Dahil sa usapan nila ni Keith kagabi ay halos ‘di na nakatulog si Avon. Ni hindi na niya napansin na sumikat na pala ang araw sa silangan at kailangan na niyang maghanda para pumunta sa klase niya. Agad siyang bumangon mula sa kama at naghanda nang maligo. Pagkalipas ng halos isang oras ay nakabihis na siya at handa nang pumunta sa eskwelahan. Nakasuot na siya ng uniform nila ma blusang puti at checkered na palda na lampas tuhod ang haba. Ang sapin niya sa paa ay isang mamahaling ballet flats na kulay itim. Nag-spray pa siya ng pabangong regalo sa kanya ni Keith noon at tiningnan ang sarili sa salamin. Sinigurado niyang kahit nagmumukha siyang panda dahil sa nangingitim niyang eyebags ay mukha pa rin siyang presentable. Nang ma-satisfied na siya sa kanyang itsura ay lumabas na siya ng kw