Chapter 7

1563 Words
MALALIM na ang gabi at hindi pa rin makatulog si Avon. Tulog na tulog na sa tabi niya si Tasha. At kahit pa nga may dalawang guest room naman sila ay mas pinili nito na tumabi sa kanya na matulog na wala namang problema sa kanya. Napagod yata sa kwentuhan nila at sa movie marathon nila. Pagod din siya sa kakalibot nila ni Keith kanina pero dahil sa sinabi nito sa kanya ay hindi siya pinatahimik ng isip niya. Dahan-dahang bumaba si Avon sa kama. Naalala niyang hindi niya pala nahahawakan ang cellphone niya buong araw dahil magkasama sila ni Keith at gabi na sila nakauwi. Gusto rin niyang tingnan kung may nag-message sa kanya. Binuksan niya ang kanyang bag na nasa ibabaw ng study table at kinuha ang cellphone niya. Hindi muna siya bumalik sa kama at sa halip ay umupo muna siya sa silya. Iniiwasan niyang madisturbo ang pagtulog ni Tasha. Ini-on niya ang cellphone niya at nakitang kanina pa pala siya tinetext ni Tasha simula kaninang umaga. Mayroon ding message si Keith sa kanya, letting her know na nakauwi na rin ito sa bahay nila. Mabilis pa sa alas-kwatro ang mga daliri niyang tumipa para mag-reply dito. To Keith: Good night, Keith. Nandito si Tasha sa bahay. Akala niya ‘di na sasagot si Keith dahil malalim na rin ang gabi. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang maka-receive ng reply mula rito. Keith: I see. No wonder. Well, tulog ka na at malalim na ang gabi. I’ll see you on Monday. Avon: Yep, ikaw din. Sweet dreams. Keith: Good night, Avon. ‘Wag tulo laway ha? Napailing na napapangiti na lang si Avon sa huling mensahe ni Keith. Sïraulo talaga. Hindi na siya nag-reply sa message ni Keith. Gusto niya pa sanang makipagkwentuhan dito pero nag-goodnight na ito. At dahil sa hindi pa rin siya dinadalaw ng antok ay chi-neck niya rin ang Catfish app. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang ang dami pa lang message ni Kak 2nd sa kanya. Kak 2nd: Hey! Kak 2nd: Still awake? Care to chat? Kak 2nd: Haven’t heard anything from you today. Kak 2nd: Are you sleeping? Kak 2nd: Aww, I guess you are. Kak 2nd: Well, hit me up when you received these messages. Kak 2nd: Did I scare you though? Kak 2nd: I hope I didn’t freak you out with these messages. Kaninang alas-diyes pa ng gabi ang huling message nito sa kanya at ngayon ay pasado na ng hatinggabi. Alam niyang nag-good night na si Keith sa kanya kanina pero tila may bumubulong sa tenga niya na reply-an ito. Mary Kay: Nope not at all. It was just a busy day. And I think you’re already sleeping so good night, Kak 2nd. Avon just hit the send button, pero wala pang ilang segundo ay nagnotify ang cellphone niya tanda na nag-reply si Kak 2nd sa kanya. Dali-dali niyang binuksan ang chat box at binasa ang reply ng binata. Kak 2nd: I was about to, but then I saw your message and suddenly, I’m energized. Napapangiti na napapailing na lang si Avon nang mabasa ang message ni Kak 2nd. Asus, ang landi talaga ng lalaking ito. Mary Kay: Wow! I’m speechless. Mabulaklak pala ang dila mo. Kak 2nd: I know what you’re thinking. And I’m sorry to tell you, Babe, but I’m only telling the truth. Tumaas ang kaliwang kilay ni Avon. What?! Babe agad? So, ganito pala mga da-moves mo. Tsk! Why am I even surprised? I should’ve known it already. Nag-type ulit siya ng response sa binata. Mary Kay: What truth? Na mabulaklak ang dila mo? And by the way, Babe? Where did it come from? Kak 2nd: Ouch! Oh, sige ‘di na kita tatawaging Babe. But you’re hurting my feelings, Kay. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. I feel energized whenever I receive your messages. Ewan ko ba, you just have this effect on me that even I don’t understand. I honestly can’t explain. And just because I’m telling you my truth means mabulaklak na ang dila ko. That’s totally not the case. Mary Kay: Hmmn… Interesting. Ganyan ka ba talaga sa mga nakikilala mo? Do you always feel energized when you talk to them? Kak 2nd: Grabe ka naman makapanghusga. That’s below the belt, Kay. Hindi naman ako babaero. In which that actually made me think, is that how you perceive me as such? Medyo natigilan si Avon. Mukhang napasobra yata ang pambabara niya kay Kak 2nd. Suddenly, worry started to consume her. Baka mamaya nawalan na ito ng gana sa pambabara niya. Think, Avon, think! Baka imbes mahulog ito sa kanya eh baka ‘di pa matuloy dahil sa kagagahan niya. Mary Kay: Oppss… Are you offended? Kak 2nd: No, not at all. As a matter of fact, I’m curious. Ganoon ba talaga ang iniisip mo sa akin? Mary Kay: Do you really want to hear the truth? Kak 2nd: Of course! Mary Kay: Mga banat mo kasi kagaya na kagaya roon sa kakilala ko. Napaka-smooth talker pagdating sa mga babae. Kak 2nd: Ah, so you think babaero rin ako? Mary Kay: Wala naman akong sinasabing ganoon, ah? LOL Kak 2nd: You really got my interest, Kay. To tell you honestly, ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng kagaya mo. You’re straightforward and you’re not afraid to speak what’s on your mind. Mary Kay: Weh? ‘Di nga? I don’t believe you. Wala ka bang mga naging kaibigan o kakilalang babae? I bet they’re more straightforward than me. Kak 2nd: Yup, ‘yung best friend ko. Ang talas rin ng dila nu’n. Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Avon. Reading his messages talking about her, makes her heart leap. Kinakabahan siya na ewan. Feeling niya may malalaman siyang ikakatuwa ng puso niya kapag patuloy siyang magtatanong dito. Mary Kay: Matagal na kayong magkakilala? Kak 2nd: Yep, since we are kids magkakilala na kami. She’s also a great person kaya naging close kami. She’s the only one who can put up with my attitude. Mary Kay: Hmm… I bet maganda rin siya. Hindi ka na-fall sa kanya? I mean you’ve been friends for years na rin. Kak 2nd: She is indeed pretty with a great heart. Nah, she’s too great to be my girlfriend. Saka ‘wag na natin siyang pag-usapan. I’m more interested in getting to know you better. Biglang siyang nanlumo sa sinabi ni Kak 2nd. If I’m too great, bakit ayaw mo? Ano pa bang dapat kong gawin para mapansin mo ako? ‘Yung hindi lang as kaibigan pero mas higit pa diyan? Mary Kay: Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sa akin? Kak 2nd: I know masyadong maaga pa para tanungin ko ‘to sa’yo pero I’m hoping you don’t mind. Are you still free to mingle? Mary Kay: LOL Agad-agad? Kak 2nd: Alam ko masyado akong mabilis. Ilang araw pa lang tayong nag-uusap pero heto ako at nagtatanong na kung single ka pa ba at ready to mingle. It’s just that there’s just something about you which draws me closer. At pakiramdam ko kapag mas pinapatagal ko pa ito ay baka maunahan pa ako ng iba. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay uunahan ko na sila. Mary Kay: I’m speechless… Kak 2nd: Alam ko. Masyado kasing mabilis ang lahat. Pero, Kay, can’t you give me a chance? A chance to know you better and see where this will lead us? Mary Kay: I don’t know, Kak 2nd. And I agree, nabibilisan din ako sa iyo… I mean ‘di mo pa ako kilala nang lubusan. Saka what if ang pangit ko pala? What if I’m not really an interesting person? Paano kung ang lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang? Kak 2nd: ‘Di man kapani-paniwala pero wala akong pakialam sa itsura mo, Kay. Beauty fades pero ang ugali at prinsipyo ng tao ay nanatiling nandyan at hindi nagbabago. Kak 2nd: Saka kung isa ka sa mga babaeng mahilig manloko, eh dapat sana’y grinab mo na ang agad ang pagkakataon nang sabihin ko sa’yo na interesado ako sa’yo. Pero ‘di mo ginawa ‘yun. Bagkus, mas ipinamulat mo sa akin ang mga possibleng scenario nating dalawa. Yes, maaaring ‘di ikaw ang nasa profile picture mo. Maaaring nagpapanggap ka lang, pero hindi ba ganoon naman talaga? Sa una magpapanggap ka or magpapa-impress ka hanggang sa magustuhan ka ng taong gusto mo rin. And then, as time goes by ipapakita mo rin ang totoong ikaw at depende na ‘yun sa taong nagkakagusto sa’yo kung tatanggapin ka pa rin niya o hindi. Kak 2nd: So, bakit ‘di natin simulan ang lahat ngayon na walang halong pagpapanggap? And let me start by telling you my name, I’m Keith Adrian Kee. Mary Kay: I really appreciate your honesty, Keith. And honestly, natatakot ako hindi ko alam kung handa na ba akong mag-open up ulit. You see, kakatapos ko lang sa isang broken relationship. Kak 2nd: Oh, I’m sorry to hear that, Kay. Allow me to mend your broken heart then. Saka okay lang sa akin kung hindi mo muna sabihin ang totoong pangalan mo. Maghihintay ako hanggang sa komportable ka na na mag-open up sa akin. Ang mahalaga ay alam mo ang totoong intensyon ko sa’yo at alam mo kung ano ang tunay na pangalan ko. Saka uunahan na kita, Kay. I’m a very persistent person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD