"Hindi ito ang daan papuntang bahay namin! Mali ang dinadaanan mo!" Sita n'ya rito.
Nang mapansing, hindi ang papunta sa bahay nila ang tinahak ng sasakyan nito.
Apat na taon s'yang nawala sa bayan ng San Miguel, pero alam pa rin n'ya ang mga pasikot-sikot ng lugar. Syempre sa bayan na ito sya lumaki. At natutong umibig, at nabigo rin sa unang n'yang pag-ibig. Sa lalaking nasa tabi n'ya ngayon.
"Hindi ba gusto mong maka usap muna ang Daddy mo?" Tanong nito. Habang sa kalsada nakatuon ang pansin. Hindi man lang s'ya nito sinusulyapan.
"Yes! So, saan tayo pupunta?" Inis na tanong n'ya. At nagtaas ng kilay.
"Nasa VincElla Hotel ang Daddy mo. Doon tayo pupunta," seryosong sagot nito. At niliko ang kotse papasok sa pamilyar na gate sa kanya.
The VincElla Hotel
Ang Hotel na pag mamay-ari ng mga magulang n'ya at mga magulang ni Vincent. Sadyang ipinangalan pa sa kanila ni Vincent ang Hotel, bago pa man sila ikasal.
Biglang nanariwa sa kanya ang nakaraan ng makita ang malawak na hardin ng Hotel. May namuhong luha sa mga mata n'ya. Dito sa Hotel na to nangyari ang lahat. Dito sa Hotel na to s'ya kinasal. At Nabigo din sa mismong araw ng kasal n'ya kay Vincent. Ang tanging lalaking minahal ng batang puso n'ya. At ang tanging lalaking nabigay dulot sa kanya ng matinding sakit sa puso.
Hindi n'ya namalayan na tumutulo na pala ang luha nya sa pananariwa ng nakaraan.
"We're here!" Matigas na sabi ni Vincent.
Tinig ito ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Mabilis n'yang pinahid ang mga luha sa pisngi. At tumalikod rito. Upang itago ang mga luha. Nang biglang may bumukas ng pinto ng kotse. Marahil staff ng Hotel na nagulat pa ng mapansing umiiyak s'ya.
"Welcome to VincElla Hotel"
Ang alanganing bati ng lalake. Naka all white polo ito at may logo ng VincElla Hotel. Nginitian naman n'ya ito. At mabilis na bumaba ng kotse.
Nauna na sa pagpasok kay Vincent sa loob.
Pagpasok n'ya sa lobby ng VincElla Hotel biglang s'yang nahinto sa kinatatayuan. Nanginig ang buong katawan. Pakiramdam n'ya nakikita ang nangyari, apat na taon na ang nakakalipas. Kahit sa panaginip ayaw na n'yang makita pa ang bangungot na 'yon. Lalo na ang taong dahilan ng mga sakit at pagka bigong naranasan n'ya.
Tumulo ang mga luha n'ya na pilit pinipigilan. Umatras s'ya pakiramdam n'ya hinang-hina s'ya. Hindi pa s'ya handang makita ang mga bagay na tinakasan n'ya noon. Hindi pa pala s'ya handang harapin ang mga tinakasan n'ya noon.
Isang matigas na dibdib ang bumunggo sa likuran n'ya. At humagapay sa kanya. Nanghihina s'ya, at napakapit s'ya sa taong nasa likuran. Ilang beses muna s'yang humugot ng malalim na paghinga, bago n'ya nagawang sulyaypan ang taong sinasandalan at humahagapay sa kanya.
Mabilis s'yang kumalas ng makitang si Vincent ang nasa likuran n'ya. Umatras s'ya palayo rito. Iniwas n'ya ang mga mata rito. Dahil alam n'yang may namumuhong mga luha roon, at ayaw n'yang ipakita rito na may epekto pa ito sa kanya. Hindi s'ya mahina. Hindi s'ya dapat magpakita ng kahinaan. Lalo na sa harapan ni Vincent ang asawa n'ya.
Hindi ba't ilang beses na n'yang sinabi sa sarili na kaya na n'yang harapin si Vincent. Na kaya na n'yang harapin ang lahat ng tinakbuhan n'ya noon. Pero bakit ganito ang nararamdaman n'ya. Bakit s'ya nanghihina at nasasaktan pa ng nakaraan n'ya?
"Are you ok?" Tanong ni Vincent. Nasa mga mata ang pag-aalala.
Nag-lala ba sa kanya ang asawa? Hindi ba't galit ito sa kanya? Halos isumpa nga s'ya nito noon. Tapos magpapakita ito ng pag-aalala sa kanya?
"I'm good!" Tipid na sagot n'ya rito. At iniwas ang paningin. Sabay tumakbo patungo sa elevator, para maiwasan ito.
Narinig n'yang panay bati kay Vincent ng ilang mga tao roon marahil Staff din ng Hotel. Nalaman nga pala n'ya sa Lola n'ya na si Vincent na ang nasa pwesto ng Papa nito. Dahil may ibang Business na naman daw na sisimulan ang Daddy n'ya at Papa nito. Kaya marahil sapilitan s'yang pinauwi ng Daddy n'ya. Isa na siguro ang Hotel sa dahilan. Marahil nais ng Daddy n'ya, na sya naman ang mag asikaso sa Hotel. Pero wala s'yang planong manatili sa San Miguel. Kailanman man hindi na s'ya mananatili sa bayang ito. Saksi ang bayang ito sa lahat ng sakit at pagdurusa n'ya.
Pasara na ang pintuan ng Elevator ng biglang pigilan ni Vincent "yon. Sumunod pala ito sa kanya. Pumasok ito sa loob. Silang dalawa lang nito ang nasa loob, at na so-soffucate s'ya. Maliban sa maliit lang ang Elevator. Pakiramdam pa n'ya naririnig nito ang mumunting hikbi n'ya, sa pagpigil na huwag umiyak ng malakas, dahil sa bigat at sama ng loob na nararamdaman ngayon. Hawak-hawak n'ya ang dibdib na abnormal ang t***k tulad noon pag nakikita n'ya si Vincent.
"Are you sure you're ok?" Tanong ni Vincent. At sinulyapan s'ya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala. Pero alam n'yang nililinlang lang s'ya ng mga magagandang mata nito. Hindi ito nag-aalala sa kanya. Wala itong pakialam sa kanya.
"I'm ok!" Sigaw n'ya. Dahil gusto n'yang ilabas ang sama ng loob rito.
"Im ok! I'm ok!" Paulit-ulit na sigaw n'ya kay Vincent.
Dahil sa inis at galit na nararamdaman sa sarili. Dahil napatunayan n'ya sa sarili. Apat na taon man ang lumipas, hindi pa rin n'ya kayang harapin si Vincent.
Kahit ilang beses na n'yang sinabi sa sarili na kaya na n'ya, na matapang na s'ya, na hindi na s'ya ang iyaking si Ella, ay hindi pa pala. Dahil unang araw pa lang ng pagkikita nila, halos himatayin na s'ya sa sakit na nararamdaman kay Vincent. Ang lalaking tanging minahal n'ya. At ang tanging lalaking nagparamdam sa kanya ng sakit, doble-dobleng sakit.
Ngayon napatunayan n'ya sa sariling hindi pa pala n'ya kayang bumalik sa lugar kung saan n'ya naramdaman ang lahat ng sakit. Tila s'ya binabangungot, at pilit s'yang tumatakas, pero hindi n'ya magawa. Nananariwang pilit sa kanya ang lahat.
The Place!
The Wedding!
The Groom!
And
The Other Woman.