Chapter 1

1692 Words
“Nako! ‘Ayan na naman ang malalagkit mong tingin sa ultimate crush mo,” nanunuksong sabi ni Natasha nang mahuli nito si Avon na malagkit na nakatingin sa crush nito.  Kasalukuyan silang nakaupo sa bench sa gazebo na katapat lang ang oval kung saan masayang naglalaro ang mga kalalakihan ng frisbee. Kasama na doon si Keith. Pawisan na ito pero parang ang fresh pa rin nitong tingnan. Parang ang bango-bango pa rin nito. She rolled her eyes. Heto na naman kasi ang panunukso ng pinsan niya sa ama na si Natasha na kaklase rin niya. ‘Di rin  naman niya ito masisisi sa panunukso dahil ito lang ang bukod tanging nilalang na pinagkwentuhan niya tungkol sa pagsintang tampururot niya sa nag-iisang best friend niya na si Keith Adrian Kee.  She knew Keith since they were little kids. Naging classmate niya kasi ito noong kinder. At kahit noong araw ay napakahabulin na nito sa babae. Noon, hindi naman siya napapansin ni Keith. Isang tahimik na bata lang kasi siya na may suot na malalaking salamin at laging nakaupo sa pinakasulok ng classroom. And because of that, she sometimes gets bullied. Kumpulan siya lagi ng tukso dahil suot niyang salamin. And honestly, she doesn’t care. Hinahayaan niya lang ang mga kaklase niyang tuksuhin siya. But apparently, that’s the reason why she and Keith got closer. Malokong lalaki si Keith, pero ayaw na ayaw nito ng may nabu-bully nang dahil sa kung anumang rason.  Akala niya noon puro kalokohan lang ang alam nito. But when he got to know him better, doon niya nakita kung gaano katotoong tao si Keith. He’s not all about great looks, he has a heart that no one else sees, but her. At kahit sa batang edad ay doon na umusbong ang paghanga niya kay Keith.  “Bakit ‘di mo  na lang kasi sabihin na crush mo siya?” sulsol nito sa kanya. “Siraulo ka ba? Eh, kung sasabihin ko eh ‘di for sure iiwasan ako ng lalaking ‘yan. Saka alam mo naman na maloko ‘yan sa mga babae. Ayoko naman na biglang maging isa ako sa mga naging parausan niya,” mahabang tugon ni Avon dito. "Aw, sabagay… Ang pogi rin naman kasi ng lalaking 'yan--" Biglang napatigil si Natasha sa pagsasalita dahil sa nakakamatay na tinging ipinukol ni Avon dito. Bahagya itong natawa sa inasal ni Avon. Minsan ay ginaganahan si Natasha na asarin ito dahil masyado itong pikon.  "Back-off! Maghanap ka ng ibang crush," warning niya dito. “Iyong-iyo na siya, ano? Saksak mo pa sa baga mo,” nakatawa nitong sabi. “Ay siya nga pala. Alam mo iyong sikat na dating app ngayon?” pagkaraan ng ilang minuto ay tanong nito. Busy pa rin sa kakatingin kay Keith si Avon at hindi niya napansin na may itinatanong pala si Natasha. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay na humampas sa balikat niya. Agad siyang napalingon at nakita si Natasha na may hawak na ‘di kakapalan na notebook.  “What the!”  “May tinatanong nga ako sa’yo pero ‘di mo ako pinapansin kaya kasalanan mo,” nakangisi nitong sabi na parang hindi naman apektado sa talim ng tingin ni Avon sa kanya. “Ano nga ba kasi iyon? Kita mong tinitingnan ko crush ko eh. Napaka-party pooper mo talaga!” nakasimangot na saad niya. Nakapangalumbaba siya sa konkretong lamesa at ibinalik ang tingin sa mga lalaking naglalaro ng frisbee. Mas lumaki ang gatla sa noo ni Avon nang makitang tapos na ang laro at hindi niya alam kung sino ang nanalo. Malakas siyang napabuntong-hinga at humarap kay Natasha na nakangising-aso sa sa tabi niya. “Oh, you already have my attention. Ano ba ‘yon?” nagtataka niyang tanong. Bahagya pang nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay Natasha. “Eh, kasi nga tinatanong ko sa’yo kung alam mo ‘yung bagong dating app. Ang popular daw noon. Mag-sign up tayo para makahanap naman tayo ng jowa,” kinikilig na sabi ni Natasha. Para itong kiti-kiting sinilihan habang hinihila ang manggas ng blouse niya. “Ano ba!” masungit na angal ni Avon. Pinitik nito ang kamay ni Natasha para mabitawan nito ang manggas ng damit niya.  “Aray!” Masakit pumitik si Avon kaya agad na hinila ni Natasha ang kamay niya. “Ito naman ang kj minsan. Eh sa kinikilig ako?” rason nito. “Mapanakit ka kasi. Saka dating app lang kinikilig ka na?” “Oo naman! Kasi may naka-chat ako doon. Ang gwapo! Feeling ko magiging mag-jowa kami by the end of the month. Gawa ka na rin ng account para magka-jowa ka naman. Para ‘di mo na maisip ‘yang crush mo na hindi ka naman napapansin--” “Wow, may crush ka na pala, Avon?”  Avon felt like time froze as soon as she heard the deep sexy voice of a man—the voice that she’d known for almost all her life. The kind of voice which captured her heart for quite sometime now. Parang nag-slowmo ang lahat kay Avon lalo na’t iniakbay ng lalaki ang pawis nitong braso sa balikat niya at bahagyang inilapit ang ulo niya para magawaran ng isang simpleng halik sa noo. For others it’s disgusting, but for Avon, it’s a rewarding feeling. At least, she gets to be closed with him. At isa pa, may libreng kiss naman! “Eh, ano naman ngayon kung may crush ako?” agad niyang tanong nang makabawi siya sa huwisyo. Bahagya niya itong tinutulak dahil sa pangambang baka marinig nito ang lakas ng t***k ng puso niya. Ayaw niyang mahalata nito ang epekto ng simpleng pagkakadikit ng mga balat nila. ‘Yung tipong parang kinikiliti ang kaibuturan ng kanyang puso sa simple hawak nito. “Aba! Nagdadalaga ka na ba, Avon? Baka uutangan ka lang noon ng panty,” malokong sabi nito. Nakabusangot na nilingon ito ni Avon. Alam niyang binibiro na naman siya ni Keith. Paano ba naman kasi, fanatic yata ang nanay niya sa mga brochure ng pautang. Dahil ang totoo niyang pangalan ay Avon Sara Lee. “Bwisit ka talaga, Keith!” yamot na sabi niya. Siniko niya ito sa tiyan para magkaroon ng espasyo ang pagitan nilang dalawa. Nagwawala na naman kasi ang mga paru-paro sa tiyan niya.  Pero parang wala lang kay Keith ang pagsiko niya dahil tumawa pa ito nang pagkalakas-lakas.  “Ay nako, hayan na naman sila na para bang sila lang ang tao sa mundo. So, ako ay e-exit na lang muna, ano? Para may privacy kayong dalawa. Nakakahiya naman kasi nao-OP ako,” nakangising tukso ni Natasha. Hindi na hinintay ni Natasha ang sagot ng dalawa. Dali-dali nitong kinuha ang tote bag at isinukbit sa balikat. Walang lingon-likod ito na lumakad papalayo sa kanila. Napapailing na lang si Avon. Ganito lagi ang pinsan niya. Kapag lumalapit si Keith ay agad-agad itong umaalis para bigyan sila ng privacy. Ayon dito ay para daw hindi siya nakakaistorbo sa dalawa. Minsan kasi ay may mga usapan sila ni Keith na hindi nasasakyan ni Natasha. “So, ano ‘yung sinasabi ni Natasha na dating app?” tanong ni Keith pagkalipas ng ilang minuto. Hindi na nito inaalis ang pagkakaakbay kay Avon na hinayaan naman ng huli. “Bakit? Gagawa ka ba ng account?” nagtatakang tanong ni Avon na bahagya pang inilayo ang mukha para hindi aksidenteng magdikit ang pisngi nila ni Keith. “I don’t know maybe, pampalipas oras lang,” nakangisi nitong sagot. Nanlaki ang mga matang sinuntok niya ito sa tiyan. Ito talaga ang problema kay Keith masyado itong maloko. Parang lahat dito ay laro lang. “Wow, naman! ‘Di pa ba sapat ang mga babae mo sa pampalipas oras mo na ‘yan?” nakataas-kilay niyang tanong.  Bahagya pang nagulat si Avon nang makitang na-iba ang expression sa mukha ni Keith. Nawala sa mukha nito ang mapang-asar na ngisi. Bigla iyong napalitan ng lungkot habang nakatingin sa malayo ang mga mata. “Do you believe in love, Avon?” pagkakunwa’y tanong nito. Avon was taken aback by his question. Tiningnan niyang mabuti ang mukha ni Keith to make sure that he’s not fooling around. Biglang tumingin ng matiim si Keith sa mga mata ni Avon.  “Of course, I do. Tingnan mo na lang ang parents mo as an example. Why do you ask anyway?” “Wala lang.” He sighed. “I feel like everything is so easy for me. It seems like people love me because of my last name, my great looks… I mean everything and everyone swoons over me. I don’t know if the people around me are true to me or not. What if I lose everything, will they still like me? Gawa kaya ako ng account? And I will pose myself as a different person. You know? I think it will be a great social experiment,” madrama nitong sabi. “Marami naman sigurong nagkakagusto sa’yo pero ‘di mo lang napapansin kasi mas focused ka doon sa mga babaing nagpapakita sa’yo ng motibo,” matabang niyang sabi habang nagkibit-balikat. “Selos ka na niyan?” “Siraulo!” Tinulak niya ito para makawala sa pagkakaakbay nito. Ayaw niya kasing makita ni Keith ang namumula niyang mukha. Baka mamaya ay mapansin pa nito na higit pa sa kaibigan ang tingin niya rito. Nang magkaroon ng distansya ang pagitan nila ay agad niyang kinuha ang bag at isinukbit ito sa balikat niya. Akmang aalis na siya nang hawakan siya ni Keith sa kamay. Napalingon si Ava rito. Ang puso niya ay parang kakawala na sa dibdib niya dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. “B-bakit?” nauutal niyang tanong. “Siguro kung nasa iba tayong sitwasyon, I’ll have you as my partner. But we’re not. So, I won’t risk what we have just because of my selfishness.” Tumayo si Keith at binigyan siya ng halik sa noo. “I’ll try that app, baka may mahanap akong kasing-totoo mo,” anitong nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Avon was left dumbfounded.  Just what the hell is that all about?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD