Chapter 5

2012 Words
“Avon, may bisita ka!” Napalingon si Avon sa pinto nang marinig niya ang malakas na boses ng mommy niya mula sa labas ng kwarto. Maaga siyang nagising dahil maaga siyang nakatulog kagabi. Sobra kasi siyang napagod sa pinaggagagawa nila ni Natasha kahapon dahil after ng klase ay inaya siya nitong mag-mall at manood ng sine. Medyo napakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa nakasarado niyang pinto. Alam niyang naghahanda pa ang mommy niya para pumasok sa opisina at masyado pang maaga para magkaroon siya ng bisita. Usually kasi ay umaalis ang mommy niya ng 8:30 AM. Napatingin siya sa relo na nasa study table niya para icheck ang oras at nakita niyang pasado alas-otso palang ng umaga. At bago pa siya nakasagot sa mommy niya ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Avon nang makita kung sino ang pangahas na nagbukas ng pintuan niya ng walang pahintulot. Para siyang natuod sa tabi ng study table niya. “Good morning, Avon!” nakangising bati sa kanya ng binatang nagpapatibok ng puso niya. Walang iba kung hindi si Keith. Fresh na fresh ang itsura nito dahil mukhang bago palang itong ligo dahil sa basa pang buhok nito. Nakasimpleng puting t-shirt lang ito at cargo pants na kulay itim. Parang model ito na hinugot mula sa magazine at parang may-ari ng bahay na diretso lang kung pumasok sa kwarto niya pagkatapos nitong isara ang pinto at pabagsak pa na humiga sa kama niya. Nanuot sa ilong niya ang mamahaling pabango nito. Buti na lang talaga at nakaligo na siya at nakapagsuklay na ng buhok nang dumating ito. Kung hindi ay isang malaking kahihiyan ‘yun sa kanya! Napakadiyahe! “Wow, ha? Bahay mo? Kwarto mo?” sarkastiko niyang tanong kahit ang totoo’y nagririgodon na ang puso niya sa sobrang kilig. “Sus, dapat magpasalamat ka pa nga dahil ang kapogihan ko ang una mong nakita sa araw na ito. Oh, ‘wag ka na magkaila dahil sabi ni Tita hindi ka pa daw bumababa,” agad na sabi nito nang makitang aangal sana siya sa sinabi nito. “Grabe naka-full yata ang aircon namin ngayon at ang ginaw dito sa kwarto ko,” kunwari ay reklamo ni Avon. Pasimpleng siyang umupo sa silya ng study table niya. Pakiramdam niya kasi ay nanginginig na ang mga tuhod niya habang nakatayo lalo na at nakatingin sa kanya ang binata. Nako-conscious tuloy siya sa itsura niya. “So, ano’ng atin at ang aga mo yatang nambulahaw ngayon?” “Wala lang… Aayain sana kitang mag-mall. Busy ka ba ngayon or perhaps may nga plans ka for today?” anitong inunan ang mga braso nito. Naglabasan ang mga muscles nito sa braso kaya ‘di niya mapigilang mapatingin doon. “Anong masamang hangin ang nalanghap mo ngayon at nagyayaya kang mag-mall? Saka ililibre mo ba ako?” casual niyang tanong pero sa loob-loob niya ay parang maiihi na siya sa kilig. Imagine, parang date na rin nilang dalawa ‘yun! “Ang kuripot mo talaga!” angal nito. “Gusto kong magliwaliw ngayon. Saka ‘di naman available ang iba kaya ikaw na lang aayain ko.” “Wow, nakakahiya naman sa’yo. Napilitan ka na niyan?” Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Keith. Dahil doon ay hindi naiwasan ni Avon na titigan ang binata. Para kasi siyang nahihipnotismo habang nakatingin dito. Iyong mga mata ni Keith ay nagmistulang isang linya habang tumatawa. Isali pa ‘yong mga labi nito na halatang ‘di nadaanan ng sigarilyo dahil sa pinkish na kulay nito. “Matutunaw na ako niyan,” anitong nagpipigil na sa katatawa. Agad nanlaki ang mga mata ni Avon. ‘Di niya akalaing nahuli siya ni Keith na nakatingin dito! “Paano nga ulit kita naging kaibigan?” kunwari’y napipikon niyang tanong. ‘Diyos ko! Lord, sana ‘di niya nahahalata!’ piping hiling niya. “Sus, kunwari ka pa. Alam ko naman na nagwagwapuhan ka sa akin. In denial ka lang talaga.” Agad napaawang ang mga labi ni Avon. Nagsimula nang manginig ang mga kamay niya. ‘Friendship over na ba ito?’ Akmang magre-rebutt na sana siya nang magsalita ulit si Keith. “Kasi ako lang naman ang bff mo at alam ko na gwapo kaya ‘di na nakapagtataka na nagwagwapuhan ka rin sa akin,” anitong kumindat pa sa kanya. “My god, ang kapal!” bulalas niya pero deep inside, she sighed in relief. Akala niya ay buking na siya ng binata. Tumawa ulit ito at bumangon na. “Magbihis ka na. Hihintayin na kita sa baba. ‘Wag ka masyadong magpaganda. Wala ako sa mood mang-away ngayon.” Bago pa siya makasagot sa sinabi nito ay mabilis na itong nakaalis sa kwarto niya. And it leaves her confused. Anong ibig sabihin nito? Ayaw umasa ni Avon. Maloko si Keith at marahil ay gino-good time na naman siya nito. Kaya ipinagkibit-balikat na lang niya ang sinabi ni Keith. Marahil ay umatake na naman ang pagiging mapagbiro nito. Though her heart hopes na sana may meaning ang sinabi nito, pero alam niya na masasaktan lang din siya kung bibigyan niya ng kahulugan ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng binata. She might as well enjoy the moment and quit hoping. Isang simpleng t-shirt na kulay black na may naka-drawing na emoji na heart ang mga mata ang napili niyang isuot. Pinaresan niya ito ng tattered jeans at rubber shoes na white. Nag-spray pa siya ng mamahaling pabango sa magkabilang likod ng tenga at sa palapulusuhan niya na si Keith ang nagregalo sa kanya. Tumingin siya saglit sa kanyang repleksyon sa salamin. Nang makita niya na presentable na ang itsura niya ay kinuha niya ang kanyang maliit na sling bag at cellphone sa ibabaw ng study table niya. Siniguro muna niya na naka-mute ang notification ng Catfish app bago niya ito ipinasok sa bag niya. Mahirap na at baka bigla na lang itong tumunog. Mabubuking pa siya. Dali-daling bumaba si Avon sa hagdan at pumunta sa kusina nang ‘di niya makita si Keith. Panigurado kasing doon niya ito makikita. At ‘di nga siya nagkakamali dahil nakita niya si Keith na nakaupo sa harap ng mesa habang kumakain ng agahan.Naroon din ang mommy niya at ang kuya niya. As usual sinangag na kanin, longganisa, pritong itlog at tapa ang mga nakahandang pagkain sa mesa nila. “Saan kayo pupuntang dalawa?” bungad sa kanya ni Art. Kaharap ito ni Keith at gaya ng mga tao sa kusina ay kumakain na rin ito ng agahan. Humalik muna siya sa ina na nakaupo sa kabisera ng mesa bago umupo sa pwesto niya kung saan katabi niya si Keith. “Sa mall lang, Bro,” sagot ni Keith pagkatapos lunukin ang nginunguyang pagkain. “Ang aga niyo naman.” Tumingin si Art sa wall clock na nakasabit sa dingding bago tiningnan ang dalawa. “Ano kayo mga instik? 8:15 pa lang ng umaga, oh!” anito sabay turo sa wall clock. “Ten pa kaya magbubukas ang mall. Ano’ng gagawin niyo doon ng ganito kaaga?” “Magtigil ka nga, Art. Saka kung mamaya pa sila pupunta baka ma-stuck pa sila sa traffic. Saka kumakain pa ang dalawa,” agad na saway ni Mommy Sophie habang humihigop ng kape sa tasa. Umingos lang ang kuya niya at pagkatapos ay tiningnan sila ng seryoso. “Magkaibigan lang ba talaga kayong dalawa, ha?” “Kuya! Mommy, si Kuya, oh!” Busangot na busangot ang mukha ni Avon habang naglalagay ng pagkain sa plato. Natatawa namang napapailing si Keith at hindi sinagot si Art. Sanay na sanay na kasi ito sa kuya ni Avon. Lagi na lang silang tinutukso nito pero ‘di naman siya napipikon. Sa tagal nilang pagkakaibigan ni Avon ay alam na niya na isa sa mga hobby ni Art ang tuksuhin ang kapatid. “Tinutukso mo na naman ang kapatid mo, Art. Basta kayong dalawa ‘wag kayong magpapagabi sa daan. Dala mo ba ang kotse mo, Keith?” “Opo, Tita. Magpapasama lang ako kay Avon. Birthday na kasi ni Ina sa susunod na linggo. Papatulong po sana ako kay Avon na mamili ng ireregalo. Saka may konting salu-salo po pala sa bahay tapos iniimbitahan din po kayo na pumunta.” “Nako, may business conference ako next week at isang linggo ako doon,” malungkot na sabi ni Mommy Sophie. “Ipapaabot ko na lang ang regalo ko kina Avon. Pakisabi kay Blair pasensya na at ‘di ako makakapunta.” “Sayang naman po. Pero sige, Tita sasabihin ko po kay Ina.” Marahang tumango si Mommy Sophie at inubos na ang kape sa tasa nito. Maya-maya pa’y iniwan na sila nito sa hapagkainan. Sumunod rin ang kuya ni Avon na himalang tumigil na sa kakatukso. Tumayo na ito at dinala ang ginamitang plato, baso, kutsara at tinidor sa lababo. At pagkatapos ay naghugas ito ng kamay. “Mauna na ako sa inyong dalawa. Ikaw, Bunso mag-behave ka ha?” anitong ginulo pa ang buhok ni Avon bago lumabas sa dining room. “Kuya!” agad na angal ni Avon. Automatic na tumaas ang kanang kamay niya at hahampasin sana ang kamay ng kuya niya pero agad nitong naiiwas ang kamay at nakalabas na bago pa siya makaganti. “Humanda talaga ‘yan si Kuya Art kapag nagka-girlfriend siya. Ilalaglag ko talaga siya. Lintik lang ang walang ganti. Hmpf!” Napalingon siya nang marinig niya ang palihim na tawa ni Keith. “Wow! Tuwang-tuwa, ah?” sarkastiko niyang tanong. “Naalala ko lang si Cheska. Ipaalala mo nga sa akin na ‘wag tuksuhin ang kapatid ko.” “Sïraulo! Ang dami mo na ngang naging girlfriend, wala ka namang pinakilala kina Tita.” “‘Yan ang akala mo,” seryoso nitong sagot habang tinatapos ang pagkain nang hindi tumitingin sa kanya. Nabitin sa ere ang isusubo sanang kutsara na may lamang pagkain si Avon. Nangunot ang noo niya habang nakatingin kay Keith. Unti-unti ay nararamdaman niya ang panåçinikip ng kanyang dibdib. Hindi basta-basta nagpapakilala ng babae ang mga triplets sa mga magulang nito lalo na si Keith na siyang pinakababaero sa magkakapatid. Kaya kung sino man iyong ipinakilala ni Keith ay paniguradong importante at seryoso ito dito. “‘Kaw ha? Pakilala mo naman sa akin baka mamaya gaya ng mga naging girlfriend mo, eh pagselosan pa ako.” Halos magdugo ang inner cheek ni Avon nang kagatin niya ito sa pagpipigil na huwag gumaralgal ang tinig. Akala niya may pag-asa pa siya kay Keith sa katauhan ni Mary Kay sa catfish app. Pero mukhang malabo na yatang mangyari iyon kung sa kasalukuyan ay may itinatangi na si Keith. “Kilala mo naman. ‘Yun nga lang ‘di pa niya alam. Taguan pa kami ng feelings,” anitong tiningnan siya at ngumisi. Maya-maya ay seryoso itong tumingin sa mga mata niya. “Sa totoo lang ‘di ko rin masabi dahil nag-aalala ako na baka iwasan niya ako at magbago kung anuman ang meron sa amin. Kaya hanggang dito lang muna ang io-offer ko. At kapag handa na ang lahat sana ay matanggap at paniwalaan niya ako.” Napatitig si Avon kay Keith. For some odd reason, feeling niya ay sa kanya patungkol ang sinabi ng binata. However, she kept reminding herself na malabong maging siya ‘yun. Kahit naman kasi pwede ihilira ang itsura at pigura niya sa mga Hollywood actress, she doesn’t flaunt it. Simple lang siya manamit at never siyang naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Kumpara sa mga naging girlfriend ni Keith, liberated ang mga itong manamit at para itong mga bikini model sa kaseksihan. Kaya imposibleng siya ang tinutukoy nito. “Maniniwala siguro iyon kung wala ng aaligid-aligid na babae sa tabi mo. Kung makapagpalit ka nga ng babae akala mo nagpapalit lang ng damit.” “Wala, eh pogi problems,” anitong nginisihan siya ulit bago nagpatuloy sa pagkain. Napailing na lang siya habang tinatapos ang pagkain. Hindi niya tuloy matukoy kung seryoso ba talaga ito o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD