CHAPTER TWO

2509 Words
Pagdating ko sa bahay, wala pa sina Mama at Papa, kaya tumungo na lamang ako sa kwarto at dumive-in agad sa kama, nakakapagod ang araw na'to ngunit nakakakilig at napakasaya, nakalimutan ko nga saglit na may bukol pala ako hahaha. Manager si Papa sa isang sikat na restaurant dito sa Tarlac na talagang dinadarayo ng iba't-ibang klase ng tao at si Mama naman ay isang accountant sa banko, kaya naman minsan mag-isa la'ng ako dito sa bahay. To be honest, it's kinda therapeutic for me, I can do all the things I wanna do to spend time with myself even though minsan nakaka-miss kumain ng panghapunan kasama sina Papa at Mama but, bumabawi rin naman sila which makes me happy and grateful. Sa gitna ng katulalaan, I still cannot forget what was happened earlier, it feels surreal. Hindi man la'ng ako nakapag-great ng maayos, Shaun's my favorite idol among other k-pop idols. Si Shaun ang pahinga ko, ang isa sa mga inspirasyon ko at siya rin ang lalaking laman ng puso't-isipan ko despite sa mga sinasabi ng ibang tao sa'kin. I even wrote a story and poem about him, us. He's behind of my masterpieces na siyang kailanman hindi ako mapapagod ipagsigawan kung gaano siya ka-unique at higit sa lahat, ang takbuhan ko sa t'wing dumidilim ang mundo sa'kin. . . . . . . . Habang nagluluto ako ng adobong manok para uulamin ko at nila Mama pagdating nila, nagscro-scroll muna ako sa f*******: sandali para hindi masyadong ma-bored habang naghihintay na maluto ang ulam, ngunit biglang may bumungad sa'kin na post ng isang famous fan page ng 7knights. "Shaun Cruise, spotted roaming at Bench himself in Tarlac. The 7knights arrived yesterday for their upcoming Paradise World Tour on May 28." - 7knights daily. Hindi ko mapigilang sumigaw at magtalon-talon dahil sa kilig nang maalala ang nangyari kanina 'tapos napa-happy dance pa. Ako na ata ang maswerting babae sa balat ng lupa! At dahil sa sobrang kasiyahan, muntik ko pang makalimutan ang linuluto ko. . . . . . . . "Adaline! Adaline!" rinig kong sigaw ni Mama na katok ng katok sa labas ng aking kwarto. Inaantok pa akong tumayo mula sa higaan habang yakap-yakap ang huge panda plushie ko tsaka binuksan si Mama. "Po Ma?" tanong ko na halos nakapikit pa ang mga mata. "Lumabas ka na dito tsaka kumain at maligo dahil pupunta tayo sa Tita Gelly mo." wika ni Mama sabay hagod sa aking magulong buhok. "Bilisan mo dahil pagka-9:40 la'ng tayo aalis, ano na'ng oras oh, 8:07 na!" pinakita ni Mama ang kaniyang cellphone sa'kin ng nakapamewang. "Opo..." malumanay kong sagot. Akmang tatalikod na sana ako para magligpit na ng higaan dahil baka iwanan pa ako ni Mama dito, nang biglang hinawakan niya ang braso ko na may guhit pagtataka sa mukha nito. "Hep hep! Teka, ano 'yang bukol sa noo mo?" hinawakan ni Mama ang bukol ko na may pag-aalala. Yumuko ako ng kaonti't unti-unting initabon ang curtain bangs sa kalahati ng mukha ko kung nasa'n ang bukol. "Ehe wala po 'to Ma, natapilok kasi ako. . ." nginitian ko si Mama ng konti para makombinse ito. "Aruy-aruy, 'wag kang magsinungaling ah! Bakit mukha mo ba ang natapilok?" sermon nito. "Atsaka tigilan mo iyang pangiti-ngiti mo, para kang takas-mental!" Aray naman. . . Mama ko 'to! "Nabangga po kasi ako sa mabakal na pintuan kahapon sa cafe nang paalis na ako, pero don't worry na po Ma, hindi na masakit." tinaas-baba ko ang aking kilay at nag-peace sign. "Oh sya, lagyan mo 'yan ng ointment, pa'no kasi 'yan ang lingap (clumsy) ng babaita!" she give me a wide eyes while her hand on the waist. "Bilisan mo na jan, Adaline ha." she said then turned around. (Afterwards) "Ate Gelly? Papunta na kami diyan." update ni Mama kay Tita Gelly mula sa cellphone habang nagmamaneho ng kotse. "Oo naman. Tsaka ihanda mo kami ng minatamis na kamoteng kahoy ah, alam mo naman favorite ko 'yan hahaha." sabi ni Mama kaya napangiti ako. Si Mama pala at Tita Gelly ay magkapatid, tatlo silang magkakapatid at ang bunso ay si Kuya Karol na ngayo'y malapit nang gra-graduate sa college, si Kuya Karol ang kasama nina Lola't Lolo sa probinsya duon sa Surigao, habang si Mama at Tita naman ay parehong nandito sa Tarlac. Si Tita Gelly ay isang single mom simula nu'ng mamatay ang asawa niya na si Tito Ronald 2 years ago dahil sa sakit na Leukemia, kaya dalawa na lamang sila ni Alicia, at tanging si Tita na lamang ang bumubuhay sa kanila bilang isang manager sa isang sikat na hotel dito sa Tarlac. "Salamat Sis, love you." nakangiting sabi ni Mama 'tapos pinatay ang tawag. Ang sweet naman! Awww. "Ma, bibisita la'ng ba tayo kina Tita?" curious kong tanong. Madalas na la'ng kasi kami nakakabisita ni Mama kina Tita dahil sa kaniya-kaniyang mga trabaho, and now, since free si Mama at si Tita napagdesisyonan nila'ng magkita even wala si Papa na usually kasama. Though, I'm excited na, kasi makakapiling ko na rin ulit ang Tita ko at ang best friend ko also my cousin, Alicia and we've been close since ever! Magkasunod la'ng kaming ipinanganak, kaya talagang nagkakasundo kami, if kung hindi la'ng talaga kami may kalayuan sa isa't-isa talagang inseparable kami ni Alicia. "Yep, but may good news rin ang naghihintay sa'yo duon kina Tita mo!" nagagalak na wika ni Mama. Wow, ano kaya 'yon? I love suprises, lalo na 'yong maganda at nakakapagbigay ng saya sa'kin. "Can't wait for that po!" I smiled excitedly. (40 minutes ago. . .) Nandito na kami kina Tita, ipinarking lamang ni Mama ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Tita bago bumaba. Their house haven't change, still, ang one of my childhood favorite places ko pa rin at also ang kanilang garden na puno'ng-puno ng iba't-ibang klaseng bulaklak, specially these lovely people lived here. Kumatok si Mama sa main door ng tatlong beses, halatang sobrang nasasabik na si Mama na makita ulit ang kaniyang kapatid dahil pinaghahandaan niya talaga ito nang may magandang ngiti. Bumukas ang pinto at bumungad si Tita Gelly na nagagalak nang makita kami. "Ate!" sigaw ni Mama at agad na nagyakapan sila ni Tita. "Adaline, aking pamangkin!" nakangiting bati ni Tita Gelly at hinila ako upang magyakapan. "Tita! Nagagalak po ako'ng makita kayo ulit!" I smiled joyfully. "Ako rin Adaline." hinaplos ni Tita ang ulo ko. "Adeline, masaya ako'ng makita ka ulit!" hinawakan ni Tita ang mga kamay ni Mama na ngayo'y naiiyak na. "Ohh, ito talaga, always the babygirl! Parang hindi nagkita ah." pang-aasar ni Tita nang naka-smirk. "Ate naman oh, kahit hindi naman tayo gaano kalayo syempre mami-miss talaga kita kasi hindi tayo palagi nagkikita." napatawa si Mama sabay pawi ng kaniyang luna. "Hmm? Hali nga kayong dalawa!" yinakap kami ulit ni Tita ng mahigpit. Nang makaupo sa sala, napansin ko na wala si Alicia, eh nuon naman kada bibisita kami dito, siya pa 'yong bumubukas para unang salobungin kami, nakakapanibago. "Tita?" sambit ko tsaka lumingon sa kinaroroonan nila ni Mama na nagtutulungan sa paggawa ng mga meryenda. "Bakit pamangkin?" tumingin sa'kin si Tita. "Nasa'n po si Alicia?" tanong ko. "Nasa taas siguro Adaline, puntahan mo du'n sa kwarto mo tsaka i-supresa." nakangiting ani ni Tita. Napatango na lamang ako sabay ngiti 'tapos tumungo sa silid ni Alicia. Kumatok ako ng kumatok sa pintuan nito na sabik na sabik, ngunit ni-isang salita wala akong marinig siguro tulog si Alicia, kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto na hindi pala naka-lock para silipin siya ngunit, ako pala ang na-supresa nang nabatid ko na wala pala si Alicia sa kwarto niya dahilan upang mapawi ang ngiti ko at nakasimangot na bumalik sa sala. "Oh? Napa'no ka 'nak?" tanong ni Mama. "Eh wala naman po pala si Alicia." malungkot kong sagot. "Ano? Eh akala ko Adaline nanduon la'ng sa kwarto niya nagco-computer?" napahinto si Tita Gelly sa paghihiwa ng prutas nang marinig ang sinabi ko. Napahawak sa bewang si Tita, "Ang batang 'yon, malilintikan talaga sa'kin mamaya! Sigurado akong nanduon na naman 'yon sa mga barkada nagpa-party!" inis na inis na sermon ni Tita. Lumapit si Mama kay Tita at tinapik-tapik ito sa balikat 'tapos chineck ang linuto niyang banana cream, "Kumalma ka jan ate, iponin mo na la'ng ang mga sasabihin mo para may pang sermon ka kay Alicia later." sabay subo ng minatis na kamoteng kahoy. . . . Alas-onse na ng umaga nakauwi si Alicia dito sa kanila, medyo lasing siya basi sa kaniyang kinikilos at pananalita. "H-hi Mommy!" maypag-kalasing na bati ni Alicia halos matumba na nga siya sa pagtatanggal ng kaniyang sandals. Hindi umimik si Tita Gelly, tiningnan niya lamang si Alicia na parang may balak itong kainin, I guess she's trying to stop her temper from bursting. Tumingin sa'ming direksyon si Alicia matapos niyang tanggaling ang pampaa niyang suot. "Is that Tita Adeline?!" bakas sa mukha nito ang pagkasupresa. Nagmano si Alicia kay Mama 'tapos nagyakapan sila. "Nice to meet you again Tita Adel!" nakangiting sabi ni Alicia. "Ako rin Alicia!" hinawakan ni Mama ng sabay ang mga pisngi ni Alicia. "Alicia, sa kwarto mo!" may pagka-kalmadong utos ni Tita pero ang kaniyang tuno ay medyo tumaas. "But Mommy, gusto ko pang makipagkwentohan kay Tita!" suway ni Alicia sabay umirap. "Alicia, just listen to your mother okay? Mamaya na la'ng tayo magkwentohan pag-okay ka na." mahinahong sabi ni Mama kay Alicia nang nakahawak sa balikat nito. "Alicia ngayon na." Tita Gelly. How about me? Bakit parang hindi ako nakita ni Alicia? Nandito naman ako ngunit bakit hindi niya ako pinansin? Dala la'ng ba 'to sa kalasingan niya? Impossible! Pinansin niya naman si Tita at Mama maliban sa'kin. . . Nagbago na nga ba siya? Mom and I heard the yells and whole arguments of Tita and Alicia. Ganito na ba talaga ang relasyon nilang dalawa? Nuon nama'y, close sila at sweet sa isa't-isa pero bakit biglang naglaho na? O baka, it's just a discipline towards adulting since Alicia and I were under 18. "Halika nga anak, ihanda na la'ng natin ang mga pagkain, para paglabas nila Tita mo, kakain na la'ng tayo." mahinahong sabi ni Mama at tumayo na. Bagaman, hindi halata sa kaniyang pananalita na nag-aalala siya ngunit hindi naman maitatago ng mga mata niya ito. Sumunod ako kay Mama at naghanda na kami, isa-isa kong tinikman ang kanilang niluluto na minatamis na kamoteng kahoy, banana cream at fruit salad dahilan para makalimutan ko saglit ang away nina Tita Gelly at Alicia dahil sa sarap ng mga pagkain. Nang matapos na kami ni Mama at handa na ang mga pagkain sakto naman at lumabas na rin si Tita Gelly ngunit napansin kong medyo namamaga ang mga mata niya at namumula. Pilit niya naman itong itago sa mga ngiti nang magkalapit na kami upang kumain na. "Tita, ayos la'ng po ba kayo?" nag-aalala kong tanong. Ngumiti ng konti si Tita Gelly, "Ahmm. . . Oo, oo okay la'ng ako." "Ate, kung may bumabagabag sa'yo o may problema ka man, nandito la'ng kami para damayan ka ha?" tsaka lumapit si Mama kay Tita at yinakap ito. Hindi mapigilang tumulo ng tuluyan ang mga luha ni Tita sa yakap ni Mama, alam kong may pinagdadaanan siya ngayon sa likod ng masisigla at magaganda niyang mga ngiti at nais namin ni Mama na damayan at samahan siya para hindi niya maramdaman ang pag-iisa. Ngunit, si Alicia tila'y nagbago na, unti-unti nang nawawala ang masigla niyang ngiti, kabaitan at pagmamahal ayon kay Tita Gelly simula nu'ng mamatay si Tito Ronald sa Leukemia matapos niya akong iligtas nu'ng masunog ang bahay namin sa gitna ng kasiyahan nu'ng nag-15 ako. Galit ba si Alicia sa'kin? Simula pa naman nang dumating kami rito kanina, tanging ako lamang ang hindi niya pinansin, siguro hindi pa siya tuluyang gumaling mula sa sakit na dulot ng pagkamatay ni Tito Ronald. Ayokong umabot sa punto na pati kami ni Alicia ay hindi na rin magkakasundo, sana naman paglabas niya mamaya ng kwarto, malugod niya akong babatiin at magkwekwentohan muli kami para mawala itong kaba na ngayo'y nagpapataas ng anxiety ko. Kami la'ng nina Mama at Tita Gelly ang kumakain ng meryenda dahil hindi pa lumalabas si Alicia kahit inaya na namin siya dahil gusto niya raw muna'ng mapag-isa. Masaya naman kaming nagkwekwentohan tungkol sa buhay hanggang sa umabot sa supresang binanggit ni Mama kanina habang bumabyahe kami. "Adaline, 'di ba gusto mo ng trabaho ngayon para magkapera ka dahil medyo matagal pa naman ang balik-eskwela niyo?" tanong ni Tita. Napangiti naman ako at tumango. "Well, talagang magugustohan mo ang offer ng Tita mo sa'yo anak!" masayang tugon ni Mama at inakbayan ako. "Ano po iyon Tita?" excited kong tanong at tumigil muna sa pagkain. "Hiring ngayon ng trabaho na assistants ang management ng 7knights!" Tita Gelly exclaimed in excitement. Am I hearing this right?! Hiring ngayon ng assistants ang management ng 7knights! A stairway to my dreams! Owemji, forda gaur ako talaga at no one can ever stop me! My 7knights, here I come! "And isa pa, pitong assistant ang iha-hire nila para sa bawat members." dag-dag pa ni Tita. "Tita, kailan po dapat ako maga-apply?" sabik na sabik kong tanong. Halos mapunit na nga itong labi ko kakangiti haha. "This 29 la'ng dapat kasi ang job interview ay ngayong june 1 at the main building of Starship Entertainment." respond ni Tita. Nawala naman ng konti ang ngiti ko ng marinig ang sagot ni Tita, nasa South Korea ang Starship Entertainment so that means, kailangan kong lumipad sa Korea para makapag-apply. What if hindi ako matanggap? Edi sayang ang pera ng parents ko, sayang ang pagod ko at mawawalan ako ng chance para makasama ang 7knights lalo na si Shaun! "Anak ayos ka la'ng ba?" nagtatakang tanong ni Mama, nakatulala na pala ako. "Oo naman po kaso. . . Pa'no na'to sa Korea pala gaganapin ang job interview." malungkot kong wika. Nginitian naman ako ni Tita at Mama na para bang ipinapahiwatig nila ang 'walang problema dahil nakaayos na ang lahat'. Napawi ang lungkot ko at nabuhayan ako ng loob dahil sa mga ngiti ni Tita at ni Mama. Hinawakan ni Mama ang kamay ko na nakalapag sa mesa sabay sabing, " 'Wag kang malungkot Adaline, dahil hindi ibig sabihin nasa Korea ang job interview, hindi ka na makakapag-apply." "What do you mean Ma?" tanong ko. "You'll going to Korea 'nak!" masayang tugon ni Mama. Napasigaw ako sa tuwa at yinakap agad si Mama 'tapos si Tita at hinalikan pa talaga sila sa noo. "Thank you! Thank you ng marami Ma, Tita!" napakasaya kong nagpasalamat sa kanila. "We know na, lubos itong magpapaligaya sa'yo anak kahit na malayo ka muna sa'min pero ang pagmamahal namin sa'yo hindi kailanman mawawala." matamis na ani ni Mama. Ang swerte ko talaga sa pamilya ko, buong buhay kong ipagpapasalamat sa diyos na ibinigay niya sa'kin sila. "I love you both!" I kissed them on the cheeks. "Tandaan mo, hangad namin ang kaligayahan mo." nakangiting sambit ni Mama nang nakaupo na ako na siyang mas lalong nagpangiti at pagtunaw ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD