Crossed Paths: Chapter 2

2708 Words
Arkie’s POV “Jeremy, seryoso ako. Ano ba ang hilig ng Dad mo?” I’m getting frustrated. Nasa supermarket ako ngayon upang mamili ng mailuluto para sa daddy ng taong kausap ko ngayon sa phone.  “My Dad practically eats anything. You can cook whatever you like to cook.” Kung kasama ko lang ito ay napingot ko na siya. 'Yong tipong hindi ka na magkanda-ugaga sa pagpe-prepare dahil nakakahiya naman sa daddy niya. Pero siya, kampante lang at tila walang balak gawing paghahanda. Bago pa man ako pumuntang grocery store ay nilinis ko muna ang condo. Alas-nueve na ako ng umaga nagising at may kalakihan din ang condo ni Jeremy, kung kaya ala una na 'ata ako natapos. Ang may-ari naman ay tulog-mantika pa rin sa kwarto niya. Kahit sinabi pa ni Jeremy na ayos lang kahit hindi na maghanda ay nag-effort pa rin ako. Ayoko kasing may masabi ang daddy niya. “Jeremy Gillian Salazar, seryoso kasi.” Hindi ko maiwasang mainis. “Achilles Reverente, seryoso ako. Ikaw na rin naman ang nagsabi, me and my Dad are somehow alike. Kaya cook what you think is best. My father will love it since I love your cooking,” seryosong sagot nito, “And Arkie, you sounded like my girlfriend when you do that,” natatawa pa niyang dugtong. Hindi ko na hinintay na humalakhak pa ang abnoy dahil binabaan ko na siya agad ng phone. Gawain niya talagang ipagkumpara ako sa mga nagiging girlfriend niya. Pero sa totoo lang ay hindi pa ako nito naipapakilala sa mga naging girlfriend niya. Kaya minsan sa tuwing binibiro niya ako ay dini-dare ko siyang ipakilala nniya sa akin ang girlfriend niya nang magkaalaman.   I decided to cook sinigang na hipon and inihaw na liempo. 'Yon lang kasi ang naiisip kong mabilis na maluluto ko. Isa pa, mukhang wala akong aasahan sa mokong na iyon. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong pinuntahan ang seafood section para makabili ng hipon. Nakakamangha ngang tingnan ang seafood section, dahil talagang buhay ang mga binebenta nila. Agad akong um-order sa attendant. Habang nire-ready nila ang hipon ay tinungo ko na muna ang gulayan. Palapit  na ako sa gulayan nang mahagip ng mata ko ang isang matanda na tila may inaabot sa estante ng mga gatas. Wala sa loob ko na pinuntahan ang matanda upang tulungan. “Lola, ako na po ang kukuha at kung mapano pa po kayo,” ani ko, “Alin po rito ang gusto ninyo?” Natigilan ako nang harapin ko ang matanda. Ang mga mata nito ay naging purong puti at nanginginig pa ito. Sa pagkabigla ay napasiksik ako sa estante. Gustuhin ko mang tumakbo ay parang may pwersang pumupigil sa aking pag-alis. Nilibot ko ang paligid. Lalo akong kinabahan dahil nawala ang lahat ng mga tao. Tanging ako at ang matandang kaharap ko na lamang ang naririto. Kinilabutan ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking balikat. Gusto ko siyang itulak pero sadyang hindi ako makagalaw. Nang harapin ko ang kanyang mukha ay nakita kong nakatitig sa akin ang mata niyang puro puti ang kulay. Nang magsalita ito ay mas lalo akong natakot. Sa pagsikat ng pulang buwan mabubuksan ang tulay ng noon at ngayon. Hahalimuyak ang dugong kay tamis na magpapaalala sa nasirang pag-ibig. Bubuhayin ang naglahong pagtingin ngunit may hahadlang pa rin. At ang dugong sumalin-salin ay pagpapalain. Hahangarin ng liping uhaw sa kapangyarihan ang katauhang naliligaw. Ngunit walang kamay ang sa kanya’y  hihimay. Pagkat sa kanlungan ng hari siya’y mamamahay. At ang mga tapat ay mangangabuhay upang siya’y masiguradong buhay. “Hijo, ayos ka lang ba?” Dinig ko na nagbalik sa akin sa katinuan. Nilibot ko ng tingin ang paligid at napagtanto kong bumalik na sa normal ang lahat na para bang walang nangyari. Muli kong tinignan ang matandang kaharap. Bumalik na ito sa normal niyang mukha at tila walang alam sa nangyari.  “Masama ba pakiramdam mo, Hijo?” aniya. Sa halip na sumagot ay umalis ako sa kinaroroonan ko. Lakad-takbong tinungo ko ang ibang parte ng supermarket. Tingin ko ay hindi magkadamayaw ang kaba sa dibdib ko. Bumalik sa alaala ko ang nangyari. Kung namalikmata lang ba ako o totoo ang nangyari. “Pero bakit naaalala ko ang sinabi ng matanda?” natanong ko sa sarili. Nasa ganoon akong estado nang biglang nag-ring ang phone ko. Sa pagmamadali ko ay muntikan pa itong bumagsak na muling nagbigay ng palaisipan. Bumagal ang pagbagsak ng phone ko. Bumagal na tila may pumigil upang hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Isinantabi ko na lamang ang nangyari at agad na sinagot ang tawag. “Jem, can you please fetch me, please.” Walang pasakalye kong banggit. Pakiramdam ko ay nanginginig pa ang boses ko.  Jeremy’s POV Agad kong narating ang supermarket na kinaroroonan ni Arkie. Every time he uses “Jem”, I know something happened. I don’t know why I suddenly had a feeling to call him pero I am thankful that I did. Nakita ko siya sa isang bahagi ng supermarket na hindi mapakali. Walang anu-anu ay agad ko siyang nilapitan at niyakap. Yes, I hugged him. Hindi na bago sa akin ito. Senior high pa lang kami ay Arkie finds comfort in a hug. Wala na sa akin kung may nakatingin o bulong-bulongan pa. He is important to me. “I’m here already. You can cry now,” wika ko. I can feel him shivering in my embrace. Sign that there’s something bad happened. Arkie is a type of person that carefree and happy in your first glance. But in reality, he is broken and sad. So every time that he’s like this, I can’t help but blame it on his stepmother. Arkie’s story is like a Cinderella story minus the “and they live happily ever after’. His Cinderella story is more like a dark story.   His Dad remarried when he was twelve. At first, they were happy but when his father died, his suffering begins. He starts to work for himself since his stepmother doesn’t want to spend a cent for him. She even takes Arkie’s share of the inheritance and she abuses him, physically and mentally. I was so angry that time when I knew about it. So after a year of knowing him, I decided to offer my condo as his sanctuary. Where he can be safe and be able to do what he wants to do. At first, he refuses but later on, he accepts it with some conditions that he makes for himself. But some nightmares are not easy to forget. And it sometimes haunts you, even you’re awake. I manage to calm him down. I don’t even dare to ask what happened. I just let him talk if he is ready to talk. We manage to get all the things that he needed at the store before going home. On our way home he takes a nap. “And you asking me, “bakit hindi pa ako nagpapakasal?” nasambit niya bigla habang sinusulyapan si Arkie.  ***** Pagkauwi ay back to normal na si Arkie. Naging busy ito sa kusina. Kung titingnan ay parang walang nangyari. Well, ganoon naman talaga siya. He can easily get to his feet. But still, I’m worried. Nangtanungin ko siya kanina tungkol sa nangyari ay ay wala itong sinabi sa akin. Balak nanaman niyang itago sa akin. Hindi ko maiwasang mainis dahil hindi ko alam ang gagawin ko.   “Jeremy, anong oras ba pupunta ang daddy mo?” tanong niya.  “I don’t know. Pero sinabi kong nag-prepare ka ng food,” sagot ko sa kaniya. Pinapanood ko lang siya habang nagluluto.  “Pupunta rin ba ang girlfriend mo?” Napakunot-noo ako sa tanong niya. Alam niyang hindi ako nagdadala ng kahit na sino sa condong ito. “At kelan ka pa naging interesado sa girlfriend ko?” hindi ko mapigilang tanong.  “Wala lang. Since pupunta 'yong daddy mo, malay ko ba kung in-expect niyang kasama mo rin dito ang girlfriend mo, 'di ba?” Napailing nalang ako sa kaniya. “Magluto ka na lang diyan, Arkie.”  Ang dami niyang alam. Hindi man lang niya nakikitang nag-aalala ako sa kanya. Ever since na tumira si Arkie sa condo ko ay naging unspoken rule ko na ang hindi pagdala ng babae sa condo. Based on experience, Arkie and my girls is not a good match. I remember when my girlfriend in college met Arkie and saw how close we, Arkie and I, that girl become ballistic. Ewan ko ba kung bakit subrang selos nila sa bestfriend ko.  Hindi lang 'yon ang una, dahil nasundan pa iyon ng ilang beses. Kaya kahit anong pilit pang gawin ng mga naging girlfriend ko na pumunta sa condo ko ay hindi p'wede. Tinitimbrihan ko talaga ang guard pagkaganoon.  Napabalik ako sa kasalukuyan nang naamoy ko na ang niluluto ni Arkie. I really love how he cooks. 'Yong mga timpla niya ay pasok sa panlasa ko. Even mga tropa ko ay nahahalina sa cooking ni Arkie. Minsan nga ay binibiro ko pa siyang ginagayuma ang pagkain para mapilitan kaming maubos ang niluluto niya.  Agad akong tumayo at tinungo ang kusina. Sa bango ng luto nito nagugutom na kaagad ako.  Pagdating ko sa kusina ay malinis na ang lahat. Isa pang bagay na napapabilib ako sa kaniya, ay ang napapanatili nitong malinis ang buong condo sa kabila ng napaka-busy niyang schedule. Isang hiwaga talaga para sa akin ang ginagawa niya.  Arkie is working as an interior designer sa isang maliit na agency. He wakes up at six in the morning para mag-prepare ng breakfast. Ang oras ng trabaho niya ay nine in the morning to six in the afternoon. He had to cook our dinner pag-uwi. Then he will have Solaris Live ng four hours as part of his contract. Minsan nga ay alas dos ng umaga gising pa rin siya. He’s free every Saturday and Sunday sa work, kaya nagagawa niyang mag-extra jobs. “Hey, don’t tell me kakain ka na?” Rinig kong tanong ni Arkie. “Titikim lang, ang bango, eh.” Dipensa ko. “Naku, 'wag ako Jeremy. Hintayin mong dumating ang daddy mo para sabay na kayong kumain,” saway niya. Tamang-tama naman at tumunog ang doorbell.  Agad na napabalikwas si Arkie at sinenyasan akong buksan ang pinto. Tumalima naman agad ako. Natatawa ako sa reaction niya. Kahit kilala na siya ng daddy ay hindi pa talaga sila nagkikita. Panay kasi si Mommy ang napunta ng school at condo. My dad has a very sophisticated boss. And it’s in our tradition to serve the boss in our best as possible in all time. And someday, as his son, will have that job.  For many years, our family serves the LIRA Groups. Hindi pa man nakikilala bilang LIRA Group ay naging tapat ng tagapangalaga ang aming angkan sa dakilang pamilya ng Alegria. Bawat miyembro ng aming angkan ay nagdala ng karangalan sa pagsisilbi sa mga nilalang na tinuring na panginoon. Our bloodline is called the greatest amongs the “Kahalili”. Even Arkie knows the story. “Hi, Dad,” masayang bati ko nang tumambad sa harapan ng pinto ang bulto ng aking ama, “Kuya Gio? You’re here din?”     “It’s good to see you son.” Hindi na niya hinintay na papasukin ko siya dahil mabilis na itong pumasok. “Anong meron?” mahina kong tanong kay Kuya Gio na sinagot lang ako ng kibit-balikat at pumasok na rin sa loob . “Come in.” Tanging nasabi ko na lang.  Naghahain na si Arkie pagbalik ko. Kasama nito si Kuya Gio sa kusina. Magkakilala na sila Kuya Gio at Arkie. Si Daddy naman ay naglalakad-lakad na parang chinicheck ang mga bagay-bagay. Sinundan ko naman ito kaagad.  “Arkie prepared sinigang na hipon and inihaw na liempo, hope you like it,” pagbasag ko ng katahimikan. “It’s good na naaalagaan mo ang condo ng mabuti.”  “Thanks to Arkie and his undying reminders, ” sagot ko.  "I think it's a good thing that Arkie is here. Kung ikaw lang ang naririto, I don't know what will happen to this condo." I couldn't agree more. Makalat kasi akong tao and opposite of Arkie na malinis. Kahit nga sarili kong kwarto ay ini-invade niya which again, wala naman sa akin. Makita man ako ni Arkie na hubot hubad comfortable ako.  Hindi na ako kumibo sa sinabi ni Daddy at sinundan na lamang siya. Simula noong magkaisip kami ay ganito kami kay daddy. Awkward ang mga moments. Marahil, dahil minsan lang talaga namin siyang makasama. At kung nakakasama naman namin siya ay napakapormal niya. Tulad ngayon, dadalaw sa anak naka-Americana pa.  Pinagbubuksan ni Dad ang mga pintuan ng mga kwarto pati ng banyo.  “That’s the gaming room.” Nang marating namin ang huling pintuan. At gaya nang mga naunang ginawa niya ay siniyasat nito ang bawat kasulok-sulukan ng silid. Pati bintana ay sinigurong maayos na naka-lock.  “Dad, what’s really happening?” Hindi ko matiis na tanong. Napapraning ako sa ginagawa niya.  “There’s an intelligence that we received that the Black Orb is making a move in the Metropolis Freedom City. And I’m making sure that you and Arkie are safe.” Hindi ko maiwasang isipin ang binanggit ng daddy. Narinig ko na ang tungkol sa Black Orb noong bata pa lang ako. Marami na ring taon ang lumipas nang nanahimik sila.  Ang Black Orb ay isang iligal na samahan ng mga Black witches at wizards. Sa pagkakatanda ko ay maliban sa paggawa ng kremen ay tinutugis din nila ang mga angkan ng Kahalili upang matuntun ang mga panginoon nito. Kung kaya noon ay naging parte ng pagsasanay naming miyembro ng pamilya ang matutong makipaglaban at gumamit ng sandata.  Napakaimposibleng makapasok sila dito sa Freedom City. Sa tindi ng security ng buong Taiwan Metropolis Freedom City ay hindi kapanipaniwala na malulusutan nito ang mga Elite Squad.   “And why are you with Kuya Gio?” tanong ko muli. “He has a different agenda with Arkie.”  Sinong mag-aakala na sa isang iglap ay kayang baguhin ni Arkie ang aura ng daddy? Kung kanina ay napaka pormal at super awkward, ngayon ay hindi mo iisiping ngayon pa lang sila nagkita. Idagdag pa ang Kuya Gio na open na open sa pagiging kalog. I really wondering kung may gayuma ba talaga ang niluluto ni Arkie. “Ang tahimik mo naman 'ata, Bro? Hindi ka ba nasasarapan sa luto ni Arkie?” sita ni Kuya Gio. “Naku, hayaan n'yo lang 'yan, kakain din 'yan. Si Jeremy pa ba?” dagdag pa ni Arkie sabay tawa kasabay ni Kuya Gio.  “Naku, Tito Gin, kain lang po kayo, ha. Marami po akong niluto, kung gusto po ninyo ay ipagbabalot ko kayo.” Kung hindi ko 'to kilala si Arkie, sasabhin kong napakasipsip niyang tao. But this is Arkie. It’s always easy for him to make people comfortable with him. If you are just willing to be closed to him.   ***** Sa tapat ng isang magarbong gusali ay naroroon ang isang matanda. Nakaupo sa isang bench habang humuhunihuni ng isang kantang hindi pamilyar. Maya-maya pa ay may dalawang lalaking lumitaw at yumukod sa nakaupong matanda.  “Kumikilos na sila. Kailangang doblehin ang pag-iingat. Malapit na ang pag-akyat ng pulang buwan. Hindi dapat nila malaman ang tunkol sa kaniya," ani ng matanda. “Makakaasa po kayo, pinunong Amalia,” paniniguro ng isang lalaki sa kaliwa. "Pero, pinuno, nakakapagtakang nalagpasan nila ang matinding security ng buong freedom city. Malakas ang kutob kong may tumutulong sa kanila." "Iyan din ang nasa isip ko. Mula noong itinayo itong Free City ay walang nangahas na Bernardine ang pumasok sa lupaing ito. Kung meron may ay agad itong nahuhuli. Pero ibang iba ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan para sa kanya."   “Hindi namin papayagang mapasakamay nila ang huling miyembro ng angkan ng dakilang manghahabi,” dugtong ng isa pang lalaki na nakatayo sa kanan. "Kungkinakailangan ay handa kaming makipaglaban para sa kaligtasan niya." “Salamat kung ganoon. Ilang ulit na rin tayong nabigo pero sa puntong ito ay sisiguraduhin nating magagawa natin ang ating tungkulin bilang tagapangalaga ng naiwang kadugo ni Pinunong Andres, ang dakilang manghahabi.”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD