Nakakaliyo, nakakadarag. ‘Yun ang mga naramdaman ni Avon nang matikman niya sa unang pagkakataon ang halik ni Keith. Tila siya nililipad sa alapaap at idinuduyan habang nagsipaghulugan ang mababangong talulot ng mga rosas. Humigpit ang yakap ni Keith sa bewang ni Avon at mas inilapit ang katawan niya sa katawan nito. Gustong galugurin ni Keith ang bibig ni Avon pero alam niyang hindi pa handa ang dalaga. Ayaw niya rin itong biglain. Wala pang karanasan si Avon sa pagnonobyo at ayaw niyang isipin ng dalaga na sinasamantala niya ito. Kung sa ibang babae lang ay baka sa kama na sila humantong. At ‘yun ang hinding-hindi niya gagawin kay Avon. Pagkalipas ng ilang sandali ay inilayo na ni Keith ang mga labi sa mga labi ng dalaga. Ayaw pa sana niyang tapusin pero unti-unti na siyang nawawala sa