Crossed Paths: Chapter 4

1671 Words
Lazarus POV Sa ilang daang taon kong pamamalagi sa mundong ito ay ngayon lang ako nabigla ng ganito. Ni hindi ko nga inaasahan ang pangyayaring ito. Natameme nga ako ng ilang Segundo nang makita ko siya. At hindi ako nagkakamali. Ang lalaking nasaharap ko ay kamukhang kamukha ni Allaya. Pero imposibleng siya si Allana dahil isa siyang lalaki. Pero bakit hindi ko maintindihan ang t***k ng puso ko? Bakit kanina ko pa nararamdaman na tila hinihila ako palapit sa kanya. Idagdag pa ang aroma ng kanyang amoy. Hindi ko napigilang mabanggit ang pangalan ng babaeng matagal ko nang hinahanap. “Sir, sino po yung Allana? Archimedes Reverente po yung name ko pero pwede nyo po akong tawaging Arkie. Mukha lang akong babae pero lalaki po ako.” Alanganing sagot ng lalaki. Marahil ay nabigla din ito sa pagtawag ko sa kanya ng ibang pangalan. “Senior Ruz, are you okay?”  Tanong ni Gio. “I’m sorry. Arkie right?” Mabuti na lang at agad akong nakabalik sa sarili ko. ” You reminded me of someone I know.” Deretso kong pagtatapat. Wala din namang saysay na itago kop o. besides, hindi naman nila kilala ang taong tinutukoy ko. “Ganoon po ba?” Napangiwi na lang si Arkie sa tinuran ko. Ngumiti lanng ito sa akin na tila nagpatigil ng mundo ko. Kelan ko ba huling nakita ang ngiting iyon? Ilang dantaon na din. Pero imposibleng siya ang hinihintay kong tao.   Upang maalis ang attensyon ko sa kanya ay minabuti ko nalang na tignan ang dalawang kasama nito. “Again, Senior Ruz, this is Arkie Reverente, the young gentlemen with him are Jonas and Rigo. They are the representatives of Clan of Kings.” Pagpapakilala ni kuya Gio. “Naririto po sila ngayon as you requested to talk about the agreement.” Kung tutuusin ay hindi na nila kailangan pang pumunta dito sa Solaris Headquarter dahil anu mann ang demands nila ay papayagan ko naman. Na-curious lang ako sa kanilang leader na si Arkie. May rason naman pala ang pagiging curious ko sa kanya. Sino bang mag-aakala nito.. Ganoon pa man ay hindi ko kailangang iparamdam ang pagkabigla ko. Sa isang mahabang lamesa kami sa loob ng meeting area kami tumuloy. Buti na lang at mabilis si Gio sa mga ikikilos nito. Sinubukan kong huwag munang pansinin o tignan si Arkie. Nagfocus ako sa dalawang kasama nito na ngayon seryosong nakaupo sa tapat ko. Hindi gaya nila ay abala naman si Arkie sa kakagala ng patingin sa paligid. Napangiti ako nang maisip kung gaano siya ka nakakatuwa sa kanyang inosenteng mukha. “Senior Ruz, here is the proposal that we would like to negotiate if you really want to get our team.”  Iniabot ng lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Jonas ang pangalan, ang isang slider tablet (modern tablet, thin, glass like). Mukhang galing sa pamilya ng kahalili itong si Jonas. Sa kilos at tindig ay mukhang dumaan sa matinding pagdedesiplina. “Tell me Jonas, to who’s family do you serve?”  Tanong ko sa kanya Habang inaabot ang slide tablet. May kung anong aura kasi akong kararamdaman sa kanya. “My family serve’s the Von Adachi Clan.” Napataas naman ang kilay ko nang marinig ko ang kanyang sagot. Malakas ang pakiramdam kong kilala niya ako. Agad ko naman binasa ang nakasaad sa slider tablet. Nasusulat roon na kailangang ang ten pillars ay kasama. Ibig sabihin ay kailangang papasukin ng Free City ang mga members na nasa labas nito. Kailangan din na magprovide ng training area para sa kanila at madami pang iba na sa tingin ko ay lahat ay mga valid naman. Pinipilit kong magconcentrate sa pagbabasa pero hindi ko mapigilan ang sa riling lingunin ang taong panay ang pangungulit isa pa nilang kasama. Hindi ko alam kung bakit nabobother ako sa pinaggagawa niya. Nakita kong basta basta na lamang niyang kinukuha ang mga phone ng kasama at lalaruin o hindi naman ay kukuha ng mga pictures. Sa totoo lang ay para siyang bata sumama sa isang field trip kung umasta. Hindi mo aakalaining siya ang leader. But I find it cute to be honest. Nahuli naman ako ni Jonas at napangiti ito sa akin. “Are you sure that he’s your team leader?” Pabulong kong tanong. “Maniwala man po kayo o hindi, Senior Ruz, he is our leader. Madali lang po siyang ma-amaze sa mga bagay-bagay.” Sagot naman nito sa akin.   “Mukhang may ire-request nanaman ang bata kay Jeremy mamaya.” Natatawang wika ni Rigo. “Jeremy?” Napatingin ako kay Gio. If tama ang hinala ko ko ay… “Yes, Senior Rus, ang Jeremy pong tinutukoy nila ay yung kapatid ko. Arkie and Jeremy are leaving together. Nakasaad din po sa demand nila na papayagan siyang sumali since the game is only an exhibition .” Bago pa man ako makasagot ay bumukas naman ang pintuan ng ng kinaroroonan naming at niluwa nito si Alistair. “Senior Ruz, you need to…” Hindi na natapos ang sinasabi ni Alistair dahil natigilan na ito. Nakapako na ang paningin sa taong nakatutuk sa gaming phone. “Allana?” Malakas na sambit niya na nagpalingon naman kay arkis sa kinaroroonan niya. “Hi po.” Alanganing wika niya. “Kamukhang kamukha ko po ba yung Allana? Pangalawang tao na po kayong tumawag sa aking ng Allana eh.” Arkie POV “Ang popogi sana nilang dala pero ang wi-weird nila.” Bagot kong sambit habang hinihintay naming ang order naming pagkain. Dinala kasi ako nina Rigo at Jonas sa isang restaurant matapos ang meeting. “Nagsalita yung hindi weird.” Sita naman ni Jonas. “Napagkamalan ka nga lang daw diba, big deal agad? Ikaw nga kannina hindi makapagconcentrate dahil para kang kindergarten na sumaam sa fieldtrip” Pinagtawanan pa nila akong dalawa. Biglang may kumunyat naman sa kanilang dalawa. “Nanukso pa kay., Sino ngayon naging isip bata sa inyo n’yan?” Sambit naman ng bagong dating. “Jeremy!” Masayang bati ko sa kanya. Tinawagan ko kasi siya kanina paglabas naming sa Solaris Building. “Ganyan ka kapag si Arkie ang nabu-bully.” Si Rigo. “Alam n’yo na pala eh.” Umupo ito sa tabi ko. Gaya ng nakagawian ko ay agad kong kinuha ang phone niya at nagbukas ng Solaris. Kabisado ko na ang password niya at pati finger print ko ay registered din sa phone niya. “Mamaya na ‘yan, kumain muna tayo.” Saway naman ni Jonas. Wala naman akong nagawa kundi sundin anng sinabi niya. Sa aming magkakaibigan ay si Jonnas ang pinaka-strict. Bago pa man kami magsimula ay dumating pa sina Alex at Drew kaya nakumpleto kaming anim. Masaya kaming nagkwentuhan at nagkamustahan habang kumakain. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay nagagawa naming magsama-sama . May mga pinagkakaabalahan din naman kasi sila sa kanilang personal life. Nang matapos na nnga kaming makakain ay sinimulan na namin pag-usapan ang nangyari sa meeting. At dahil nga si Jonas ang kinausap ni Senior Ruz ay siya ang nagexplain. Ang totoo ay na-overwhelm ako sa itsura ng monitoring at gaming room nila kanina. Idagdag pa natin ang weird na feeling dahil sa pagtawag sa akin ng dalawang tao sa pangalang hindi naman akin. Napagkamalan pa akong babae. Hindi ko tuloy maiwasang macurious kung sino yung Allana at kung talaga bang kamukha ko siya. Alam ko namang may mga instances na ganoon ang nangyayari yung isang babae ay may kamukhang lalaki pero maiiba ang features  nila dahil nga magkaiba ang kasarian nila. Tapos kung makatingin pa si Senior Ruz, akala mo ay nanonoot at tingin niya. Yung talim ng mga mata niya nakakawalang ng kompyansa sa sarili. Kaya nga si Jonas na ang pinagpresent ko. Anu bay an, hindi ko tuloy maalis sa isip ko yung mga mata niya. Palagay ko ay nakatitig pa din sa akin ang mga matang iyon. “Are you okay?” Napalingon ako kay Drew. Napangiti lang ako sa kanya. Pinilit kong baliwalain ang mga iniisip ko. Ngayon lanng ulit kaming nagkasama-sama kaya nakakahiya kung papairalin ko ang pagiging distracted ko. “Noong Senior High kami ay nasa iisang building lang anng mga tirahan nila. Hindi naman kasi mapagkakailang nanggaling sila sa may kayang angkan. Kaya nga nagagawa nila ang mga gusto nila. At madalas noon ay naaambunan ako sa mga kung anung meeron sila. Kaya nga higit kong panasasalamatan na nakilala ko sila. Lalo na si Jeremy na hindi nagsasawang suportahan ako. Noong nagraduate naman kami ng college ay tanging ako at si Jeremy ang naiwan sa Capital City Metropolis. Kinailangan namang umuwi ni Jonas sa Von Yuri District. Pareho namang na-qualify sina Drew at Alex na magtrabaho sa Tech Zone North. Si Rigo naman ay Nagtatrabaho naman sa Maca. Pero ngayon ay nnapagkasunduan naming magfile ng three months leave sa mga trabaho namin upang bigyan ng oras para makapagpractise para sa gaganaping exhibition sa Tech Summit. Ito ang dahilan kung bakit nahuli ng dating sina Jeremy, Alex at Drew. Itong sina Jonas at Rigo kasi ay wala namang problema. Walang paa-paalam walang problema.   At habang hinihintay namin ang request naming accommodation at game room ay sa condo muna sila matutulog. Paniguradong gugulo nanaman ang buong bahay. Aalilain nanaman nila ako nito. Palabas na kami ng restaurant para dumeretso ng grocery store ay napansin ko ang matandang babaeng nakita ko noong isang araw. Naka tayo lang ito sa kabilang kalsada. Nang magtama an gaming mga mata ay ngumiti ito sa akin sa kanila ng purong puti nitong mga mata. Pero bigla ding nawala ang matanda. Muli ko nanaman naaalala ang sinabi nito. Sa pagsikat ng pulang buwan mabubuksan ang tulay ng noon at ngayon. Hahalimuyak ang dugong kay tamis na magpapaalala sa nasirang pag-ibig. Bubuhayin ang naglahong pagtingin ngunit may hahadlang pa rin. At ang dugong sumalin-salin ay pagpapalain. Hahangarin ng liping uhaw sa kapangyarihan ang katauhang naliligaw. Ngunit walang kamay ang sa kanya’y  hihimay. Pagkat sa kanlungan ng hari siya’y mamamahay. At ang mga tapat ay mangangabuhay upang siya’y masiguradong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD