Chapter 22

2338 Words

“Sure ka ba talaga na hindi mo ako sasamahan sa court, Tash?” ungot ulit ni Tasha matapos ang klase nila ni Tasha sa umaga. Nang-iimpis na sila ng mga gamit at naghahanda nang lumabas ng classroom. Tamang-tama kasi na magla-lunch time na kaya inaaya niya ang pinsan na sabayan siya sa basketball court. “Sabi naman ni Keith na okay lang kung nandoon ka.” “Ihahatid na lang kita roon pero hindi na ako sasabay sa inyo. Mang-iinggit lang kayo sa single,” agad na sagot ni Tasha sabay irap sa kanya. “Saka wala na tayong klase mamayang hapon. Kaya malaya na kayong mag-date.” “Kinakabahan ako, Tash. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kapag nandyan siya kasi, ‘di ba? Level up na ang relasyon namin,” amin niya rito. Isinara na niya ang bag niya at isinukbit sa balikat. “Ano ka ba? Kung kailan kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD