PROLOGUE

768 Words
Lauren’s body was aching, partikular sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Dumadampi pa sa kanyang pisngi ang init na nagmumula sa haring araw sa labas dahil nakahawi ang kurtina.  Nagpakawala siya ng ungol nang dahil sa matinding kirot ng kanyang sentido. She drunk last night ngunit hindi naman ganoon kadami. She looked at the bedside table, it’s ten in the morning. Inikot niya ang paningin sa silid at doon niya napatunayan na naroon nga siya sa silid ng nobyong si Finn. Narinig niya na umingit ang pintuan gawa ng may nagbukas nito. Ipinihit niya ang katawan sa direksiyon niyon.  “Mabuti naman at gising ka na,” malamig na saad ni Finn.  Bigla siyang naguluhan sa inaakto nito. Hindi ba’t kagabi lang ay halos ilang beses silang nagniig ng lalaki? His eyes last night said that she was worshiped by it. Patunay ang masakit at mga pulang marka sa kanyang katawan. She remembers everything—everything because she loves Finn so much.  Kahit siya ay nabigla sa pagbabago nito nang nagdaang gabi. Unang beses siyang mahalikan nito na nauwi sa pagniniig. Ngunit ngayon, habang nakatingin sa malamig na mata ng binata, hindi niya maipaliwanag kung ano ang problema. Nawala na ang pagsamba nito sa kanya. Hinila niya ang puting kumot para matakpan ang hubad niyang dibdib at sinubukan na lumapit dito. “F-Finn?”  “I don’t want to see you again, Lauren! I declined the marriage!” What’s wrong? Ginising siya ng rebelasyon nito. Nanlaki na lang ang mata niya na naupo sa kama.  After what happened last night, you want to break up with me? Nais niyang itanong rito ngunit naipit ang mga salita sa kanyang lalamunan. “F-Finn, m-may problema ba?” “You sell yourself to me, right? Here!” Inihagis nito sa kanya ang buong wallet nito. Bumagsak iyon sa kanyang harapan ngunit hindi niya iyon dinampot. Sa halip ay naguguluhan siya na sinalubong ang mata nito. Finn was serious, his eyes were cold at sa unang pagkakataon ay nakikita niya ang galit sa mata nito. Sinuntok nito ang pintuan kaya natakot siya, kasunod nito ay nagsimulang umagos ang luha niya habang nakatingin sa binata. “P-paano ang kasal natin? Hindi ba’t ikakasal pa tayo?” tanong niya sa binata. Nagkasundo ang magulang nila noong nagdaang taon, nakatakda ang kanilang kasal kapag nakatapos na sila sa kolehiyo. Sa kasalukuyan ay nineteen siya, si Finn ay twenty. The marriage shall happen after two years.  Nakabilog ang kamao nito na halatang galit ito sa kanya. “Magaling ka rin talaga, Lauren! Ang galing-galing mong mambilog ng ulo! Akala mo ba ay hindi ko alam? Dalhin mo na ‘yang buong wallet ko and leave!” “N-no! F-Finn—” Pinutol nito ang kanyang paliwanag.  “Mabuti pang umalis ka na Lauren! Ayokong makarinig ng kahit ano mula sa’yo. Get out!” singhal nito. Lumapit ito sa kanya, kinuha nito ang mga nakasuksok na lilibuhin sa loob ng wallet nito at padaskol na inihagis sa kanya. “Here! You want money, right? Nagawa mo pang ibenta sa ‘kin ang sarili mo!” Hindi na napigil ni Lauren ang sarili, sinampal niya nang ubod-lakas ang lalaki.  “Assh*le!” sigaw niya rito habang nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha.  Lalo namang nagdilim ang mga mata nito at halos lumabas na ang ugat sa galit. “Get out!” Binitbit niya ang puting kumot upang ipantakip sa kanyang katawan. Isa-isa niyang dinampot ang mga kasuotan sa sahig na ang lalaki mismo ang naghubad sa kanya nang nagdaang gabi. She cried, and seemed like she was in a nightmare. The Finn she used to know was gentle kahit pa nga hindi sila nakakapag-usap ng tungkol sa kanilang relasyon. Ipinararamdam nito sa kanya ang respeto at sapat na iyon sa kanya. They were always together. Parehas silang mahilig tumambay sa library at tahimik na nag-aaral. Ngunit ngayon na matapos na may maganap sa kanila ay itataboy siya nito? Katawan lang ba niya ang hinabol ng lalaki? Siguro nga ay nagawa lang siyang gamitin ni Finn nang nagdaang gabi dahil mahal nito si Kori, the most beautiful girl she had ever met. Kahit yata siya ay gugustuhin at pipiliin ang babae.  Sa nanlalabong paningin nang dahil sa mga luha ay muli niyang nilingon ang kama na may bahid pa ng pulang marka na tanda ng pagmamahal niya rito.  Matapos niyang magbihis ay hindi na niya nagawang magpaalam at lingunin ito. She silently said goodbye to Finn, ang lalaking minahal niya sa loob ng ilang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD