Chapter 14

1428 Words
“Hay sa wakas at tapos na ang klase,” himutok ni Tasha. “ Feeling ko minsan nag-i-internal hemorrhage ako kapag math na ang subject natin. Diyos ko! Ba’t ba ito ang course na pinili ko?” overreacting na pagkakasabi nito na hinilot-hilot pa ang noo. Palabas na sina Avon at Tasha ng classroom. Balak nilang tumambay ulit sa paborito nilang gazebo kung saan tanaw na tanaw nila ang field. Bukod kasi sa malamig ang simoy ng hangin doon ay kaharap lang din ito ng Engineering building. Kita pa nila ang mga labas-pasok na mga estudyante sa building. Para kay Tasha ay perfect spot iyon para makakita ng prospect boylet. “Bandwagon ka kasi kaya ‘ayan napala mo,” tukso ni Avon dito na bahagya pang natawa. Kipkip niya ang libro niya sa Math habang ang hobo bag ay nakasabit sa kanang balikat niya. “Siyempre technique ‘yun para may makopyahan ako sa quizzes at exams. Mindset ba, mindset.” Napailing na lang na natatawa si Avon sa pinsan. “Puro ka kalokohan. Ang laki kaya ng scores mo sa exam at quizzes.”’ “Syempre kapag alam ko ang sagot, sasagutin ko ‘yun ng walang pag-aalinlangan. Kapag hindi naman, sa’yo na ako magtatanong,” nakangisi nitong saad. Inakbayan siya nito hanggang sa makalabas na sila ng building. Tamang-tama na bakante ang gazebo kaya doon na sila dumiretso. Minsan kasi ay puno iyon ng estudyante na gustong tumambay o mag-aral doon. Hindi naman kasi exclusive ‘yun para sa kanila. Kaya malaya ang ibang gamitin iyon. Maraming tao sa field. Ang iba ay naglalaro ng frisbee ang iba naman ay nakaupo lang sa lilim ng mga puno ng acacia—may magbabarkada at mayroon namang mga magsyota na animo’y nagde-date. Inilapag nila ang mga bag nila sa mesa. Si Avon ay umupo na sa bench samantalang si Tasha ay nakatayo pa rin habang binubuksan ang bag na para bang may hinahanap doon. “Ewan ko sa’yo, Tasha ang dami mong alam,” naiiling niyang komento. Matalino naman si Tasha. Kaso nga lang reklamador ito kahit na nga ba alam naman nito kung paano Maya-maya ay nakita ni Avon na kinuha ni Tasha ang wallet sa bag nito. “Couz, dito ka muna ha? Bili lang ako ng chichirya sa canteen. May gusto ka bang ipabili?” Inilagay ni Avon ang hintuturo sa sentido habang nag-iisip. “Wala akong maisip damihan mo na lang ng chichirya tapos samahan mo na rin ng softdrink, pantulak.” “Okay. Be right back!” Kumaway ito sa kanya at iniwan na siyang mag-isa sa gazebo. Pasimpleng kinuha ni Avon ang cellphone at hin-ide ang Catfish app. Although desidido na siya na hindi na niya itutuloy ang binabalak niya, ‘di niya pa rin magawang i-delete ang app. Para kasing may bumubulong sa kanya na ‘wag itong i-delete. At dahil minsan ay may pagkachismoso si Keith na bigla na lang nang-aagaw ng cellphone ay minabuti niya na lang na i-hide ang app para ‘di nito ito makita. Halos mahulog ang cellphone ni Avon sa sobrang gulat nang may biglang sumigaw sa gilid niya. “Avon! Kumusta ang benta?” Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita si Keith na mukhang ka-sho-shower lang dahil sa basang buhok nito. Nakasuot ito ng plain tshirt na puti, basketball shorts at sneakers na kulay puti rin. Dala-dala nito ang may kalakihan na gym bag. Malaki ang ngisi nito habang papalapit sa kanya. Mukhang nasa good mood ito. “Ano’ng benta ang pinagsasabi mo?” taas kilay niyang tanong dito. “Ginulat mo pa ako. Muntikan na tuloy mahulog ang cellphone ko sa sahig. Kapag ito nabasag, magpapabili talaga ako sa’yo ng panibago. ‘Yung pinakamahal pa ang pipiliin ko.” “Asus, kahit ngayon pa bibilhan na kita,” mayabang na sagot nito na sinuntok pa ng dalawang beses ang dibdib. “Grabe ang hangin, ah? Palibhasa kasi mayaman ang angkan ninyo.” “Bakit ang pamilya ninyo hindi ba? Kuripot ka lang talaga kaya magpapalibre ka pa.” Inilagay nito ang gym bag sa lamesa at umupo ito sa tabi niya. Inakbayan siya nito sabay hila at ginulo ang kulot niyang buhok na nakalugay lang. Agad niyang tinulak si Keith pero malakas ang binata. Walang magawa si Avon kung hindi ang iilag ang ulo at patuloy na itulak ang dibdib nito palayo sa kanya. “Ano ba, Keith. Tama na! ‘Yung buhok ko!” malakas na angal niya. Tumawa lang ang binata pero tinigil na rin nito ang paggulo sa buhok niya. Nanatili pa rin itong nakaakbay sa kanya. Naiinis na sinuntok niya ito sa balikat at inayos ang buhok. “Ang hilig mo talagang manggulo ng buhok. Alam mo naman na kulot ako,” nakasimangot niyang reklamo kay Keith. Kinuha niya ang panali niya ng buhok sa bulsa ng hobo bag niya at itinali ito. Tumawa lang ulit sa kanya ang binata at ‘di pinansin ang reklamo niya. “Ba’t ba ang hyper mo ngayon? Wala naman kayong game ngayon, ah? Kasi kung meron panigurado sasabihan mo akong manood,” tanong niya rito pagkatapos maipusod ang buhok. “Wala nga. Practice game lang namin ngayon. Saka ‘di ba pwedeng maging masaya?” pilosopo nitong sagot. Isinampay ni Keith ang mga braso sa mesa habang nakangising tumingin sa harap. Tiningnan ni Avon ang direksyon kung saan nakatingin si Keith pero wala siyang makitang kakaiba doon. Ni walang isang estudyante ang nandoon. Tanging building lamang iyon ng College of Arts and Sciences. “Nagkausap ba kayo ni Kay kaya masaya ka?” nananantiya niyang tanong sa binata. “Oo, nagkausap kami. Pakiramdam ko nga dini-discourage niya akong manligaw, eh,” anitong bakas ang amusement sa mga mata. “Oh, ba’t parang tuwang-tuwa ka?” naguguluhang tanong ni Avon. ‘Di ba dapat ma-discourage siya dahil pa-hard to get ang babae? “I knew she’d be very interesting. And I like that she’s pushing me away.” Lumingon ito sa kanya at ngumiti. “Wow, straight English ‘yun, ah? Kian, ikaw ba ‘yan?” biro niya para pagtakpan ang umuusbong na kaba sa puso niya. Avon can clearly remember how she pushes Kian away. Well, siya as Mary Kay. Buong akala niya ay nahikayat niya ito sa usapan nila kagabi dahil hindi na ito nag-reply pa. Pero mukhang nagkamali siya. Mukhang mas na-challenge pa yata si Keith. “‘Tado! Hayaan mo na minsanan lang naman,” anitong natatawa pa. “Pero ewan ko ba doon kay Kian. Tagalog naman usapan namin sa bahay pero mas bet niya talaga ang mag-English. Si Kristoff naman Taglish. Ako lang talaga itong purong Tagalog.” Tumigil ito sa kakasalita at bumuntong hininga nang malalim. “Akala ko talaga nagkakamabutihan na kami. Kaya gulat na gulat ako nang sabihin niya na mas mabuting magkaibigan na lang kami at ‘wag nang palawakin nang higit pa roon ang relasyon namin. ‘Tado! Alam mo ‘yung mas na-excite pa ako? ‘Di ako makapaniwala na may tatanggi sa akin pagkatapos kong magpakilala sa kanya.” “So, anong balak mo?” “Tulungan mo akong mapalapit sa kanya gaya ng request ko sa’yo noon. ‘Di mo naman ako kailangan na ilakad. Ako na ang didiskarte doon. Ang kailangan ko lang mga impormasyon about sa kanya. Gaya ng kung ano ang mga gusto niya o kaya ‘di niya gusto.” Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata. Halos ‘di siya makatingin rito dahil sa tindi ng dagundong ng puso niya. ”Please, Avon. Tutulungan mo naman ako, ‘di ba?” “Pero wala naman akong masyadong alam sa kanya, Keith. Nagkukumustahan lang kami kapag tumatawag si Tito. Saka nagulat nga ako na ka-chat mo siya kasi ‘di ‘yun mahilig mag-cellphone. Minsan nga inaasar pa siya ni Tasha, eh kasi dinaig niya pa ang nakatira sa bundok,” pagdadahilan niya. Hindi pwedeng mapa-oo siya ni Keith or else mahihirapan siya na hindi na ituloy ang plano niyang magpanggap bilang si Kay. “‘Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit desidido akong makilala siya ng lubusan. Siya lang ang bukod tanging tumanggi sa akin. Parang wala siyang pakialam kung sino ako. Kung ibang babae pa siya baka ‘di na ako tinantanan ng message. Pero siya dini-scourage pa ako na kilalanin siya ng tuluyan. At kung totoo ang sinabi mong ‘di siya mahilig mag-cellphone, then pakiramdam ko itinadhana talaga kaming magkakilala. Baka siya na ang hinihintay ko nang matagal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD