Crossed Path: Chapter 3

2548 Words
Arkie’s POV Naging maayos naman ang dinner. Nakaalis na rin sina Tito Gin at Kuya Gio. In fairness, hindi rin naman pala ganoon ka nakakatakot si Tito Gin. Marahil ay sa aura lang niyang nilalabas para matakot ang mga tao. Base kasi sa mga nabasa ko, ang mga Kahalili ay nagiging target noon ng mga kaaway ng kanilang mga senior.  “Arkie, maiba ako, anong pakay ni kuya Gio sa 'yo?” tanong ni Jeremy Kasalukuyan akong nagpupunas ng mga pinggan at kubyertos.  “Iyon ba? Secret,” biro ko na mukhang effective dahil napasimangot siya, “Sasabihin ko mamaya. Tatapusin ko lang 'to. Saka hindi lang naman iyon para sa akin kung hindi sa clan natin. Especially sa top players natin.” Kuya Gio works as a PR s***h Marketing Strategies for Games ng Solaris Technologies. Sa kaniya rin nagmula ang Academy Project. At kahit na si Jeremy naman talaga ang head ng Clan of Kings ay sa akin pa rin nagsasabi si Kuya Gio ng mga update, dahil sa akin ipinangalan ang registration ng Clan of Kings bilang official na clan na hahawakan ng Solaries Esports Management. Matapos ang pag-aayos ay agad naming sinet up ang Emperor’s Eye. Nang maayos ang lahat ay umupo na kami sa mga pwesto namin. Isinuot ko ang bagong design na face mask ko at pinindot ang “lock and start”.  Connecting to Emperor’s Eye…  Wala pang isang minute ay connecting na rin ang lima pa naming kasama. Nagsulputan isa-isa sina Rigo, Alex, Drew, Jonas at Matt sa monitor.  “Hi, Matt!” bati ko. Siya kasi ang pinakatahimik sa amin kaya sinisikap kong pagsalitain siya sa tuwing nag-e-stream kami.  “Hi, Seven.” As usual yun lang talaga ang respond nito. Isang tanong isang sagot lang ang peg niya. He calls me seven base on my username— IamSeven. Dahil hindi pa talaga namin siya nakikita ng personal ay hindi pa niya alam ang tunay naming mga pangalan. “Wag ka nang mag-expect na may ihahaba pa ang response ni Matt. Masanay na tayo.” Si Rigo.  “So, sabi may announcement ka raw?” agad na tanong ni Alex. “Naexcite naman ako. Big announcement ba 'yan at kailangang sa stream sasabihin?” tanong ni Drew. “Guys, don’t be excited. Look at our viewers.” Si Jonas. Siya kasi ang nagmo-monitor ng statistic ng viewership namin.  “How about we play first? If we win and reach a minimum of 250,000 coins I’ll say it here, live.” Nakita ko namang napangiti ang lahat maliban kay Matt at sa katabi ko. Pinatay ko ang mic ko at binalingan si Jeremy. “Umayos ka nga, Jeremy,” saway ko sa kaniya. “Ba't ba kasi 'di mo na lang sabihin,” bagot nitong sagot. “Ikaw napaka-killjoy mo, alam mo 'yon?” Hindi ko na siya pinansin at nag-concentrate na kami sa laro. “Kings, roll out.” Pagbibigay ko ng hudyat para simulan na ang game.  Hindi rin naman nagtagal ang laro. Pagkatapos ng twelve minutes ay sabay-sabay naming narinig ang lalaking announcer.  “Victory!” “Guys, look into the gift bar, Is it real?” 'Di makapaniwalang wika ni Jonas. “What the F!” Napalingon pa ako sa nag salita. Si Matt.  Sino hindi mabibigla kung ganoon kalaking number ng diamonds ang makikita mo. Agad ko ngang chineck ang senders. Solaris Tech Official sent 500,000 Diamonds Solaris Gioboi Official sent 100,000 Diamonds  Ito ang dalawang nakaagaw ng pansin. “Are we being watched by Solaris Tech?” tanong ni Drew. “I guess, it must be related to Arkie’s announcement.”  “Who’s Arkie again?” tanong ni Matt. “Arkie is Seven,” Rigo answer. “We are reaching 2M Diamonds with almost 50k viewers around the globe, guys!” Jonas is so excited.  “It seems that I don’t have a choice but to tell.”  Flashback Hindi na ako nagtaka nang makita ko si Kuya Gio na kasama ang Daddy nila. Habang naglilibot sa condo si Tito Gin at itong si Kuya Gio ay sa akin naman pumunta. Kasalukuyan akong naghahain. “Wow, sinigang at liempo,” aniya habang pinagbubuksan ang takip ng pagkain. “Ano pa lang meron at napadalaw ka, Kuya?” agad kong tanong. 'Pag nandito kasi siya ay palaging may dalang balita para sa amin bilang kasapi ng  Esports Clan ng Solaries Esports Management.  “Well, the higher-ups decided to meet your clan. Because on the next two months your team, as one of the top clans in the whole Taiwan Metropolis Freedom City, you will be part of the Tech Summit International.” Pag-aanunsyo nito. Napanganga ako nang marinig ko ito. Ang Tech Summit International ay isang magarbong pagsasama-sama ng mga leader sa technological advancement. Yearly ito ginaganap na madalas ay ang ibang free city lang ang nagho-host. “Yes, Solaris Technologies will be hosting the first Tech Summit International here in Taiwan Metropolis Freedom City. At dahil malaki ang naiambag ng Solaris sa Esports sa nagdaang taon ay maglalaan ng isang araw para sa Esport.” “Omg! Wala akong masabi, Kuya!” Kinikilig ako kapag naiisip ko ang mangyayari.  “Hindi pa buo ang details pero gusto na kayo i-meet ng mga boss para mai-present sa inyo nang maayos ang plano. Pero 'yon, ay kung papayag kayo to go on public.” Natigilan ako sa huling sinabi ni Kuya Gio. Hindi lang naman kasi ako ang dapat magdedesisyon nito. Most of the time kasi ay naka-masked kami sa tuwing nag la-live stream. Hindi naman kasi basta basta ang mga kasama ko. End of Flashback Walang naglakas-loob na magsalita matapos kong ikwento ang mangyayari next month. Nakikita ko na pati viewers namin ay hindi rin makapaniwala sa narinig. Ang kaninang 2M dias ay pumalo na sa 3.5M dias. Hindi magkandaubos ang mga gifts na pinapadala ng views kahit  hindi pa batid ng mga ito kung papayag ang mga kasama ko to go in public.  “Let’s vote on this. Kung ano ang gusto ng nakakarami, then that’s where we start. Let’s bring up the others.” Ang tinutukoy ni Rigo ay ang tatlo pa naming kasama. Sina IamSideViewer, IamRoyalPrince at IamMageUser .     Ang bawat Solaris Clan ay may tinatawag na 10 pillars. Sila ang mga pangunahing miyembro na sa tuwing nagkakaroon ng Clan Clash o Clan War sa sampung pillars pipili ng lalaban. Ibig sabihin ang pillars ang magsasabing malalakas at generals ng grupo. Mababago lang ito sa tuwing may maghahamon ng duel at matatalo ang general.  Hindi naman nagtagal ay lumitaw na sa screen ang tatlo. Kasabay noon ay ang pagdagsa ng mga viewers at ng gift dias. Bihira lang kasi magkaroon ng ganitong pagkakataon na nakikita ng mga parokyano ng live stream namin ang sampung pillar generals ng Clan of Kings. “Wow, Tech Summit International in Taiwan Metropolis Freedom City, huh.” Si IamRoyalPrince. “I been in few summits but this is the first time that they will give space for esports. I wonder what other games will be displayed,” litanya naman ni IamSideViewers. “Is this serious? 5M dias gift?” 'Yong Dias gift talaga ang napansin ni IamMageUser. “Just to clarify guys, before this streaming ends, we need to decide,” paalala ko sa kanila. “I can’t go, even I wanted to,” si IamMatthew. He lives in the red line territory. And it will be hard for him to enter a  Freedom City like ours. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kuya Gio.    “Just say yes and let our handler do the rest,” paniniguro ko sa kaniya.  “That’s promising, can you hold into that?” si IamRoyalPrince na isa rin sa nakatira sa red continent.  “Let’s ask them if they can meet our first request. What do you say, Solaris Gioboi Official?” I know that Kuya Gio is monitoring this discussion. As our manager handler, this is an achievement for him. But for us to agree, all the pillars must be included.  ***** “Agree to his demand, I’m sure we can do something about it. And tell our agent to stand by, ” utos ng lalaking prenteng nakaupo sa gitna ng Central Game Hub habang pinapanood ang streaming ng top clan ng Solaris. “Senior Lazarus, baka magkaproblema po tayo sa ibang council members,” nag-aalalang paalala ng kaniyang Punong Kahalili. Ramdam sa buong silid ang pagkabahala. Kailan man ay wala pang nakakatawid na individual sa Taiwan Metropolis Freedom City ng basta basta. Kadalasan ay ilang buwan ang hinihintay bago makakuha ng schedule. Nang sabihin sa kamiya ng Head of Marketing Strategy for Games and situation ng Clan of Kings ay agad na niyang inisip ang mga gagawin. Bukod sa mahalagang kaganapan ang Tech Summit International ay sobra siyang naiintriga sa lider ng Clan of Kings. May kung ano rito na animo'y hinihila siya. Kahit pa sabihin na naka-mask pa ito, hindi matatangi na may kung ano sa tinig nito. Matagal na panahon mula nang maramdaman niya ang ganito. Kung kaya nais niyang makasiguro. Kailangan niyang makaharap ang taong ito.     “Ako na ang bahala roon. Siguraduhin mo lang na maging maayos ang paghahanda sa summit,” sagot naman nito, “Maiba ako, may balita na ba sa Black Orb?” “Sa ngayon ay patuloy na kumakalap ng impormasyon ang mga tauhan natin, Senior. Nasisiguro ko na ano mang oras ay may matatanggap na tayong balita tungko sa kanila,” seryosong litanya ng Punong Kahalili. Mula pa noon ay hindi na magandang pangyayari ang dinadala ng Black Orb. Sila ang mga lipi nang mga witches at wizards na sakim sa kapangyarihan at misyong patayin ang kagaya ni Senior Lazarus Nag-iba man ang panahon, ang imprastraktura, pananamit at iba pa, ay nananatiling matatag ang mga nilalang na yumakap sa kadiliman. Kumuyom ang mga kamay ng senior nang sumagi sa kanyang isip ang isang alaala. Napapikit ito at kinontrol ang sarili. Hindi ito ang panahon upang mawala sa huwisyo. “I guess we’ll just play nalang muna ang talk again.” Ang boses ng taong iyon ang nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Muli niyang pinaraanan ng tingin ang mga miyembro nito maging ang statistic ng mga laro nito. Lalo itonh napahanga sa line up ng clan. Hindi niya maiwasang masabik sa maaaring mangyari. Bumalik siya sa panonood sa monitor. Wala na ang mga mukha ng sampung pillars at napalitan na ito ng isang round ng laro. Muling gumuhit ang ngiti sa bibig nito. Dinampot nito ang kaniyang smartphone at nag-dial ng numero. “Hello, Gio, kung hindi pa sigurado ang mga bata mo ba't hindi mo papuntahin ang leader ng clan para mapag-usapan natin ang mga demand nila at magawa na ang kontrata. Tumatakbo ang oras at ayaw kong kapusin tayo sa paghahanda," litanya niya sa taong nasa kabilang linya. “Naiintindihan ko po, Senior Lazarus. Tatawagan ko po agad si Arkie.” Ramdam ang excitement sa boses ni Gio. Mukhang tulad ko ay hindi na rin makapaghintay sa mangyayari.  ***** Arkie’s POV Exactly ten in the morning, when a driver fetches me. I will be meeting one of the bosses of the Solaris as per Kuya Gio discussed. Since Jeremy can’t make it, Rigo and Josh decided to go with me but they have their own car so we’ll meet at the Solaris Building. I make sure that I wear my mask. Last night we decided to turn down the offer if one of us can’t make it here. But Kuya Gio calls and said that if we want to negotiate the terms and conditions, the higher-ups are willing to talk to us. He gave us instructions and we agree to it. Narating namin ang Solaris Building. Pagbaba ay agad akong pumasok sa lobby ng building. As expected, ang lawak ng lobby. May mga life-sized game characters mula sa mga games na gawa ng company. May mga well-designed seats at table na nagkalat na nakadagdag sa kagandahan ng lobby. Ang higit na nakaagaw ng atensyon ko ay ang mini gaming hub kung saan p'wedeng maglaro ang mga visitors. Agad ko yung pinuntahan at isa-isang tiningnan. Naka-display roon ang latest model ng gaming PCs at monitor. Nagtaka ako na hindi pa naka-display ang Emperor’s Eye.  May mga monitors din doon kung saan pinapakita ang mga games at gadget na available sa market. This is a haven for me.  “Liked it?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Boses na tila minsan ko nang narinig.  “Sorry, am I in a restricted area?” natanong ko kahit sa loob ko ay kumakabog na ang dibdib ko.  “No, no, no. It’s fine.” Saka ko lang napagtanto kung gaano ka gwapo ang taong kaharap ko.  Kung titignan ay mukhang magkaedad lang kami. His so white na tingin ko nahiya ang pale brown kong kulay. Prominente ang hugis ng mukha, maamo at nangungusap ang mga mata. Idagdag pa natin ang build ng katawan na saktong-sakto sa suot nitong watermelon longsleeves na tinupi hanggang siko. Nakaka-starstuck siya sa totoo lang. “Sorry,” nasabi ko nang mapansin kong tila nawawala ako sa katinuan. Buti na lang at naka-mask pa ako. Feeling ko kasi naglaway ako. “You're funny, you know that. I’m Lazarus, by the way.” Shit nagpapakilala siya sa akin. Pero bago pa man ako makasagot ay tumunog na ang smart phone ko. “Sorry, I need to take this.”  Nanghihinayang man ay hindi ko na hinintay na makasagot siya at sinagot ko na agad ang tawag. Si Rigo ang tumawag. Papasok na raw sila ng lobby. Sinabi ko naman kung nasaan ako bago binaba ang tawag. Paglingon ko sa lalaking kausap ko ay wala na ito. Luminga-linga ako at nagbabaka sakali na makita ko pa siya, pero hindi ako sinuwerte. Natanaw ko sina Rigo  at Jonas na palapit sa kinaroroonan ko. Kung kaya pinilit ko na lang alisin ang lalaki sa isip ko. Sinalubong na kami ni Kuya Gio. At ngayon ay ihahatid daw niya kami sa kakausap sa amin. Mas excited pa nga 'ata siya kesa amin. “Here it is,” wika nito nang humarap kami sa two glass door. “Welcome to the Central Game Room,” aniya sabay bukas ng pintuan.  Kung kanina ay amazed ako sa lobby, doble ang naramdaman ko rito. Top of the line ang mga monitors at equipment. Pero natigilan ako nang makita ko ang taong lihim kong hiniling na makita ulit. Wait, bakit siya kausap ni Kuya Gio? “So guys, I want you to meet, the creator of the game Solaris and the Head of the Gaming Research and Development, Mr. Lazarus Alegria,” masayang pakilala ni Kuya Gio. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Ayaw kong magmukhang tanga sa harap niya. Nakita kong nag-alis ng mask si Rigo at Jonas at nagpakilala kay Mr. Alegria. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod din. Kaya marahan kong tinanggal ang mask ko at ngumiti bago pa man tumingin sa kaniya. Pero laking gulat ko nang makita sa isang iglap ang kulang-kulang dalawang metrong pagitan ay natawid na niya. Napasinghap ako nang ilapit nito ang nagtatanong nitong mukha. May kung ano sa mata niya na tila nagbago. Hindi ko mawari dahil naunahan na ako ng pagkabigla.    “Allana?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD