ZIA POV
It's been three years since I came back here in the Philippines. I was really afraid when i got back in the Philippines. I was five years old kase when we left in the philippines before, dahil sa Japan muna na assign si papa bago kami pumunta ng Korea. Kaya sobrang kaba dahil hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan ng buhay ko sa bagong lugar na ito. Wala akong kakilala, mag isa làmang akong nagtravel sa airplane from Korea to Philippines. Although nagsabi naman si papa na may sasalubong sa akin sa pag uwi ko. May driver na maghahatid sa akin sa bahay na titirahan ko. Pero kahit na, baka mamaya makalimutan ng taong yun na susunduin pala niya ako. Ni wala akong cash na pwede kong gamitin just in case na wala yung driver, at isa pa napaka laki ng pagbabago ng pilipinas noon sa ngayon, wala kami ni isang kamag anak na pwede kung tawagan at tirahan....
Mabuti na lang at may sumundo nga sa akin at ang sinasabi ni papa na susunod siya agad ay hindi nangyari, dahil lumipas pa ang tatlong linggo saka lang siya sumunod. Pero si yaya ay sumunod agad after a week dahil inayos pa niya ang passport niya kaya hindi agad siya nakasunod sa akin nun.....
After two months staying in the Philippines, saka ko nalaman na buntis ako..iyak ng iyak si yaya nun, napaka bata ko pa daw para maranasan ang pagiging isang ina. Wala naman akong narinig na masama kay papa humingi lang siya ng sorry sa akin. Dahil daw sa kanya kaya nangyari ang lahat ng to, though hindi ko maintindihan kung bakit siya nag sosorry, ako nga dapat ang magsabi nun dahil ang inakala kong panaginip ay isa palang katotohan...
Napakaraming katanungan ang namumuo sa utak ko, ni hindi nga ako umiyak or natuwa sa pangyayari, basta para lang akong natulala at naisip ko na paano ko ba aalagaan ang magiging anak ko. Gayong hindi ko nga din alam kung paano alagaan ang sarili ko. Nagdalantao ako for 9 months pa din same sa normal delivery of a human, pero hindi naging madali para sakin ang pagdadalantao dahil sobrang hilo at suka ako halos araw araw, napakalikot pa ng mga anak ko sa tiyan. And on that months hindi ako pinabayaan ni papa, lagi siyang nakabantay at suporta sakin, wala akong narinig na kahit ano mang salita na paninisi ba dahil pinabayaan kong magpa buntis sa taong diko naman kilala....
And after three years I've given birth to my twins ....whose exactly looks like with that mysterious man I married...
It's Cadilac and Cadius, my two adorable handsome twins. They are three years old now, at masyadong makukulit na bata. Sabi nga nila mahirap magpalaki ng anak, lalo pat mga lalaki ito. Dahil talaga namang makukulit at madaming tanong...
My dad gave them the same meds that I take less grams nga lang dahil mga bata pa sila, magmula ng ipanganak ko sila at magkasakit ay si papa na ang nagbibigay at qnagrereseta ng gamot sa aming mag iina. Sakitin din kasi ang mga anak ko magmula ng isilang ko sila, as in everyday nasa clinic kami ni yaya pero wala namang ma diagnose ang mga doktor kundi sabihing mababa ang hemoglobin ng anak ko kaya need ng vitamins sa dugo. Etc etc...
Mabuti na lang at nakagawa ng bagong gamot si papa para sa mga anak ko dahil tatlong linggo na kami sa hospital ay parang walang pagbabago ang kalagayan nila, tanging si papa lamang ang nakagawa at nakapag bigay ng gamot sa mga anak ko, at ngayon nga ay masigla na sila. Hindi lang nila kaya ang too much exposure sa araw dahil mabilis silang nahihirapan huminga sa mainit na lugar.....
" Mom! Can I go to Justines house later......."
" why?....
" I want to play with him, he said we will play basketball in their yard..."
" honey! You know you can't, remember the last time that you played in their yard!!...
" Yeah! I know...."
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng anak ko, magmula kasi ng maglaro sila ng isang kalaro niya, kapitbahay din namin. I don't know what was real happened at that time. Their playmates told me na nag away daw ang mga bata at tanging mga anak ko lang ang walang sugat at black eye, halos lahat sila ay meron, ang naka away ng anak ko ay napilayan dahil natulak daw ito ni Ilac ..
Si Ilac ay mas matanda kay Cadius siya ang panganay sa kanilang dalawa , dahil mas nauna itong lumabas or inilabas kesa kay Cadius... tatlong minuto lang naman ang tanda niya kay Cadius...
Malakas ang mga anak ko, baby pa lang sila alam kong kakaiba na sila mabilis silang nagsilaki compared sa ibang batang kasabayan nila. At matatas magsalita at akala mo ay matatanda na kung magsalita at sumagot sa akin. 3 years old pa lang sila pero ang taas nila ay kakaiba sa mga kalaro nila kaya hinigpitan ko na silang makipaglaro sa mga kapitbahay, mabuti na lang at mabait ang pamilyang Marques...hindi ko din alam kung bakit sila biglang bumait sa kin, nung unay galit na galit at halos manlisik ang mga mata ng asawa ni Mr. marques. Nang pumirma lang ako sa hospital para ako na mismo ang magbabayad sa hospital bill ng anak nila at makita ng singsing at sipatin nila ito ay biglang nag iba ang ihip ng hangin at nagmamadali silang umalis at humingi ng paumanhin sa akin...........
" ganito na lang anak after I finish school uuwi ako agad at ipapasyal ko kayo okay!"
" promise!"
" promise! Maaga ang uwi ko ngayon anak tatawag ako para malaman niyo agad ha at magbihis na kayo ..asan nga pala ang kuya Ilac mo?"
" upstairs, playing on he's xbox again...."
" why don't you join to your brother ng malibang ka okay! I only have three subjects today kaya maaga ang uwi ko hmmm...."
" Mom, kami ni Kuya Ilac kailan mag aaral sa school?"
" you better study here honey, para iwas disgrasya okay...next time na lang kayo mag aral sa isang school kapag nakaya niyo ng i handle ang lakas niyo okay...."
"Okay "
" bye for now! Sige na kiss na sa baby ko, baka malate na si mommy.....yaya kayo na ang bahala sa mga bata ha..."
" sige anak! Mag iingat ka ha....
" opo..."
Matutuwa ang mga anak ko dahil mas maaga akong makakauwi ngayon , wala kaming klase sa last subject ko kaya nagmamadali akong maka uwi sana, alam kong nabobored na ang dalawang yun dahil halos 1 month ko na rin silang pinagbawalan makipag laro sa mga kapitbahay namin....malaki ang agwat ng idad ng kanilang mga kalaro pero halos magkakasinglaki lang sila at idad kung pagmamasdan mo sila.
Malapit na ako sa bahay ng biglang may dalawang sasakyang naghahabulan sa tabi ko. At nagitgit nila ang sasakyang dala ko. Bigla akong napahinto sa pagpapatakbo ng sasakyan. At nagulat ako sa nakita ko dahil tumama sa malaking puno ang nasa unahang sasakyan at bumangga ang nasa likuran nito ...
Napansin kong umusok ang sasakyan, at may lumabas na isang lalaki sa isang sasakyan..pagewang gewang siya habang lumalabas ng sasakyan alam kong nasaktan siya sa nangyaring aksidente sa kanya kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at lumabas ako sasakyan ko. May alam din ako kahit papaano sa panggagamot, actually I am now in second year sa medicine at kasalukuyang intern ako sa Manila Medical Center, I'm a Surgeon ..........Cardiologist , dahil naging mahina ang puso ni Cadius ng isilang ko at mas sakitin compare kay Ilac kaya naisipan kong maging isang mahusay na Cardiologist balang araw. Hindi naging mahirap para sa akin ang pagiging isang doktor dahil sa angking kakayahan ko na mabilis makatanda ng mga bagay , sabi nga ng prof. Ko may photographic memory daw ako at isa sa mga gifted child..
Sinabi kong mana lang ako kay papa na isang scientist at matalino at gustong gusto ko talaga maging isang ganap na doktor para sa mga anak ko......
Paglabas ko ng sasakyan bitbit ko agad ang cellphone ko at dinayal ko agad ang emergency hotline para pumunta agad dito. Biglang bumagsak ang lalaking lumabas sa sasakyan agad akong napatakbo palapit sa kanya at chinek ko kung may pulso pa siya...
Malakas pa naman ang t***k ng pulso niya as in sobrang bilis, at sinilip ko kung may laman pa ang nasabing sasakyan, kung may ibang nakasakay rito..
May isang babaeng walang malay at isang batang babae na mukhang isang taong gulang pa lamang, tinignan ko ang isang laman ng sasakyang bumangga rin sa kotse nila, may dalawang babaeng nakasakay dito at mukhang nagising na ang isa samantalang pinipilit niyang gisingin ang katabi niyang babae dito. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan para tulungan ang babaeng may hawak sa bata, duguan ang babae at wala pa ring malay kahit pinipilit ko itong gisingin...
Nag iiyak naman ang batang babae sa kandungan ng ina nito...naramdaman kong nagkamalay na ang tatay nito at hinawakan ng madiin ang kamay kong may karga sa bata....
" saan mo dadalhin ang anak ko ? Sino ka?
" pasensiya na , nakita ko kung ano ang nanyari sa sasakyan niyo kaya tinulungan ko kayo...dadalhin ko kayo sa hospital..."
" akin na ang anak ko! Bitawan mo siya ! Ibigay mo siya sa akin....."
Nagulat ako ng biglang manlisik ang mga mata ng lalaking to dahil nakita niyang hawak ko ang anak niyang walang tigil sa pag iiyak..pinipilit niyang kuhanin ang bata sa mga kamay ko. Malakas siya , naramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa mga Braso ko.
At dahil sa ayoko talaga ang nakakaramdam ng sakit ay automatic na gumagalaw ang mga paa ko para manipa, maliit pa ako na kapag nasasaktan ako ng kalaro ko kahit hindi sinasadya ay bigla biglang nag iinit ang ulo ko, at diko maiwasang hindi gumanti sa kaaway ko...
Nahagis siya sa kabilang bahagi ng kabilang sasakyan, nagulat din ako sa ginawa ko kaya nanghingi ako ng paumanhin sa kanya......
Lumabas ang isang babae sa isang sasakyan at bigla biglang lumusob sa akin, namumula na parang kulay green ang mga mata niya, automatic namang gumalaw ang mga paa ko at natadyak ko din siya, hawak ko kasi ang bata, kaya puro paa ang gamit ko. Pinag aral at tinuruan din ako ni papa, magmula pa ng maliit ako ng ibat ibang klase ng self defence, kung ang iba ay music at swimming ang ginagawa sa bakasyon. Ako ay abala sa pag aaral at pag mamaster sa ibat ibang klase ng self defence, dahil lagi daw akong mag isa lamang sa bahay at siya'y nasa trabaho, hindi niya ako magagawang tulungan sa mga darating na araw kaya kinailangang matutunan kong ipagtanggol ang sarili ko laban sa masasamang nilalang sa mundo.......
Lalong nag iiyak ang bata ata sa ginawa ko....nakita kong bumangong muli ang lalaking tinadyakan ko...
" wait lang bago ka gumawa na naman ng isang bagay, liliwanagin ko lang ha, wala akong masamang intensiyon sa inyo, I was trying to help, ayun ang sasakyan ko o! Nakita ko kayong mabilis na nagpapatakbo at tumama ang sasakyan niyo sa puno kaya lumapit ako sa inyo..."
" sino ka at kung wala kang masamang balak sa amin bakit kakaiba ang lakas mo. Papanong nakaya mo akong masipa ng ganun kalakas...."
" maliit pa lang ako bihasa na ako sa martial arts, ito na nga pala ang baby niyo, pasensiya na ha....kung natakot kayong kuhanin ang anak mo...." mahinahong paliwanag ko sa kanila.
Binigay ko ang bata sa kanya at ang babaing kaninang sinugod ako ay muling lumapit sa akin at napansin ko ang pagbabago sa kamay niya napansin kong parang may balahibo na ang mga kamay nito at mahahaba ang mga kuko nito....
Inawat na siya ng lalaking pinagbigyan ko ng bata ngunit mukhang galit na galit na ata talaga siya sa akin...
" Melinda itigil mo na to....
" No! Ang Mga taong katulad niyay hindi na dapat mabuhay dito sa mundo...papatayin ko siya...."
Hindi na siya naawat pa nung lalaking kasama nila at mukhang kakalmutin ako sa mukha gamit ng matatalas niyang kuko na hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kahaba ang mga kuko nito na parang sa isang hayop at parang may mga balahibong nakapaloob sa mga kamay niya..
Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko dahil sa bilis niya ay nagawa ko ring mabilis iwasan ito. At nasuntok ko siya sa bandang dibdib niya, natakot ako dahil bigla siyang sumuka ng dugo pagkabagsak niya.....
" sorry...! Hindi ko sinasadya! Pasensiya na ! Okay ka lang ba?.....kaba ko sa nagawa ko, hindi ko din alam na masyado palang napalakas ang ginawa ko, alam ko mahina lang ginawa ko e.
" sino ka bang talaga bakit mo to ginagawa?.......tanong nung babaeng nasuntok ko....
" ako nga pala si ZIA malapit lang dito ang bahay ko dito , studyante pa lang ako pero kaya ko kayong gamutin kahit wala pakong lisensiya...." paliwanag ko sa kanila, naisip ko kase baka mamaya wala silang tiwala lang sa akin kaya ganun sila ka galit sakin though tinutulungan ko lang naman sila.
" lisensiya! Anong lisensiya pinagsasabi mo?
" license! License bilang ganap na doktor...lisensiya ba as medical doctors ganun"....muling paliwanag ko...
" Hindi ka ba kauri ng mga humahabol sa amin?"
" anong kauri Ba pinagsasabi mo, !...malapit na ding maubos ang pasensiya ko sa mga taong to e. Diko maintindihan pinagsasabi nila.
Nagkatinginan ang dalawang nilalang at naramdaman kong gumalaw at nagising na yung babaeng kasama ng lalakeng nasa sasakyan, tinatawag siya nito....
Nanghihina yung babae, may ilang salamin na tumama sa katawan nito, mga basag ng salamin na galing sa harapan ng sasakyan nila...
" tulungan mo kami parang awa mo na...kailanganng tulong ng asawa ko....!
" kuya! Hindi natin siya kilala baka mamaya isa siyang kalaban..."
" I don't know you guys either, but I trust you, at ganun din ang gawin niyo sa kin pagkatiwalaan niyo ko, kung wala kayong tiwala sa akin, tutulungan ko na lang kayong makarating sa hospital, and siya nga pala nakatawag nako sa hospital and any moment ay papunta na sila dito. Sila na ang bahala sa inyo, wala din akong mga gamit na maaaring magamit dito sa ngayon, sa hospital mas maaasikaso nila kayo..."..paliwanag ko sa kanila
" No! Wag sa hospital baka masundan nila kami dun, marami silang galamay mas lalo kaming mapapahamak!" Sigaw ng babae..
" kuya umalis na tayo dito bilisan na natin baka abutan nila tayo..."...parang takot na takot na salita nung babae..
" who are you people? Bakit nila kayo hinahanol mga takas ba kayo sa bilangguan..." tanong ko sa kanila, hindi ko na kase sila maintindihan pa, at kung bakit ayaw nilang magpadala sa hospital gayong halos nag aagaw buhay na yung kasama nila.
Bigla muling tumingin sa akin yung lalaki at halatang desperado talaga siyang humingi ng tulong sa akin gawa siguro sa asawa niyang mukhang hinang hina na...
" Halina kayo at sumakay sa sasakyan ko! Dadalhin ko kayo sa bahay ko, kung ayaw niyo sa hospital dun na lang ko kayo gagamutin sa bahay ko. Wag kayong mag alala isa akong doktor pero wala pa akong lisensiya, halos kumpleto rin ang gamit ko sa bahay, dahil sa sakitin ang mga anak ko, at medyo malayo kami sa hospital kaya bumili ako ng ilang kasangkapan na meron sa hospital para sa bahay ko na lang sila gagamutin..." paliwanag ko sa kanila, mukha kaseng kailangan na talagang magamot nung kasama nila.
" may mga anak ka na?...anong sasabihin ng asawa mo kapag nakita kami dun...?
" wala akong asawa! Although alam kong kasal ako, pero ....naaa! Its a long story.....come on saka na natin pag usapan ang tungkol sa lovelife ko. For now, kailangang magamot ang mga kasama niyo...don't worry wala akong ibang kasama sa bahay namin. Ako lang at mga anak ko pati katulong , come on......."
Hanggang sa may dalawang sasakyang huminto sa likuran namin papaalis pa lamang kami at nagbabaan ang mga sakay nito. Pare parehong nakaitim sila at naka shades "parang MIB lang ang dating ng mga peg..."
Napansin kong parang natakot yung babaeng asawa ata nung lalake dahil nagsumiksik ito at inakap ng maigi ang bata....
" kuya..!..."
" who are they! Sila ba yung mga sinsabi niyong humahabol sa inyo..?" Bulong ko sa kanila
" sila nga! Mag iingat ka miss dahil hindi sila pangkaraniwang nilalang...." bulong ng lalaki sa akin
" anong ibig mong sabihin!....sabi ko sa lalaki, pero mukhang hindi nga ata sila tatantanan ng mga taong humahabol sa kanila, diko na nga alam kung tao nga mga to sa laki ng katawan nila na para bang nanlilisik na ata mga mata, hindi ko alam kung san ko ba to nakita at parang nangyari na yung ganitong eksena nun.
" Dito lang kayo, wag kayong aalis dito...! Biglang salita nung lalaki at mabilis na sinalubong ang mga taong mukhang goons..
" Franco!...no!
" kuya wag!...
Hindi nila napigilang bumaba si Franco , Franco pala ang name niya...nakita kong ngumisi ang mga lalaking nagsilabasan sa sasakyan, mga sampu silang lahat. Nakita kong nagsuntukan na sila at liyamado si Franco dahil sa sugatan na rin ito. Napansin ko ang parang pag iiba ng anyo ni Franco, parang naging isang mabangis na hayop ang dating niya, kagaya ng sa kapatid niya kanina, nag iba ang mga kamay nito, at yung mga kalaban niya mukhang kakaiba nga Talaga, malalakas sila, nakita kong tumumba si Franco kaya napalabas akong bigla sa sasakyan dahil mukhang mapapatay siya ng mga lalaking kakaiba....
" san ka pupunta wag kang lalabas dito ka lang , mapapahamak ka!....sigaw nung babae sa akin, hindi ko din alam kung bakit ba ako lumabas pa at ni hindi ko nga alam kung kaya ko tong mga to din.
Tinignan ko lang yung babaeng nagsalita, I don't know them, hindi ko din alam kung anong klaseng nilalang sila, basta ang alam ko at nararamdaman ko kailangan kong protektahan ang kahit sinong nangangailangan ng tulong ko takot man ako pero nangingibabaw pa din ang kagustuhan kong tumulong, though alam ko at ramdam ko na kakaiba islang mga nilalang. Pero ramdam ko ang kabutihan pa din sa puso ng mga nilalang na ito..