HILA-HILA ang bagahe ay naglakad si Lauren sa gitna ng makintab na tiles ng pasilyo sa Ninoy Aquino International Airport. It’s been six years when she left this country. Ngunit hindi niya akalain na babalik siya rito na may sakit muli sa puso. Her dad died two weeks ago because of his colon cancer that he’s been complaining about for months.
Tila musika sa kanyang pandinig ang tunog ng gulong ng kanyang bagahe kasabay ng lagutok ng kanyang black Christian Louboutin heels.
Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa upang tawagan ang kababata at bestfriend na si Brett. Hindi naman nagtagal nang sagutin nito iyon.
“Hello!” anito sa kabilang linya.
“Brett, I’m here! Nasa NAIA terminal one na ako.”
“Lumabas ka lang, kanina pa kami naghihintay ng kapatid mo rito. Ilang beses na nga kaming umikot dahil sinisita kami ng officer. Bawal magpark dito sa tapat.”
“Okay, malapit na ‘ko.” Pinutol niya rin ang tawag matapos matanaw ang malaking pintuan papalabas ng gusali.
Abot-tainga ang ngiti nito matapos siyang iluwa ng malaking pintuan. Nakasandal ang kanyang kaibigan sa bagong-bago nitong kotse. Brett was a big man, he’s six feet and four inches tall. May kahabaan nang bahagya ang buhok nitong abot hanggang batok at kumikinang din ang nag-iisa nitong hikaw na gawa sa diyamante sa tainga. Nakasuot ito ng dri-fit na shirt kaya halos lumuwa ang muscles nito sa katawan.
Basketball star ang lalaki kaya marami ang kinikilig at lihim na kumukuha ng larawan dito habang naroon na naghihintay sa kanya.
“Lauren!”
“Ate!” sabay na saad ng kanyang matalik na kaibigan at nakababatang kapatid na si Kael, he’s twenty-two habang si Brett naman ay hindi nalalayo ang edad sa kanya na twenty-five.
Mabilis na niyakap siya ni Brett. His big arms were wrapped around her body. Hindi niya napigilan na maluha matapos na maramdaman ang bisig nito sa maliit niyang baywang. Pitong taon lang siya nang magsimula ang pagkakaibigan niya sa lalaki. Magkapitbahay sila sa Green Meadows sa Quezon City at sabay silang nag-aral ng grade one. Simula noon ay maayos na ang relasyon niya kay Brett. Sunod na niyakap niya ang kanyang kapatid na si Kael.
“Namiss ko kayo!” Mabilis na naglandas ang luha niya.
“Ano ba ‘yan, Ate?! Umalis kang umiiyak, ngayong pagbalik mo ay umiiyak ka pa rin?!”
“Shut up! Alangan naman na matuwa ako na namatay si Papa?”
Sumimangot lang ito at naikuyom ang kamao, she knew why. Hindi maganda ang relasyon nito sa kanilang ama hanggang sa namatay na lang ito.
“Alam mo naman, Ate Lauren, na hindi kami magkasundo ni Papa.”
“Hindi pa rin tama na magsuplado ka!” sita niya rito.
“Mabuti pa ay umalis na tayo, kanina pa nakatingin sa’tin ‘yung traffic enforcer!” ani Brett.
Tinulungan siya nito na ilagay ang kanyang bagahe sa loob ng compartment. Kinamusta niya naman ang kapatid matapos niyang makapasok sa loob ng sasakyan ng kaibigan.
“How are you? Sigurado ka na ba na graduating ka na ngayon?”
Siya ang nagpapaaral sa kapatid sa loob ng ilang taon mula sa mga kinikita niya sa Amerika dahil lumayas ito ng kanilang tahanan. Their dad wants her brother to marry a woman in her thirties. Sa galit ng kanyang kapatid ay umalis ito. He works at night to support his studies as a waiter owned by his classmate. Kaya lang ay may kalakihan ang tuition ni Kael kaya niya ito tinulungan.
His brother is taking a Bachelor Degree in Civil Engineering. Nagtrabaho ito sa gabi habang nag-aaral hanggang sa panahon na iyon.
“Eh, si Mama, kumusta?”
“Kinakaya na wala si Papa,” malungkot nitong saad.
Bumuntonghininga siya at saka idinantay ang ulo sa kapatid habang ito naman ay inakbayan siya sa balikat. Hindi niya masisisi ang tadhana kung umalis siya nang luhaan at bumalik muli sa Pilipinas nang luhaan. Parehas na masama ang loob niya sa magkaibang panahon. Ang pagkakaiba nga lang ay naka-move on na siya ngayon mula sa idinulot sa kanya ng nakaraan. Ipinilig niya ang ulo, ayaw na niyang balikan pa iyon.
“Ready?” tanong ni Brett.
Ngumiti lang siya ng tipid sa kaibigan saka itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana. Anim na taon siyang nawala rito sa bansa at bahagyang nagbago na ang paligid. Mas dumoble ang traffic, mas dumami ang mga gusali at mas dumami ang mga sasakyan.
Nasa isip din niya ang magulang, hindi pa man ay alam niyang problema ang ibubungad sa kanya ng ina.
***
LAW OF ATTRACTION. Hindi naman niya hiniling na lapitan siya ng problema ngunit ganoon yata talaga kapag masyadong mataas ang hinala mo sa isang bagay.
Naroon siya sa library ng yumaong ama sa kanilang tahanan sa Green Meadows kung saan siya lumaki, nakatingin sa labas ng bintana habang hawak ang isang bottled water. Kararating pa lang niya mula sa Amerika ngunit pinatuloy na agad siya sa silid na iyon upang bigyan ng kabi-kabilang problema.
“Lauren, that’s what happened when you were away. Your dad invested his last cent in a manufacturing company in the United States, kaya lang ay nalugi rin ito. Unfortunately, ilang kumpanya na ang inutangan ng iyong ama kaya sila naghahabol,” paliwanag ng abogado at matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Ninong Arnold.
Seryoso itong nakaupo sa isang silya. Sa katapat nito nakaupo ang kanyang ina, katabi si Kael.
“Paano siyang nagkaroon ng utang? Eh, paano ‘yung pinagbentahan ng brewery?” naguguluhan niyang tanong.
Hindi naman siguro niya mabilis na naubos ang pinagbentahan?
Makalipas ang dalawang taon noong umalis siya ay ibinenta nang tuluyan ng kanyang ama ang kanilang negosyo. Eksakto naman na naka-graduate na siya noon sa marketing course sa Amerika kaya hindi na siya nanghingi pa ng sustento rito.
“I-iyon nga ang ginamit na pera ng papa mo sa kumpanya sa Amerika. K-kinailangan naman ng papa mo na mangutang dito sa mga kumpadre niya sa Pilipinas dahil naka-hold ang kita niya sa kumpanyang iyon. Kailangan natin ng panggastos dito sa bahay at pampasuweldo sa mga tao, ng pampagamot ng papa mo,” sagot ng kanyang ina pagkatapos ay lumuha.
Niyakap ito ng kanyang kapatid na si Kael. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay kulang ang isang botelya ng tubig na kanyang hawak para pakalmahin siya.
“Magkano ang kailangan nating pera?”
“T-thirty million.”
Nabitawan niya na nang tuluyan ang bottled water sa sahig. “Thirty million?” tanong niya habang nanlalaki ang mata.
Hindi biro ang sakit na cancer kaya naniniwala siya na malaki ang posible na magastos ng magulang sa loob ng ilang taon. Ang problema niya ngayon ay kung saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera? Ang naipon niya sa Amerika mula sa pagtatrabaho ay kakarampot lang, hindi pa aabot ng ten percent.
Hawak ang noo ay nagpalakad-lakad siya sa loob ng silid. “Ninong Arnold, this home. Magkano natin ito maibebenta?”
“Hindi natin ito ibebenta!” malakas na pagtutol ng kanyang ina. Hindi pa man niya nailalahad ang plano ay alam na nito na nais niyang ibenta ang bahay na iyon. Sa Green Meadows nakatayo ang bahay nila at alam niya na mataas ang value ng lupain nito, idagdag pa ang kanilang 700 square meters na tahanan.
“Pero, ‘Ma, hindi na natin kaya pa na i-maintain itong bahay. Hindi na natin kayang magpasuweldo sa kasambahay, magbayad ng mataas na kuryente, ng tubig.”
“Mabuti pa na patayin mo na lang ako, Lauren!” sagot nito na umiiyak, lumabas ng silid.
“‘Ma!” habol ni Kael. Nagpapasensya na lang siya na sinenyasan ang kapatid na sumunod sa kanyang ina.
Naupo na lang siya sa sofa na naroon at naguguluhan na hinihilot ang noo. Nabuhay sa rangya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina. Isang sampal sa pagkatao nito kung sakali na ibebenta nila ang bahay, kaya lang ay ano ang magagawa niya?
Tumayo na ang kanyang Ninong Arnold mula sa silya nito. “Lauren, nais ko man na tulungan ang pamilya mo, alam mo na hindi ganoon kalaki ang kinikita ng isang abogado na tulad ko.”
Tumango na lang siya bago nagpaalam dito.