Emily's POV Habang sakay kaming dalawa ni Sir James, sa kanyang Sea Plane ay naka tingin lang ako sa labas ng bintana. Napaka ganda kasi ng mga tanawin mula dito sa bintana ng sea Plane, kitang-kita ko ang napaka lawak na kulay asul na dagat at ang mga barko at Yate na nadadaanan namin ay nagmistulang laruan na lang kalaki sa paningin ko. Dahil ang liliit na nila kung titingnan mula dito sa kinauupuan ko. Napaka dami rin mabababang ulap ang nakaka salubong ng aming sinasakyang Sea Plane. May makapal at maitim na ulap akong nakikita at meron din parang usok lamang kanipis. Napapangiti din ako dahil sa kakaibang experience na ito, sa totoo lang sobrang namamangha ako sa lahat ng mga nakikita ko. Ito ang unang pagkakataon na naka sakay ako ng Plane, kaya para akong bata na sabik na sabik na