Crossed Paths: Chapter 6

1656 Words
Sa punong tanggapan ng Von Dogan Clan Pumasok ang matandang may hawak-hawak na piraso ng papel sa isang modernong opisina.Agad kasi niyang naisip na ipagbigay alam ang kanilang nadiskobre pinagkakatiwalaan niyang bampira na si Von Nemel Dogan. Ang bampirang anak ng kanyang matalik na kaibigan. Gamit ang sambitin ng paglalakbay ay narating niya ang Distrito ni Nemel ng walang kahirap hirap. Masasabinng ligtas ang kagaya niyang Almerdine sa lupaing iyon dahil si Von  Nemel ay isang protector ng kanyang lipi “Pinunong Amilia ng Mondkriegers (Moon Warriors), anung sadya mo’t napadalaw ka sa aking distrito?” Tanong ni Nemel na ngayon ay nakaupop sa likod ng lamesa. “Masyado na bang magulo ang Capital City at gusto mong mag-aliw aliw?” Ang Mondkriegers o Moon Warriors ay isang secretong organisasyon ng mga Almerdine uppang protektahan ang mga kauri nila. Binubuo sila ng iba’t ibang clan ng mga Almerdine na may bukod tanging kapangyarihan. Itinatag ito ng mga makapangyarihang angkan sa panahong naghahari ang mga bampira at ang pag angat ng kapangyarihan ng mga Bernardine o mga taong gumagamit ng itim na kapangyarihan. At si Pinunong Amelia ang siyang kasalukuyang pinuno. Kabilang siya sa mga angkan ng Manghuhula. Dahan-dahang lumapit si Pinunong Amelia sa lamesa. Inilapag niya ang dala-dala niyang papel  at inilapit iyon kay Von Nemel. Agad namang dinnampot ni Von Nemel ang papel at nanlaki ang mata nito nang mapagtanto kung ano iyon. “Sa mahabang panahon naming pamamalagi sa lupaing ito ay hindi naging problema ang mga lahi ng Bernardine. Ngunit nitong mga nakaraang mga araw ay may mga pagkilos na sobrang nakakabahala.” Wika ni Pinunong Amilia. “Kung tama ang kutob ko ay nakapasok na ang kampon ng Black Orb sa Metropolis. “ Hindi naman makapagsalita si Von Nemel. Alam niya kung gaano ka tindi ang magiging epekto ng balitang ito sa buonng Free City. Agad itong tumayo at tumipa sa kanyang telepono. “Verus, ihanda mo ang chopper , Kailangan kong pumunta ng Capitolyo. Tawagan mo din si Von Allistair sabihan mo siyang kailangan kong makausap ang Senior.” Nagmamadali itong lumabas sa kanyang opisina. Naiwan si Pinunong Amilia. Maya-maya pa ay may kung anu siyang sinambit. Matapos ng pagsambit ay bigla itong naglaho na parang bula. ***** Arkie POV Matapos ang pamimili ay naging magaan na ang kanyang pakiramdam. Sa dami ng mga pinamili niya ay kinailangan pa niyang tawagan si Alex para sunduin siya. Si Jeremy sana ang tatawagan niya pero dahil nga inis pa siya sa lalaki ay si Alex nalang. May sarili kasing sasakyan si Alex kaya mas madali siya nitong masusundo. Naisip kong magtake-out ng burger and fries para sa mga kasamahan ko. Dahil nnga malapit lang ang burger chain na madalas naming binibili ay iniwan ko muna anng mga pinamili ko malapit kay manong guard at tumawid patungong sa burger chain. Nang pabalik na ako ay may tumigil na sasakyan sa harap ko. Bahagya akong napa atras dahil doon. Muntik pa akong mapamura sa pagkabigla. Namuo tuloy ang galit ko sa kung sinu mang driver ng sasakyan. Kumunot ang noo ko dahil doon. Dahan-dahan namang bumaba ang bintana ng sasakya. Dumungaw naman ang lalaking hinid ko inaasahan makikita ko dito “Hi.” Aniya. Kung sa ibang pagkakataon ay magtatatalon ako sa tuwa dahil nga sino ba ang hindi kung ngingitian ka ng taong pinagpala sa kakisigan at pagmumukaha. Kaso nagmamadali na ako at hinarangan pa ang daanan na para bang pag-aari niya iyon. Alam kong boss ko siya pero dahil pareho kaming nasa labas ay allow naman siguro ako ng personal boundary. Isa pa, hindi kami close. Hindi nga niya ako kinausap noong nagmeeting kami. “Hello po, Sir. Pasenxa na  po nagmamadali ako.” Magalang kong paalam. Buti nga ay ginalang ko pa siya. Lakad takbo akong tumawid upang mabalikan na ang pinabili ko. Baka kasi nandoon na si Alex. Isa pang mainipin din ang taong iyon. Daig din si Jeremy. Pero dahil nga siya ang may sasakyan ay kailangan kong pakisamahan siya. Pero mabait naman si Alex. Pumayag ngang sunduin ako diba. “Manong, salamat po sa pagbantay ha.” Pagpapasalamat ko kay manong guard. Inabutan ko din ito ng burger bilang pakonswelo. “Hey!” Nagulat pa ako taong biglang sumulpot sa harap ko. Ngayon ko lang napansing naka casual lang pala ito na subrang bagay sa kanya at hindi nagbabago ang effect niya sa akin. Binalewala ko na ngalang kanina sa pedestrian dahil nagmamadali ako pero pinakiramdaman ko ang puso ko ay matindi ang kalabog nito. “Akala ko ba gusto mo ng personal boundery, nasaan nay un ngayon?” Saway ko sa sarili. Alanganin akong napangiti sa kanya. “May kailangan po ba kayo, Sir?” Tanong ko. “Why do I have the feeling na iniiwasan mo ako?” Shete, ito nanamann ang mga mata niya. Nanunuot talaga. Hinndi ko din gusto ang nararamdaman ko dahil tinatraidor ako nito. Pero hindi ako dapat magpadala.   “Sir, hindi ko po kayo iniiwasan. Nasa public place po tayo at sa totoo po n’yan ay nagmamadali ako kanina nang biglang hinarang ng driver ninyo ang pedestrian. Kung may gusto po kayong sabihin tungkol sa magigingtrabaho namin ay pwede nyo pong idaan sa manager namin. We can comply naman. Pero wag sa kalsada.” “I’m just saying hi.” Sagot niya. “Sige nga po, if you are saying hi, anu pog pangalan ko?”  Pagtataray ko. “Hindi n’yo masagot kasi ang totoo ay nare-recognised ntyo lang ako kasi kamukha ko yung Allana.” Derekta kong sambit. Mukhang napahiya yata si Sir kaya hindi na umimik. Buti na lang at natanaw ko ang paparating na kotse ni Alex. Agad akong Umalis sa kinatatayuan ko. Bahala na lang siya. Malaki na siya. Pagtigil ng sasakyan ni Alex at pumasok ako kaagad sa sasakyan at hinayaang si Alex na ipasok ang mga pinamili ko sa trunk ng sasakyan niya. Nakita kong yumukod si Alex kay Senior Ruz. Nagtaka naman ako dahil parang magkakilala silang dalawa. Nakinig na lang ako sa music habang wala pa siya. Pagpasok ni Alex ay inabutan ko naman siya ng tissue para pakapagpunas nng pawis. “Grabe ka, ang dami mong pinamili. Anu tingin mo sa amin patabaing baboy?” Reklamo nito. “Tigilan mo ako Alex. Taob nga ang niluto ko kanina diba? Breakfast palang iyon.” Sagot ko namann sa kanila. “Sila yun, hindi ako kasali.” Nagmalinis pa talaga siya. “S’ya nga pala, magkakilala ba kayo ni Senior Ruz?” Tanong ko sa kanya. “Siya yung may-ari ng Solaris. May R&D building siya malapit sa building na pinagtatrabahuhan ko. Balita ko siya din may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kasi madalas siyang naroroon. “ “Seryoso ka? May-ari ng Solaris?” Hindi kasi iyon ang pagpapakilala ni Kuya Gio. “Magbasa ka din kasi ng mga new o kaya makinig ka sa smart radio para may mga current events ka ding nalalaman.” Ako yung taong walang pake alam sa mga nangyayari sa loob at labas ng mundong ginagalawan ko. Hindi ako nakikinig ng mga news. Wala akong kahilig-hilig na alamin ang latest na nangyayari sa buong Free City. Music, Film at Games lang ang buhay ko kung hindi work. Mas focus ako na sa pagiipon kesa atupagin ang mga pangyayaring hindi naman nakakatulong. Pagdating sa bahay ay nagtulungan kaming anim na mag-akyat ng mga pinamili ko. Wala pa ring imik si Jeremy kaya ninayaan ko na lamang siya. Hinayaan ko na muna sila doon sa Gaming Room kasama ng mga kasama namin.  Inayos ko ang mga pinamili ko. Nang matapos ay nagsimula akong magluto. Habang nagluluto ay naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Alex. Hindi naman sa gusto kong malaman ang totoo pero naku-curious kasi ako. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa niluluto ko. At upang mawala sa isip ko ang mga gumugulo dito ay nakinig na lang ako nang music habangnagpeprepare ng lulutuin. “Wow! Fiesta ba?” Dinig kong sigaw ni Drew. Tinanggal ko sa tenga ko anng head phone na suot ko. Saka ko lang na pansin ang mga niluto ko. May Pochero, Minudo, Pritong Tilapia at Enselada pang kasama. Naka pagsaing na din ako. Saka ko lang napansin na mahigit dalawang oras na pala ako sa kusina. Nagsilabasan na din ang iba at gaya ni Drew ay may side coment talaga sila. “Are you okay?” Tanong naman si Rigo. Lumapit pa ito sa akin. “Sabi ko na eh, Tingin mo sa amin patabaing baboy.” Si Alex naman nag kumento. Si Jonas at Jeremy ay no comment lang naman sila kaya pinagkibit balikat ko nalang ay nag hain na ako para makakain na.    Sa kalagitnaan ng kainan ay dumating naman si Kuya Gio. Dahil nga sa napadami ang tulo ko ay pinapunta ko siya sa condo. Pinagtabi ko din si Tito Gin ng food at ipapadala koi to kay Kuya Gio mamaya. Nang matapos namin kumain ay Nagtulungan naman sina Jeremy at Jonas sa pinggan. Nagkusa silang dalawa kaya hindi na ako nakealam pa. Pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga ng kunte at makaligo. May stream schedule kasi  ako at mamaya ay mamaya ay magmemeeting kaming sampo. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Jeremy na nala-upo sa kama. Mukhang hinnihintay ako nito dahil pagkita sa akin ay agad itong tumayo at lumapit sa akin. Walanng sabi-sabi ay niyakapniya ako ng mahigpit. “I’m sorry for being a j*rk.” Pagsisimula niya. “Naiinis lang ako kanina but it’s not because of you or any of our friends. I don’t know how to handle stress kaya nadamay pa kayo. I’m sorry.” You know what is nice to Jeremy? He knows how to admit his mistake. Nasanay na din kaming hindi pinatatagal ang mga hindi pagkakaunawaan. Hindi natatapos anng araw na hindi nagkakabati ang mga nagkakasamaan ng loob. Kaya ko nga mahal na mahal ko sila lalo na itong taong kayakap ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD