Pag mulat ng mga mata n'ya nasa sa isang puting silid s'ya.
"Ellla,"
Tinig ng Mommy n'ya.
"Mommy,"
Agad na lumapit ang Mommy't Daddy n'ya sa kinahihigaan n'yang kama.
Humagulgol s'ya ng iyak nang makita ang Mommy't Daddy nya, at naroon rin ang Mommy ni Vincent.
"Don't cry hija, Mommy's here Don't worry" Bulong ng Mommy n'ya. At mahigpit na niyakap ito.
"You'll be fine hija" alo naman ng Mommy ni Vincent. Habang hinahagod s'ya nito sa likod.
Sinabi ng mga magulang na nawalan s'ya ng malay sa VincElla Hotel. Kaya tinakbo daw s'ya ni Vincent sa Donya Feliza Hospital. Sinabi rin ng mga magulang na maayos na ang pakiramdam n'ya Kailangan lang n'ya ng sapat na paghinga.
"I miss you po Mom, Dad," umiiyak na sabi n'ya sa mga magulang.
Apat na taon s'yang nahiwalay sa mga magulang. Mabibilang n'ya sa mga kamay kung ilang beses lang s'yang nadalaw ng mga ito sa England. Kaya lalo s'yang naging emosyonal ng makita ang mga ito.
"Stop crying princess makakasama sa iyo 'yan," tinig ng Daddy n'ya. Na nasa likod ng Mommy n'ya.
Mabilis n'yang pinunasan ang mga luha at suminok-sinok. At niyakap ang mga ito.
"I miss you Dad,"
"Miss you too princess."
Matapos ang isang oras pinayagan na s'yang lumabas ng ospital. Wala naman daw s'yang sakit, tanging pagod lang ang dahilan ng pagkawalan n'ya ng malay kanina. Kailangan lang daw n'ya ng pahinga. At huwag masyadong mag-isip muna. At kumain ng tama. 'Yan ang bilin ng Doctor sa kanya bago s'ya tuluyang lumabas ng ospital.
"Si Vin-- Vincent po?" Ang halos bulong na tanong n'ya. Mula nang magising s'ya hindi pa n'ya ito nakikita. Alam n'yang si Vincent ang nagsugod sa kanya sa ospital. Dahil bago s'ya nawalan ng malay nakita pa n'yang nasalo s'ya nito bago pa s'ya tuluyang bumagsak sa sahig.
"Bumalik na s'ya ng Hotel" Sagot ng Daddy n'ya.
Hindi n'ya maiwasan ang malungkot, dahil tila hindi man nag-alala sa kanya si Vincent. Basta nalang itong umalis ng ospital at iniwan s'ya, na hindi man inaalam ang kalagayan n'ya. Ano pa nga ba ang aasahan n'ya.
"Umuwi kana muna sa bahay habang wala pa ang asawa mo. Doon kana muna magpahinga," ang malambing na sabi ng Mommy n'ya.
Muntik pa s'yang mapangiwi, dahil sa tinuring ng Ina kay Vincent. Asawa? Oo Asawa nga naman n'ya si Vincent. Pero hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. Kinasusuklaman s'ya nito. Kinasusuklaman s'ya ng kanyang asawa, o tamang sabihin na isinusumpa s'ya ng lalaking sinasabi ng mga itong asawa n'ya.
"Oo nga naman Hija doon kana lang sa bahay n'yo sunduin ni Vincent mamaya," dagdag pa ng Mama ni Vincent.
"Ho?" tanging nasabi n'ya. At pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito
"Bakit po ako dinala ni Vincent sa bahay n'ya kanina? Anong po'ng ibig sabihin non?" Alanganin n'yang tanong sa mga ito. At napansin n'yang nagkakatinginan ang mga ito.
"Hija asawa mo si Vincent. Normal lang na dalhin ka n'ya sa bahay n'ya. Bahay ninyo," Sagot ng Mama ni Vincent.
"Pero, hindi po kame pwedeng magsama," Mabilis na sagot n'ya.
"We can talk about this sa bahay na lang," sabat ng Mommy n'ya.
"But Mom I-"
"Ella, kailangang mong magpahinga. Don't think about it. Vincent will take good care of you. He is your husband," abat ng Mama ni Vincent at hinalikan pa s'ya sa noo.
"But... I mean-"
"Don't think about it hija," putol ng Mama ni Vincent sa sasabihin pa sana n'ya. At mabilis na itong nagpaalam sa kanila.
"Ma, Dad ano po bang nangyayari?" Tanong n'ya. Nang makalayo na ang Mama ni Vincent.
"Ella, anak Vincent is your husband. Kailangan n'yo nang magsama gaya ng normal na mag-asawa," sagot ng Daddy n'ya.
"What? Why?!" Ang malakas na tanong n'ya sa ama sa gulat.
Hinawakan naman s'ya ng Mommy n'ya. Na nag-aalala marahil mawalan na naman s'ya ng malay.
"Ella! Mag asawa kayo ni Vincent. Tama lang na magsama kayo," sagot ng Daddy n'ya.
"Mamaya na natin to pag-usapan. Babalik pa ko ng Hotel," dagdag pa ng ama. Nasa himig ng ama ang galit na pinipigilan.
"But Dad, I don't -"
"Mariella please! Drop it!"
Ang maotoridad na putol ng Daddy n'ya sa pangangatwiran pa sana nya. Alam n'ya ang tono na 'yon. At pag binanggit na ng Daddy n'ya ang buong pangalan n'ya ay alam na n'yang that's her Dad's final word. Nagkibit balikat na lang s'ya. At padabog na sumakay sa kotse.
Binati s'ya ng family driver nila. Ngumiti s'ya rito kahit papano. At muling sinulyapan ang Mommy't Daddy n'ya. Tilla ba nagtatalo ang mga ito. Alam n'yang s'ya ang dahilan ng ano mang pinagtatalunan ng mga magulang ngayon. At nakakaramdam s'ya ng guilt.
Pagpasok nila sa malaking gate ng bahay, ginala n'ya ang mga mata sa paligid. Na miss n'ya ang bahay nila. Sa tagal na n'yang hindi nakakauwi roon. Wala namang pinagbago ang bakuran nadagdagan lang ng isa pang Gazebo At dumami ang mga bulaklak sa paligid. Apat na taon man n'yang hindi nakita ang bahay nila ganoon pa rin ang pakiramdam n'ya sa bahay. She's still welcome.
Sa kusina s'ya kaagad dinala ng Mommy n'ya. May nakahanda ng mga pagkain roon.
"Kumain ka na muna hija,"
"Mom, pinabalik po ba ko ni Daddy rito dahil kay Vincent?" Tanong n'ya. Na hindi pinapasin ang mga pagkain sa harapan.
"Ella Hija," Simula nito. At naupo paharap sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya.
"Sa tingin ng Daddy mo, sapat na ang apat na taong magkahiwalay kayo ni Vincent. Iniisip naming baka ngayon pwede na kayong mag sama," malumanay na paliwanag ng ina.
"No, Mommy! Hindi pa sapat ang apat na taon para mawala ang sakit na dinanas ko kay Vincent!" Sigaw na sagot n'ya. Kasabay ng patulo ng mga luha. At binawi ang kamay na hawak ng Mommy n'ya.
"Ella! anak calm down. Makakasama sa kondisyon mo 'yan" May pag-alala sa tono nito.
"Masaya na ko sa England with Lola. Halos nakakalimutan ko na nga ang naging buhay ko dito sa San Miguel! Pero ano? Heto kayo't pinabalik n'yo ko? Para ano? Magsama kami ni Vincent na parang walang nangyari apat na taon ang nakalipas! Hindi ko kaya!" Umiiyak na sigaw n'ya. Nais n'yang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman.
"Hindi ko kayang makasama pa si Vincent bilang asawa ko! Hindi ngayon o kahit kailan. Hindi na kami maaaring magsama pa ni Vincent!" Sigaw n'ya. Habang hindi mapigilan ang pag iyak. Ewan n'ya naiinis s'ya sa sarili. Dahil umiiyak s'ya lagi pagdating kay Vincent. Kung bakit hindi n'ya mapigilan ang mga luha pagdating kay Vincent.
"Ella calm down hija," alo ng Mommy n'ya. At nilapitan s'ya at niyakap.
"I don't want it!" Ang pa ulit-ulit na sinasabi n'ya. Habang humahagulgol, at nakayakap sa ina.
"Sssshh ssshh stop crying honey. Mommy's here. I'll talk to your Dad tonight ok?" Bulong nito.
"I can't live with him," umiiyak na patuloy n'ya.
Hindi pa s'ya handang makasama si Vincent sa iisang bubong. Hindi pa sapat ang apat na taon, para maghilom ang malaking sugat na binigay ni Vincent sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magsama sila. O mas mabuting sabihin na hindi na sila dapat pang magsama ni Vincent bilang mag asawa. Dahil pareho lang nilang sasaktan ang isat-isa.
Pagkatapos n'yang kumain kaagad na s'yang nagpaalam sa ina para magpahinga. Hindi na s'ya sinamahan nito sa taas dahil tatawagan daw nito ang Daddy n'ya sa Hotel. Alam n'yang s'ya at si Vincent ang pag-uusapan ng mga ito. At alam n'yang binibigyan n'ya ng problema ang mga magulang.
Pagdating sa silid. Bumungad sa kanya ang kulay pink na silid. Her pink room. Pink ceiling, wall, cabinet, curtain, lampshade everything is pink. Naupo s'ya sa malaking kama na pink din ang sheet cover at mga pillows. She missed her room. Kung gaano n'ya na miss ang dating buhay ay ganoon rin n'ya ka miss ang sariling silid.
Bago s'ya nahiga nagbihis muna s'ya. At naalala ang nangyari sa airport. Aksidente n'yang natapon ang kape sa sahig kanina. Tinignan n'ya ang matsa sa skinny jeans at mabilis na hinubad 'yon, at ang white top na nagapapakita ng magandang curve ng maliit na bewang n'ya. Undies na lang ang suot n'ya, nang maalalang nasa bahay na pala ni Vincent ang mga gamit n'ya.
Pagbukas n'ya ng cabinet andoon pa rin ang mga dati n'yang damit. Pero natatakot s'yang sa tagal na ng mga damit n'ya doon na naka hanger baka mangati s'ya. Kaya bumalik na lang s'ya sa kama at nahiga na. Pagod na s'ya. Kailangan n'yang magpahinga sa kaiisip kung anong mangyayari sa kanya, pag pinilit ng mga magulang na magsama na sila ni Vincent bilang mag asawa. Ayaw na muna n'yang mag-isip. Basta ano man ang mangyari hindi s'ya makikisama kay Vincent.