“Hindi kita maintindihan, Keith,” agad na saad ni Avon dito. Unti-unti ay umuusbong ang pagkainis sa puso niya. May mga panahong parang nagpapahiwatig ito ng feelings nito sa kanya tapos kapag ipu-push niya ang topic ay umiiwas na naman ito. Ano ba talaga? Pati siya ay naguguluhan na rin. “Ang alin?” kunot-noong tanong nito. “‘Yung parang may sekreto kang itinatago,” malakas ang loob na sabi niya rito. It’s now or never. “Minsan feeling ko gusto mo iyong sabihin sa akin pero kapag pinu-push ko naman ang topic, lagi mo sinasabi ‘wag ko ng isipin iyon. Kaya minsan kapag ganyan ang mga sinasabi mo sa akin ‘di ako mapalagay sa kakaisip kung ano ba ‘yun at kung bakit ayaw mo ng ungkatin ko pa. ‘Yung totoo nang-tri-trip ka ba?” Mahinang napatawa si Keith at ginulo ulit ang buhok ni Avon. Tu