Bahala na. ‘Yan ang tanging naisip ni Avon nang makita ang nagsusumamong mga mata ni Keith. Paano niya nga ba matatanggihan ito kung ganitong parang nagmamakaawa ito kung tumingin sa kanya. “Pasensya ka na, Keith,” malungkot niyang sabi sa binata. “Kaunti lang naman kasi ang alam ko about kay Kay. Kasi nga nasa ibang bansa siya tapos hindi pa kami masyadong nagkakausap sa phone. Saka mga musmos pa lang kami noong last kaming nagkabonding,” pagdadahilan niya rito. She has to be firm with her decisions. Kapag titigil, dapat titigil na talaga. Or else she will just be digging her own grave. Keith heaved a sigh. Binitawan nito ang mga kamay niya at tumingin sa kawalan. “Ano ang totoo niyang pangalan?” “Angel. Angel Summers.” “Angel Summers? Bakit ang pamilyar ng name niya? Sigurado ka ban