Crossed Paths: Chapter 7

2205 Words
Lazarus POV Sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang taong nagkakas loob na pakitaan ako ng magaspang na ugali. At sa lahat pa ng tao ay siya pa talaga ang ang gumawa noon. Pasalamat siya at nakapagtimpi ako sa ugaling pinakita niya. Dahil kung hindi ay makikilala niya talaga kung sino ako.   “Senior Ruz, Nakahanda napo ang chopper.”  Wika ni Alistair. Kakabalik ko palang ng opisina ko sa LIRA Group Building nang sabihin sa akin ni Alistair na may mahalagang report na natanggap si Von Nemel. May kinalaman ito sa siguridad ng buong Free City kung kaya pinatawag ko na din ang lahat ng mga Von. At pinahanda ang private chopper ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dumeretso sa elevator paakyat ng rooftop kung saan ang helipad. Sumunod naman sa likod ko si Alistair at Antoinette na hindi ko namalayang kasama pala ng nauna. “Bakit naman nakabusangot ang iyong mukha, Ruz?” Mapanuksong tanong ni Antoinette. “Antoinette, nasa main office tayo. Matuto kang gumalang.” Saway naman ni Alistair sa kanya. “Tayo lang tatlo ang naririto, Alistair. Pwede ba?” Sa pamamaraan ng pananalita ni Antoinette ay naalala ko nanaman ang taong iyon. Ang totooo ay papunta na ako rito nang makita  ko ang lalaking kamukha ni Allana. Agad kung pinatigil ang sasakyan dahil kagabi pa talaga siya bumabagabag sa isip ko. Dahil nga sa biglaan kong pagpapatigil ay hindi napaghandaan ng aking driver ang pagpreno kaya bigla-bigla na lang tumigil ito sa harapan mismo niya. Pina-ikot ko pa ang driver para lang masiguradong ayos lang siya pero pinasadahan niya lang ako ng kagaspangan niya. Ibang-iba siya kay Allana. “Dahil hindi siya si Allana.” Rinig kong saway ng isang parte ng isip ko. Nang makabalik ako sa katinuan ay saka ko lang napansing nagtatalo na pa ang dalawang kasama ko. “Pwede ba mainit ang ulo ko ngayon! H’wag kayo magtalo sa harap ko.” Hasik ko sa kanila na ikinabigla nilang dalawa. Normal na sa akin na nagtatalo silang dalawa sa mga maliliit na bagay. Pero ngayon ko lang sila sinaway gamit ang hindi kaaya-ayang tono. Bahala na sila. Kumukulo ang dugo ko sa taong iyon. “May pangalan ang tao, pwedeng gamitin iyon, Lazarus.” Ito nanaman ang kusang nagsasalita ang sarili kong isipan.   Sa buong byahe ay tahimik lamang ang dalawa. Mukhang pinakikiramdaman nila ako. Saka ko na sila iisipin. Kailangan maturuan ng leksyon ang lalaking iyon. Lihim akong napangiti sa edeya ko. Napagkikita ko na aamo siya sa ipapagawa ko. Hindi pa kaylan man tumitiklop si Lazarus Ishmael Real Allegra. Hindi na ako makapaghintay na bawian ang lalaking yon. Nang lingunin ko anng dalawang kasama ko ay nakatuon pala ang tingin nila sa akin. Baksa ang pagtataka sa kanilang mga mata na para bang naninibago sila sa akin. Napailing na lamang ako at ibinaling ang tingin sa labas ng chopper. Paglapag ng sinasakyan naming chopper ay agad kaming bumaba at tumungo sa bulwagan ng mga Von. Naroroon na silang lahat at kami na lamang pala ang hinihintay. Ang bulwagan  ng mga Von ay kilala din sa MATA Council Office. Isa itong pabilog na silid na gawa sa mga modernong mga kagamitan. May malaking puti at pabilog na mesa sa gitna kung saan nahahati sa bilang ng mga miembro ng council. Sa bawat upuan ay may hand scanner upang maactivate ang portion ng miembro at upang gumana ang system niya. Kapag aktibo na ang system ng inuupuan ng Von ay iilaw ang kanyang portion kasabay ng pag-angat ng transparent monitor sa tapat nito. At maaacces na niya ang mga files ay Umupo naman ako sa aking upuan na bahagyang naka-elevate. “Simulan na natin ang pagpupulong.” Sambit ko. Kasabay noon ang pag patay ng mga ilaw sa paligid at pagsindi ng mga transparent monitors at tube monitor sa pinakagitnang parte ng lamesa.    Agad namang kumilos si Von Nemel. Mula sa kanyang monitor ay tila may kinuha ito at marahang hinagis sa tube monitor. Lumitaw naman ang isang imahe ng piraso ng papel sa tube monitor.    “Ang nakikita ninyo ay isang sambitin na nakuha ng source ko sa isang crime scene sa Capital City.” Pagsisimula nito. “Kasalukuyan nang iniimbistigahan na ng pwersa ni Von Gareth ang babaeng gumamit nito.” “Hindi ba’t nasa pangangalaga mo ang mga Almerdine? Marahil ay sa kanila nanggaling ang sambiting iyan.” Si Von Ares. “May punto ka Von Ares ngunit ang sambiting ito ay hindi ginagamit ng mga Almerdine.” Diniinan ni Von Nemel ang huling salita dahil batid niyang paparatangan nanaman ni Von Ares ang kanyang mga nasasakupan. “Isa pa, Napakalayo ng Capital City sa distrito ko. At base na din sa pakikipagtalastasan ni Von Gareth sa babaeng gumamit nito ay hindi pa siya nakakaapak ng Vont Dogan.” “Sinasabi mo bang kaalamang Bernardine ang sambiting iyan?” Hindi ko mapigilang matanong. Matagal na ding sunusubaybayan ng mga Elite Unit ang tungkol sa mga namamataang Bernardine sa Capital City. “Senior Lazarus, ikinalulungkot ko ngunit satingin ko ay may mga Bernardine na nakapasok ng Metropolis Freedom City at ginagamit nila ang mga normal na tao upang maghasik ng kanilang kasamaan sa aking hinala ay sial ay mga kasapi ng Black Orb.” Sagot naman ni Von Nemel. “Senior Lazarus, sa puntong ito ay naging mapanuri na at naging mapagmatyag na ang Lira Battalion alinsunod sa una nating napag-usapan. Magtatalaga na din kami ng mga dagdag na tao upang masiguradong mapapangalagaan pa din ang kaayusan sa mga distrito ng mga Warm Blood.” Pag-uulat naman ni Von Gareth.  “Doc. Alexis, deploy the latest surveillance equipment sa buong Capital City. Mukhang concentrated ang kanilang mga pagkilos sa Metropolis City.” Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung paano nakapasok ang mga Bernardine sa bakuran ng Metropolis Freedom City. Pagkatapos na pag-usapan ang mga gagawin upang mapaigting ang siguridad ay agad namang ibinalik ang usapan sa babaeng nagtangkang gamitin ang sambitin. “Kasalukuyang nasa pagamutan na po ang babae. Sa oras na pweede na siyang kausapin ay isusulong na naming ang imbistigasyon.“  Paniniguro ni Von Gareth. “Senior Lazarus, sa nangyayari ngayon, mukhang kailangan muna nating pag-isipan kung itutuloy pa ba natin ang pagho-host ng Tech Summit.” May halong pangambang mungkahi ni Von Yuri. “Gustohin man natin na ipagpaliban ang pagho-host ng Tech Summit ay hindi na natin iyon mapagpapaliban pa. Nailatag na ito sa House of Trinity.” Pagpapaliwanag ni Antoinette. “Isa pa hindi maganda ang magiging epekto sa atin kapag nalaman ng iba bang Free Cities na kaya tayo aatras ay dahil sa Bernardine issuie at hindi lang basta-bastang Bernardine kundi miembro pa ng Black Orb. Tandaan ninyo na tayo ang pinakasecured na Free City sa lahat ng Free Cities.” Hindi naman naka-imik ang mga Von dahil may punto naman ang sinabi ni Antoinette. Ang Taiwan Metropolis Freedom City ay ang kauna-unahang Free City sa mundo. Mula ng itatag ito ay wala pa itong problemang hindi nasosolusyunan. Ito din ang pinaka secure na Free City at well manage. Mara hil ay dahil Dito naka base ang main MATA Headquarter. Kung kaya sampal sa akin kapagnalaman ng ibang Free City Management  na may nakapustit na Bernardine sa loob ng teretoryo namin. “Paano naman ang apat na bibigyang ng special pass para makapasok dito? Sa tingin ko ay hindi na muna natin payagan ito. Makakapaglaro din naman ang napiling team kahit wala ang apat.” Si Von Lyran. “Sinisigurado ko sa inyo Von Lyran na ang apat na papasukin natin ay sinusubaybayan na natin ang mga galaw upang makasiguro na wala silang dadalhing problema dito sa loob.” Sagot ni Allistair. Pinaasikaso ko na kasi kay Allistair ang pag-iimbistiga o pag a-assess sa apat pang kasapi ng Clan of Kings. Bukod sa minor issue ay wala namang threat ang apat sa seguridad ng Metropolis Freedom City. At dahil nga naungkat nanaman ang Clan of Kings ay naalala ko muli ang kanilang Leader. “Kung wala talaga tayong magagawa at kailangang ituloy ang Tech Summit ay ihiiling ko na lang sana na siguraduhin ang seguridad para sa Clan of Kings. Nag-aalala akong baka madamay sila kung sakaling maibunyag na ang kanilang pagkakakilanlan.” Hiling ng Punong Kahalili si Von Gin. Sa pagtatapos ng biglaang pagpupulong ay inutos kong ipatupad kaagad ang mga napagkasunduan. Kumilos naman sina Gareth ng Lira Battalion, Alistair na siyanng pinuno ng Elite Force at maging si Doc. Alexis na Von ng Tech Zone sa Hilaga kung saan naka-focus sa advance weaponry at gadgets. Sinigurado ko din na protektado ang Tech Zone sa Timog dahil malaking problema kapag ang zone na iyon ang inatake. Ang Tech Zone sa Timog ay specialize sa Medicine, Food Process at Higit sa lahat Synthetic Blood. At magiging problema iyon hindi lamang dito kundi sa lahat ng Free Cities dahil kami ang nagsu-supply ng High Grade Synthetic Blood sa buong mundo. At kapag naapektuhan ang suppy ay masisira anng food chain at hahantong ito sa pagkagutom ng mga bampira. Pagkagutom na mauuwi sa pagpaslang muli ng mga tao at pagkasira ng mga Free City sa mundo. “Senior Lazarus, kasalukuyang dinideploy na po ang mga “Athena’s Owl” sa buong Capital City. Sisimulan na din pong mag-deploy sa iba pang bahagi ng Freedom City  bukas.” Pagbibigay ulat ni Doc. Alexis. Ang Athena’s Owl ay robotic owl na ginawa para sa karagdagang surveillance sa paligid. Sinimulan proyektong ito matapos makatanggap ng balita hinggil sa mga meyembro ng Black Orb. Bukod sa mga features na kayang makakita sa gabi ay kaya ding ma-detect ng mga ito ang trace ng black magic. May kakayahan din ang mga ito na magcommunicate sa isa’t isa. “Thank you, Doc. Alexis.” ***** Arkie’s POV “All hands in deck na. Tapusin na to nang makarami.” Utos ko sa mga kasamahan ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng gaming room. Nilalaro namin ang unang random match para sa gabing ito. Kumpleto kaming sampo ngayon sa screen. Kaya naman dinadagsa kami ng viewers. Gaya nga ng inutos ko ay sumunod naman ang lahat. Nagpakawala ng mga special moves nila and maya-maya pa ay naipanalo na namin ang laban. “Congrats guys!” Wika ko sa kanila. I always make sure na naaacknoledge ko ang bawat game namin.  “Can’t believe that you six are now together. Naiingit ako.” Si IamSideViewer. “Don’t worry ilang araw na lang ay makakasama ko din kayo ko personal!” Ipinakita nito ang isang subre na may logo ng Freedom City. “Woooohhhh!” Sabay-sabay naming sambit.Hindi ko iniexpect na ganoon kabilis sila kumilos.  “I’m still waiting for mine.” Wika naman ni IamRoyalPrince. “Me too. Sana hindi matagalan.” Segunda ni IamMageUser. “Darating din yan guys. Malay n’yo bukas matanggap n’yo na.” Malinaw naman kasi sa arrangement namin na dapat ay buong pillars ang dapat kasama. Kaya buo ang loob ko na magkikita-kita din kami. Naalala ko nanaman tuloy ang preskong lalaking iyon. Kakasira ng araw. Hindi ko naman pwedeng i-kwento dahil boss nga naming iyon. “Anyways, how about you Matt?” Tanong ko kay Matt. Kanina pa kasi siyang tahimik. “I’m good. I’ll do my best to be with you all.” Hindi ako kombinsido sa sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi ay may problema siya. “Guys, look at the forum.” Singit ni Alex. Agad kong inilagay sa monitor your forum. Napakunot ako ng noo nang makita ang isang post doon. Pharaohs is challenging the Kings’ for a flag ten by ten match. Pillars versus pillars. Ito ang nakasulat sa display mula sa official post ng Pharaohs’ Ville Clan. Dumagsa na din ang mga comments doon at na i-forward din sa bawat wall ng members ng kanilang clan. Kung kaya nga agad na kumalat sa buong Solaris World.  Ang flag ten by ten match ay isang option sa Solaris kung saan madalas gamitin ng pillars versus pillars. Ang aim ng laro ay mapangalagaan o mapanatiling buhay ang flag bearer. Sa sampong manlalaro ay pipili ang system ng isang member na sisilbing flag bearer. Walang makakaalam kung sino ang flag bearer unless maging critical ang flag bearer. Tangin mga teammates lang ang makakaalam kung sino ang kanilang flag bearer kung nagkataon na na-reveal na kung sino siya. Pero hindi gaya ng ibang style ng game  sa Solaris ay sa Flag ten by ten ay iisa lang ang buhay ng bawat hero. Pero walang spell na pinagbabawal kaya malaking bagay na may high level magician sa team dahil nakakaya nitong gamitin ang reborn spell. Mukhang hindi matanggap ng Pharaohs’ Ville na naungusan na naming sila in terms of gifts at followers. Sila kasi ang nangunguna sa score board dati pagdating sa gifts at follower. Pero simula noong isang araw ay pumalo sa five million diamonds ang pinakamababang nakuna ng Team Network namin. Kanina  nga sa mga individual streams  ay lahat sila ay may million diamonds din. At itong stream nga namin ngayon ay wala pang isang oras pero tumuntong na kami sa dalawang million diamonds. Maya-maya pa ay may video call request na akong natatanggap galing sa Pharaohs’. Napakamot na lang ako ng ulo at napatingin sa mga kasama ko.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD