Chapter 4

1206 Words
CATHY'S POV " Sinasabi ko na nga ba? tama ako diba sabi ko sa'yo pag oras na naging cold sa'yo ang asawa mo it means may iba ng pinaparaosan 'yan__sila pa, di makakatagal ng isang linggo iyang mga 'yan nang hindi nailabas ang mga kalibugan nila, buwan pa kaya " " Gaano naba katagal 'nung huli kayong nag s*x ha? di tigang ka na nyan fren? Sorry ha I'm stating the fact " walang prenong bibig nitong sabi sa aking pagmumukha. Hindi ko alam kong kanino ba siya galit kung sa akin ba o kay Kean? kong maka sermon kasi wagas. " I know best, kaya nga di ko lubos maisip ba't nagawa sa akin ni Kean to? anu bang nagawa ko sa kanya? dahil lang ba sa anak? dahilan ba 'yun? " umiiyak ko pa ring ani, nasa tambayan kami ngayon ng University sa ilalim ng malaking puno, tahimik dito at walang gaanong dumadaan. " Kung talagang mahal ka ng lalake kaya n'yang tanggapin ang flaws mo, hindi ko naman sinabi na hindi ka niya mahal dahil naging saksi din naman ako kung gaano ka niya ipinagtanggol sa matapobre niyang mommy. diba noon palang medyo di ako boto d'yan sa asawa mo? alam mo yan best, pero dahil mahal kita at hindi naman ako ang magpapakasal sa kanya kaya sinuportahan na lang kita. " " Sana kong si Liam nalang sana pinili mo di ka masasaktan ng ganyan, Sorry ha nabanggit ko lang naman iyung tao." alam ko naman kong gaano siya ka boto kay Liam noon kaya lang hindi kasi natuturuan ang puso. " Bakit ba nabanggit mo pa siya? nananahimik na 'yung tao " napapa iling ko pang ani sa kanya. " I remembered noong before ng kasal mo, pumunta siya sa akin noon, lasing na lasing, pinagsisigawan ang pangalan mo, bakit daw si Zoebelle pa napili mo? Mahal na mahal ka naman daw n'ya.?" " Please wag mona ipa-remember sa akin 'yan, karma ko nga siguro ito, kung natuturuan lang ang puso ay siya na ang pinili ko.masaydo ko siyang nasaktan? hind na kami nakapag usap ng maayos kasi hindi kona ito nakita pa at pinagbawalan na ako ni Kean noon hanggang sa mabalitaan ko na lang kanila mama at keithlyn na bumalik na siya sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag aaral, siguro sa mga oras na ito isa na siyang ganap na doctor " pero masaya pa rin ako dahil alam kong walang sama ng loob si Liam sa akin kahit hindi kami nakapag usap. " Mabalik tayo sa asawa mo, anu nang balak mo ngayon? kukumprontahin moba ang ang walang hiya? " salaubong na kilay nitong tanong sa akin, alam niya kasi na pag dating kay Kean ay mabilis lumambot ang puso ko. " Hindi ko alam, kaya ko ba? Masyado ko siyang mahal ehh,natatakot ako best, parang hindi ko yata kakayanin ang isasagot niya sa akin " umiiyak na naman ako kaya lumapit sa akin ang aking kaibigan para gawaran ng yakap, mas gagaan sana ang aking pakiramdam kong nandito sila mama pero hindi ko kayang sabihin sa kanila ang ganito, ayaw kong sirain ang mataas na respeto nila sa aking asawa, " Saan ka ba natatakot? " tanong nito sa akin habang yakap pa rin ako nito, " Paano hindi niya magustuhan ang sinabi ko sa kanya, paano kong mas pipiliin niya si Bianca na kaya siyang bigyan ng anak at tuluyan akong iwan para sumama sa kanya suportado pa naman sila ng byenan kong babae Ayaw kong masira ang pagsasama namin, Anak lang naman ang kulang diba? kaya gagawin ko ang lahat para magka-anak kami, marami namang ibang paraan " " Kung iyan ang desisyon mo wala na akong magagawa, basta nandito lang ako palagi, lagi mong tatandaan anu-man ang desisyon mo susuportahan kita." *** Gumaan ng bahagya ang aking nararamdaman, pagkatapos naming magkita ni Adah. Kaya nang maging maayos na ako ay saka na lamang ako nag pasyang umuwi at binura ang lahat ng bakas na aking nasaksihan. Alam kong katangahan at ka martyran ang aking gagawin, pero naisip ko na imbes na awayin siya bakit hindi ko ibahin ang aking istilo at kalimutan ang lahat malay mo bumalik ang dati naming pagsasama. Tahimik sa mansyon nang dumating ako, kaya napag tanto ko na wala pa rin siya hanggang ngayon, napa buntong hininga ako at nilibot ang aking paningin sa mansyon man kong maituring pero malungkot dahil hindi pa man nabubuo ang aming pamilya ay unti-unti na itong nabubuwag. Napaka ganda ng bahay na ito, surprise niya ito sa akin bago ang kasal namin. Dito daw kami bubuo ng pamilya, at dahil broken family siya kaya pangarap niya ang buong pamilya gaya ng aming pamilya, kahit mahirap lang kami ay nagmamahalan naman at busog sa kalinga nga magulang, kaya ito marahil ang isa sa nagustuhan niya sa akin noon dahil gusto niya ng masayang pamilya na hindi niya naranasan. Pumunta ako sa silid ng aming magiging anak sana, may naka handa nang playground at mga laruan kahit wala pa ang magiging anak namin. Muli na naman ako naka ramdam ng kirot sa puso ko.Ang mga luha ko ay wala na namang tigil sa pag buhos habang tinitingnan ang loob ng kwartong ito. Masaya sana kami kung may supling na, Siguro kaya siya naghanap sa iba dahil di ko maibigay sa kanya ito, Pero ang bilis naman niya sumuko. Wala pa naman kaming 2 taon ,di naman daw ako baog sabi ng doktor. Yan ba ang tinatawag na pag-mamahal? Naalala kopa noong nililigawan pa lamang niya ako. Graduating Student ako noon. Nakita daw n'ya ako sa Conference ng graduating student nang University at imbitado siya. Kasama na rin ang mga pioneer at successful businessman at doon daw n'ya ako nakita. Simula noon lagi ko na siyang nakikita sa University. Akala ko nga doon ako makakapag OJT sa hotel nila kao hindi pala.. Hanggang naka-graduate ako at ni-hired ng hotel kung saan ako nag OJT. After a year nagkita kami ulit, namumukhaan ko siya. Invited ako sa kasal at nagkataon andoon din siya, napunta sa akin ang flower ng bride at siya naman ang nakakuha sa garter ng groom. Doon kami unang nakapag-usap. Kung dati ay tingin lang daw siya ng tingin,hanggang sa nagawa na n'ya akong kausapin. Simula noon naging masugid ko na siyang manliligaw. Mabait naman siya at ramdam ko ang sincere siya, Kaya sinagot ko siya after a month. Tumagal kami ng 8 months hanggang dumating ang araw na nag-propose siya sa akin. Nirespeto niya ako. Walang nangyari sa amin hanggang dumating ang araw ng kasal namin. Alam kong nagpipigil lang siya noon.kaya nga sobra ko siyang minahal. Pero Anong nangyari sa kanya ngayon? Bakit nagbago,gano'n nalang ba kabilis, Kung gaano kabilis siya nag-propose sa akin ay gano'n din ka bilis na magsawa?bumalik ako sa kasalukuyan at hindi kona namalayan na nag-balik tanaw pala ako. Basang-basa na ang aking mukha ng mga luhang walang tigil sa pag patak. Gagawin ko ang lahat h'wag lamang mabuwag ang pamilya namin ni Kean. Kahit ang kapalit ay pasakit at pagkadurog ng puso ko. Sana lang ay mapanindigan ko at kakayanin ang lahat ng ito. Napapagod din ang puso at sa sitwasyon ko? parang malapit na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD