pala ang karaniwang kinakain niyo aside from meat, kumakain din ba kayo ng kanin?...tanong na wika ko sa kanila " oo naman! We've been eating like the normal people..." " okay! Pasensiya na ha! Natanong ko lang para alam ko kung anong pwede kong iluto sa inyo..."...nahihiyang wila ko sa kanila " salamat! Mabuti na lang at abala ang mga anak ko sa paglalaro kaya hindi nila namamalayang naka uwi nako sa bahay...inutusan ko munang magluto ang mga katulong na maaari kong ipakain sa mga pasyente ko, bago ako magpakita sa kanila...... At ng maluto na ang pagkain ko ay narinig kong may dumating at pinapasok na agad ng katulong, kabilin bilinan pa naman ni papa na huwag na huwag agad kaming mag papapasok ng hindi namin kilalang tao, di ko naman masisisi ang katulong dahil bago pa lamang ito sa akin, umuwi kasi ng probinsiya ang isang katulong ko isang buwan pa lamang sa akin ang bago kong katulong at hindi ko pa siya nasasabihan ng mga rules and regulations dito sa mansion..... Nagulat ako ng makita ko ang mga lalaking naka polo shirt ng white at maong pants, lahat sila nakahilera sa bukana ng pintuan pawang magaganda ang mga katawan, ngunit hindi ko maaninag ang mga mukha nito dahil lahat sila nakayuko, at nagulat ako sa isang lalaking papasok na nakasuot ng light blue na polo shirt at maong pants, at naka shades, biglang kumabog ang dibdib ko habang papalapit siya sa akin, parang nakikita ko na ang itsura ng mga anak ko sa kanya paglaki ng mga ito. Akala ko nga si Ilac na binata na ang kaharap ko ngayon. Pati kulay ng buhok kamukhang kamukha ng sa kanya, parehas silang blonde....si Cadius kasi ay ka parehas ko ng kulay ng buhok na dark brown. Ang mga mata ng dalawa ay katulad na katulad sa lalaking nasa harap ko ngayon kulay green na parang may red sa gitna........ " hello wife......it's been a long time.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD