Chapter 5

1189 Words
Catherine POV Naalimpungatan ako,nandito pa rin pala ako sa playroom,Naka tulugan kona ang pag-iyak kanina. Tiningnan ko ang oras 9 pm na pala.kaya nagmadali akong lumabas dahil nakaramdam na rin ako ng gutom kaya bumaba ako sa kusina para maghanap ng makakakain. Naabutan ko si Nana Thelma na nagliligpit. " Oh, hija nandito kana pala.umalis kaba? di kita napansin kanina akala ko wala ka, nariyan na ang asawa mo,ang akala namin wala kapa." sabi nito habang nakatitig sa akin, umiwas ako ng tingin alam ko kasing namamaga ang mga mata ko. " Nana hindi po nasa playroom lang po ako, naka tulog lang ako pagdating ko po kanina,wala kasing tao kaya dumiretso po ako 'dun, may pagkain ho ba parang nagugutom po ako." naka ngiti kong ani, hindi naman ako nagugutom, dahilan ko lamang ito sa kanya. " Oo nagluto ako ng paborito n'yo ng asawa mo, kayo talagang mga bata ohh, minsan ko na lang kayo makita mag sabay sa pagkain, hintay kalang diyan at painitan ko muna ang pagkain." tumalikod ito at maya-maya ay dala na nito ang pagkain " Salamat po Na " nag-umpisa na ako kumain habang nasa.malalim na pag-iisip, kailangn kong magpaka tatag. sa sobrang lalim ng iniisip ko kaya hindi kona namalayang naubos kona pala lahat ng tinimpla sa akin ni Nana, niligpit ko muna ang pinagkainan ko saka ko naisipang lumabas mona saglit sa may pool area para magpahangin, ngunit hindi pa man ako nakakarating ay may naririnig na akong nagsasalita, parang boses 'yon ng asawa ko, may kausap siya sa telepono. " Yes Barbie, wala siya, hindi ko nga alam kong saan nagpunta 'yun bahala siya baka nasa pamilya niya, " " Ayaw mo 'nun " " Kung pwede lang sana kaso baka makahalata si Cathy, she's still my wife after all " " Hindi natin pwede biglain,dahan-dahanin na lang natin " " Me too, I'm so excited " " Kelan ba natin makikita ang result kung positive na nga? " Hindi ko man marinig ang sinasabi ng kausap niya at kung sino ito ay alam ko naman na si Bianca ito, sino pa nga ba ang barbie ng buhay ni Ken? Nanigas ako sa aking kinatatayuan at para bang huminto ang aking mundo kaya parang kinakapos ako ng hininga sa aking narinig mula mismo sa bibig niya.Meron pa palang mas isasakit ng aking nasaksihang tagpo sa kanila ni Bianca, Akala niya siguro wala pa ako sa bahay, hindi man lang niya ako hinanap o tinawagan man lang? kahit pakitang tao man lang na ipakita niyang nag-aalala din siya sa akin. Positive? ano pa nga ba ang ibig sabihin ng positive bukod sa sakit ay wala ng iba pang positive na nagpapagalak kay Kean, kundi ang malaman na positive ako at nagdadalang tao, ang kaso ay si Bianca ito at hindi ako na asawa niya. Gusto kong magwala, gustong-gusto ko siyang sugurin at komprontahin. Sana sabihin na lang niya sa akin ang totoo, sana ay sabihin na niya sa akin na hindi na niya ako mahal, para isang sakitan nalang hindi 'yong ganito paulit-ulit niyang pinaparamdam sa akin kaya durog na durog na ako. Anu ba ang dapat kong gawin? napa-upo ako sa labis na pag-iyak, nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa luhang ayaw nang tumigil sa pagpatak, gusto kong sumigaw pero ayaw kong maka likha ng ingay kaya minarapat ko na lamang na takpan ng kamay ang aking bibig upang hindi ito makalikha ng ingay. Hindi pwedeng malaman niya na alam kona, hangga't wala pa siyang sinasabi sa akin, hihintayin ko na aminin n'ya bago isumbat sa kanya ang lahat. Maya-maya ay wala na ang boses nito na aking naririnig, Pero nagpasya akong mananatili na lamang sa labas, wala akong balak na pumasok sa loob ng kwarto namin ngayon para magpanggap na ayos lang sa amin ang lahat. h'wag mona ngayon hindi ko siya kayang pakisamahan ngayong gabi dahil sa lagay ko ngayon ay hindi malabong malaman niya ang totoo na alam kona ang lahat, hindi pa ito ang tamang oras at pagkakataon. Nagpasya akong lumabas na lamang tutal wala naman siyang paki-alam sa akin.sumakay ako ng taxi at nagpunta sa pinaka malapit na bar sa subdivision namin para uminom, gusto kong magpakalasing. Di kona tinawagan si Adah kasi alam kong pagod siya sa trabaho at alam kong may kinakaharap din itong problema. " Vodka Margarita, please " order ko sa bar tender " Ma'am are you sure? matapang po 'iyun and I think wala po kayo kasama baka mapahamak kayo " " Thank you but I can handle it, now can I have my drink? " Nag kipit balikat lang ito sa akin saka binigay ang aking inumin. Nakaka limang order na ako kaya medyo nakararamdam na ako ng pagka hilo at parang naiihi na rin ako so I decided to go to the ladies' room para mahimasmasan na rin. Hilong-hilo na talaga at umiikot na rin ang aking paningin kaya medyo pasuray-suray akong pumasok, napagtagumpayan ko naman ito kaya nakapag hilamos na rin ako pero dahil marami akong nainom kaya umiikot pa rin ang aking paningin nang lumabas ako ng ladies' room, nang may maka bungo akong malaking katawan. " My bad, I'm S-sorry Mr.? ___ " tinitigan ko ng maigi ang naka bunggo kong lalaki ng malapitan upang maaninag ang hitsura nito. " Catherine? Is that you? W-what are you doing here? Are you alone? Ba't hinahayaan ka ng Zoebelle na 'yon mag-isa? at teka your drunk! " sunod-sunod na tanong sa akin ng lalaking naka bunggo ko. " W-who are you? I'm sorry Mr.Whoever you are? I don't talk to stranger, hindi porke may tama ako ay sasama na ako sa'yo. did you see this ring?." itinaas ko ang aking daliri para ipakita sa kanya ang aming wedding ring. " Nakita mo? I'm married but sad to say hindi na n'ya ako kailangan, pero hindi ibig sabihin na sasama na ako sa'yo, sige Bye " Aalis na sana ako pero hinawakan ako nito sa aking kamay. " Catherine, di mona ba ako nakikilala? it's me Liam Miranda. Remember way back, when we we're in college with your friend Adah " sabi nito kaya tinitigan ko siya ng maigi habang inaalala ang pangalang binanggit nito. " Liam? __ikaw naba 'yan ? Where have you been? " " I'm so sorrry talaga__Sorry kasi alam kong Nasaktan kita noon " Dala ng impluwensiya ng alak kaya malakas ang loob ko na sabihin sa kanya ito habang ang mga luha ko ay pumapatak na naman. " Sorrry Liam, sana hindi ka galit sa akin " Umiiyak ko pang ani sa kanya. " No! hindi ako galit sa'yo. di ko magagawa 'yon tampo maybe, pero magalit hindi ko magagawa 'yun." Sabi nya habang hawak ang likod ko at inaalo ako, napa upo na kasi ako sa labis na pagkahilo kaya umupo na rin ito sa aking tabi. " Care to share it with me? Si Zoebelle ba? " Di ako makapag salita iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa namalayan ko nalang na bumibigat na ang mga talukap ng aking mga mata at tuluyan nang dalawin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD