Crossed Paths: Chapter 5

1949 Words
Sa ilalim ng mga bituin ay nakaupo ang isang babae. Nakatingala ito sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin. Nasa mga labi niya ang ngiti. Gumagaan kasi ang kanyang pakiramdam sa tuwing napagmamasdan ang kalangitang pinaghaharian ng mga bituin. “Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.  Nalibot ko na ata ang buong barrio.” Hingal na wika ng lalaking binglang sumulpot sa kanyang likuran. Nilingon lang ng babae ang lalaking nagsalita at tinapunan ng ngiti. Kilala niya ang lalaki. “Halika sa tabi ko at pagmasdam mo ang kalangitan, Andres. Napakaganda pagmasdan ng mga bituin lalo pa’t walang kaulap-ulap.” Masiglang pagyaya nito. “Sayang at walang buwan. Mas maganda kasi ang kalangitan sa gabi kapag may buwan.” Lumapit naman si Andres sa kinaroroonan niya at tumingala din habang nakatayo. “Hindi ko tubos na maintindihan kung bakit nahihiligan mo ang pagmamasid sa kalangitan tuwing gabi. Kaya lagi kang  napapagalitan ng iyong ama.” Sa kabila ng paraan ng pananalita ni Andres sa kanya ay hindi nagalit ang babae. Nasanay na siya sa paraan ng pananalita ni Andres. Alam niyang sa isang ngiti lamang niya ay mapapaamo na agad niya ang matalik na kaibigan. “Halika na at baka hinahanap ka na nang Ama mo. Mapapagalitan ka nanaman kapag hindi ka niya na abutan sa bahay ninyo.” Pagyaya nito. Hindi na nagpapilit pa ang babae at agad itong tumayo. Tinulungan naman ito ni Andress na makatayo. Ang lalaki pa ang nag-ayos ng tsenelas nito sa lupa. Ilang sandali pa ay maingat nilang binaba ang burol at binaybay ang daan pauwi.”   “Andres totoo ba yung usap-usapan ng ating mga kabarrio tungkol sa pananalakay ng mga bampira?” Wala sa loob niyang tanong sa kaibigan. Ilang beses na niyang naririnig ang tungkol doon. Katunayan nga ay ang dahilan kung bakit wala ang kanyang ama sa kanilang tahanan ngayon ay ang kadahilanang nagroronda ito kasama ng kanyang mga tanod. Kapitan kasi ang kanyang ama ng kanilang barrio. “Huwag mong intindihin yung mga usap-usapan ng mga tao. Totoo man o hindi ang importante nag-iingat tayo. Kaya ikaw, ‘wag kang basta labas ng labas sa inyong bahay. Paano kung may mangyari sa iyo?” Hindi naman nakapagsalita ang babae. Alam niyang may saysay naman ang sinabi ng kanyang kaibigan. Pero hinndi niya mapigilan ang sariling lumabas lalo na’t napakatahimik ng kalangitan at napakagandang pagmasdan. Nang malapit na sila sa bahay nila ay na pansin nilang may mga taong nagkukumpulan. Otomatikong nagtago ang babae sa likod ni Andres habang patuloy sila sa pag-abante. “Andres!” Napatigil silang dalawa dahil sa sigaw na kanilang narinig. Pagkatpos noon ay nakita nila ang ama ng babae na tumatakbo palapit sa kanya. “Ama!” Tawag naman ng babae. Kinabahan kasi siya nang makita ang takot sa mukha nito. “Anak!” Mabilis naman siyang niyakap ng ama na para bang takot na takot.   “Kapitan, ano pong nangyari?” Magkahalaong pagtataka at takot na tanong ni Andres. “May mga kadalagahang nawawala. Naglaba daw sila sa batis pero hanggang ngayon ay hindi pa sila bumabalik. Naghinala akong ba isa ang aking anak sa kanila. Pero buti na lang at kasama mo siya.” “Tutulong po ako sa paghahanap, Kapitan.” Pagpipruisintani Andres. “Ang mga Salazar na daw ang bahala sa  paghahanap. Mas makakabuting samahan mo nalang muna ang aking anak sa bahay. Kailangan pa naming puntahan ang mga pamilya ng mga nawawalang dalaga.” “Allana, anak, ‘wag ka munang lalabas ng hindi kasama si Andres. Naiintindihan mo ba, Anak?” “Naiintindihan ko Ama.” Sagot ng babae. Kumawala na siya sa kanyang pagkakayakap sa ama. Muling tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga tanod at umalis. Naiwan namann siyanng may kung anong kaba sa bidbid. Natakot siya sa nangyari. “Allana, tara na’t pumasok sa loob ng inyong bahay.” Pagyaya ni Andres sa kanya. Mabilis naman siyang tumalima. ***** Arkie POV Agad kong binuksan ang aking mga mata. Hindi ko sure kung panaginip ang nakita ko pero may kung anus a isipan kong nagsasabing hindi. At ang pangalan ay tugma sa pangalang tinawag sa aking ng dalawang lalaki sa Solaris Building. Ang nakakapagtaka ay napanaginipan ko ang lahat at nakikita ko ang mga mukha nila maliban sa babaeng nagngangalang Allina. Kahit anong pilit kong alalahanin ang kanyang mukha ay hindi ko pa din maalala. Not that I’m being disrespectful. Alam ko na boss ang mga ‘yon pero hindi kasi talaga ako mapakali lalo pa kay Senior Ruz. Hindi ako mapalagay sa tingin niya kasi parang nanunuot iyon sa kaloob-looban ko. Kaya nga medyo hindi ako mapakali. Umupo ako sa kinahihigaan ko. Nang tumingin ako sa paligid ay saka lang naalala na magkakasama pala kaming anim ngayon sa condo. At dahil nga dalawa lang ang functional na kwarto dito ay tigtatatlo kami sa bawat kwarto. Pareho namang malalaki ang dalawang kwarto kaya walang problema. Pinagamit ni Jeremy ang kanyang kwarto kina Rigo, Jonas at Alex. Tumipat naman siya sa kwarto ko kasama si Drew. Agad naman akong tumayo dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makakabalik sa pagtulog. Tinignan ko ang katabi ko na nakadapa pa habang natutulog. Paburitong pwesto niya iyon. Inayos ko na lamang ang kanyang kumot. Hinarap ko din si Drew na nakalatag ang higaan sa lapag. Nakatalukbong naman ito na akala mo’y lamig na lamig. Dahan-dahan akong lumabas at dumeretso ako sa kitchen. Nagdecide akong magluto na lang dahil wala akong maisip na magawa. Kaya naglabas na lang ako ng pwede kong lutuin at nagsimulang magluto. Sa gitna ng pagluluto ay muling naalala ko ang panaginip ko. Pinilit kong alalahanin ang itsura ng babae. Pero talagang hindi malinaw ang mukha niya. Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto. Nang matapos akong magluto ay pinuntahan ko ang gaming room. At doon ginugol ang sandali sa paglilinis at pag-aayos. Ngayong nandito sila ay kailangan maayos ang game room dahil kailangan din nilang mag stream dahil parte iyon ng contract namin. Kailanang ding maglabas ng ilan pang mga seats at table para magkasya kaming anim. Madali lang naman sa aking gawin iyon dahil madalas ako naman ang nag-aayos ng set-up ng game room. “Ang aga niyan ah.” Masyado ata akong focus sa ginagawa ko kaya hindi ko namalayang nakapasok na pala si Jeremy  dito sa loob. “May mga game stream schedule kasi sila mamaya kaya kailangan kong mag adjust ng set up.” Sagot ko naman sa kanya. “As if naman na papagalaw ni Arkie ang gaming room n’yo.” Si Drew ay nandito na din pala sa loob. “Kumain na nga lang kayo doon. May food na doon.” Pagtataboy ko sa kanila. Hindi kasi ako makapagconcentrate sa naiisip kong set up. Hindi naman ako maselang tao, mas gusto ko lang na ako ang gumagawa para alam ko kung saan hahanapin ang mga bagay bagay sa tuwing kailangan ko. Ayaw ko din ng makalat na mga wires at yyung basta maka set up lang. I always want to have nice look set up para mas mainam din sa mga mata ng mga viewrs. Sabi nga dati ni Jonas, ay high class set-up nga daw ang peg ng game room namin. At nang dumaan ang dalawang oras ay natapos ko na din ang set up na gusto ko. Kumpleto naman kasi ang mga kailangan namin kaya mas mabilis ang kilos dahil walang dapat hintayin. “Done?” Nilingon ko ang pintuan kung saan naka dungaw si Rigo. “Are you going to use na ba?” Tanong ko naman sa kanya. “No.”Sagot niya. Kumunot naman ang nook o sa expression na pinapakita niya sa akin. “Pwede bang lumabas ka na diyan. Ayaw kami pakainin ng husband mong hilaw eh.” Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Mukhang umandar nanaman ang kalokohan ni Jeremy. Dahil tapos na rin naman ay lumabas na ako upang makakain na silang lahat. Matapos kumain ay Nagtulungan kami ni Jeremy sa paghuhugas ng pinggan. Dumeretso naman ang iba sa game room. “Do you have plans today?” Tanong ko sa kanina pang nakabusangot na lalaki. “How can I plan when everyone is here?” Anito. Mukhang inis pa din siya. “Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa ganyan. Galit k aba kasi dito sila? Akala ko ba wala namang problem, bakit parang mula pakanina hinndi na maganda ang timpla mo?” Hindi ko maiwasang mainis. Hindi ko na kasi maintindihan ang pinanggagalingan niya. Hindi naman siya umimik na ikinainis ko lalo. “Kita mo, tinatanong ka ayaw mo namang sumagot. Kung may problema ka sabihin mo at kami ang mag-aadjust sayo.” Pagkasabi noon ay iniwan ko siya sa sink. Nakakapang-init siya ng ulo kasi kung kelan kami may mga kasama ay saka siya nagkakaganyan na hindi ko alam ang dahilan. Pumasok na muna ako sa game room upang tanungin sa gusto nilang kainin. Nangmakuha ko ang kanilang request ay pumasok ako sa kwarto upang maligo at mag-ayos. Mukhang kailangan ko ng preskong hangin. Paglabas ko ay hindi ko alam kung nasaan si Jeremy. Lumabas na lamang ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. Sa tagal ko nang kakilala si Jeremy ay ngayon lang talaga ako nainis sa kanya. Madalas kasi ay sinasabi niya ang dahilan ng inis, tampo o ano man ang tawag doon. Pero ngayon kasi ay ayaw  niyang magsalita. Kung babae problema niya madaming babae d’yan. Sa gwapo at bait niya hindi niya dapat problemahin ang babae. Kung ang mga kaibigan niya na nakastay sa amin ang problema niya ay ogag siya. Tagal na niyang hindi nakakasama ang mga ‘yon, tapos maiinarte pa sila. Sa isang department store ako na padpad upang bumili ng maluluto ko para ngayon. May mga pinamili naman kami kahapon pero dahil nga nainis ako mamimili ulit ako para mareleive ang inis ko. Habang kumukuha ako ng mga gusto kong bilhin ay pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin. Sinubukan kong tumingin sa paligid ngunit wala namang kahina-hinala sa paligid pero hindi ako mapalagay.May kung ano sa loob kong kumakawala dahil sa nararamdaman ko. Pakitamdam ko ay pay nag-uutos sa akin na tignan ang direction kung saan nagmumula ang matang nakatingin. Mabilis kong tinignan ang direction at tila ba may pwersang lumabas sa akin at dumeretso sa direction na aking tinitignan. Nang pakiramdaman ko ang paligid ay tila nawala na ang panget na pakiramdam ko. Pinagpatuloy ko na lamang ang pamimili. *****   Sa isang silid ay namimilipit sa sakit ang isang babae.  Tinatakpan nito ang kanyang mata na hindi matigil tigil ang pagdurugo. Nagsisigaw ito dahil sa tindi ng sakit. Ilang sandali pa ay agad na lumitaw ang isang matanda. Gusto man niyang tumungan ang babae ay wala siyanng pagagawa pa. Kahit siya’y isang Manghihilom ay hindi niya kayang gamutin ang sumpang binalik sa kanya.  “Nagmamanipesto na ang kapangyarihan ng batang Manghahabi. Hindi man niya ganap na nalalaman ang tungkol sa kanyang kapangyarihan ay ang kanyang kapangyarihan mismo ang lumalabas upang protektahan siya.”  Bulong ng Matanda. Nilapitan niya ang babae at nagsambit ng sambitin upang mapahupa ang sakit ngunit patid niyang hindi na makakakita pa ang babae. “Pinuno.” Tawag sa kanya ng isa pang babaeng lumitaw habang inaabot ang isang lumang papel kung saan nakasulat ang isang uri ng sambitin. NNanlaki ang mata ng Matanda dahil sa nakita. Ang nakasulat sa lumang papel ay isang sambitin. Ngunit hindi iyon galing sa kahit na anung angkan ng mga Almerdine. Ang sambiting iyon ay galing sa isang Bernardine. Mga taong gumagamit ng kapangyarihan ng dilim para makapanakit ng kapwa. “Ngunit paano napasakamay ng isang regular na tao ang ganitong uri ng sambitin?” Tanong niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD