Chapter 3

1093 Words
“Wow, ang ganda ng gising natin ah?” bati ni Natasha kay Avon.  Nakangiti kasi si Avon pagkapasok na pagkapasok nito ng classroom.  Nakaupo na ito sa pwesto nilang magkaibigan. Ugali na nila ang umupo sa bandang dulo ng classroom. Mas tahimik at parang kanila lang ang mundo. At isa pa, walang mang-iistorbo sa likuran nila dahil sila na nga ang pinakahuli sa row.  Agad inilagay ni Avon ang bag sa upuan at nakangiti pa ring umupo. Nakapalumbaba siyang tumingin kay Natasha na nakangiti pa rin. Naalibadbarang umiwas ito ng tingin sa kanya at napakamot ng ulo. “Wow, you’re really freaking me out, Besh!” anitong tiningnan siya uli na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. “Ang OA mo! Hindi ba pwedeng maging masaya sa araw na ito?” “At bakit ka naman masaya, aber? Juice ko! Ngayon lang yata kita nakitang ganyan. Dati-rati nakabusangot ang mukha mo papasok pa lang ng classroom. Pero ngayon, ang taray! Sinundo ka ba ni Love-of-your-life mo?” “Unfortunately, hindi. Saka nungka akong pupuntahan noon sa bahay para sunduin, not unless may kailangan ‘yun sa akin,” aniyang napasimangot na. “Ouch naman! Kung bakit naman kasi doon ka pa sa isang chickboy nagkagusto. Ang daming nagkakagusto sa’yo, alam mo ba ‘yun? Kaso nga lang ‘di mo napapansin dahil masyado kang preoccupied sa kanya. Mag-try ka na lang kasi doon sa app na sinasabi ko sa’yo.” Biglang napangiti ulit si Avon nang maalala niya ang Catfish app. Napataas ang kaliwang kilay ni Natasha nang makita niya ang ngiting pilit sinusupil ni Avon. “Ay, Besh! Alam na alam ko ‘yang ngiti mo na ‘yan!” agad na komento nito. “Wow, ha? Lahat na `lang ay alam mo! Kuya Kim, ikaw ba ‘yan?” natatawang niyang tanong.  Kinurot siya ni Natasha sa bewang at hinila ang armchair na inuupuan palapit sa kanya. Mahina ang boses nito na para bang may sekreto itong itatanong o sasabihin.  “Aray, ha?!” napasigaw niyang reklamo sabay hawak sa kanang bewang kung saan kinurot siya ni Natasha. “Nag-download ka ng Catfish, ano?” mahinang tanong nito na napapahagikik pa. Avon knows she cannot lie to Natasha. So instead of nodding, she just bit her lips. Agad naintindihan ni Natasha ang ibig niyang sabihin. Tumili ito nang malakas and in reflex, tinakpan niya ang bigbig nito gamit ang kanyang kamay. Natahimik ang maingay na mga classmates nila at patingin sa kanila. Nag-peace sign siya sa mga ito gamit ang libreng kamay at hilaw na ngumiti. Buti na lang at wala pa ang professor nila. Bumalik din sa chikahan ang mga classmates nila na parang walang nangyari. She sighed in relief.  Binatukan niya si Natasha pagkatapos matanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig nito. “Siraulo, kung makatili ‘to parang abnormal.” “Eh, sorna! Kasi naman kinikilig ako. Buti naman at naisipan mo na mag-create ng account. Ang daming pogi doon! Baka nga magkaka-jowa ka na dahil sa app na ‘yun.” “Hindi naman ako naghahanap ng jowa kaya ako nag-create ng account.” “Ay, g*ga lang? Eh anong gagawin mo sa account mo? Display?” “Hindi! Ganito kasi ‘yun, sinabi kasi ni Keith sa akin na gagawa raw siya ng account. Kaya gumawa rin ako.” “Ahh… So, stalker mode ka agad?” “Ang pangit mong ka-bonding alam mo ‘yun?” naiinis niyang sabi. Napipikon na siya kay Natasha. Parang ayaw siya nitong suportahan sa ginagawa niya. This could be her chance to make Keith fall in love with her! “Besh, I love you not because you are my best friend, but also because you are my cousin. I will tolerate your craziness as long as you benefit from it. Pero, Besh ‘yang ginagawa mo mas malulubog ka lang sa putikan. Baka ‘di ka na makaahon? Sometimes you need someone to knock some sense into your head, alam mo ‘yun?” napapailing na sabi ni Natasha. Frustrated na sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri nito. Umayos na ito ng upo dahil dumating na rin ang professor nila sa Geometry. Hindi mawala sa isip ni Avon ang sinabi ni Natasha. Ang gusto lang naman niya ay mapansin siya ni Keith nang higit pa sa pagiging magkaibigan nila. Though she knows that Natasha has a point, this is the only way she can think of. Dahil sa isiping iyon ay hindi siya makapag-concentrate sa klase nila. Tulala lang siyang nakatingin sa whiteboard hanggang sa matapos ang morning class nila. “Okay ka pa ba?” tanong ni Natasha sa kanya habang nagliligpit ito ng gamit. “Matapos mo akong novena-han kanina, itatanong mo pa talaga kung okay lang ako? Malamang hindi!” sagot niya kay Natasha na bahagya pang inikot ang mga mata. Sinimulan na rin niya ang pagliligpit para makapunta na sila sa canteen upang kumain ng tanghalian. Huminga si Natasha nang malalim. Itinigil nito ang pagliligpit at hinarap si Avon. “Besh, alam mo naman na mahal na mahal kita ‘di ba? Suportado kita sa lahat pero ‘yang kay Keith medyo diskumpyado talaga ako eh.” Huminga ulit ito nang malalim nang makita nito ang nakabusangot na mukha ni Avon. Ipinikit nito saglit ang mga mata na parang nagpapakalma sa sarili bago tumingin ulit sa pinsan. “Pero sige na, kung saan ka masaya eh ‘di suportahan taka,” dagdag pa nito na ginaya ang commercial ng isang sikat na kape. Bahagyang napatawa si Avon at itinigil niya saglit ang pagliligpit at hinarap si Natasha. Niyakap niya ito nang mahigpit.  “Alam ko namang sinabi mo lang ‘yun sa akin kasi ayaw mo akong nasasaktan. Pero promise last na ‘tong katangahan ko. If this fails, at least I can tell myself that I tried, right?” aniyang bumitaw na ng yakap kay Natasha.  “Hay, matigas din naman ang bungo mo kaya gora ka lang. But please, Besh, learn to let go rin pag may time. Pero as of now, ako ang magiging konsensya mo.” “Salamat, Tash,” sinsero niyang tugon. Alam na alam kasi ni Natasha ang mga katangahang ginawa niya para kay Keith pero ganoon pa rin naman ang resulta––he still saw her as a friend. Nothing more, nothing less.  Ngumiti lang ito sa kanya at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit. Ganoon din ang ginawa niya. Pagkatapos ng ilang minuto ay magkasama na silang lumabas ng classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD