Chapter 4

1910 Words
Kak 2nd: Hey, Mary Kay are you busy? Parang sinilihan ang puwet ni Avon nang mabasa niya ang message na ‘yun mula kay Keith. Tamang-tama naman kasi na nag-chat ito ay tapos na ang klase niya sa umaga at mamayang alas dos ng hapon pa ang kasunod. Kaya ngayon ay malaya siyang makipagkulitan dito. Laking pasalamat niya at wala si Natasha dahil pinapunta ito sa faculty ng proof nila. Kung kasama niya lang ito ay paniguradong tatalakan na naman siya nu'n sa pakikipag-chat kay Keith. Nasa paboritong tambayan nila ni Natasha sa gazebo siya nakaupo at kasalukuyang hinihintay ang kaibigan nang tumunog ang cellphone niya. Kagat-labing nagtipa agad si Avon ng reply sa binata pero makailang beses niya rin itong d-in-elete. "Hanep! Baka mamaya isipin niyang atat na atat akong mag-reply. Easy-han mo lang, Avon," mahinang kastigo niya sa sarili. "Dalagang pilipina dapat," dagdag niya pa. Akmang magta-type na siya ng reply nang biglang may tumabi sa kanya at inakbayan siya. Halos magkandahulog-hulog na ang phone niya sa magkahalong takot at kaba nang maamoy niya ang pamilyar na pabangong iyon. Iisang tao lang naman kasi ang kakilala niyang nagmamay-ari ng mamahaling pabango na 'yun. Buti na lang at nasalo niya ang cellphone bago ito tuluyang malaglag sa semento. "Ano ba?! Nanggugulat ka naman, eh!" kunwari ay angal niya. Marahan niya pang itinulak si Keith papalayo sa kanya. Nagsisimula na naman kasing magrigodon ang puso niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawa. Pero tila pader ang itinulak ni Avon dahil hindi man lang natinag ang lalaki, bagkus ay nginisihan lang siya nito at niyakap sa gilid. "Asus! Ikaw nga itong parang timang na may pakagat-labi pang nalalaman habang nagtitipa siyan sa cellphone mo!" anitong kukunin sana ang cellphone ni Avon pero mabili ang dalagang maipasok 'yun sa bulsa ng pantalon niya. "Sino ba 'yung mine-message mo at parang kilig na kilig ka yata? Boyfriend mo? Sino para makilatis ko naman," dagdag pa nito na may malaking ngisi sa mukha. “Paano naman ako magkaka-boyfriend kung ganyang yakap ka nang yakap sa akin?” kunwari’y pagsususungit ni Avon kay Keith. “Saka kaya lagi akong inaaway ng mga girlfriends mo, napaka-touchy mo kamo!” dagdag niya pa. “Hayaan mo sila. Kung ‘di ka nila matanggap na malapit ka sa akin, eh ‘di kawalan na nila ‘yun,” balewalang tugon ni Keith na hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Avon. Sa halip ay mas hinigpitan pa ng binata ang pagkakayakap sa kanya. Avon secretly bit her inner cheeks. Pakiramdam niya ay para na siyang nagha-hyperventilate sa ginagawa ni Keith. Gustong-gusto na niyang mangisay sa kilig pero pinipigilan niya lang ang sarili. Ayaw niyang malaman ni Keith na may pagtingin siya rito at baka ‘yun pa ang maging dahilan ng pagkasira nilang dalawa. Nasabi na ni Keith noon na ang dahilan kung bakit napalapit ito sa kanya dahil siya lang ang bukod tanging hindi naakit sa binata.kaya kapag nalaman si Keith ang totoo ay baka goodbye friendship na silang dalawa. Ayaw din naman ni Avon na mangyari ‘yun. Kahit nasasaktan siya na may kaulayaw na iba si Keith, at least alam niyang siya lang ang bukod tanging babaeng malapit kay Keith. Kahit pa nga as friends lang. Okay na rin ‘yun kaysa sa mapabilang siya sa mga babaeng naghahabol dito. “Isa pa kung mahal talaga nila ako. Dapat tanggap ka nila na ikaw ang nag-iisang babaeng bestfriend ko. Dapat imbes na pagselosan ka ay kaibiganin ka rin nila. But they are too insecure and I hate insecure people. They’re toxic,” anitong bumitaw na sa pagkakayakap sa akin pero nanatiling nakaakbay naman ang kanang kamay nito sa akin. At ang isa naman ay nakapatong sa sementong lamesa na nasa likod namin. “Paniguradong wala kang pakialam sa kanila dahil hindi naman mahirap sa’yo ang maghanap ng ibang babae. Sana all habulin ng babae,” biro ni Avon dito. Ayaw na niyang pahabain ang usapan nila na ganito ang topic. Pakiramdam niya ay isinasampal sa kanya ni Keith na walang sila at kailanman ay hindi magiging sila. Though a part of her is thankful na pinapahalagahan siya ni Keith pero siguro ganu’n nga talaga ang tao. Hindi nakokontento. Because for Avon, she wants them to be more than just friends. Alam niyang suntok sa buwan ‘yung gusto niya. But a girl like her can only dream, right? “Sira! Kasalanan ko bang hinahabol nila ako? Sa’yo lang naman walang epekto ang kagwapauhan ko, eh.” ‘Kung alam mo lang,” piping bulong ni Avon. “Ano ‘yun?” “Huh? A-anong ano ‘yun? W-wala naman akong sinasabi ah?” parang maiihi sa kaba na sabi ni Avon. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa katangahan niya baka mamaya nasabi niya nang malakas ang nasa isip niya kanina. “Sabi mo kung alam ko lang,” kunot-noo nitong saad. Nanlaki ang mga mata ni Avon habang napatitig kay Keith. Sa sobrang kabado niya ay pinitik niya ang noo ng binata. Hindi na siya nakapag-isip ng matino para i-divert ang atensyon nito kung hindi ang pitikin ito sa noo. Agad napahawak si Keith sa noo at nakasimangot na nakatingin kay Avon. “What was that for?” agad na angal nito. “Para mahimasmasan ka, kung anu-ano naririnig mo. Wala naman akong sinasabi,” pagpapalusot ko pa sa kanya. “Ah, ganu’n pala ha?” Hinigpitan ni Keith ang pagkakaakbay nito sa kanya at hinila siya papalapit dito. Pagkatapos noon ay kiniliti siya nang kiniliti sa bewang gamit ang libreng kamay nito. Parang uod kung mangisay si Avon dahil sa kiliti. Kaya naman tawa nang tawa si Keith habang kinikiliti siya. Halos lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa kanila na may paninibugho sa mga mga mata. Everyone just wants to be in Avon’s shoes. “Nako, nako! Diyan din nagsimula ‘yung story ng Lola at Lolo ko!” malakas na saad ni Natasha na kararating lang din sa gazebo. Agad napahinto ang dalawa at parehong lumingon sa direksyon ni Natasha na ngayon ay nasa harapan na nila. Bahagyang itinulak ni Avon si Keith at mahinang sinikmuraan para lumayo ito nang kaunti sa kanya. Pero balewala lang naman iyon sa binata. “Ano ‘yun pitik?” nakangising tanong pa nito kay Avon. Hindi nito inaalis ang braso na naakbay sa dalaga. “Ang hangin naman dito, D’yos ko!” maarteng sa komento ni Natasha na niyakap pa ang sarili na tila nilalamig. Tumawa lang si Keith at pagkatapos ay hinalikan si Avon sa noo. “Sige, mauna na ako sa inyo at mukhang may pupuntahan pa kayong dalawa. Punta ako sa inyo mamaya ha, Avon?” anitong tumayo na at kumaway sa kanila bago tuluyang naglakad palayo. Nakaalis na si Keith pero hindi pa rin makagalaw si Avon. Tila natuod na ito sa pagkakaupo dahil sa ginawang paghalik ni Keith sa noo niya. Natasha rolled her eyes. Para kasing namatanda si Avon sa itsura nitong napakagulo ang buhok at nanlalaki pa ang mga mata. “Ano, hindi sanay na hinahalikan sa noo? Para namang bago pa sa’yo ‘yun. Saka baka bet mong magsuklay ng buhok para ‘di ka naman nagmumukhang bruha?” pasaring ni Natasha sa kanya. “Grabe galit ka na niyan?” agad na sagot ni Avon dito. “Hindi ba pwedeng ninanamnam ko muna ‘yung halik niya sa noo?” Padabog niyang kinuha ang suklay sa bag at sinimulang suklayin ang nagulo niyang buhok. “Ewan ko ba d’yan sa bff mo kuno napaka-dense. Halatang-halata naman na may gusto ka sa tao pero–ay nako! Ewan ko sa inyong dalawa. Ang pabebe ninyo! Halika na nga at nagugutom ako sa demand ng prof natin.” Dali-daling inayos ni Avon ang nakalugay na buhok at sumunod na sa naunang si Natasha. “Grabe, ‘di marunong maghintay?” “Ano naman kasing aayusin mo sa buhok mong telephone wire?” buska ni Natasha sa kanya na tinaasan pa siya ng kilay. “Ay, wow! May galit ka sa akin, ‘Te? Napapansin ko lang ha ang harsh mo sa akin ngayon.” Agad namang umabrisyete si Natasha at sweet na ngumiti sa kanya. “Kakainis ka kasi minsan. Ang tigas ng ulo mo. Kapag ikaw nasaktan, ‘wag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan.” “Asus, pwede bang kiligin diyan?” “Siraulo!” anito sabay kaltok sa ulo ni Avon. “Aray ha?” malakas na angal niya. “Alam ko naman ginagawa ko. Hayaan mo na. Sabi nga nila hindi daw totoo kung hindi nasasaktan.” “Ewan ko sa’yo! Hindi ka naman na bata,” nakairap na saad nito. Nginisihan lang ni Avon ito. Kinuha niya ulit ang cellphone sa bulsa at in-open uiit ang chatbox ng Catfish app. Nakita niyang wala ng kasunod na message ang chat ni Kak 2nd sa kanya. ‘Di niya tuloy malaman kung re-reply-an niya ito or hindi. Napabuntong-hininga si Avon. She’s quite disappointed na hindi man lang ito nag-chat ulit. Akmang ibabalik na niya ang cellphone sa bulsa nang tumunog ang message alert tone ng app. Excited na excited na binuksan ulit ito ni Avon at tiningnan kung sino ang nagmessage. “Oh, ano na naman ‘yan?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Natasha. Naka-pout itong nakatingin sa kanya. Halatang ‘di masaya sa ginagawa niya. “‘Wag ka ngang party pooper!” Inirapan niya ito at tuluyang binuksan ang message ni Kak 2nd. Kak 2nd: I guess you are really busy. You haven’t replied to me since my last message. That’s okay. I’m willing to wait. I hope you’re having a great day! I don’t know but I miss chatting with you. “Ayy… Ang landi-landi talaga ng kolokoy!” agad na komento ni Natasha na nakasilip at nakibasa rin pala sa message ni Kak 2nd. Kagat-labing tumingin si Avon sa pinsan. Hinawakan niya ang braso nito at niyugyog nang niyugyog. Pakiramdam niya’y nagsiawitan ang mga anghel sa langit sa sobrang kilig niya. “OMG! OMG! Tash, napapansin na talaga niya ako!” “Napapansin ka naman talaga niya. Sa paraan nga lang na ‘di mo gusto.” Sa inis ni Avon ay bahagya niyang itinulak ang pinsan. “Ano pikon ka na? Hay nako, Avon bahala ka na nga. Kung saan ka masaya, te suportaan ta ka,” anitong may Ilonggo accent pa sa dulo. Niyapos ni Avon ang braso ng pinsan at naglalambing na tiningnan ito. “Alam ko naman na concern ka lang sa akin, Tash. Alam kong in the end masasaktan din ako, pero alam mo ‘yun? Mas gugustuhin ko pa ang masaktan at maramdaman na nakikita niya ako sa ganitong paraan nang higit pa sa kaibigan. I know a lot of girls are envious of my position as a friend. Pero kasi gusto ko rin maranasang pahalagahan niya ako nang mas higit pa sa pagiging friends namin,” mahaba niyang paliwanag. “Aren’t you a little bit greedy?” “I know I am. At okay lang din sa akin ang masaktan kasi at least I know what it feels like to be his girl. Or how to be courted by him if ever ligawan niya ako.” Napailiing na lang si Natasha sa sinabi ng pinsan. “Malala talaga ang tama mo sa kolokoy na ‘yun. Sana nga lang ‘di mo pagsisisihan ang lahat. But I’m wishing for your happiness, Couz.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD