"Sorry I'm late."
Tinig na nagmula sa may likuran niya. Nilingon ang may-ari ng tinig. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng makilala ang nagmamay-ari ng tinig. The tall, tan, and handsome man standing in front of her, is none other than Michael Vincent Dela Merced. Her husband.
Napalunok siya. Hindi sinasadyang nabitawan ang hawak na cup ng kape. Nagtalsikan ang laman non sa sahig, pati na sa suot niyang heels at brown skinny jeans. Hindi niya pinansin ang pagkalat ng kape. Nanatili siyang nakamata sa kaharap. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatitig sa mga mata ni Vincent. Ang asawa niya.
"Are you ok?" Tanong ni Vincent at sinulyapan ang tumapon na kape sa sahig, pagkatapos muling bumalik sa kanya ang tingin nito.
Kumurap-kurap siya,para siguraduhin sa sarili na hindi siya nananaginip lang, na totoong nasa harapan niya ngayon si Michael Vincent Dela Merced. Ang asawa niya ang nag-iisang lalaking minahal ng batang puso niya.
Huminga siya ng malalim at nakaramdam ng panlalabo sa mga mata. Luha na pilit niyang pinipigilan. Tumigas ang kanyang mukha. Mabilis na pinahid ang mga mata bago pa bumagsak ang mga luha sa harapan ng asawa niya. Hindi siya dapat umiyak sa unang pagkikita pa lang ng asawa, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan rito.
"What are... you... doing here?" Tanong niya, na hindi maitago ang panginginig sa tinig. Nag iwas siya ng mga mata.
Alam niya na pag bumalik siya ng bansa magkikita't magkikita sila ni Vincent. Pero, hindi niya inaasahan na ito ang unang makikita sa unang araw ng pagbabalik niya ng San Miguel.
"Sinusundo kita," Maotoridad na sagot nito. Hinawakan ang handle ng maleta niya.
Mabilis naman niyang inagaw iyon at tumayo mula sa kinauupuan. Sinulyapan ang nagkalat na kape sa sahig. Napakagat labi pa siya, muling ibinalik kay Vincent ang mga mata. Nakita niyang sa mga labi naman niya ito nakatingin. Nakaramdam siya ng pagkailang at nagyuko ng ulo. Pakiramdam kasi niya sasabog na ang dibdib niya sa kaba, takot o ano mang nararamdaman ngayong nasa harapan niya ang asawa.
"Let's go," anyaya nito.
Biglang siyang nag-angat ng mukha. Deretso sa gwapong mukha nito tumama ang kanyang mga mata. Humugot siya ng malalim na paghinga. Dahil tila pangangapusan na siya ng paghinga sa pagtingin sa gwapong kaharap.
"Where's my Dad? Hindi ba siya dapat ang susundo sa akin?" Tnong niya na pilit pinatitigas ang boses. Para maitago ang kaba.
"I'm your Husband kung may dapat man na sumundo sa iyo, ako iyon!" Sagot nito, na sadyang pinakadiinan pa ang salitang Husband, na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya.
"Husband?" Bulong niya na tila ba siya lang ang nakarinig.
"Let's go," Muling anyaya nito na hindi pinansin ang bulong niya.
Hinila nito ang maleta at kinuha ang isa pang bag na nakalagay sa upuan. Bago pa siya makapag protesta lumakad na ito dala ang mga gamit niya.
"Wait! Wait!" Hiyaw niya, at hinabol ito.
"Vincent ano ba?" Sigaw niya.
Bigla siyang napahinto. Tila kase nagkaroon siya ng ibang pakiramdam sa pag banggit niya sa pangalan nito. Mula ng umalis siya ng bansa ay pinilit niyang huwag banggitin ang pangalan ng asawa.
Hiindi man siya sinulyapan nito. Para bang wala itong narinig. Tinawag niya ito uli. Pero ganoon pa rin hindi siya pinansin nito. Kaya wala syang choice kung hindi sumunod rito palabas ng Airport.
"Give me that! I'm going to call my Dad! sa kanya ako magpapasundo!" Matapang na sabi niya. Nang mahabol ito sa labas. Marahas na hinila ang mga gamit na hawak pa rin nito. Pero balewala ang lakas niya sa lakas nito. Kaya kahit anong pilit niyang paghila sa mga gamit hindi niya maagaw ang mga iyon.
"Ano ba!"
"Nasa hotel ang Daddy mo. Tinawagan niya ko para sunduin ka," malamig na sagot nito, walang ekspresyon sa mukha.
"I'll call my Kuya Nate, sa kanya ako magpapasundo!" Taas kilay na sabi niya. At mabilis na kinuha ang cellphone mula sa bag. Kaagad namang inagaw ni Vincent iyon mula sa kamay niya.
"Hey! That's my phone! What are you doing? Give me back!" Tili niya rito. Pilit inaagaw ang cellphone.
"Alam mo, wala akong time para makipag laro sa iyo. May trabaho pa ko. May meeting pa nga ako. Pero dahil sinabihan ako ng Daddy mo na sunduin ka, iniwan ko ang trabaho ko para sa iyo" Nagtitimpi sa galit na sabi nito.
Napaatras siya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Nagtaas siya ng kilay rito. Kung akala nito masisindak siya nito, nagkakamali ito.
"Well, I'm sorry kung na istorbo ko ang meeting mo! You can go now! I can call my Kuya or one of my friends to come and get me," taas kilay na sagot niya rito. Kung naiinis ito sa kanya, mas naiinis siya rito.
"Ok, here's a deal! Do you want me to drag you out of here or susunod ka sa akin na hindi gumagawa ng eksena!" Banta nito.
"What? hindi ako gumagawa ng eksena!" Hiyaw niya at nakipagsukatan ng tingin rito.
Nang mapansing wala siyang magagawa sa ngayon, nagkibit balikat na lang at tumango na lang rito, kahit masama ang loob, susunod na muna siya.
Isang expensive black BMW ang naghihintay sa kanila sa labas. Nakasunod lang siya ng tingin rito, habang inilalagay nito ang mga gamit niya sa likod ng kotse.
"Are those all your things?" Vincent asked.
"Yeah!" Tipid na sagot niya rito, at sumakay na sa passenger seat.
Hindi niya dinala ang lahat ng gamit niya. Dahil wala siyang balak magtagal sa San Miguel. Wala na sa San Miguel ang buhay niya, nasa England na ang buhay niya kasama ang kanyang Lola.
Nang maka graduate siya sa kursong Hotel Management sa England. Kaagad siyang nakapasok sa isa sa mga sikat na hotel sa England bilang Manager. Humingi lang siya ng 2 weeks vacation para makauwi ng bansa at pinayagan naman siya. Wala siyang idea kung bakit sapilitan siyang pinapauwi ng Daddy niya. Masaya na siya sa buhay niya sa England kasama ang Lola niya. Halos nakakalimutan na nga niya si Vincent, ang lalaking minahal at pinakasalan niya, pero nabigo lang siya.
Palihim niyang sinulyapan si Vincent na seryoso ang mukhang nakatuon sa kalsada. Gwapo pa rin ito. Walang duda.
Nakuha niyang lumayo sa pamilya niya nang apat na taon dahil sa kabiguan na naranasan niya sa pagmamahal niya noon kay Vincent. At heto siya ngayon, sa muling pagbabalik niya si Vincent kaagad ang nakita niya. Pero hindi na siya ang dating Ella na basta na lang iiyak sa sulok at tatakas sa problema. She's 22, mature enough. Kayang-kaya na niyang harapin ang mga problema. Kayang kaya na niyang harapin ang asawang iniwan niya apat na taon na ang nakakalipas.
Napagmasdan niyang mabuti ang gwapong mukha ni Vincent, habang nagmamaneho. Wavy black hair, nice eyebrow shape, long lashes na namana sa Mama nito. Brown eyes, na tila ba laging may mesteryong nakapaloob roon. Manipis na mga labi na bumagay sa nunal nito sa may chin, na nagpadagdag sa s*x appeal nito. s*x appeal? Tama ba ang nasabi niya?
"So am I still Handsome?" Vincent sarcastic asked.
"Ah.. hmm what?" Tense na tanong niya at mabilis na iniwas ang tingin.
"Well, I thought you were staring at me.," Vincent answered with a smirked.
"No, of course not!" Defensive na sagot niya habang ramdam ang pamumula ng pisngi.
Apat na taon na ang lumipas pero masasabi niyang sa paglipas ng mga taon ay walang nagbago kay Vincent. Gwapo pa rin ito, o masasabi niyang mas lalong gumuwapo ngayon ang asawa. Bumuntong hininga siya at pinikit niya ang mga mata para maiwasan muna ito, isa pa pagod siya gusto niyang magpahinga.
"Ella! We're here, wake up,"
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Pakiramdam niya may yumuyugyog sa kanya at ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Vincent na kahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
"What are you doing?" She asked in a shocked tone and pushed him away.
"Ginigising kita, andito na tayo," Malamig na tugon nito.
"Where?" Tanong niya, nilingon ang labas ng sasakyan.
Nasa loob sila ng isang magandang bakuran na ngayon lang niya nakita. Alam niyang hindi ito ang bahay nila at sigurado s'yang hindi rin ito ang bahay ng mga Dela Merced.
"Kaninong bahay ito?" Kunot noong tanong niya, nilingon si Vincent na pababa na ng sasakyan.
"Kaninong bahay ito?!" Muling njyang tanong, mabilis na bumaba ng sasakyan.
Ginala ang mga mata sa modernong malaking bahay at sa malawak na bakuran. Nilingon niya ito na may kausap na binatilyo, habang kinukuha ang mga gamit niya sa likuran ng sasakyan.
"Nasaan ako?!" Tanong niya, pero sinulyapan lang siya nito. Narinig na iniutos itong ipasok na sa loob ang mga gamit niya sa kausap nitong binatilyo.
"Wait! sandali" Pigil niya sa binatilyo.
"Ibaba mo mga gamit ko!" Galit na utos niya sa binatilyo. Alanganing nilingon ng binatilyo si Vincent.
"Kanino bahay to?" Tanong niya. Para na siyang sirang plaka na paulit-ulit.
"Bahay natin to," bored na sagot ni Vincent sa kanya.
"Natin?" Gulat na ulit niya sa sinagot ng asawa.
"Asawa kita Ella. Natural na tumira ka sa bahay ko,"
"No!" Mabilis na protesta niya.
"Ihatid mo ko sa bahay namin!" Maktol niya, at hinarang ang binatilyo na may bitbit sa mga gamit niya.
"Put it down" Matigas na utos niya sa binatilyo. May takot na sinulyapan ng binatilyo si Vincent. Tila naghihintay ito ng utos mula sa kay Vincent.
"Iakyat mo na iyan sa Master Bedroom," utos ni Vincent.
"What?! I don't get it Vincent! Bakit mo ko dito dinala?"
"You're my wife Ella, if you forgot that well, we got married 4 years ago. Because you made a hard work to get ma-
"Stop!" Putol niya sa sasabihin pa nito.
Dahil alam niya kung ano ang susunod na sasabihin nito. At ayaw na niyang marinig pa ang mga panunumbat nito tulad ng dati.
"I just want to go home." Bulong niya.
"Pinauwi ako ng Daddy ko na hindi ko alam kung anong dahilan. I want to talk to him. Kung ayaw mo kong ihatid sa bahay namin, I can walk there." Determinadong sabi niya, at lumakad na papunta sa malaking gate. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang biglang may matigas na kamay ang pumigil sa braso niya. Napasubsob siya sa matigas na dibdib nito.
"Ouch! Aray!"
"Where do you think you're going?" Tanong nito.
Halatang nagpipigil lang ito ng galit sa kanya. Tumitigas ang panga nito. Kinabahan siya bigla. May kakaiba kasi siyang naramdaman ng hawakan siya nito sa braso. Para siyang nakuryente.
Tinignan niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Mabilis namang binitiwan nito ang braso niya. Umatras siya ng isang hakbang. Pakiramdam kasi niya kakapusan na siya ng hininga sa sobrang lapit nito sa kanya.
"I can give you a ride," tipid na sabi nito. Sabay talikod pabalik sa kotse.