Pagka alis ng Sea Plane na naghatid sa amin dito ni Sir James, sa kanyang Private Island ay nagpasya kaming magpahinga muna kaming dalawa. Agad rin kaming umakyat sa itaas upang pumunta sa kuwarto nitong Resthouse. Napaka ganda talaga ng bahay dito, dahil kompleto ito sa lahat ng gamit sa loob. Napaka linis din nito dahil wala man lang akong makitang alikabok dito. Iisa lang ang kuwarto ng bahay at nasa second floor ito. Ngunit napaka luwang ng kuwarto, dahil sakop nito ang buong second floor ng Resthouse. Meron din sofa set dito at mga Gym equipment. Kahit pala dito sa island ay merong silang gym? mayaman talaga ang mga amo ko. "Mag pahinga ka muna Emily. Matulog ka muna dyan sa kama, saka na tayo mamasyal. Matagal pa naman tayo dito, kaya marami pa tayong pagkakataon upang ikutin ang