Hindi mawala-wala sa isip ni Avon ang sinabi ni Keith kahit na nga nakauwi na siya sa bahay nila. Ilang beses siyang nagpabiling-biling ng higa sa higaan niya at ‘di pa rin siya mapakali. May kutob siyang tutuhanin ni Keith ang sinabi nito. She knows him enough to know what he will do next. Kaya nga hanggang ngayon ay ‘di pa rin niya sinasabi ang feelings niya rito. Because if she did, it will be friendship over for both of them. Besides according sa sinabi nito kanina, malakas talaga ang kutob niya na gagawin nito ang binabalak. He is the type of person who will not say something just because of an outburst. Kapag nasabi nito ang balak ay alam niyang gagawin nito iyon. It might take some time, pero alam niyang gagawin talaga nito ang sinabi. Kaya dapat ay maunahan niya ito sa paggawa ng account sa app. Para if ever, hindi ito maghinala na pinlano niya ito.
Agad niyang inabot ang cellphone sa may nightstand table na katabi lang ng kama niya. Nagsimula siyang magtipa sa cellphone para bumuo ng message para kay Natasha.
Tash, ano nga ung sinasabi mong dating app?
Pagkatapos niyang i-type ang message ay agad niyang pinindot ang sent button. Kagat-kagat niya ang hinlalaki niya habang hinihintay ang sagot ni Natasha. Maaga pa naman. Nasa 8PM pa lang at sigurado siyang gising pa si Natasha. Ilang minuto pa ang lumipas at tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Agad niya itong binuksan at nakitang sa wakas ay nagreply na si Natasha.
Natasha: Bakit gagawa ka na ng account? Bet yan go, Girl!
Avon: Ewan ko sau! Ano nga ung name ng app?
Natasha: Highblood ka agad! Catfish isearch mo sa store.
Hindi na nag-reply si Avon. Agad niyang inopen ang store sa cellphone niya at sinearch ang Catfish na app. Agad niya itong nahanap. Mayroon itong logo ng pusa na may kagat-kagat na isda. Bahagyang napatawa si Avon at napailing. Literal na catfish nga ang logo.
Agad niyang pinindot ang create account button at nagsimula ng ilagay ang informations na kailangan except sa pangalan. Imbes na ang ilagay niya ang pangalan niya, ang nilagay niya ay Mary Kay. The moment she successfully created her account agad siyang pumunta sa search button at inilagay ang pangalan ni Keith pero walang lumabas. Sinubukan niyang ilagay ang lahat ng maisip niyang gagawing username ni Keith pero wala talaga siyang mahanap.
Napabuntong-hininga si Avon. “Siguro hindi pa siya nakakagawa ng account,” bulong niya sa sarili.
Napagpasyahan niya na lang na mag-browse ng mga profile ng mga lalaking nandoon. Napatawa pa siya dahil may mga profile picture doon na halatang-halatang naka-filter o kaya’y oma-angle lang. May iba naman na halos dede na ang kinuhanan ng picture kasi ‘yun lang naman ang nakikita sa picture.
Biglang napaisip si Avon. Ayaw niyang gamitin ang sarili niyang picture dahil kapag nagkataon ay baka hindi niya ma-achieve ang plano niyang pakikipaglapit kay Keith. Gusto niyang makita siya nito bilang isang ganap na babae at hindi kaibigan lang.
Kaya naman inopen niya ang Google at naghanap ng pwede maging profile picture. Nasa kalagitnaan na siya nang pagse-search ng maalala niya na baka i-search through google image ni Keith ang picture at baka mabuking pa siya.
“Putek! Ang hirap naman nitong pinaggagawa ko!” reklamo niya habang nagpapadyak sa higaan.
Nanggigigil na siya sa sarili. She had to set up a perfect plan for this to work. Kaya naman ay naisipan niyang gamitin ang picture ng pinsan niyang si Angel na nakatira sa Louisiana. Hindi iyon mahilig magpost ng mga pictures sa social media kaya if ever safe siyang gamitin ang pictures nito. Isa pa mukha lang naman nito ang hihiramin niya. At ang picture ni Angel sa kanya ay may katagalan na rin. Siguro’y nag-iba na rin ang itsura nito.
Pagkatapos ilagay ang picture ni Angel as her profile picture, Avon smiled in satisfaction. Akmang io-off na niya ang cellphone nang may isang pamilyar na username siyang nakita. It was listed as Kak 2nd. Agad siyang napabangon. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso niya. Agad siyang nagtungo sa bag niya at kinuha ang notebook na hiniram niya kay Keith noong isang araw. May inilalagay kasi itong initials sa mga notebook at gusto niyang kompirmahin kung tama ba siya ng hinala.
Mabilisan ang naging kilos ni Avon. Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang notebook ni Keith. Ipinahiram kasi nito sa kanya ang notes nito sa Geometry kahit ‘di naman sila magkaklase. Nanginginig ang mga kamay niyang binuklat ang pahina ng notebook nito.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makumpirma niyang kapareho ng username sa Catfish ang initials na nakalagay sa notebook.
Kak 2nd
It means Keith Adrian Kee and the second indicates that he is the second among the triplets...
Kinakabahan man ay agad na pinindot ni Avon ang message button ng app. Agad siyang nag-isip kung anong catching na sentences ang pwede niyang imessage para mapansin kaagad siya nito. Alam niyang kung simpleng hi or hello lang ay masyado na itong gasgas. Pero bago pa naman siya makapag-isip kung ano ang ita-type ay may na-received na siyang message mula dito.
Agad lumakas ang t***k ng puso niya at nanginginig ang mga kamay na tinitigan nito ang message ni Kak 2nd at nagsimula na ring magtipa ang mga daliri niya sa keyboard.
Kak 2nd: Hey! Care to chat?
Mary Kay: Sure!
Napaupo si Avon sa kama. Nginangatngat niya ang kuko ng kaliwang hinlalaki niya habang naghihintay sa reply nito.
Kak 2nd: Great! Is that really your name?
Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Is she already busted?
Mary Kay: Why? I don’t think you’re using your real name either.
Kak 2nd: Lol. Well, I don’t think any parents will name their child this way. I just asked because it reminded me of someone.
Mary Kay: Oh? Your girlfriend?
Kak 2nd: Nah, don’t have any girlfriend right now.
‘Sinungaling!’ bulong isip niya.
As a matter of fact, ang dami nitong girlfriends––kaliwa’t kanan pa nga.
Nireplayan niya ito ng maraming laughing emoji.
Mary Kay: Wow, linyahan ng mga fvckboys
Kak 2nd: Lol I’m serious. I don’t have a girlfriend
Mary Kay: What do you have then, flings? Lol
Kak 2nd: Lmao do I really sound like I have a lot of girlfriends or flings?
Mary Kay: Yep! Affirmative! And I think you’re here so that you can get some more.
Kak 2nd: Ouch! You’re breaking my heart, Babe. That’s offensive!
Napakagat ng labi si Avon. Mukhang na-offend niya yata si Keith. Napasambunot siya sa buhok. Baka ‘di na ito magreply!
“Argh! Ang g*ga mo, Avon! Ba’t mo naman kasi sinabi ‘yun? Palpak ka talaga!” kastigo niya sa sarili. “What to type? What to type?”
Kinagat niya ang kanyang hinlalaki habang nag-iisip kung ano ang ire-reply niya. Dapat ma-engage niya pa rin sa conversation si Keith or else maglalaho ang pag-asa niya! Dapat hindi siya maging pushy or flirty. Dapat ‘yung tipong sakto lang. Tipong may pa-mysterious effect para mas ma-curious itong i-chat siya. Pero wala na siyang maisip.
Frustrated siyang napahiga sa kama at nagpagulong-gulong. Inis na inis niyang pinagpapadyak ang paa.
“Argh! Bakit naman kasi ayaw na gumana ng utak mo ngayon, Avon?!” gigil niyang sigaw sa sarili.
Bahagya pa siyang nagulat at napalingon sa kanyang pinto nang biglang may kumatok.
“Hon, are you okay? May kasama ka ba diyan?”
Avon heaved a sigh. Ang mommy niya lang pala ang kumakatok sa pintuan.
“Yes, Mom!” Patamad siyang tumayo. Nilagay niya ang cellphone sa kama bago pumunta sa may pinto para buksan ito.
“Are you okay? May kasama ka ba diyan?” bungad ng mommy niya nang pagbuksan niya ito ng pinto. Bahagya pa nitong sinilip ang loob ng kwarto niya para siguraduhing wala talagang ibang tao sa kwarto niya.
“I’m okay at wala akong kasama sa kwarto. I was just talking to someone over the phone.”
Her mom looked convince. Hinaplos nito ang mukha niya at hinalikan sa noo. “Okay, don’t stay on the phone for too long. It’s already past ten. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas.”
“Opo, Mommy. Good night po.”
“Maniwala ka diyan, Mommy ‘di pa ‘yan matutulog. Makikipag-usap pa ‘yan sa boyfriend niya,” nanunuksong sabi ng nag-iisa niyang kuya na si Art. Mukhang kagagaling lang nito sa banyo dahil sa basa nitong buhok at may bahid na toothpaste sa gilid ng labi nito.
Dalawang taon ang tanda nito sa kanya. He’s taking up Political Science in the same university where she’s studying. At kilala rin nito si Keith dahil madalas ang binata sa bahay nila.
“Kuya!” angal niya.
Tumawa lang ang kuya niya at ginulo ang buhok niya.
“That’s enough. Matulog na kayong dalawa. May pasok pa kayo bukas. And you, Young Man––” Baling ng mommy nila sa kanyang Kuya Art. “––stop teasing your sister. Besides, nagdadalaga na ang kapatid mo. It’s not wrong to be in a relationship. Basta ipakilala mo lang siya sa amin ha, Avon?”
“Mom!”
Ang akala niya’y kakampihan siya ng nanay niya pero nakikitukso rin pala ito.
Tumawa lang ang nanay niya at kuya niya.
“Argh! Whatever! Good night, Mom. Good night, Kuya.” She rolled her eyes and hugged them before closing her door.
Dinig na dinig niya ang tawanan ng dalawa sa loob ng kwarto niya. Napapailing na nag-dive siya sa kama at inabot ang cellphone niya. Tiningnan niya ang Catfish app at ganoon na lang ang paglaki ng mata niya nang makita nagmessage ulit ng makailang beses si Kak 2nd. Agad niya itong binasa.
Kak 2nd: But honestly, I love chatting with you. Hindi ka jejemon. I like how you talk to me in proper English. I really find you interesting. I hope I can change the way you think of me.
Kak 2nd: Did I freak you out?
Kak 2nd: Hey, are you already asleep?
Kak 2nd: I guess you already are and I hope I didn’t freak you out.
Tiningnan niya ang status nito. He’s still active. Napakagat-labi si Avon habang excited na nagta-type ng reply. Her heart is beating rapidly. Thank, God at ‘di pala ito na-turn off sa chat niya!
Mary Kay: Nope, I’m still awake. I was just saying good night to my mom and Kuya.
Kak 2nd: Whew! I thought I turned you off.
Mary Kay: Lol you’re funny. I even thought na-offend ka sa sinabi ko.
Kak 2nd: Not at all. As I’ve said, I find you really interesting. I want to know you more.
Lumaki ang ngiti sa mukha ni Avon. Kinuha niya ang unan at ginamit ito para takpan ang mukha niya. Tumili siya nang tumili habang nagpagulong-gulong sa kama.
‘Success!’