Chapter 6

2165 Words
“Totoo ba ‘yung sabi ni Tasha?” Nangunot ang noong napatingin si Avon kay Keith. Kasalukuyan silang kumakain sa isang sikat na pizza place dahil nagutom silang dalawa sa kakalibot sa mall para humanap ng regalo para sa nanay ni Keith. Pati rin kasi siya ay humanap na rin ng panregalo dito. Magkatabi silang nakaupo sa harap ng mesa. Ganito lagi ang set up nila kapag magkasabay silang kumakain sa cafeteria ng eskwelahan o sa mga restaurant na pupuntahan nila. Lagi itong tumatabi sa kanya. Kapag naglalakad naman sila ay minsan nakaakbay ito sa kanya. Kaya naman akala ng mga hindi nakakakilala sa kanila ay may relasyon sila. Iilang beses na nga ba siyang sinugod ng mga naging ka-fling nito? “Ang alin?” nagtataka niyang tanong. “‘Yung sa catfish app,” anito sabay subo sa hawak na Hawaiian pizza. Uminom muna ng softdrink si Avon mula sa baso niya bago sinagot ang binata. “‘Medyo slow ako ngayon. Ano’ng meron sa catfish app?” Sinimangutan lang siya ni Keith at tinaasan ng kilay at binigyan ng talaga-hindi-mo-alam look. Nanatiling nakatitig lang siya kay Keith dahil ‘di niya talaga ma-gets kung ano ang ibig sabihin nito. Malakas na napabuntong-hininga ang binata. “Nag-sign-up ka ba sa app na ‘yun? Narinig ko lang ‘yung usapan niyo ni Tasha. Kinukumpirma ko lang naman kung totoo.” “Ahh…” Tumikhim siya at uminom ulit ng softdrink bago sinagot si Keith. “Oo, na-curious kasi ako sa sinabi ni Tasha kaya tin-ry ko lang din. Bakit mo naitanong?” aniyang unti-unti na namang bumilis ang t***k ng puso niya. May hinala na ba siya na ako si Mary Kay? “Ano username mo?” “Bakit? Nag-sign-up ka na rin?” casual na tanong niya kahit nagririgodon na ang puso niya sa kaba. “Yup! So, ano nga ang username mo?” kulit nito sa kanya. “Wala na dine-lete ko na,” pagkakaila niya. She will never tell him about it. “Wala naman kasi akong nakakausap na matino doon. Mga malilibog ‘yung mga nakakausap ko. Kakainis lang. Ikaw ba may nakakausap ka na doon?” “Syempre, ako pa?” pagmamayabang nito na sinuntok pa ang sariling dibdib. “Saka tama ‘yan. I-delete mo ang app na ‘yun. Kapag may manligaw sa’yo o magpapalipad hangin dapat dumaan muna sa akin para makilatis ko.” “Ano ka si Kuya Art?” kunwari’y angal niya pero deep inside ay gusto na niyang magtititili at magpagulong-gulong sa sahig dahil sa sobrang saya. “Siyempre, sino pa ba magpoprotekta sa’yo kung hindi kami ni Kuya Art?” anitong inubos muna ang hawak na pizza sabay pabirong inangkla ang braso nito sa leeg niya at hinila palapit sa dibdib nito. Maya-maya’y naramdaman ni Avon ang mainit at mamasa-masang labi nito sa noo niya. Agad niyang itinulak si Keith at pinunasan ang noo niya. Hindi dahil sa nandidiri siya, kung hindi dahil sa mas lumakas na naman ang kabog ng puso niya. Kanina pa siya kinikilig at baka mamaya ay mapansin na ito ni Keith. It will be game over for her. “Eww! Ang greasy, ha?” kunwari’y nakasimangot niyang sabi. Binitawan naman siya nito at tinawanan lang siya. Kaya inikutan niya rin ito ng mga mata bilang ganti at nagpatuloy na sa pagkain. “For sure, kung sino man ‘yang ka-chat mo sa Catfish masasama na naman ‘yan sa mga magiging girlfriend mo,” pagbubukas niya ulit ng usapan. Biglang sumeryoso si Keith. “Hindi ko alam. Actually, may nakausap ako doon na sobrang interesting ang pagkatao. Hindi siya jejemon. Kung tama ang basa ko sa kanya, baka nga…” Avon bites her inner cheeks to suppress herself from smiling. Nagsisimula nang maglaro ulit ang mga paru-paro niya sa tiyan dahil sa narinig. May hinala na siya kung sino ang tinutukoy nito. Sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang umasa. At least kahit sa catfish app lang ay maranasan niyang maligawan ng isang Keith Adrian Kee. She realizes a long time ago that although being friends with him is very rewarding pero iba pa rin pala talaga ‘yung may katugon ang nararamdaman niya. She knows she’s being selfish. She’s asking for more, but what can she do? Love made her one. “Hmmn… Parang nakuha niya nga ang atensyon mo, pero paano?” “‘Di ko alam. Ramdam ko lang na parang may sense of familiarity siya sa akin. Saka ‘di siya tulad ng iba na halos tadtarin ako ng chat araw-araw. Minsan nga ‘di pa ako nire-reply-an. Gaya ngayon kaninang umaga pa ako nag-chat bago magpunta sa inyo pero wala pa siyang reply hanggang ngayon.” “Baka busy… Ano nga ulit ang name? Baka mamaya kilala namin ni Tasha ‘yan.” “Mary Kay. Akala ko nga ikaw ‘yun, eh. Tapos gumamit ka lang ng picture ng iba.” “Uy, grabe ka! Ako agad? ‘Di porket Avon name ko at Mary Kay sa kanya, eh ako na ‘yun. Saka may number ako sa’yo. Text na lang kita o kaya i-call. ‘Ba’t pa ako mag-i-install ng app na ‘yun para makausap ka?” kaila niya. “Malay ko ba kung crush mo ako tapos doon ka lang magkakalakas ng loob na sabihin sa akin?” anitong tumawa pa nang malakas. Nagtinginan tuloy ang mga tao sa gawi nila. Awtomatikong naglanding ang kamao ni Avon sa braso ni Keith na ikinatawa lang ng huli. “Ang kapal! Alam na alam ko ang karakas mo at wala akong balak na masali sa mga babaeng pinaiyak mo,” sagot niya rito sabay irap. Nakabusangot ang mukhang nagpatuloy siya sa pagkain ng pizza. Pero ang sumunod na sinabi ni Keith ang tila nagpaguho sa kanina’y masayang mundo niya. “Tama ‘yan, Avon. ‘Wag kang mahulog sa akin. Mas mabuting magkaibigan lang tayo dahil kapag naging girlfriend kita, hindi ka na naiiba sa mga babaeng dumaan sa buhay ko. And that will be unfortunate.” HINDI na alam ni Avon kung ilang ulit nag-replay sa utak niya ang sinabi ni Keith hanggang sa maihatid siya nito sa bahay. Hindi niya rin alam kung paanong pagpapanggap ang ginawa niya para ‘di nito mahalatang nasaktan siya sa sinabi nito. The way he told her that seemed like he didn’t really have any plans to put their friendship into a different level. Magkaibigan lang talaga sila. No more, no less. ‘Yun lang talaga ‘yun period. “Oh, ba’t nakabusangot ‘yang mukha mo?” Muntik nang mapatalon si Avon sa sobrang takot nang may magsalita pagkabukas niya sa pintuan ng kwarto niya. Agad siyang napahawak sa dibdib at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kama niya. Doon nakita niya ang pinsang si Natasha na nakadapa. Ang mga kamay nito ay nakasuporta sa magkabilang pisngi nito pisngi nito. “Ay, ang OA ha? Alalahanin mo magkadugo tayo, kung nakakatakot ang itsura ko malamang ay ikaw rin,” anitong tinaasan pa siya ng kilay. “Nakakagulat ka naman kasi. Bigla-bigla ka na lang nagsasalita. Sino ang hindi magugulat?” aniyang inilapag ang bag sa study table niya at papagsak na umupo sa silya. “Asus, hindi mo lang talaga ako napansin kasi para kang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo. Daig mo pa ang naluging negosyante. Sabi naman ni Kuya Art lumabas daw kayo ni Keith. Eh, bakit ganyan ang mukha mo?” Malakas na bumuntong-hininga si Avon. Malungkot na ikweninto niya sa pinsan ang pinag-usapan nila ni Keith–walang labis at walang kulang. “Ewan ko rin diyan kay Keith, eh.” Bumangon si Tasha at paupong humarap sa kanya. “Pa-fall na ewan. Oh, eh ‘di natauhan ka na sa kabaliwan mong ‘yan? Wala kang mahihita sa lalaking ‘yan kung hindi friendship at broken heart kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagsintang tampurorot mo diyan,” pangaral nito sa kanya. “Na-inlove ka na ba, Tash?” sa mahinang tinig ay tanong ni Avon. “Oo naman ‘di nga lang kasing tindi ng pagmamahal mo sa BFF mo kuno.” “Then, it will be too complicated for you to understand.” “Halika nga rito.” Inabot ni Natasha ang kamay niya at hinila palapit para mapaupo siya sa tabi nito. Niyakap siya nito nang mahigpit habang hinahaplos ang buhok niya. “Couz, alam mong sobrang importante mo sa akin. ‘Di lang tayo magbest friend, magpinsan din tayo. Mahal kita at ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil sa BFF mong lalaki. Kaya alam ko minsan naging harsh ako kasi gusto kong mamulat ka. Masakit umasa, Couz.” “Alam ko naman ‘yun, Tash. Kaso paano ba turuan ang puso? Ilang beses ko na bang sinabihan ang puso ko na ‘wag na lang siya na makontento na lang ako kasi kahit kailan walang magiging kami,” aniyang unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Hay, complicated talaga ang magmahal, Couz. ‘Di ko rin alam kung ano ang ia-advise ko sa’yo. Basta gaya ng sabi ko sa’yo noon nandito lang ako para sa’yo.” Pinunasan ni Natasha ang mga mata niya at malungkot siyang nginitian. “‘Wag ka na nga magdrama! Mamaya tutulo na ang uhog mo. Kadiri lang.” Napatawa si Avon sa sinabi ni Tasha. Dali-dali niyang inabot ang tissue sa ibabaw ng study table at kumuha ng ilang piraso para singahan. “Ugh! Kadiri!” agad na angal nito na tinawanan niya lang. “So, ano ang balak mo ngayon?” curious nitong tanong. Tinuyo niya muna ang mga luha sa mga mata at suminga ulit sa panibagong tissue na kinuha niya sa box bago sumagot, “Alam kong kabaliwan ang gagawin ko. Pero pagpapatuloy ko pa rin yung sa Catfish. Maranasan ko man lang kahit saglit na ‘di lang pagiging kaibigan ang tingin niya sa akin.” Tumango na lang si Natasha at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kahit naman kasi ano ang sabihin niya sa pinsan ay desidido na itong ipagpatuloy ang kabaliwan. “Basta ang sabi ko sa’yo kapag sobrang sakit na, bumitaw ka na, okay?” paalala nito sa pinsan. Marahan siyang tumango. Hinila siya ulit ni Natasha at niyakap nang mahigpit. “Ganoon nga siguro kapag matalino, nagiging bobo sa pag-ibig. Buti na lang at maganda lang ako at sexy.” “Sïraulo!” natatawang tinulak niya nang bahagya si Natasha at hinila ang ilang hibla ng buhok nitong nakalugay. “At least ngayon tumatawa ka na,” nakangiting komento nito. “Thank you, Tash. ‘Di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka,” sinsero niyang sabi sa pinsan. Ever since ay laging nasa tabi niya si Tasha. Kaya malaki ang pasasalamat niya rito. She’s always been there for her thru gladness and sadness. “Asus, ‘di naman hapon ngayon pero may drama-rama tayo. Mag-artista na lang kaya tayo?” pagbibiro nito na ikinatawa lang din nilang dalawa. “Siyanga pala, Tash, ba’t ka nga pala napadpad dito sa bahay?” tanong ni Avon. Medyo may kalayuan ang bahay nina Tasha kaya miminsan lang itong napapadpad sa bahay nila. At bumibisita lang ito kapag may may gusto itong iwasan sa bahay nila. “May nangyari ba?” Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Tasha saka sumandal sa headboard ng kama habang yakap-yakap ang unan ni Avon. “Hayun, nag-aaway na naman sina Mommy at Daddy kaya sabi ko sa kanila dumito muna ako habang may lover’s quarrel sila,” nakasimangot na sagot nito. “Mukhang napapadalas na ‘yang away nila Tito at Tita, ah? Ayos ka lang ba?” “Oo naman! Matatanda na naman din sila. Kung dati naaapektuhan ako pero ngayon wala na akong keber sa kanila. Nakakasawa na rin kasi. Kaya kapag ako, nagka-asawa gusto ko ‘yung mahal ko at mahal ako. Hindi ‘yung tamang kalandian lang or fling-fling. Iniisip ko rin na siguro ganyan sina Mommy at Daddy dahil nahuli silang naglandian kahit wala naman silang label sa isa’t-isa. Kaya dito muna ako magpapalipas ng gabi.” “Malay mo magkakaayos ulit sila. ‘Di ba ganoon naman talaga sila kahit dati pa? Away-bati. Saka for sure mahal nila ang isa’t-isa kasi ‘di ka naman mabubuo kung hindi.” “Ay nako! Hindi na ako umaasa, Couz. For sure nalilibugan lang silang dalawa kaya nabuo ako. Kita mo nga at nag-iisang anak lang ako.” “‘Wag ka nga!” agad na angal niya. Natasha had a rough childhood. Laging nag-aaway ang parents nito. Sa tuwina ay lagi itong pumupunta sa bahay nila o kaya ay kukunin ito ng mommy niya para hindi nito masaksihan ang away. Kaya bilib na bilib siya rito dahil regardless of what had happen, she remained a nd tried to be a good daughter to them. But of course it’s a different story to tell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD