CHAPTER THREE

1349 Words
Alas-dos na ng hapon at uwian na namin ni Mama kaya bago makaalis, pinuntahan ko muna si Alicia sa kaniyang silid habang sina Mama at Tita ay nagkwekwentuhan. Pagdating ko sa labas ng kwarto, napansin ko'ng tahimik sa loob, kahit man nag-aalinlangan, kumatok ako ng tatlong beses. "Ali. . ." mahinhin kong banggit ng kaniyang pangalan. Ngunit hindi siya sumasagot, alam kong nandiyan lamang siya't naririnig ako dito. "Alicia, si Adaline ito. Pwede ba tayong mag-usap bago kami umalis?" sabi ko na nakasandal ng patagilid ang mukha. "Hindi." matipid nitong sagot na ikinabigla ko. Hindi naman ganito si Ali nuon, ba't ang sungit niya? Tumulo ang aking mga luha dahil dito, hindi ko inasahan na magiging malamig sa'kin ang best friend ko, hindi siya naman ganito nuon ah, naaalala ko pa nga ang ipinangako niya sa'kin, "Pangako, hindi ko hahayaang masaktan ka Line dahil ayokong makita ka'ng nasasaktan, pinky promise!" All of the sudden, you were right there, sulking yourself in the middle of nowhere, concealed in melancholic fog and air. Where does the rainbow goes? Where's the light that used to shine and protect me away from the blank room? Dahan-dahan akong humakbang papalayo sa pintuan, pilit kong pinupunasan gamit ang aking kamay ang mga luhang patuloy na umaagos. Ayokong makita nina Mama at Tita na umiiyak ako, baka ano ang isipin nila at mapapagalitan ni Tita si Alicia. Nang mahimasmasan ako, tumungo na ako agad sa kinaroroonan nila Mama. "Oh anak, kumusta kayo ni Alicia?" mahinahong tanong ni Mama, bakas sa kaniyang mukha na umaasa siyang muli kaming magkakausap ni Alicia. Pinilit ko ang aking sarili na suotin ang aking ngiti para hindi sila mag-aalala, "Ah, hindi po kami nakapag-usap ni Alica Ma kasi mukhang tulog siya, kaya iniwan ko na lamang." "Pakiusap po Tita, sabihin niyo po kay Alicia na aasahan ko muli ang masigla niyang mga ngiti at ang pagkwekwentuhan namin kapag muli kaming makabalik dito o magkita man la'ng kahit saan." nakangiti kong pakiusap kay Tita. Inakbayan ako ni Tita, "Oo naman, 'wag kang mag-aalala mag-uusap rin kayo muli!" Napangiti ako sa saloobin ni Tita, hindi ko maiwasang maantig sa kaniyang kagandahang taglay, ang swerte ni Alicia dahil binayayaan siya ng ina na katulad ni Tita Gelly. "Ate, bibisita rin kami dito sainyo kapag maluwag-luwag na ulit ang oras ko." nakangiting sambit ni Mama kay Tita 'tapos nagyakapan sila. "Salamat po Tita, mag-iingat po kayo palagi ha?" wika ko at yinakap rin si Tita. "Walang anuman, magaaaanda kong pamangkin!" Tita pinched my cheeks. "Oh sha, mag-iingat ka'yo pauwi." matamis na ani ni Tita nang may nakakatangis na ngiti. Nagpaalam na kami ni Mama kay Tita upang makapagsimula nang bumyahe pauwi bago pa man mag-alas syete ng gabi. I was satisfied with our bonding earlier, our hours of travel to Tita's were worth it! Even though, there was a little conflicts between Tita and Ali. I still cannot forget how Ali treated me, all of the sudden I felt distanced from her despites of our closeness, maybe time has changed Ali or was I? (Kinabukasan. . .) Today is May 27 which is the day of fan signing event before 7knights' Paradise World Tour. Sabik na sabik na akong dumalo, kasi I am finally given a chance na ma-meet and greet ang mga darlings ko char, pero may problema! Hindi pa ako nakapagpaalam kina Mama at Papa dahil nalimutan ko at nakaalis na rin sila para sa kaniyang-kaniyang trabaho. Hays. . . Ano na ang gagawin ko? Mag-isip ka self, mag-isip tayo ng paraan na makadalo nang hindi papagalitan pag-uwi. Ah! I know na, tatawagan ko sina Mama at Papa tapos sasabihin ko na pupunta ako sa fan signing event ng 7knights na kasama si Alicia, nagbabasakali akong baka sasama sa'kin si Alicia at hindi siya talaga galit sa'kin. Kaya, agad-agad kong tinawagan si Alicia kahit medyo kinakabahan, sana sagotin niya 'to at pumayag siyaaaa. Naka-ilang beses ako sa pagtawag kay Alicia pero ring la'ng 'to ng ring na siyang ikinalungkot ko at nawalan pa ng pag-asang makita ang 7knights huhu. But, walang susuko dahil matapang tayo so, it's time for plan b self, plan b! AHA! Tila'y sumasang-ayon yata sa'kin ang kalangitan dahil alam ko na ang gagawin ko! Ang talino ko talaga, I'm proud of meeee! I dress up myself to nine, dapat elegante tayo sa mga mata ng 7knights baka sakaling mabihag natin ang kanilang mga damdamin ehe, ambisyosa la'ng paur! I chose soft and nude make up look para simple at natural la'ng and klaro parin ang aking flawless, beautiful skin na mana kay Aphrodite, the goddess of love and beauty, siya kasi ang great-grandmother ko charot! Medyo kinulot ko lamang sa dulo ang aking buhok, 'tapos pinaresan ko ng rhinestone pearl stud earrings na regalo sa'kin ni Mama at Papa nu'ong nag-18 ako along with a pearl necklace para match, for the dress, I'm wearing green sleeve midi dress I bought when we were in boracay for a family vacation at sinuot ko rin ang aking strappy block heel sandals to complete my outfit for fan meet. Syempre, para mas captivating tayo, pinerfuman ko ang aking sarili ng blackwater women inspire, para mabango all day! It's already 9 A.M. nang matapos ako sa pagbibihis, pagka-1 P.M. pa rin naman ang fan meet pero kailangan maaga akong makarating du'n dahil for sure punong-puno ang S.M. City Tarlac, eh sino ba namang magpapahuli sa spesyal na araw na'to 'di ba? Excited na excited si Anteh Adaline niyo eh hindi naman nakapagpaalam, tumatakas la'ng! Bahala na basta hindi ako lalagpas ng 7 P.M. dahil kadalasan 7:35 ang uwian ng parents ko huy! Pero at least 'di ba makapiling ko na ang 7knights, specially Shaun! Pagkalabas ko sa aming gate, tumayo na ako agad sa kilid ng kalsada at naghintay ng masasakyan. Habang naghihintay, matiyaga lamang akong nakatayo ngunit nagtaka ako kung bakit ang mga dumadaan na mga tao, napapatingin sa'kin na mukhang nawe-weirduhan, hmm?? Ano ba'ng meron sa look ko ngayon? Compliments ba 'to? Weird ba mukha ko? Or nawe-weirduhan la'ng sila dahil sa sobrang ganda ko na naiiba sa lahat? Hueyr, tegerlarn niyor yarn mgar ater art kuyaur! Ener baur! Uwuar >< Napatayo ako ng tuwid at nginitian ng konti ang bata. "Nako, pasensya na iha sa anak ko ah. Masyadong honest eh, pero ako rin nagtataka kung bakit ka ganiyan." sabi ng babae na ikinagulat ko pa. Pati ba naman ikaw 'teh? Pero thanks po. "No worries po, excited la'ng sa event na dadaluhan ko." ngumiti ako, pilit na kinikain ang kahihiyan dulot ng katangahan. Nagpaalam na ang mag-ina na siyang pinagpasalamat ko, kun'di dahil sa bata baka napagkamalan na akong baliw ng mga dumadaang tao eh haha. Ganito pala talaga 'pag sabik na sabik ka nang makita ang mga iniidolo mo, hindi na natin namamalayan ang ating sarili na lumutang na pala ng mag-isa sa kaligayahan. Hindi naman masyadong matagal nang maaninag ko na ang taxi sa 'di kalayuan na mukhang bakante pa naman kaya agad ko itong pinara. Nang makasakay na ako, sinabi ko kay manong driver ang aking patutungohan. I can't wait na to meet you my 7knights!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD