Chapter 3

1230 Words
Catherine POV Lumipas pa ang linggo ng hindi ko man lang nakakausap ng sarilnan ang aking asawa. Palagi na lamang siyang busy, sa tuwing nagtatangka akong kausapin siya ay bigla namang may-emergency sa opisina kaya nauudlot. Paano koba sasabihin sa kanya ang trabahong inaalok sa akin ng dati kong boss. Di ako mapakali sa aking kinauupuan lumipas na ang isang linggo na binigay sa akin para makapag desisyon, mabuti na lamang at binigyan pa ako ng another 1-week kaya hindi kona sasayangin ito. Kaya napag disisyonan kong pumunta sa opisina niya. tutal kilala naman nila ako doon, palagi niya kasi ako dinadala noon kahit pa noong magkasintahan pa lang kami. Nagbihis ako ng simple dress na white hanggang tuhod at may hanggang siko ang mangas, pinaresan ko ng 3-inch na sandal. Nag light make up lang ako at pinusod ang aking buhok. Simple lang pero desente. Sumakay ako sa dati kong kotse na Toyota Vios,kahit naman dati pa bago ko naging asawa si Kean ay may naipundar din naman ako para sa sarili ko, Sipag at tyaga lang naging puhunan ko. Malaki din naibibigay kong tulong sa pamilya ko. Mag ko-kolehiyo na ngayon ang bunso kong kapatid na si keithlyn. Kaya kailangan ko talaga ang trabaho ayaw ko naman i-asa sa kanya ang binibigay ko sa pamilya ko. Simula noong di na ako nag- tatrabaho bihira nalang ako makapag bigay sa kanila,naintindihan naman nila pero bilang panganay hindi matatapos ang obligasyon mo dahil lang sa nag-asawa ka. pero alam ko din naman na may binibigay si Kean sa kanila kahit hindi niya ito sabihin, lalo na sa aking bunsong kapatid. Binaybay ko ang kahabaan ng skyway mula Ayala Alabang papunta sa opisina ni Kean sa Makati. CEO siya ng kompanya nila. Ang Zoebelle Realty, Sila lang naman ang may ari ng isa sa mga naglalakihang mga mall sa bansa ang Z-Mall, pati na rin sa ibang parte ng Asia. Meron din silang Z-Hotels, Kadikit ng mga Mall nila ang mga Hotel nila Kaya di Magtataka na Paalisin niya ako sa trabaho gawa ng rivalry. Pero okay lang naman 'yun sa Boss ko, bago kopa naging asawa Si Kean nag-tatrabaho na ako sa Hotel na iyun. Pumasok ako sa Parking ng Main office nila. Kilala ako ni Manong guard kaya pinapasok n'ya ako kaagad. Nag-park ako ng kotse ko at bumaba. Bitbit ang aking nilutong pagkain ay naka ngiti akong pumasok. Pag pasok ko palang ng entrance sa may parking ay binati na agad ako ng isa sa mga staff nila. Nginitian kulang sila at nag dere-deretso sa 40th floor, sa office ni Kean. Pag pasok ko tahimik, wala ang secretary niya, tiningnan ko ang oras mag-aala una na, kaya baka hindi pa tapos ang lunch break. Kaya dumeretso nalang ako sa Office n'ya, kakatok sana ako ng mapansin kong medyo naka bukas ang pinto kaya pumasok nalang ako. Pero nagatataka pa rin ako,bakit wala pa ring tao dito sa loob. Kaya nag-desisyon nalang akong umupo sa Sofa at hintayin nalang si Kean baka nasa conference room lang o kaya ay kumain lang sa labas. Tahimik sa opisina niya, nilapag ko ang aking mga dala at iginala ang aking paningin partikular table n'ya. Andoon ang laptop at ang Picture Frame ng aming kasal. Natutuwa naman ako. Dahil medyo naiinip ako kaya naisipan kong kunin ang earphones ko sa loob ng aking bag para makinig sana ng music, pero bago kopa maipasok sa tainga ko ang earphones ay bigla akong naka rinig ako ng halinghing ng isang babae. Binundol na ako ng kaba pero sinundan ko pa rin kung saan nanggagaling. Parang sa loob ng private room ni Kean ito nagmumula, alam ko ito dahil sadyang pinagawa niya ito para sa aming dalawa. Dumoble ang kaba na aking naramdaman, may namumuo na ring luha sa aking mga mata at parang hindi na ako makahinga. parang ayaw ko ng tumuloy sa takot na maari kong masaksihan at malaman. Pero dahil gusto kong malaman kaya nagpatuloy pa rin ako hanggang marating ko ang seradura ng pinto. Lalung lumalakas ang ungol na naririnig ko, wala pa man ay parang hindi kona kakayanin ang maari kong malaman at masaksihan, Hindi ko lubos maisip kung bakit may ungol ng babae sa loob ng pribadong silid niya. Gusto ko pa rin kumbinsihin ang aking sarili na hindi kayang gawin sa akin eto ni Kean imposible,alam kong mahal niya ako, kaya hindi na sana ako tutuloy at tatalikud na sana ng marinig ko ang boses ng babae na ang tinatawag ay ang pangalan ng aking asawa. Doon na nag-unahan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan kaya unti-unti kong pinihit at pinto at dahan-dahan buksan ang doorknob. Nanigas ako sa aking kinatatayuan , para akong natuklaw ng ahas o kaya nasabugan sa mukha ng granada dahil sa aking nasaksihan, Walang saplot pang itaas si Bianca at ang asawa ko naman ay nakaupo at naka baba ang suot na pantalon, naka luhod si Bianca habang subo ang ari ng asawa ko, habang ang kamay naman ni Kean ay nasa dibdib n'ya at pinipisil ito. Kaya pala di mapigilan ni Bianca ang ungol,,habang. sinasambit niya ang pangalan ni Kean. Na istatwa ako sa kinatatayuan ko..di nila ramdan ang presensya ko.dahil busy sila sa kamunduhan nila.. Mga hayop, nanginginig ang mga kamay ko gusto ko silang sugurin pero di ko magawa,,parang ako ang nahiya sa ginagawa nila.. Kaya pala. kaya pala ang lamig-lamig ng pakikitungo niya sa akin, kaya pala ayaw na niya ako sipingan dahil may nagbibigay na sa kanya ng mga ito. God knows kung gaano ko ka gusto sila sugurin at komprontahin, pero hindi ko magawa. dahil naduwag ako at natatakot sa maari kong marinig na dahilan mula sa kanya, nagawa ko pang kunin ang mga gamit ko at ang aking dala at nagmadali na lamang akong lumabas nang walang nililikhang ingay mula sa akin. Dali-dali akong bumaba ng parking at dumiretso agad sa loob ng sasakyan ko at doon ibinuhos ang lahat, sobrang sakit, para akong pinatay at paulit-ulit na binuhay para maramdaman muli ang sakit. Paano nagawa to sa akin ni Kean? Anu bang mali sa akin? basehan ba ang hindi ko siya mabigyan ng anak? basehan ba 'yun para lukuhin n'ya ako? Anung gagawin ko? Mahal na mahal ko ang asawa ko, ayaw kong magkahiwalay kami. Kaya nakapag desisyon na akong titiisin ko muna hangga't kaya ko pa. Martyr na kung martyr pero mahal ko siya ehh, baka inakit lang siya ni Bianca at lalaki lamang siya at aaminin din niya sa akin ang lahat, matatanggap ko naman basta sabihin niya lamang sa akin na, natukso lamang siya. Sana lang kaya kong umakto ng normal sa harapan nila, na para bang walang nangyari,pero paano? *** Nang medyo bumuti na ang aking pakiramdam ay saka ko palang naisipan tawagan ang aking kaibigan. " H-hello B-best " garalgal kong boses, " Help me, anong gagawin ko best? nahuli ko siya, nakita mismo ng mga mata ko " hindi ko na naman mapigilan ang pag iyak habang parang batang nagsusumbong sa aking kaibigan. " Hello saan ka? pupuntahan kita? " She said " Magkita nalang tayo sa Tambayan natin noong college " sabi ko, alam ko naman kasi na kahit gaano siya ka busy ay iiwanan niya ito para lamang sa akin. " I'll be there in a minute; please drive safe, okay." " I will, don't worry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD